Hinanap ni Scarlett ang white sugar dahil wala ng laman ang lagayan ni Zion. Tumingala siya sa mga cabinet sa itaas at napatingkayad na lang para buksan yun at kukuha ng sugar pero dahil sa taas ng cabinet kahit na matangkad na siya ay hindi pa rin niya maabot ang mga yun.
Hirap na hirap siyang tumingkayad at mawawalan na sana siya ng balanse nang maramdaman niya ang matigas na bagay sa likod niya. Wala namang kahirap hirap na kinuha ni Zion ang asukal sa cabinet. Bahagyang nakasandal si Scarlett sa dibdib ni Zion dahil matutumba na sana siya kanina kung hindi lang siya nasalo ng katawan ni Zion.
“You can ask for help. Hindi mo naman ikamamatay.” Masungit na namang wika ni Zion sa kaniya. Nang tumingala si Scarlett ay sumalubong sa kaniya ang palaging walang emosyong mga mata ni Zion.
Bahagyang lumayo na si Scarlett dahil ramdam niya ang init ng katawan ni Zion.
“S-Salamat,” wika niya saka kinuha ang asukal kay Zion. “Do you want coffee?” tanong niya na lang.
“Do you need to ask that?” napapairap na lang si Scarlett sa kaniya dahil oo o hindi lang naman ang sagot eh. Syempre kailangan niyang magtanong lalo na at si Zion naman ang naunang magising sa kanilang dalawa. Malay ba niyang nagkape na ba ito o hindi pa.
Nagtimpla na lang si Scarlett ng kape nilang dalawa ni Zion habang si Zion naman ay nakaupo na. Nakatingin lang siya sa likod ni Scarlett.
Anong klaseng babae ba siya? Hindi man lang ba ito marunong magpasalamat? Lahat na lang ng ginagawa sa kaniya ni Zion ay quenequestion niya pa. Kapag si Zion ang napuno, hinding hindi niya na talaga sasaluhin si Scarlett sa mga problema niya.
Nang matapos si Scarlett magtimpla ay ibinigay niya na ang kape kay Zion. Naghain naman na ang mga katulong ni Zion ng pagkain nilang dalawa.
“Simula ngayong umaga ay sa kompanya ka na magtatrabaho. Kaya mo bang pagsabayin ang pagmomodelling at pag-aartista? Kung hindi naman, you can choose one para matulungan kita sa pag-angat pero kung kaya mo namang pagsabayin. Why not? Hindi yun problema.” Wika ni Zion.
Bahagyang bumuntong hininga si Scarlett. Ito na ang bagong simula ng buhay niya. Sa nangyari sa kaniya noong nakaraang taon, marami siyang natutunan sa buhay. Hindi lahat ng taong malapit sayo ngayon o kaibigan mo ay kaya kang samahan sa pagbagsak mo. Hindi lahat ng nasa paligid mo ay totoong kaibigan at totoong may malasakit sayo.
Tiningnan ni Scarlett si Zion. Napapatanong tuloy siya sa sarili niya, bakit kaya siya tinutulungan ni Zion? Kahit na alam nilang wala namang mapapala si Zion kay Scarlett.
“Kaya ko basta hindi sila conflict sa schedule ko.” sagot naman ni Scarlett. Napatango na lang si Zion.
“Bibigyan kita ng personal assistant mo, ako na ang magpapasahod sa kaniya. Just focus to your goal and to your revenge sa mga taong nagpabagsak sayo. Find them.”
“I will, thanks.” Hindi palalampasin ni Scarlett ang pagkakataong ibinigay sa kaniya. Siguro nga may purpose kung bakit si Zion ang nakabangga sa kaniya noong gabing yun dahil ito rin pala ang makakatulong sa kaniya.
Kung sino pa ang hindi mo kilala, sila pa yung handa kang tulungan pero ang mga taong pinagkatiwalaan mo para kang basurang itinapon na dahil wala ka ng silbi sa kanila.
“I will give a you a personal driver dahil hindi kita isasabay sa pagpasok ko ng kompanya. Hindi rin ako madalas dumiretso sa kompanya.” Saad pa ni Zion. Nahihiya man si Scarlett dahil ang laki na ng naitutulong sa kaniya ni Zion pero kailangan niyang tanggapin ang lahat ng yun.
