Share

Chapter 11

AGAD na humarang si Mercy sa harapan ni Callie upang itago ang hitsura nito ngayon kay Clyde. Lumingon siya kay Clyde at nakitang hinahabol na nito at ng kasama nito ang lalaking nagtangka ng masama sa kanila. Bahagya siyang nakahinga nang maluwag dahil mukhang hindi naman nito nakita ang pagbabago sa anyo ni Callie.

Ikinulong niya ang mukha ni Callie sa kan'yang palad. Matatalim ang kulay ginto nitong mga mata na nakatitig sa kawalan at nanginginig ang katawan sa galit. Nagsisimula na rin itong tubuan ng mga puting balahibo sa pisngi at mga braso.

Kahit anong tawag ni Mercy kay Callie ay tila hindi siya nito naririnig.

"Callie, honey, look at me!" Niyugyog niya ito at halos magmakaawa na subalit hindi ito natitinag. "Please, don't!"

"Tita," narinig niya ang boses ni Clyde. Laking gulat niya nang makitang pabalik na agad ito sa kanila.

Tinangka niyang hilahin si Callie palayo subalit bigla na lamang sumulpot sa kan'yang harapan si Simeon.

"Calista!" tawag ni Simeon sa tunay na pangala
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status