Itinapon ni Layla ang mga gamit niya nang makarating sila sa condo habang si Eric ay tulala lang at hindi alam ang iisipin o gagawin. Hindi ba sila nananaginip? Hindi ba sila nagkakamali ng nakita kanina? Siya ba talaga si Scarlett?
“Damn it! Eric, what is happening? I thought that she’s dead but we saw her there, alive and kicking! Nagawa pa niyang umattend sa event na yun.” Nanggagalaiti sa galit si Layla. Hindi pwedeng mangyari ‘to, hindi pwedeng buhay si Scarlett.
Isang taon na silang malaya, masaya ang buhay at maganda na rin ang career. Hindi pwedeng bumagsak at masira na naman ang lahat ng mga pangarap nila ngayong buhay pa pala si Scarlett at nakabalik na.
“Eric!” malakas na tawag ni Layla sa fiance niya nang hindi man lang siya sinagot nito. Nakatulala lang si Eric at hindi niya rin alam kung anong nangyayari.
“Do something! Si Scarlett yun diba? Imposible namang may kakambal si Scarlett dahil kilalang kilala ko siya. Wala na siyang pamilya at wala siyang kapatid.” Saad na naman ni Layla. “Eric!” muling tawag niya rito dahil hindi man lang ito sumagot.
“Damn it! Hindi ko alam! Katulad mo nagulat din ako nang makita ko siya! Saka ano bang nakain mo at ginawa mo yun? Hindi mo man lang ba mapigilan ang pagiging kuryoso mo? Fuck Layla, we are in a public place tapos nagawa mong tanggalin ang mask niya.” galit na ring sigaw ni Eric sa kaniya.
“Anong gusto mong gawin ko?! Kung hindi ko yun ginawa hindi natin malalaman na si Scarlett pala ang nasa likod ng maskarang yun. Matatapos ang event na nasa ang atensyon ng lahat. Mag-isip ka kung anong gagawin natin!” hindi na mapakaling sigaw ni Layla sa fiance niya.
Inis namang sinabunutan ni Eric ang sarili niya dahil sa pagiging bossy ni Layla.
“Pwede bang tumahimik ka na muna?! Ngawa ka nang ngawa, kita mong nag-iisip ako diba? Pero hindi ko rin alam ang gagawin ko!” hindi na sila magkaintindihan na dalawa.
“Basta gawan mo ng paraan. Hindi pwedeng makabalik si Scarlett sa showbiz. Tandaan mo, hindi pwedeng sirain ni Scarlett ang mga plano natin kaya gumawa ka ng paraan!” napapikit na lang si Layla nang akma sana siyang sasampalin ni Eric.
Napigilan naman ni Eric ang sarili niya saka niya tinalikuran si Layla. Ang dami-dami nitong sinasabi gayong nag-iisip din si Eric.
“Kumalma ka muna at kung gusto mong madaliin na mawala sa paningin mo si Scarlett, ikaw ang gumawa ng paraan hindi yung sa akin mo iuutos.” Saad ni Eric saka siya lumabas ng condo. Pakiramdam niya hindi niya kayang makasama si Layla ngayong gabi baka masaktan lang niya ito.
Inis na naupo si Layla sa sofa at ibinato ang gamit na naabot ng kamay niya. Hindi siya makakapayag na sisirain na naman ni Scarlett ang nagawa na nila ni Eric. Nasa tuktok na silang dalawa at kunting kembot na lang ay makakasama na sa international modelling si Layla.
Malapit na rin siyang makakuha ng international project at hindi pwedeng maagaw yun ni Scarlett.
Samantala, naiinis naman si Scarlett kay Zion nang makarating sila sa bahay ni Zion.
“Are you mad?” tanong ni Zion kay Scarlett dahil ramdam ni Zion na galit sa kaniya si Scarlett. “Hindi ka man lang ba magpapasalamat na tinulungan kita?” dagdag pa ni Zion. Hinarap naman na siya ni Scarlett at bakas ang inis sa mukha ni Scarlett.
“Salamat pero hindi mo na sana ginawa. Bakit mo ba yun ginawa saka ano bang ginagawa mo sa event na yun? Mr. Grayson, this is my plan. Plano ko lang pero sinira mo tapos sinabo mo pa sa harap ng mga reporters na mga yun na asawa mo ako.” napakunot naman ng noo si Zion. Ano bang ikinagagalit ng babaeng ‘to?