Wala siyang ibang masandalan ngayon kundi si Zion lang pero kailangan niya na ring tumayo sa mga sarili niyang mga paa dahil hindi siya sigurado kung hanggang kailan siya tutulungan ni Zion.
“Maraming salamat,” wika ni Scarlett.
“Hindi ako nagbibigay ng libre Ms. Scarlett kung nakakalimutan mo. We already married.” Napalunok si Scarlett pero napatango na rin. Naiintindihan niya ang ibig sabihin ni Zion. Kinakabahan na siya dahil she never give her virginity to Eric. Ano na lang ang sasabihin sa kaniya ni Zion kung hindi niya alam kung paano ito pasasayahin sa kama?
Wala siyang alam sa bagay na yun and she never watched a p*rn movies pero wala siyang magagawa. Siya ang nag-alok nito kay Zion, ibibigay niya ang katawan niya kay Zion bilang kapalit ng mga itinutulong sa kaniya ni Zion.
“Hindi ko nakakalimutan. I just want to thank you.” sagot ni Scarlett.
“Mabuti kung ganun. Hindi ako magiging mahigpit sayo, hindi kita hahawakan sa leeg pero mag-update ka kapag magagabihan ka at sabihin mo sa akin kung nasaan ka just in case na may mangyari, alam ko kung saan kita ipasusundo.” Dagdag pa ni Zion.
“Sige, gagawin ko.” anas naman ni Scarlett. Uminom na ng tubig si Zion saka siya lumabas ng kusina habang naiwan naman na si Scarlett. Hindi pa siya nakakagayak kaya binilisan niya na rin ang pagkain niya dahil ito ang first day niya sa Grayson Entertainment.
Kinakabahan na siya dahil mas malaki ang kompanya ng Grayson kesa sa former agency niya na Paxy Entertainment. Isa pa ang Paxy Entertainment, ni hindi man lang nila nagawang protektahan ang best artist nila.
Porket nagkaroon lang ng malaking scandal, hindi na nila itinuloy ang kontrata. Lahat sila ay makakatikim ng hagupit ni Scarlett.
Matapos ibabad ni Scarlett ang katawan niya sa bath tub ay nagbihis na siya. Humarap siya sa malaking salamin niya at tiningnan ang sarili. Ito na ang pagbabalik niya at kailangan maging minimal lang ang mga salitang lalabas sa bibig niya dahil paniguradong siya na naman ang pulutan ng internet ngayon.
Dahan-dahan niyang sinuklay ang malambot niyang buhok. Kailangan niya ng ihanda ang sarili niya lalo na at hindi malabong makaharap niya na si Eric at Layla. Malaki talaga ang pagdududa ni Scarlett sa dalawang taong pinagkatiwalaan niya ng lubos.
Ang akala niya ay minahal siya ng sobra ni Eric pero mukhang mali yata siya ng iniisip dahil mukhang siya lang ang nagmahal sa kanilang dalawa. Paano nila nagawang iannounce ang engagement nila sa public gayong isang taon pa lang silang hiwalay dahil sa pag-aakala nilang lahat na patay na siya?
Akala niya ipinagluluksa siya ni Eric pero base sa oberbasyon niya, para bang wala lang nangyari. Gustong gusto rin ng mga tao ang love team nila. Iyun lang ba talaga ang dahilan kung bakit nila pinablic ang relasyon nila? Para mas suportahan sila ng mga manunuod o baka naman matagal na siyang niloloko ng bestfriend at boyfriend niya?
Humugot ng malalim na buntong hininga si Scarlett saka niya kinuha ang ang bag niya. Nang makababa siya ay hindi niya na makita si Zion kaya dumiretso na siya sa labas. Nakita niya naman si Joel na naghihintay sa kaniya.
Nasa loob pa ba si Zion?
“Good morning Ma’am Scarlett.” Bati ni Joel.
“Hindi pa ba lumalabas si Zion?” tanong ni Scarlett. Si Joel kasi ang personal driver ni Zion.
“Ah hindi po Ma’am, kayo po ang hinihintay ko. Kanina pa po umalis si Sir Zion kasama si Lance.” Sagot nito, napakunot na lang ng noo si Scarlett.
“Sino ang driver ni Zion?”
