Share

Montgomery Series 1: Burning Hearts
Montgomery Series 1: Burning Hearts
Penulis: Pink Butterfly

Chapter 1

Kumunot ang noo ni Nicoline nang mapansin na maraming sasakyan sa labas ng building nila. Kaya nahirapan din siyang maghanap ng parking lot. Mabuti na lang at may isang sasakyan ang umalis kaya siya nakapagpark.

Sinigurado niyang dala na niya ang lahat ng gamit bago bumaba ng sasakyan. Doon niya lang napansin na tadtad ng tawag ng kanyang sekretarya ang cellphone niya. She already knew something was not going right. She hurriedly went inside the building only to find out that a lot of people are waiting for her.

"Nikky!" Agad siyang nilapitan ni Irene, her secretary. Bakas sa mukha nito ang labis na pag-aalala. "Nasa loob ang anak ni Governor..."

"Sino sa tatlo?" tanong niya kahit alam naman niya kung sino ang narito.

"Ang panganay..."

Nicoline closed her eyes and breathed heavily. She already knew why he's here. Ang binata lang naman kasi ang laman ng mga artikulong ginagawa niya nitong mga nakaraang Lingo kaya inaasahan na niya ang ganitong konprontasyon. Kasisimula pa lang niya bilang journalist, itinatayo pa lang niya ang sariling pangalan ngunit halos lahat ay kilala siya lalo na't ilang mga matutunog na balita na ang kanyang naisulat sa probinsya at buong Pilipinas.

"Sana ay hinintay mo muna ako bago mo pinapasok," mahina ngunit nandoon ang inis sa tono ni Nicoline.

Nitong mga nakaraang buwan, kaliwa't kanan ang patayang nagaganap sa kanilang lugar. Sa likod ng mga patayang ito, droga ang hinihinalang puno't dulo ng lahat batay na rin sa imbestigasyon ng mga pulisya. At first, she thought those were just some unsolved cases but she figured out there's a pattern behind these killings that lead to one family, Montgomery.

Karamihan sa mga napapatay ngayon ay mga taliwas sa pamilya ng mga Montgomery at mayroong kinalaman sa droga. Kaya naisip ni Nicoline na may alam ang mga Montgomery sa mga patayang nagaganap. Pascual Montgomery, ang ama ng magkakapatid na Montgomery ay makapangyarihan. He is known for being the ruthless Governor.

He is their Governor for almost two decades and his regimen is not smooth as people thought. Maraming media practitioners ang pinatay at nawala sa mga panahong ito ng Gobernador... at isa na roon ang ama ni Nicoline.

Isa pa, lahat ng bumabangga sa Montgomery ay hindi nagtatagal. They're using their money and name in very unethical way. Nevertheless, their province became well in his time. Maraming imprastaktura ang naipagawa nito at gumanda rin ang kanilang syudad, pati ang turismo ay lumago dahil sa pagbibigay tuon ng kanilang lokal na gobyerno sa mga natural beaches na mayroon sila.

"They gave us a short notice that he'll go here, Nikky. Wala naman akong magagawa kung hindi ang pumayag na lang. Sino ba ako para tanggihan ang anak ng Governor?" ani ng kanyang sekretarya.

Nicoline obviously doesn't like this. Her schedule is always fix. Kung mayroon mang gustong makipag-usap sa kanya, lagi iyong nakaschedule.

"Hindi dahil anak siya ng Gobernador ay bigla-bigla na lang siyang pupunta rito," nakataas ang kilay niyang sagot sa kanyang sekretarya na ngayon ay nag-aalala na sa sitwasyon.

"Nikky, Gobernador ang pinag-uusapan natin dito. Hindi naman siya kung sinong tao lang..." Alam ng kanyang sekretarya na magkakaroon ng problema kung papairalin ni Nicoline ang ugali niya.

Nicoline inhaled a deep breath to calm herself. Saglit niyang inipon ang lakas ng loob na mayroon siya ngayon bago harapin ang binata.

Dumiretso siya sa kanyang opisina at binuksan iyon. Agad namang sumalubong sa kanya ang matapang na pabango, na marahil ay naipon na sa loob.

His long and sexy back is against her sight...

Napalunok si Nicoline sa nadatnan sa kanyang opisina.

"Anong masamang hangin ang nagdala sa paboritong anak ng Governor sa opisina ko?" Agad na lumingon ang binata sa kanya nang marinig nito ang matapang niyang boses.

