Share

Chapter 36

Dalawang araw na ang lumipas binabagabag parin ang inisapn ni Nadia sa huling pag-uusap nila ni Enrico. Nang araw din iyon nagpaalam sa kanya si Enrico na hindi siya makakadalaw ng ilang araw dahil pupunta ito ng Cebu. Nag iwan lang ito ng maraming groceries at nag abot ng pera kay Nadia for her personal needs.

Sa mga raw na hindi niya nakikita si Enrico naging malungkot siya. Wala siyang lakas na bumangon o gumalaw. Gusto niya lang mahiga buong maghapon-magdamag. Ngunit hindi iyon pwede. Kailangan niya rin asikasuhin ang sarili niya.

"Ineng, iyon bang lalaki na palaging pumupunta sa bahay mo ay boypren mo?" tanong ni Aling Rosa nang gumawi si Nadia sa kanyang tindahan. "Bilib rin ako sa batang iyon, mantakin mo ba naman bente-kuwatro oras iyan nagbabantay sayo. Muntik pa nga ako tumawag ng tanod dahil baka isa siyang masamang tao. Pero nang makita ko ang lungkot sa mga mata niya habang nakatanaw sa bahay mo, naku, awang-awa ako sa kanya. Talaga nga'y ikaw ay tunay niyang minamahal.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status