“Si Lance na po ang magiging driver niya at ako naman po ang nautusan ni Sir na magiging personal driver niyo po.” Binuksan na ni Joel ang pintuan ng sasakyan. Napatango na lang si Scarlett saka siya sumakay sa kotse.
Kilala na ni Scarlett si Joel dahil siya ang personal driver ni Zion maliban kay Lance na siyang secretary niya. Nakatingin na lang si Scarlett sa labas ng bintana, tinitingnan ang mga billboard. Mapait siyang napangiti, dati halos mukha niya ang laman ng lahat ng mga billboard pero ngayon mukha na ni Layla ang nakalagay.
“Sandali, ihinto mo!” anas ni Scarlett nang makita niya ang isang malaking billboard. Hindi man niya nakikita ang mukha dahil sa mask na nakasuot sa model sa billboard, kilalang kilala niya ang sarili niya. Siya ang babaeng nasa pinakamalaking billboard.
Napatingin naman si Joel sa tinitingnan ni Scarlett.
“Ako ba talaga yan?” hindi makapaniwalang tanong ni Scarlett. Sanay na siyang makita ang sarili niya sa billboard pero syempre iba na yung ngayon.
“Yes Ma’am, itinuloy lang din po ng kompanya na ilabas ka. In just one night nga po sold out yung mga alahas na inilakad mo. Pinili na lang nilang itago ka sa likod ng maskara na yan.” Sagot ni Joel. Halos hindi makapaniwala si Scarlett.
Oo, nakamaskara siya at kahit na hindi alam ng mga tao na siya yun, ang sarap sarap pa rin sa pakiramdam.
Pakiramdam niya tuloy, ito ang kauna-unahan na nagkaroon siya ng billboard sa buong buhay niya. Nagpatuloy na ang byahe nila patungo sa kompanya ni Zion dito sa Pilipinas.
Mabilis na lumipas ang mga buwan, natataranta na silang lahat nang pumutok ang panubigan ni Scarlett. This is her first time kaya maging siya ay kinakabahan na. Natatakot siyang lumabas na ang anak niya ng hindi pa sila nakakarating sa hospital.“Pwede bang pakibilisan, sa bagal nang patakbo mo para tayong nakikiparada!” sigaw ni Richelle kay Lance na nagdadrive. Si Richelle ang natawagan ni Scarlett nang pumutok ang panubigan niya dahil naggrocery si yaya Precious.Nasa business trip naman si Zion at pauwi pa lang siya. Hindi naman na alam ni Scarlett ang gagawin niya, hindi niya alam kung saang parte ba ng katawan niya ang masakit.“Manganganak na yata ako rito,” wika niya habang hawak-hawak niya ang tiyan niya.“Iabot mo sa hospital please, hindi namin alam ang gagawin namin sayo rito!” natatarantang saad ni Richelle. “Bilisan mo naman, Lance!” sigaw niya na naman kaya walang nagawa si Lance kundi ang bilisan ang patakbo niya kahit na lumampas na sila sa speeding limit.“Oh my gosh
“He really loves his mother, close na close silang dalawa. He’s in 8th grade when someone ambushes his mother. Pauwi na silang dalawa noon nang may bigla na lang nagpaulan ng bala sa sinasakyan nila. Niyakap ng asawa ko ang anak namin. Si Zion lang ang nakaligtas noong araw na yun. Malakas siyang tingnan sa panglabas pero mabilis masaktan ang puso niya. Hindi ko akalain na nasasaktan na pala siya noong panahong comatose pa si Kaylee. He’s good hiding his feeling, Scarlett.” Napapaisip na lang si Scarlett kung ano bang naging buhay ni Zion sa mga nakalipas na taon.Kaya ba ganun na lang ang galit niya noong muntik din siyang maambush?“Don’t worry po, I won’t hurt your son.” Ngumiti naman si Mr. Grayson sa sinabi ni Scarlett. Ayaw niya na sanang makita pa na masaktan ulit ang anak niya at malaki ang tiwala ni Mr. Grayson kay Scarlett na hindi niya yun gagawin.Pagkatapos ng pag-uusap nilang dalawa ay bumalik na sa office si Scarlett. Naupo na lang siya sa sofa dahil wala pa rin si Zion
