CHAPTER 129"Kumusta ang kumpanya? Nanggulo na ba si Mr. Sanchez?" tanong ni Valerie sa kanyang asawa ng pumasok eto sa kanilang kwarto."Wala namang paramdam sa kumpanya si Mr. Sanchez na syang ipinagpapasalamat ko. Sana naman ay natanggap na nya na hindi talaga para sa anak nya si Vin," sagot ni Leonard sa kanyang asawa."Sana lang talaga ay matahimik na tayo. Sana ay wala ng gulo pa. Kung magpull out man si Mr. Sanchez ay pabayaan mo na lamang sya. Pipilitin na lamang natin na maisalba ang kumpanya oras na ginawa na nya ang banta nya sa atin," sagot ni Valerie sa kanyang asawa. Tumango tango naman si Leonard sa kanyang asawa."Tama ka. Pipilitin na lamang natin etong kayanin. At siguro nga ay tama ka rin sa sinabi mo sa akin noon na mas mahalaga ang kaligayahan at kapakanan ng ating mga anak. Pasensya ka na kung mas pinagtuonan ko ng pansin ang kumpanya at hindi ko na naisip pa ang mararamdaman ng ating anak," sagot ni Leonard kay Valerie. Napangiti naman si Valerie dahil sa sinabi
CHAPTER 130"BELLA!!!" sigaw ni Vin pagkababa nya ng sasakyan nya. Nasa labas na sya ngayon ng bahay nila Bella dito sa probinsya."BELLA!!!" sigaw pa ulet ni Vin kasabay ng pagkatok nya sa pintuan."Bakit walang sumasagot? Sigurado ba kayo na umuwi rito sa probinsya si Bella?" tanong na ni Vin kila Mark at Ian. Nagkibit balikat naman si Mark dahil hindi nya alam dahil wala naman sya noong umalis si Bella dahil nasa simbahan sya noon."Yun ang sabi nya sa amin. Sabi pa nga nya Uuwi na raw sya rito sa probinsya at dito na raw muna maninirahan," sagot ni Ian dahil nandoon sya nung magpaalam na si Bella at bago eto umalis."Kung gayon ay nasaan sya? Bakit walang tao rito?' tanong muli ni Vin. Kinakabahan na sya dahil baka nga hindi roon nagpunta si Bella.Linibot naman nila Ian at Mark ang paligid ng bahay ni Bella at napansin ni Mark na parang may ginawang tindahan doon."Tingin ko ay narito sya. Tingnan nyo eto," sabi ni Ian at itinuro nya ang bagong gawa na tindahan. "Wala namang tind
CHAPTER 131"Sorry kung umalis ako ng walang paalam Vin. Hindi ko lang talaga kasi kaya na makita na ikinakasal ka na sa iba," sagot ni Bella kay Vin. Hinawakan naman ni Vin ang magkabilang pisngi ni Bella."Wala kang dapat na ihingi ng tawad Bella dahil ako ang dapat na humingi ng tawad sayo. Patawad kung nakalimutan kita. Patawad kung nawala ka sa alaala ko. Patawad kung nasaktan kita ng mga panahon na hindi kita naaalala," sabi ni Vin at hinalikan nya si Bella sa tuktok ng ulo neto napapikita naman si Bella kasabay ng pagpatak ng kanyang mga luha."Salamat Vin at bumalik ka na sa akin. Sobra akong nasasaktan noong mga panahon na hindi mo ako naaalala. Walang araw na hindi ko ipinagdasal sa Dyos na sana ay bumalik na ang alaala mo at maalala mo na ako. Miss na miss na kita Vin," sagot ni Bella at yinakap na nya ng mahigpit si Vin kasabay ng pagiyak nya sa dibdib neto. Gumanti naman ng yakap si Vin kay Bella. Sobrang miss na miss nila ang isa't isa kaya nanatili pa silang dalawa sa
CHAPTER 132"Paano mo nga pala nalaman na narito ako?" tanong ni Bella kay Vin habang kumakain sila nila Mark umuwi kasi muna si Ian sa kanilang bahay dito sa probinsya kaya wala eto."Tinanong ko kila Myca. Nabanggit na rin kasi ni Sarah na pauwi ka raw dito noong araw ng kasal namin ni Nicole," sagot ni Vin."Alam ni Sarah?" nagtatakang tanong ni Bella rito dahil hindi naman nya nakakusap pa si Sarah."Oo alam nya. Dapat kasi ay susunduin ka nya sa terminal ng bus ng araw na iyon kaso ay nabangga naman namin ang kotse nya na naging dahilan naman para makaalala ako," pagkukwento na ni Vin kay Bella. Napakunot naman ang noo ni Bella."Pero paano nalaman ni Sarah na paalis ako noon e hindi ko naman sya nakakausap," nagtataka pa rin na tanong ni Bella."Si Myca ang nagsabi dahil sa bahay nyo sya pumunta ng araw na iyon," sagot ni Vin. Tumango tango naman si Bella rito."Si Ni-Nicole? Kumusta sya?" tanong ni Bella. Napatigil naman si Vin sa pagnguya dahil sa tanong ni Bella. "Hindi ko
