Share

Chapter 40: Bottle

Rain’s POV

Wala na talaga akong idea kung ano pa ang dapat kong gawin. Tinawagan ko si Zea ngunit hindi ako makahanap ng tamang salita na pwedeng sabihin sa kanya. Blanko ang isipan ko at tanging paghikbi lang ang tanging nagawa.

Lumipas ang oras at hindi ko na nagawang bumalik sa klase. Nanatili na lamang ako sa rooftop, tahimik akong nakaupo at sinusubukang wag isipin ang problema. Papikit na sana ako nang maramdaman kong may dumating.

“Nandito ka lang pala.” Hingal na hingal na sabi ni Jiro nang maupo ito sa harapan ko para magtama ang paningin namin.

“Jiro.” Iyon lang ang lumabas sa bibig ko bago niya ako tapik-tapikin ng marahan sa ulo habang nakangiti.

“Iiyak mo lang ‘yan.” Sabi niya kaya kahit pagod na sa pag-iyak ay tumulo na naman ang luha ko. Okay na rin siguro ito, kailangan ko talagang ilabas ang lahat ng sakit hanggang sa wala nang luha ang lumabas sa mga mata ko.

Hinimas-himas niya ang l

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status