Share

The Picture

Luke'sPOV

Pagdating ko sa mansiyon, dumiretso ako sa kwarto at tinungo ang terasa. Kumuha ako ng dalawang stick ng sigarilyo sa cabinet at sinindihan ang isa niyon tsaka isinubo at humithit, samantalang yung isa ay ibinulsa ko. Nagtungo ako sa dulong bahagi ng teresa at nilanghap ang sariwang simoy ng hangin. Tiningnan ko ang kabuuan ng Hacienda na natatamnan ng palay. Malapit na ang anihan.

Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili. Ayaw kong may masabing hindi maganda kay Athalia kaya umalis ako dahil ayaw ko magkaroon kami ng hindi pagkakaintindi, pero parang ganoon na rin ang nangyari.

Nakaramdam ako ng sobrang pagseselos sa nakita kanina. Napaka-sweet nila sa isa't-isa. Kung hindi pa ako nagsalita hindi nila malalaman na naroon ako at nakatayo. Ganun na ba sila kaabala para hindi mapansin ang presensya ko? F*ck! Sino ba naman ang hindi magseselos? Inaasahan kong makakasama ko siya ngayon pero hindi pala! Gustong-gusto kong sugurin kanina ng suntok si Charles, pero pinigilan ko
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status