“I ruined your plan? Ms. Mendoza, do you think I will do that kung nagawa mo lang ipagtanggol ang sarili mo? Para kang batang pinapagalitan sa itsura mo kanina. Ni wala kang nasagot sa mga tanong nila. I thought that you’re ready for this but I don’t think so. Binigyan kita ng opportunity to show yourself pero tumahimik ka lang kanina at walang lumabas na kahit anong salita sa bibig mo.” seryoso namang wika ni Zion.
“I know pero sana hindi mo pa rin ginawa. Siguro, okay na yung tinulungan mo ako pero yung sinabi mo pa sa kanila na I’m your wife, sana inilihim mo na lang. Paano ko ipapakilala ang sarili ko, paano ko mapapatunayan sa kanilang lahat ang kakayanan ko kung ang titingnan na lang nila sa akin ay asawa ako ni Zion Grayson? Iisipin nilang lahat na nagawa kong umangat because of you, because of your name. Hindi na nila makikita na nagawa kong umangat muli dahil sa kaya kong gawin, dahil sa akin. Ano na lang iisipin nilang lahat? Gusto kong linisin ang pangalan ko, gusto kong muling umangat dahil sa kakayahan ko hindi dahil kung kanino. Hindi mo ako naiintindihan dahil wala ka naman sa posisyon ko.” naiinis na paliwanag ni Scarlett saka niya tinalikuran si Zion.
“Is she blaming me? Woman, tsss.” Anas ni Zion nang makaakyat na si Scarlett sa kwarto niya. Tahimik lang namang nakikinig si Lance. Naupo na si Zion sa sofa at pinagkrus ang mga binti niya.
“Bantayan mo ang mga nangyayari sa social media at ireport mo sa akin ang mga nangyayaring hindi maganda.” Utos niya kay Lance na ikinatango naman kaagad ni Lance.
“Sa tingin ko po Sir, Ms. Scarlett is right.” Saad ni Lance, nagdadalawang isip siyang sabihin ito kanina pero nasabi niya na. Mabilis niyang iniwasan ang mga tingin sa kaniya ni Zion.
“What?” naiinis na tanong ni Zion sa secretary niya.
“Hindi naman po sa nangingialam ako pero yung inanounce niyo po in public tungkol sa relasyon niyo, inaalala ko lang dahil baka makarating ito kay Chairman.” Mabilis namang idinagdag ni Lance sa sinabi niya.
“I can manipulate everything. Kausapin mo lang ang lahat ng mga TV station na huwag nilang ilalabas ang tungkol sa relasyon namin ng babaeng yun. Mahirap bang gawin yun? Lance, use your brain. Napakadaling trabaho pero hirap na hirap kang ayusin.” Aniya sa sekretarya niya saka siya pumasok sa kwarto niya.
Napapakamot na lang si Lance sa batok niya. Hindi niya naman yun naisip kaagad dahil ngayon lang naman siya kumausap ng mga TV station para manipulahin ang lahat ng mga ibabalita nila. Malay ba niyang gagawin pala niya ito para sa babaeng tinutulungan ng Boss niya?
Binuksan ni Scarlett ang cell phone niya. Matagal-tagal siyang nag-off ng mga social media accounts niya. Humugot siya ng malalim na buntong hininga saka niya binuksan ang mga ito. It’s been a year simula nung huli niya itong binuksan.
Napakaraming notifications ang bumungad sa kaniya at wala na namang ibang balita tungkol sa kaniya kundi ang pagbabalik niya. Marami ang nagulat. Nakita niya na rin ang article tungkol sa kanilang dalawa ni Zion pero napapakunot na lang siya ng noon ang hindi niya mabasa na nakalagay sa article ang relasyon nilang dalawa.
Nakailang ulit na siyang binasa ang article pero wala pa rin siyang mabasa na nakalagay sa article na mag-asawa silang dalawa.
“What happened?” nagtataka niyang tanong sa sarili at muling naghanap ng mga articles tungkol sa kanilang dalawa pero katulad ng nauna niyang nabasa, iisa lang ang sinasabi ng mga balita tungkol sa kanilang dalawa ni Zion.
Sinasabi lang sa article na nakitaan ni Zion ng potential sa showbiz industry si Scarlett. Naipakita rin sa article ang mga sinabi ni Zion tungkol kay Scarlett pero hindi nakalagay ang huling sinabi ni Zion tungkol sa relasyon nilang dalawa.
