In My Father-in-law's Bed

In My Father-in-law's Bed

last updateTerakhir Diperbarui : 2026-11-03
Oleh:  SenyoritaBaru saja diperbarui
Bahasa: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
1 Peringkat. 1 Ulasan
5Bab
17Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Dalawang linggo bago ang inaasam na kasal, gumuho ang mundo ni Marvie nang mahuli niya ang kanyang fiancé na nakikipagtalik sa mismong matalik niyang kaibigan. Wasak at desperadang makalimot, nagtungo siya sa isang bar at nagpadala sa tukso ng isang mainit na gabi kasama ang isang misteryosong estranghero. Sa mga bisig ng matipunong lalaki, naramdaman niya ang pag-aalaga at pagnanasa na pansamantalang bumura sa kanyang nararamdamang sakit, umaasang ang gabing iyon ay mananatili na lamang isang lihim na pagkakamali. Ngunit mapaglaro ang tadhana, dahil kinabukasan ay sumampal sa kanya ang isang nakakagimbal na katotohanan: ang estrangherong umangkin sa kanya ay walang iba kundi ang makapangyarihang bilyonaryong si Harvey Aranas, ang mismong ama ng kanyang ex-fiancé. Pilit mang takasan ni Marvie ang nagbabadyang eskandalo, walang balak si Harvey na pakawalan siya. Sa gitna ng pagtataksil at mapanganib na tukso, paano niya tatakasan ang lalaking pilit siyang ikinukulong sa isang makasalanang yakap?

Lihat lebih banyak

Bab 1

Chapter 1

Nakatayo ako sa harap ng p***o ng condo ni Harold, pilit pinapakalma ang naghuhumiyaw na kaba sa aking dibdib. Wala akong pasabi na darating ako ngayon. Isang surprise visit ang plano ko, bitbit ang paborito niyang red velvet cake at ang matamis na ngiti ng isang babaeng sabik nang maging asawa niya.

Nanginginig ang mga daliri ko nang ipasok ko ang duplicate key sa doorknob. Tahimik ang buong paligid nang bumukas ang p***o. Madilim sa sala, tanging ang sinag ng buwan mula sa malaking bintana ang nagbibigay ng liwanag. Binalak kong tawagin ang pangalan niya, ngunit bago pa man bumuka ang mga labi ko, isang kakaibang tunog ang nagpatigil sa pag-ikot ng mundo ko.

Isang daing. Isang malalim at pamilyar na ungol na nagmumula sa master's bedroom.

Napakurap ako. Baka guni-guni ko lang. Baka may pinapanood lang siyang movie. Ngunit nasundan iyon ng mahinang halinghing ng isang babae.

"Harold... oh, God... faster..."

Parang binuhusan ng kumukulong tubig ang buong pagkatao ko. Ang boses na iyon... kilalang-kilala ko. Kay Catherine ang ungol na yon. Ang babaeng tinuring kong kapatid, ang matalik kong kaibigan na abay pa man din sa kasal namin.

Pakiramdam ko ay biglang nawalan ng hangin sa loob ng condo. Bawat hakbang ko papalapit sa siwang ng p***o ng kwarto ay tila may mabigat na kadenang nakapulupot sa mga paa ko.

Sumilip ako sa kwarto kung saan nanggagaling ang ingay. At sa isang iglap, namatay ang lahat ng pangarap ko.

Sa ibabaw ng kama kung saan madalas kaming mangarap tungkol sa magiging pamilya namin, nakita ko ang lalaking pinakamamahal ko na walang saplot, pawisan, at uhaw na uhaw sa katawan ng iba. Sa katawan ng bestfriend ko.

Gusto kong sumigaw. Gusto kong kalabugin ang p***o, manabunot, manampal, at isumbat sa kanila ang lahat ng sakit. Ngunit walang lumabas na tinig mula sa lalamunan ko. Tila namanhid ang buong katawan ko. Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa isip ko habang pinapanood ko silang nagpapakaligaya sa mismong pagkawasak ko.

Hindi ako mag-eeskandalo. Hindi ko ibababa ang sarili ko sa antas nila para lang makita nilang nagtagumpay silang saktan ako.

Dahan-dahang umatras ako. Ibinaba ko ang kahon ng cake sa ibabaw ng glass table niya, tahimik na hinubad ang engagement ring ko, at ipinatong iyon sa ibabaw ng kahon. Iyon ang huling beses na tatapak ako sa lugar na iyon.

Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa isang high-end bar sa BGC. Basta ang alam ko, kailangan ko ng alak na papatay sa bawat pakiramdam na unti-unting sumusugat sa puso ko.