Lihim na napamura si Nicoline sa isip nang magtama ang kanilang mga mata, pero pilit niyang hindi magpakita ng kahit anong reaksyon sa mukha.

Umiwas siya ng tingin at nilagpasan ang binata. Inokyupa niya ang kanyang swivel chair at inilapag sa lamesa ang bag na kanyang dala. Batid niyang nakatitig sa kanya ang binata at hindi niya mapigilang makaramdam ng matinding kaba.

"Good morning..." bati nito sa kanya.

Hindi alam ni Nicoline kung bakit naghumerantado ang puso niya sa malalim at namamalat na boses ng binata.

"Tell me why you're here, Storm..." Malamig ang tono ng boses ni Nicoline.

Muli siyang nag-angat ng tingin sa binata at hindi niya mapigilang mapatitig dito.

Malinis at maayos ang gupit nito na para bang ilang oras iyong nilagyan ng pomada para umayos. Malapad din ang mga balikat nito at kahit anong angulo, labas na labas ang mga panga ng binata. His eyebrows are thick and his eyelashes are longer than the usual. Matangos din ang ilong nito at mapula ang maninipis na labi. Ang mga mata ng binata ay para bang perpekto ang pagkakagawa. His eyes are deep, meaningful, and both mesmerizing.

Walang tapon dito at para bang walang makitang pisikal na kamalian si Nicoline sa kanya. Walang duda kung bakit maraming babae ang nahuhumaling dito.

Bumalik lamang si Nicoline sa realidad nang tumikhim ito.

"You know why I'm here..." Katulad niya, walang kahit anong emosyon din na ipinapakita ang binata sa kanya.

He's cold like an ice. Ano pa nga bang bago? Dati pa lang naman ay malamig na ito sa lahat ng tao.

Hindi naman siya nagpatalo at sinalubong ang malamig nitong titig sa kanya.

"Huwag mong sabihing babayaran mo rin ako para itigil ang paggawa ng balita tungkol sa inyo?" she replied with the same intensity like his voice.

Kumunot ang noo nito at para bang mas lalo itong gumuwapo sa paningin ni Nicoline.

"I don't know where your baseless sources came from, Nikky. I want you to stop it as soon as possible," mariin nitong tugon sa kanya.

"Make me stop, Storm..." ani Nicoline at ngumisi. Batid niyang hindi nito nagustuhan ang kanyang tugon dahil mas lalo pang nagsalubong ang mga makakapal nitong kilay. She likes mocking and provoking him a lot.

Storm and Nicoline were classmates in law school. Dalawang taon silang magkaklase bago tumigil si Nicoline sa pag-aaral dahil sa bigat ng reponsibilidad ng kanyang trabaho. She wanted to be a lawyer before but her job is slowly killing her up to this date. That's why she gave up law school.

Buhay, dignidad at dedikasyon ang kailangan sa kanyang trabaho. Bilang media practitioner, alam niyang ang isang paa niya ay nakalubog na sa lupa.

Nicoline is willing to risk her life for everything. Gusto niyang maging makabuluhan ang buhay niya bago man lang bawiin sa kanya ng Diyos ang hiniram niyang buhay.

"Hinahamon mo ba ako, Nikky?" sagot sa kanya ng binata. His adam's apple moved up and down and Nicoline bit her lower lip for a second.

"What do you think, Storm? Sa tingin mo ba ay mababahag ang buntot ko dahil isa kang Montgomery?" Hindi nawala ang ngisi sa mukha ni Nicoline at batid niyang naiinis na ang binata sa kanya dahil nagtatagis na ang mga panga nito sa galit. Nakita rin niyang tumiklop ang mga kamao nito dahilan para lalong lumabas ang mga ugat nito sa kamay.

"I don't play dirty games, Nikky. I'm here to talk with you professionally regarding this matter," seyoso at mapanganib na ang boses nito.

"Well, I like playing dirty games, Montgomery. Hindi ba't doon naman magaling ang pamilya niyo? Ang maglaro sa maruming paraan?" Punong-puno ng hinanakit ang boses ni Nicoline. Alam nila pareho na unti-unti nang nag-aapoy ang kanilang usapan. Nicoline already expected this confrontation with him.

