Stepbrother Damien (SPG)

Stepbrother Damien (SPG)

last updateLast Updated : 2025-10-26
By:  RAMONAUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
4Chapters
14views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Nang muling mag-asawa ang kanyang ina sa isang mayamang negosyante, napilitan si Sunshine Cordero na manirahan sa isang marangyang mansyon, malayo sa tahimik na buhay na nakasanayan niya. Lahat sa bagong mundong iyon ay sumisigaw ng luho... at panganib, lalo na nang makilala niya ang kanyang bagong stepbrother na si Damien Villarin. Malamig, kumplikado, at nakakaakit sa paraang delikado, si Damien ang tanging tagapagmana ng bilyon-bilyong negosyo ng kanyang ama. Mula pa lang nang unang araw na tumapak si Sunshine sa kanilang bahay, ipinakita na ni Damien na hindi siya kabilang doon. Ngunit ang tensyon sa pagitan nila ay mabilis na nagbago, naging isang bagay na hindi na nila kayang pigilan. Isang damdaming madilim, mapanganib, at ipinagbabawal. Habang patuloy na naglalaban ang pagnanasa at katotohanan, napagtanto nina Sunshine at Damien na ang nararamdaman nila ay maaaring magwasak ng kanilang mga pamilya. Ngunit kahit alam nilang mali, tila hindi na nila kayang lumayo sa isa’t isa. Sa mundong puno ng kapangyarihan, lihim, at tukso, paano mo pipigilan ang isang pag-ibig na kailanman ay hindi dapat maramdaman?

View More

Chapter 1

Chapter 1

Mainit ang hangin nang huminto ang itim na SUV sa tapat ng malawak na gate. Summer na rin kasi kaya ganon na lamang kataas ang araw kahit maaga pa. Sa likod ng tinted window, nakamasid si Sunshine habang unti-unting bumubukas ang metal gate ng Villarin mansion. Umawang ang bibig niya sa pagkamangha. Halos hindi siya makapaniwala sa lawak ng lugar na iyon, mga haliging puti, berdeng hardin na parang galing sa magazine niya lang nakikita, at mga mamahaling sasakyang nakaparada sa driveway. Parang isang palasyo. Ang bawat sulok ng lugar ay sumisigaw ng yaman at kapangyarihan, at sa gitna ng lahat ng iyon, pakiramdam ni Sunshine ay isa siyang bisita sa mundong hindi kanya. Pakiramdam niya ay hindi siya nababagay sa lugar na iyon.

“Anak, ayusin mo ang sarili mo, ha? Huwag kang magpapasaway sa akin dito,” mahinahong paalala ng ina niya, si Alona, habang inaayos ang buhok nito sa salamin. “Ngayon na magsisimula ang bagong buhay natin.”

Bagong buhay.

Dalawang salitang maganda pakinggan, pero mabigat sa dibdib ni Sunshine. ‘Kung bagong simula ito, bakit parang ang hirap huminga?’ isip niya.

Pagbaba nila ng sasakyan, agad siyang sinalubong ng malamig na simoy ng hangin na galing sa bukas na pinto ng mansyon. Sa loob, nakatayo ang ilang kasambahay, maayos na nakapila at nakangiti sa kanila ng kanyang ina. Ang kisame ay mataas, may chandelier na kumikislap sa liwanag ng araw, at ang marmol na sahig ay halos kasing-lamig ng pakiramdam niya sa loob.

Sa dulo ng hagdan, may isang lalaking nakasuot ng dark gray slacks at puting polo, matangkad, maayos, at nakatingin direkta sa kanila. Hindi ito ngumingiti, at ang bawat tikas ng katawan ay may halong awtoridad at distansya.

“Siya si Damien,” bulong ng ina niya, bago sila lumapit. “Anak ni Martin. Gusto kong ituring mo siya na parang sariling kapatid. Isang nakakatandang kapatid. Alam kong iyon din ang gusto ng Tito Martin mo para sa inyo.”

Tumaas ang balikat ni Sunshine, pinilit huwag kabahan. Pero nang mas lumapit sila, mas ramdam niya ang presensya ng lalaki, ang malamig nitong titig na parang dumidiretso sa kaluluwa niya.

“Sunshine, this is my son, Damien Villarin,” pakilala ni Martin, ang bagong asawa ng ina niya, na kararating lang mula sa veranda. “Damien, this is Alona’s daughter… si Sunshine.”

Sandaling natahimik ang paligid. Parang biglang nawala ang lahat ng tunog, maliban sa mahinang tik-tak ng wall clock sa malayong sulok.

Tinitigan ni Damien si Sunshine mula ulo hanggang paa. Hindi ito ngumiti. Hindi man lang nag-abot ng kamay. “We are talked about this, right? You didn’t tell me they were moving in this soon,” malamig nitong sabi sa ama, pero hindi inalis ang tingin kay Sunshine.

“I wanted it to be a surprise,” nakangiting tugon ni Martin, walang kamalay-malay sa tensyon sa pagitan ng dalawa. “You’ll get along soon, I’m sure. Mabait na bata si Sunshine, hindi ka mahihirapan na kilalanin siya.”

Pero alam ni Sunshine, hindi iyon mangyayari.

Matalim ang mga mata ni Damien. May halong pagtataka, may bahid ng paghusga. Parang isang titig pa lang ay alam na nitong hindi siya bagay sa mundong iyon.

Matapos ang ilang sandali, lumapit ito nang bahagya, tumigil sa harapan niya. Amoy niya ang faint scent ng mamahaling pabango nito, malamig pero nakakaadik.

