Share

Chapter 10

"ANO'ng ginagawa mo rito?" gigil na sambit ni Callie kay Clyde nang hilahin niya ito sa isang tabi.

Nakangiting inilapit ni Clyde ang bibig sa tainga ni Callie at saka bumulong, "Obviously, para kunin ang permiso ng mga magulang mo na ligawan kita."

Agad na pinandilatan ni Callie si Clyde. "Ano?!" sabi niya nang hindi makapaniwala sa lakas ng loob nito na humarap sa kan'yang mga magulang.

Sumeryoso ang mukha ni Clyde at inayos ang kan'yang postura. Sinadya niya talagang magbihis nang maayos para magustuhan siya ng mga magulang ni Callie.

"I already told you, Callie. Gagawin ko ang lahat para mapatunayan na malinis ang intensyon ko sa 'yo."

Agad na iniiwas ni Callie ang mukha kay Clyde nang maramdaman ang pag-iinit ng kan'yang mga pisngi. Bakit ba ang dali-dali niya na lang tablan sa mga matatamis nitong salita?

Lihim namang napangiti si Clyde dahil kahit anong tago ni Callie ng nararamdaman nito ay nahahalata niya pa rin ito. He finds her cute doing that.

"Sinabi ko na sa 'yo noon pa,
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status