Inasikaso kaagad ni Lance ang presscon ni Zion at ni Scarlett. Tama na ang dalawang linggong pananahimik nila. Marami na rin ang nakaabang sa live nila para malaman ang totoong nangyari at kung paanong si Scarlett ang naging legal wife ng isang Zion Grayson.Sasama rin si Kaylee sa presscon para maipaliwanag din ang side nilang dalawa ni Zion. Wala namang nakaalam ng kasal nila noon dahil mas pinili nilang ilihim ang relasyon nila para magkaroon sila ng tahimik na buhay.Humarap si Scarlett sa human size niyang salamin at napahawak na lang sa tiyan niya dahil kitang kita na ang baby bump niya. Napasimangot na lang siya dahil para bang naggain siya ng weight lalo na at halata na ang tiyan niya.“Is everything okay?” tanong ni Zion kay Scarlett nang makababa siya ng hagdan. Tumabi si Zion kay Scarlett at tiningnan din sa repleksyon ng salamin ang itsura ng asawa niya.“Look at me, I gain weight.” Anas niya, tiningnan naman ni Zion ang katawan ni Scarlett pero hindi niya naman napapansin
“Hindi pa, masyado pa siyang busy sa mga ginagawa niya saka hindi ko rin naman alam kung malalaman ko ba sa kaniya kung sino ang nagplano nun. Kung sino man siya hahanapin ko siya para mapasalamatan na rin. Hindi ko rin alam kung may kinalaman ba si Drew sa nangyari dahil minsan niya na akong kinausap at winarningan tungkol kay Layla pero hindi ko pa rin siya nakakausap.”“Hanapin mo na ang mga kasagutan sa mga katanungan mo Scarlett. Okay lang ako rito saka marami namang nagbabantay at bumibisita sa akin. Gawin mo na ang mga kailangan mong gawin para matahimik ka na rin.” Tumango at ngumiti si Scarlett. Tumayo na si Scarlett saka niya niyakap si Jared.“Thank you so much for everything Jared. You are one of the best people that I have ever met. Magpagaling ka.” aniya saka siya kumalas sa pagkakayakap. Tumango naman si Jared.Pagkatapos nang pag-uusap nilang dalawa ay bumalik si Scarlett sa kompanya at tiningnan si Zion kung nakabalik na bai to sa opisina niya pero ang naabutan niya l
Matapos nang nangyari sa party ay nagkakagulo pa rin sa social media. Lahat sila ay nalilito pa rin sa mga nangyari at sa mga nalaman nila lalo na at wala pang kompirmasyon mula kay Zion. Nananatili silang tahimik kaya hanggang ngayon marami pa ring katanungan sa mga isip nila ang mga tao.Inasikaso ni Zion at Scarlett ang pagsasampa nila ng kaso kay Layla at kay Eric. Inuna nilang asikasuhin yun kesa ang magpaliwanag sa publiko kung ano ba talagang namamagitan sa kanilang dalawa.“Attorney siguraduhin niyong mabubulok sa kulungan si Layla at hindi siya makakakuha ng parole pala makalaya ganun din sa fiancé niyang si Eric.” Wika ni Zion sa attorney niya habang naglalakad sila papuntang police station kung saan nakakulong si Layla at Eric.Nang makarating sila dun ay kinausap ni Zion ang mga pulis habang si Scarlett naman ay dumiretso kung nasaan si Eric. Tahimik na nakaupo si Eric sa dulong bahagi ng kulungan at nakayuko habang magkasalikop ang mga kamay niya.“Miss Scarlett,” tawag n
Hello po, pasensya na po kung hindi ako nakapag-update ng ilang araw. Nagkaroon po kasi kami ng intrams sa school at ang abang lingkod niyo po ay sumali sa mga laro HAHAHA. Last year na po kasi kaya I want to enjoy my last year being student bago tahakin ang totoong buhay. Sana po maintindihan niyo ako, don't worry two chapters na lang po ang gagawin ko kasi patapos na talaga siya. Gusto ko sanang sumulat ng isang chapter ngayon kaso pagod na po talaga ako. Sana naiintindihan niyo po ako. Thank you so much. Sa nagbabasa rin sa The Billionare's Son nakapag-advance na po kasi ako dun kaya may update pa rin ako araw-araw. Kapag nakapagpasa ako ng new story sana suportahan niyo po ulit. Marami pong salamat sa inyong lahat:)