“So you’re the new addition,” marahan nitong sabi, halos pabulong pero may bigat sa bawat salita. “Welcome to the mansion.”

Ngunit sa paraan ng pagkakasabi niya, parang insulto ang bawat letra.

“Thank you,” mahinang sagot ni Sunshine, pilit na kalmado ang boses. “We’ll try not to disturb, ”

“Good,” mabilis nitong putol. “Just stay out of my way at magkakasundo tayo.”

Napatigil siya. Bahagyang napaawang ang labi, pero pinili niyang huwag sumagot. Hindi siya pinalaki ng ina para makipag-away, lalo na sa unang araw nila sa bagong tahanan. Pero habang nakatingin siya kay Damien, ramdam niya ang init sa dibdib, hindi lang sa galit, kundi sa kakaibang tensyon na ayaw niyang bigyang-kahulugan.

Mula sa gilid, hinawakan ng ina niya ang braso niya. “Let’s go upstairs, anak. Papakilala tayo sa mga staff mamaya,” sabi nito, pilit na ngumiti.

Habang umaakyat sila sa grand staircase, napansin ni Sunshine ang mga larawan sa dingding, mga lumang portrait ng pamilya Villarin. Lahat mukhang perpekto, maliban sa ngayon.

Sa likod nila, narinig niya ang tinig ni Damien, mababa at malinaw. “She doesn’t belong here, Dad. You know that. Ayos lang sana kung asawa mo ang dinala mo rito, pero nagdala pa talaga ng plus one.”

Natigilan siya. Para bang binuhusan ng malamig na tubig ang likod niya. Hindi niya alam kung ano ang mas masakit, ang tono ng panlilibak, o ang katotohanang baka tama ito.

Makalipas ang ilang oras, tahimik na nag-ikot si Sunshine sa malawak na hardin. Ang hangin ay malamig, pero hindi nakakaaliw. Sa bawat hakbang, pakiramdam niya ay mas lalong lumalayo siya sa sarili. Sanay siya sa simpleng bahay, sa kaluskos ng hangin at tawanan ng mga kapitbahay, hindi sa marmol na sahig at katahimikan na parang umaalingawngaw.

Mula rito, tanaw niya ang bahay sa kabuuan, ang malalaking bintana, ang lawak ng pool na parang walang hanggan, at ang mga ilaw na tila walang patay. Parang bawat kislap ng mansion ay paalala na hindi ito kanya.

“Miss Sunshine,” tawag ng isang kasambahay. “May gusto po ba kayong meryenda? Ipaghahanda ko po kayo.”

Umiling siya, at ngumiti. “No, thank you. Hindi pa naman ako nagugutom.”

Nang lumingon siya, nagulat siya nang makita si Damien sa di-kalayuan, nakatayo sa gilid ng pool. Naka-itim itong polo shirt, may hawak na baso ng alak. Ang tingin nito sa kanya ay parang nanunuri, parang may hinahanap.

“You seem lost,” sabi nito habang naglakad palapit, mabagal pero tiyak. Ang boses nito ay mababa, kalmado, pero may bahid ng pananakot.

Hindi agad siya sumagot. “Just… getting some air.”

“Air?” Umangat ang isang kilay nito. “You think you can breathe here? Iba ang hangin dito kaysa sa hangin na nakasanayan mo.”

Napatitig siya rito, nagtataka sa tono. Hindi niya alam kung iniinsulto ba siya nito o ano. “Anong ibig mong sabihin?”

Lumapit pa ito, halos magkalapit na ang kanilang mga mukha. Sa liwanag ng gabi, mas lalong naging matalim ang mga mata ni Damien, at sa bawat hakbang nito, parang lumiliit ang mundo ni Sunshine.

“This place isn’t for you,” mahinang sabi ni Damien. “You don’t fit in this world, Sunshine. You never will.”

"Dahil ba hindi kami mayaman katulad niyo ng Daddy mo?" Mabilis ang tibok ng puso niya, pero hindi siya umatras. “Siguro nga ay hindi...” sagot niya. “But my mother does. Kasal na siya. Pinakasalan siya ng Daddy mo. And I’m not leaving her. Hindi ako papayag na may mang aapi sa kanya sa lugar na ito. Hangga't naririto siya at mananatili rin ako rito.”

Sandaling natahimik si Damien. Ang labi nito ay bahagyang kumurba, parang natatawa sa tapang niya.

“Brave,” bulong nito. “But bravery doesn’t change the truth.”

Pagkatapos niyon, tumalikod ito at naglakad palayo. Ngunit bago ito tuluyang makalayo, huminto siya at nagsalita muli, hindi lumilingon.

“You’ll realize soon enough. This house has its own rules… and I don’t think you’ll survive them.”

Pagkatapos niyon, tuluyan na itong naglakad palayo, iniwan siyang nakatayo sa tabi ng pool, mag-isa, habang pumipintig pa rin ang dibdib niya.

Hindi niya alam kung bakit ganoon ang epekto ng lalaki sa kanya, kung bakit sa kabila ng galit at panlalamig nito, may kakaibang puwersang humihila sa kanya.

Tahimik niyang tiningnan ang repleksyon niya sa tubig, at doon, sa pagitan ng liwanag ng buwan at ng tubig na kumikintab, tila nakita niya ang sarili niyang hindi niya kilala.

Isang babaeng pinipilit maging matatag sa lugar na puno ng malamig na tingin at tahimik na paghusga.

Sa isip niya, may mahinang tinig na nagbubulong. ‘He’s danger. Stay away.’

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
4 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status