Ang Haplos Ng Bilyonaryo

Ang Haplos Ng Bilyonaryo

last updateLast Updated : 2025-12-25
By:  NightshadeUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
8Chapters
10views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

“Isang gabi ng pagkakamali sa piling ng estrangherong asawa at isang gabing magpapabago sa kanyang tadhana.” ​Tatlong taon nang kasal si Elena sa isang misteryosong bilyonaryong si Dante Valderama, isang kasalang papel lamang para iligtas ang negosyo ng kanyang pamilya, at isang lalaking hindi pa niya kailanman nakita. Sa gabing desidido na siyang tapusin ang lahat, nagtungo siya sa hotel suite ng kanyang asawa para humingi ng diborsyo. Ngunit dahil sa alak at isang pagkakamaling hindi na mababawi, nauwi ang kanilang paghaharap sa isang mapangahas at mapusok na gabi sa dilim, isang gabing hindi nila alam kung sino ang kanilang kaharap, tanging init at pagnanasa lamang ang nag-uugnay sa kanila. Tumakas si Elena, bitbit ang takot at lihim ng gabing iyon. Ngunit para kay Dante, ang babaeng nagmulat sa kanya ng kakaibang pagnanasa ay hindi basta palalampasin. Hahanapin niya ito, kahit hindi niya alam na ang babaeng hinahabol niya ay ang asawang matagal na niyang binalewala.

View More

Chapter 1

KABANATA 1

ELENA POV

Habol-hininga kong hinawakan ang malamig na doorknob ng Presidential Suite 808. Ang bawat tibok ng puso ko ay tila nagrerebelde sa loob ng dibdib ko, marahas na tumatama sa tadyang ko. Ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko habang mahigpit kong hawak ang puting envelope. Sa loob nito ang mga dokumentong magpapalaya sa akin, ang divorce papers na tatlong taon ko nang dapat ibinigay.

“Tatlong taon, Elena. Tama na,” bulong ko sa sarili habang pilit kong pinapakalma ang naglalabang emosyon sa loob ko.

Tatlong taon na akong kasal kay Dante Valderama, ang bilyonaryong kinatatakutan sa mundo ng negosyo. Pero sa loob ng tatlong taong iyon, isa lang akong "ghost wife.” Isang pangalan sa papel. Isang asawang hindi kailanman isinama sa mga marangyang party, at hindi kailanman tinabihan sa pagtulog. Ni hindi ko nga alam kung alam niya ang hitsura ko. Noong araw ng kasal namin, proxy lang ang ipinadala niya. Isang pirma, isang malamig na seremonya, at pagkatapos ay iniwan niya ako sa isang mansyon na mukhang ginto sa labas, pero parang libingan sa loob.

Ginamit ko ang duplicate keycard na ibinigay ng biyenan ko. Isang marahang click ang narinig ko bago dahan-dahang bumukas ang pinto.

Sinalubong ako ng kadiliman. Ang tanging liwanag ay nagmumula sa mga ilaw ng siyudad sa labas na sumisilip sa malalaking glass windows ng hotel. Ang amoy ng paligid ay nakakalasing, isang mamahaling brand ng whiskey na humahalo sa amoy ng maskuladong pabango na may kasamang kakaibang pahiwatig ng panganib.

"Dante?" mahina kong tawag. Ang boses ko ay halos maglaho sa laki ng kwarto.

Walang sumagot. Akma ko sanang kakapain ang switch ng ilaw sa pader nang biglang may humablot sa braso ko. Sa isang iglap, naramdaman ko ang likod ko na sumadsad sa matigas na pader. Ang hangin sa baga ko ay parang ninakaw ng marahas na pagkilos na 'yon.

Isang mainit na katawan ang dumikit sa akin. Napasinghap ako. Kahit madilim, ramdam ko ang matitigas na macle ng dibdib niya na nakadantay sa akin. Ang bawat bahagi ng katawan niya ay parang naglalabas ng matinding init.

"You're late," baritono at paos ang boses nito. Ramdam ko ang init ng hininga niya sa pisngi ko, nag-iiwan ng kilabot na gumagapang pababa sa gulugod ko. Amoy alak siya, pero may kakaibang tamis sa bawat paghinga niya na parang nanunukso.

"Dante... bitawan mo ako. Mag-uusap tayo..."

"No more talking," putol niya sa sinasabi ko. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at itinaas iyon sa ibabaw ng ulo ko, idinidiin ako lalo sa pader hanggang sa halos wala nang espasyo sa pagitan naming dalawa.

Naramdaman ko ang panginginig ng katawan niya. Para bang may init na naglalagablab sa loob niya. Ang mga mata niya, kahit sa dilim, ay parang nagliliwanag habang nakatitig sa mga labi ko. Sa puntong ito, alam kong may mali. Hindi ito ang normal na Dante Valderama na nababasa ko sa mga balita. Ang bawat haplos niya ay puno ng desperasyon.

"Dante, teka...may sakit ka ba?" pag-aalala ko, ngunit hindi na ako nakapagsalita dahil sinunggaban na niya ang mga labi ko.