Napapakunot na lang ng noo si Scarlett. Naalala niya tuloy si Zion, may kinalaman kaya siya? Hindi niya mapigilang itanong sa sarili. Kilala niya lang sa pangalan si Zion at ang malaki nitong kompanya sa entertainment pero hindi niya alam ang kaya nitong gawin.
Ano nga ba ang kayang gawin ni Mr. Grayson?
Napaayos ng upo si Scarlett sa malaki niyang kama. Napapaisip tuloy siya, Zion is the number one in entertainment industry at hindi imposibleng kaya niyang manipulahin ang lahat ng mga TV station in just one snap of his fingers.
Bigla tuloy kinabahan si Scarlett. Nagpakawala na lang siya ng malalim na buntong hininga. Mag-asawa lang silang dalawa sa papel.
Kinabukasan, bumaba na si Scarlett sa kwarto niya. Tinitingnan pa niya sa paligid si Zion dahil nahihiya siya sa ginawa niya kagabi pero hindi pa rin maalis ang inis niya rito. Kung sabagay, mukhang okay naman na eh. Walang nakalagay sa mga articles tungkol sa relasyon nilang dalawa.
Napayuko na lang si Scarlett nang makita niya si Zion sa kusina. Ilang buwan na rin silang magkasama sa iisang bahay pero bihira silang kumain ng sabay. Sa isang taong nakalipas, bilang lang sa daliri ni Scarlett na nagkasabay sila ni Zion sa hapag kainan dahil pareho naman silang busy.
Palagi ring umaalis si Zion ng bansa. Hindi naman na yun inaalam ni Scarlett dahil wala silang pakialam sa personal nilang mga buhay. Ang kasunduan nila ay kasunduan lang, walang pakialamanan ng mga personal na buhay.
“Ikaw ba ang may gawa kung bakit wala sa mga article ang tungkol sa mga sinabi mo kagabi?” tanong ni Scarlett sa kaniya saka siya nanguha ng baso para makapagtimpla ng kape.
“So?” tila masungit na sagot ni Zion kaya napairap na lang si Scarlett. Nagtatanong lang naman siya ng maayos. Hindi na lang sumagot si Scarlett dahil baka bangayan na naman lang silang dalawa.
Mabilis na lumipas ang mga buwan, natataranta na silang lahat nang pumutok ang panubigan ni Scarlett. This is her first time kaya maging siya ay kinakabahan na. Natatakot siyang lumabas na ang anak niya ng hindi pa sila nakakarating sa hospital.“Pwede bang pakibilisan, sa bagal nang patakbo mo para tayong nakikiparada!” sigaw ni Richelle kay Lance na nagdadrive. Si Richelle ang natawagan ni Scarlett nang pumutok ang panubigan niya dahil naggrocery si yaya Precious.Nasa business trip naman si Zion at pauwi pa lang siya. Hindi naman na alam ni Scarlett ang gagawin niya, hindi niya alam kung saang parte ba ng katawan niya ang masakit.“Manganganak na yata ako rito,” wika niya habang hawak-hawak niya ang tiyan niya.“Iabot mo sa hospital please, hindi namin alam ang gagawin namin sayo rito!” natatarantang saad ni Richelle. “Bilisan mo naman, Lance!” sigaw niya na naman kaya walang nagawa si Lance kundi ang bilisan ang patakbo niya kahit na lumampas na sila sa speeding limit.“Oh my gosh
“He really loves his mother, close na close silang dalawa. He’s in 8th grade when someone ambushes his mother. Pauwi na silang dalawa noon nang may bigla na lang nagpaulan ng bala sa sinasakyan nila. Niyakap ng asawa ko ang anak namin. Si Zion lang ang nakaligtas noong araw na yun. Malakas siyang tingnan sa panglabas pero mabilis masaktan ang puso niya. Hindi ko akalain na nasasaktan na pala siya noong panahong comatose pa si Kaylee. He’s good hiding his feeling, Scarlett.” Napapaisip na lang si Scarlett kung ano bang naging buhay ni Zion sa mga nakalipas na taon.Kaya ba ganun na lang ang galit niya noong muntik din siyang maambush?“Don’t worry po, I won’t hurt your son.” Ngumiti naman si Mr. Grayson sa sinabi ni Scarlett. Ayaw niya na sanang makita pa na masaktan ulit ang anak niya at malaki ang tiwala ni Mr. Grayson kay Scarlett na hindi niya yun gagawin.Pagkatapos ng pag-uusap nilang dalawa ay bumalik na sa office si Scarlett. Naupo na lang siya sa sofa dahil wala pa rin si Zion