Noon pa man, taliwas na ang paniniwala nila sa isa't-isa. Storm thinks that money can do everything while Nicoline doesn't believe in his words. "You still don't know me. I know how to play fire more than you," hamon sa kanya ng binata. Hindi naman nagpatinag si Nicoline sa tinuran sa kanya ni Storm.

"Why are you exactly here?"

"You know why I'm here. I know you still haven't forget about our past that's why you're doing this to me."

"We don't have a past, Storm. Paano naaatim ng sikmura mo na sabihin na mayroong tayong nakaraan?" Pilit niya iyong itinatanggi kahit na alam naman niyang mayroon talaga. Ayaw niya lamang aminin sa sarili dahil hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin siya.

"You know what I'm talking about, Nikky. You're attacking me personally because of what I've done to you, right?"

Siya na ngayon ang nakakunot ang noo. Hindi niya nagustuhan ang sinasabi sa kanya ni Storm.

"I work professionally! Nagsisimula ako sa ibaba kaya wala kang karapatang akusahan ako na pinepersonal kita!" Tumaas nang bahagya ang kanyang boses dahil sa inis.

"Really?" Dahan-dahang lumapit sa kanya si Storm, dahilan para mas maamoy niya ang pabango nito at ang nakakaakit nitong hininga.

Nicoline wants to push him away from her but she's afraid to touch him again. She's afraid to feel the sparks when they first touched each other.

"Get out..." Her voice became weaker. Lalo na't ilang hakbang na lamang ang layo ng binata sa kanya.

"You know me, Nikky. Hindi ko kayang gawin kung ano ba ang mga isinusulat mo tungkol sa akin. I'm not my father and I will not be like him..."

Binasa ng binata ang kanyang ibabang labi at hindi mapigilang mapatitig ni Nicoline sa bawat galaw nito.

"H-Hindi ka rin iba sa ama mo, Storm... Nagawa mo nga akong lokohin, ang ibang tao pa kaya?"

"I have to do that for your sake. Alam mo iyon, Nikky..."

"I also have to do this because this is my job. Kahit buhay ko ay handa kong isakripisyo para sa katotohanan, para sa bayan," mabilis niyang sagot dito. "Kung wala ka nang sasabihin, you may go. Kung sa tingin mo ay ititigil ko ang pagsisiwalat sa baho ng pamilya niyo, nagkakamali ka. This is my job and I have my father's will. Kung buhay ang magiging kapalit nito, handa ako."

"Stop being stubborn. Dad will do everything to get rid of people who bug him."

Muli siyang nag-angat ng tingin kay Storm. "You still haven't changed. Duwag ka pa rin talaga hanggang ngayon," mariin niyang sabi sa binata.

Marami siyang gustong isumbat sa binata pero ayaw na niyang sabihin pa iyon sa kanya. She was quiet for a long time at ngayon lamang sila muling nagkaroon ng ganitong pag-uusap.

Hindi nakaimik si Storm sa sinabi niya kaya mas lalo siyang nasaktan. Para bang muling bumalik ang sakit na naramdaman niya noong sabihin nito sa kanya na hindi sila pwede, na iba na lang ang mahalin nito. That they needed to stop what they were doing because it was only a stupid and foolish idea.

Kailan man, hindi natuturuan ang puso na magmahal. Iyon ang paniniwalaan niya hanggang sa siya'y mamatay.

"Your family is doing illegal businesses, Storm! We both know that but you keep quiet! Sarili mong pamilya ang sumisira sa sarili nating bayan! Ganoon na ba kayo kagutom sa salapi at kahit pagpatay ay nagagawa niyo?"

"Are you sure it was my family who was behind the killings?"

"Sino pa nga ba ang dapat na sisihin? Karamihan kasi sa atin ay mayroong mga matang nagbubulagbulagan at mga bibig na may boses sa ibang bagay pero sa ganito ay pipi. Ano pa bang aasahan ko? Pera lang naman ang panapat niyo, hindi ba?"

"Nikky..."

"Stop it already. I'm declaring a war between your family doings."

"This is not the war I want to fight with you, Nikky..." Natigilan siya sa sinabi ng binata. Batid niyang iba ang ibig sabihin nito sa kanya.

"Stop giving me false hope. My biggest mistake was loving you too much. I don't want to lose myself again. I already learned my mistakes and it was you, who I regretted for loving too much," Nicoline told him.

Hindi na muling nakapagsalita pa si Storm sa sinabi niya. He's just quiet for a minute before he decides to speak again.

"Do you... still love me?"

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status