"Give me your strongest drink. 'Yung kaya akong patulugin hanggang sa makalimutan ko ang pangalan ko," utos ko sa bartender. Wala akong pakialam kung naka-office attire pa ako at mukhang tangang lumuluha habang nilalagok ang matapang na likido.

Hinayaan kong sunugin ng alak ang lalamunan ko, umaasang masusunog din nito ang alaala ng nakita ko.

"Drowning your sorrows won't make them disappear. It only makes the hangover worse."

Isang malalim, baritono, at umaalingawngaw na boses ang narinig ko mula sa aking tabi. Lumingon ako at halos malimutan kong huminga. Isang lalaking nakasuot ng mamahaling itim na suit ang nakaupo roon, hawak ang isang baso ng whiskey. Ang kanyang mga mata ay madilim, matalim, at tila nakabasa sa pinakailalim ng kaluluwa ko. May awtoridad sa kanyang tindig at kapangyarihan sa bawat galaw niya.

"Sino ka para pagsabihan ako?" malamig kong tugon, pilit pinapatatag ang boses ko kahit na basag na basag ako sa loob.

Tipid siyang ngumiti, isang ngiting nagpatindig ng mga balahibo ko. "A man who hates seeing a beautiful woman waste her tears on someone who clearly doesn't deserve her."

Tinitigan ko siya. Ang kanyang makisig na panga, ang matipunong pangangatawan, at ang pabango niyang masarap amoyin. Sa sandaling iyon, isang baliw na ideya ang pumasok sa isip ko. Harold took everything from me. Iningatan ko ang sarili ko para sa kanya, iningatan ko ang pagkababae ko dahil gusto kong sa kanya ko iyon unang ibigay sa araw ng kasal namin. Pero tinapon niya lang iyon.

Kung tinapon niya ako, bakit hindi ko iparanas sa sarili ko ang maging kanais-nais sa paningin ng iba? Bakit hindi ko angkinin pabalik ang katawan ko?

Tumayo ako at humakbang palapit sa kanya. "Make me forget," mahinang bulong ko, ang aking mga mata ay nakatitig nang diretso sa kanyang madilim na paningin. "Kahit ngayong gabi lang."

Hindi siya nagtanong. Wala siyang sinabing kahit ano. Hinawakan niya ang palad ko, ang kanyang balat ay mainit at magaspang, at hinila niya ako patayo.

Bago ko pa man maproseso ang lahat, nasa loob na kami ng isang marangyang penthouse suite sa itaas ng bar na iyon.

Pagkasarang-pagkasara ng p***o, sinakop na niya ang mga labi ko. Hindi ito katulad ng mga halik ni Harold. Ang halik niya ay nag-aapoy, nag-uutos, at walang iniiwanang lugar para sa pag-aalinlangan. Ibinagsak niya ako sa malambot na kama, at sa bawat pag-alis niya ng aking mga damit, pinalitan niya iyon ng mga haplos na nagpapanabik sa bawat hibla ng aking laman.

Nang maramdaman ko ang matinding sakit, napakagat ako sa ibabang labi ko at napapikit nang mariin. Napatigil siya, ang kanyang paghinga ay mabigat habang nakatitig sa aking mukha.

"You're untouched..." bulong niya, may bahid ng gulat ngunit mas nangingibabaw ang pag-aalaga. "Why didn't you tell me?"

"Huwag kang tumigil," naiiyak kong pakiusap. "Please..."

Bumuntong-hininga siya, pinunasan ang luha sa pisngi ko, at muling inangkin ang aking mga labi. "I'll take care of you. I promise."

At sa gabing iyon, ibinigay ko ang lahat. Ibinigay ko ang pagkababae ko sa isang estranghero na nagparamdam sa akin ng halaga ko bilang isang babae. Sa mga bisig niya, naramdaman ko ang init, ang sarap, at ang pagmamahal na ipinagkait sa akin ng lalaking dapat ay pakakasalan ko. Wala akong pinagsisihan.

Kinabukasan, habang nakatitig ako sa nakabukas niyang wallet sa ibabaw ng bedside table kung saan nakasilip ang isang ID, halos tumigil ang pagtibok ng puso ko. Ang lalaking nagparamdam sa akin ng langit... ang lalaking umangkin sa pagkababae ko... ay walang iba kundi si Harvey Aranas.

Ang ama ni Harold. Ang magiging biyenan ko.

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


Ulasan-ulasan

jayjay
jayjay
highly recommended
2026-11-03 22:14:42
0
0
5 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status