It was a searing, hungry kiss. Isang halik na puno ng pagnanasa at tila humihingi ng tulong. It tasted like whiskey and obsession. Noong una ay pilit akong kumakawala, iniisip ang mga papeles na dala ko, ang kalayaan na matagal ko nang hinahangad. Pero nang maramdaman ko ang kanyang mainit na palad na gumagapang mula sa baywang pataas sa likuran ko, tila nawala ang lahat ng lakas ko. Ang haplos niya ay tila kuryenteng gumuguhit sa bawat bahagi ng balat ko, binubura ang lahat ng katinuan sa isipan ko.

Sa loob ng tatlong taon, naging bilanggo ako ng isang kasal na walang pag-ibig. Pinanood ko siya mula sa malayo. Alam ko ang bawat detalye ng mukha niya sa mga magazine, ang kanyang mga tagumpay, at ang kanyang reputasyon. Pero ako? Para sa kanya, isa lang akong obligasyong kailangang bayaran buwan-buwan.

"You're shaking," bulong niya, ang boses niya ay tila haplos na malambot sa pandinig ko. "Don't be afraid. I've got you."

Hindi niya alam na ang takot ko ay hindi sa kanya, kundi sa katotohanang baka bukas, paggising niya, ay hindi pa rin ako ang babaeng nais niyang makasama. Pero sa gabing ito, sa ilalim ng alak at ng kung anong kemikal na nagpapatindi sa kanyang pagnanasa, ako ang mundo niya. Ibinaba niya ang mga labi sa balikat ko, bawat halik ay parang selyo ng pang-aangkin. Ang mga kamay ko, na kanina’y nakakuyom, ay dahan-dahang bumukas at gumapang sa malapad niyang balikat. Ang mga muscle niya ay parang bakal sa ilalim ng mga daliri ko.

binuhat niya ako nang walang kahirap-hirap patungo sa malaking kama sa gitna ng suite. Ang bawat galaw niya ay puno ng kontrolado pero nag-aalab na pwersa. Sa ibabaw ng malambot na sapin, sa pagitan ng anino at liwanag ng buwan, ay naging isa kaming dalawa.

Walang mga salita ng pag-ibig, dahil alam kong hindi iyon para sa akin. Ang bawat ungol at haplos niya ay para sa isang estrangherong akala niya ay ipinadala para sa kanyang aliw. Ngunit sa bawat sandaling magkadikit ang aming balat, ibinibigay ko ang lahat, tatlong taon ng pangungulila, sakit ng pagbabalewala, at lihim na pag-asang sana ay makilala niya ako.

Lumipas ang mga oras na tila isang panaginip. Ang ingay ng ulan sa labas ay naging musika sa aming bawal na pagsasama. Nang humupa ang pag-aalab sa pagitan naming dalawa, dahan-dahang bumigat ang kanyang paghinga hanggang sa tuluyan siyang dinalaw ng antok.

Dahan-dahan akong bumangon, iniingatan na huwag siyang magising. Ang katawan ko ay hapu-hapo, pero ang isip ko ay gising na gising. Sa kaunting liwanag mula sa digital clock sa side table, sa wakas ay pinagmasdan ko ang kanyang mukha nang malapitan. Ang matangos niyang ilong, makapal na kilay, at mga labi na kanina lang ay nagbigay liwanag sa mundo ko. Napakagwapo niya, pero kasabay nito ang matinding kirot sa dibdib ko, sakit na malaman na paggising niya, hindi na niya maaalala ang aking presensya.

Hinanap ko ang dress ko sa sahig. Isinuot ko ito habang nanginginig ang mga kamay. Kinuha ko ang divorce papers sa ibabaw ng mesa. Dinampot ko ang ballpen at, sa huling pagkakataon, tiningnan ko ang linyang dapat kong permahan.

Ngunit may isang bagay na nagpahinto sa akin. Isang mamahaling gintong cufflink na may inisyal na "DV" ang nakapatong sa drawer. Kinuha ko ito at mahigpit na pinisil sa palad. Isang alaala ng gabing ito. Isang piraso ng kanyang pagkatao na dadalhin ko sa pag-alis.

“Ito na ang huling beses na magiging asawa mo ako, Dante,” bulong ko habang nakatingin sa kanyang natutulog na itsura.

Pinunit ko ang pahina ng divorce papers kung saan nakasulat ang buong pangalan ko, iniwan ko lang ang blangkong dokumento na may perma niya. Kung gusto niya akong palayain, kailangan niya akong hanapin. Gusto kong mabaliw siya sa kakaisip kung sino ang babaeng nagnakaw ng kanyang gabi at ng kanyang cufflink.

Mabilis akong lumabas ng suite, hindi lumingon, at hinayaan ang dilim ng hallway na lamunin ang anino ko. Bukas, ang mahinang si Elena Villareal ay mawawala na. At sa susunod na magkita kami, sisiguraduhin kong siya naman ang luluhod sa harap ko, magmamakaawa para sa isa pang haplos na ibinigay ko sa kanya nang libre sa gabing ito.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

No Comments
8 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status