Inasikaso kaagad ni Lance ang presscon ni Zion at ni Scarlett. Tama na ang dalawang linggong pananahimik nila. Marami na rin ang nakaabang sa live nila para malaman ang totoong nangyari at kung paanong si Scarlett ang naging legal wife ng isang Zion Grayson.Sasama rin si Kaylee sa presscon para maipaliwanag din ang side nilang dalawa ni Zion. Wala namang nakaalam ng kasal nila noon dahil mas pinili nilang ilihim ang relasyon nila para magkaroon sila ng tahimik na buhay.Humarap si Scarlett sa human size niyang salamin at napahawak na lang sa tiyan niya dahil kitang kita na ang baby bump niya. Napasimangot na lang siya dahil para bang naggain siya ng weight lalo na at halata na ang tiyan niya.“Is everything okay?” tanong ni Zion kay Scarlett nang makababa siya ng hagdan. Tumabi si Zion kay Scarlett at tiningnan din sa repleksyon ng salamin ang itsura ng asawa niya.“Look at me, I gain weight.” Anas niya, tiningnan naman ni Zion ang katawan ni Scarlett pero hindi niya naman napapansin
“Hindi pa, masyado pa siyang busy sa mga ginagawa niya saka hindi ko rin naman alam kung malalaman ko ba sa kaniya kung sino ang nagplano nun. Kung sino man siya hahanapin ko siya para mapasalamatan na rin. Hindi ko rin alam kung may kinalaman ba si Drew sa nangyari dahil minsan niya na akong kinausap at winarningan tungkol kay Layla pero hindi ko pa rin siya nakakausap.”“Hanapin mo na ang mga kasagutan sa mga katanungan mo Scarlett. Okay lang ako rito saka marami namang nagbabantay at bumibisita sa akin. Gawin mo na ang mga kailangan mong gawin para matahimik ka na rin.” Tumango at ngumiti si Scarlett. Tumayo na si Scarlett saka niya niyakap si Jared.“Thank you so much for everything Jared. You are one of the best people that I have ever met. Magpagaling ka.” aniya saka siya kumalas sa pagkakayakap. Tumango naman si Jared.Pagkatapos nang pag-uusap nilang dalawa ay bumalik si Scarlett sa kompanya at tiningnan si Zion kung nakabalik na bai to sa opisina niya pero ang naabutan niya l
Matapos nang nangyari sa party ay nagkakagulo pa rin sa social media. Lahat sila ay nalilito pa rin sa mga nangyari at sa mga nalaman nila lalo na at wala pang kompirmasyon mula kay Zion. Nananatili silang tahimik kaya hanggang ngayon marami pa ring katanungan sa mga isip nila ang mga tao.Inasikaso ni Zion at Scarlett ang pagsasampa nila ng kaso kay Layla at kay Eric. Inuna nilang asikasuhin yun kesa ang magpaliwanag sa publiko kung ano ba talagang namamagitan sa kanilang dalawa.“Attorney siguraduhin niyong mabubulok sa kulungan si Layla at hindi siya makakakuha ng parole pala makalaya ganun din sa fiancé niyang si Eric.” Wika ni Zion sa attorney niya habang naglalakad sila papuntang police station kung saan nakakulong si Layla at Eric.Nang makarating sila dun ay kinausap ni Zion ang mga pulis habang si Scarlett naman ay dumiretso kung nasaan si Eric. Tahimik na nakaupo si Eric sa dulong bahagi ng kulungan at nakayuko habang magkasalikop ang mga kamay niya.“Miss Scarlett,” tawag n
Hello po, pasensya na po kung hindi ako nakapag-update ng ilang araw. Nagkaroon po kasi kami ng intrams sa school at ang abang lingkod niyo po ay sumali sa mga laro HAHAHA. Last year na po kasi kaya I want to enjoy my last year being student bago tahakin ang totoong buhay. Sana po maintindihan niyo ako, don't worry two chapters na lang po ang gagawin ko kasi patapos na talaga siya. Gusto ko sanang sumulat ng isang chapter ngayon kaso pagod na po talaga ako. Sana naiintindihan niyo po ako. Thank you so much. Sa nagbabasa rin sa The Billionare's Son nakapag-advance na po kasi ako dun kaya may update pa rin ako araw-araw. Kapag nakapagpasa ako ng new story sana suportahan niyo po ulit. Marami pong salamat sa inyong lahat:)