CHAPTER 133"Ate Bella," magkapanabay pa na tawag nila Viela at Vanessa kay Bella ng makita nila na dumating na ang mga eto. Nakangiti naman na sinalubong ni Bella ang dalawa."Viela, Vanessa," tawag rin naman ni Bella sa dalawa . Agad naman na lumapit ang dalawa kay Bella."Namiss kita ate Bella. Bakit ba kasi umalis ka?" tanong kaagad ni Viela. Nginitian na lamang eto ni Bella "Ako din ate Bella namiss din kita. Nga pala sabi ni Mama dito ka na raw titira sa bahay. Totoo ba yun?" sabat naman ni Vanessa. Kahit na mga dalagita na kasi ang mga eto ay close na close pa rin sila kay Bella."Oo Vanessa dito na muna ako titira sa inyo," nakangiting sagot ni Bella."Yes makakasama ka na pala namin dito araw araw ate Bella," tuwang tuwa na sabat ni Viela."Hep hep. Baka gusto nyong pagpahingahin muna ang ate Bella nyo. Pagod pa yan sa byahe," awat na ni Vin sa pangungulit nila Viela at Vanessa kay Bella. "Naku ipagdadamot na naman ni kuya Vin si ate Bella," iirap irap na sagot ni Vanessa s
CHAPTER 134Lumipas pa ang mga araw at naging maayos at tahimik naman ang pamilya ni Vin at si Bella. Hindi naman sila ginugulo ni Mr. Sanchez sa kanilang bahay. Si Bella naman ay nanatili na lamang sa bahay nila Vin hindi na sya pinagtrabaho muna ng ina ni Vin dahil ayaw raw neto na magtrabaho pa si Bella kaya isinasama na lamang eto palagi ni Valerie tuwing aalis sya para hindi mainip si Bella sa kanilang bahay. Wala na rin naman magawa pa si Bella kundi ang sumunod na lamang sa gusto ng pamilya ni Vin dahil nahihiya rin naman sya sa mga eto kung ipilit nya ang gusto nya.Tahimik naman na nagpapahangin ngayon si Bella sa garden nila Vin. Nagulat na lamang sya ng may biglang yumakap sa kanya mula sa kanyang likuran."Okay ka lang ba rito?" tanong ni Vin habang nakayakap sya mula sa likod ni Bella. Napangiti naman si Bella ng mapagtanto nya na si Vin ang yumakap sa kanya ng magsalita eto."Oo naman. Hindi pa ba ako magiging okay dito e halos ayaw nyo nga ako pakilusin dito sa bahay ny
CHAPTER 135"Ang sweet naman pala," agad na sabi ni Myca na may tonong nang aasar ng makapasok sila sa garden nila Vin at naabutan nila ang mga eto na sweet na sweet sa isa't isa."Myca," gulat na sabi ni Bella. Napabitaw naman si Bella kay Vin at agad na linapitan si Myca at ang iba pa nilang kaibigan."Sus. Huli. Hahaha. Ang sweet nyo naman. Baka nakakaistorbo kami ha. Balik na lang kaya kami sa ibang araw. Hahaha," pang aasar din ni Colleen kila Vin at Bella. Hindi na lamang pinansin ni Bella ang pang aasar sa kanila ng mga kaibigan nila."Kumusta kayo? Buti naligaw kayo rito," nakangiting sabi ni Bella sa mga kaibigan nya."Oo namiss ka na kasi namin kaya kami naligaw dito. Kumusta ka naman Bella? Buti at napapayag ka ni Vin na bumalik dito sa Manila," sabi ni Myca."Oo masyado kasing mapilit eh. Haha. Kaya sumama na lang ako," tatawa tawa na sagot ni Bella."Sus. Ang Sweet sweet nyo ngang dalawa dyan e," pang aasar naman ni Kate."Ikaw kasi wag ka na magpakipot kay Mark para mer
CHAPTER 136"Sir nandyan po si Mr. Sanchez gusto raw po kahong makausap. Papasukin ko po ba?" tanong ng sekretarya ni Leonard sa kanya. Napabuntong hininga naman si Leonrd dahil nandito na naman si Lyndon at alam nya na mangungulit na naman eto sa kanya. Simula kasi ng hindi matuloy ang kasal nila Nicole at Vin ay ilang beses na etong nakiusap sa kanya na ituloy ang kasal dahil nagkukulong na lamang daw si Nicole sa kanyang kwarto at ayaw kumain. Pero hndi na lamang nya iyon pinansin pa dahil ang mahalaga sa kanya ngayon ay ang kanyang anak dahil ayaw naman nyang maulit na naman ang nangyare noon dahil mas pinahalagahan nya ang kanyang negosyo kesa sa sarili nyang anak."Sige papasukin mo," sagot ni Leonard sa kanyang sekretarya. Agad naman na tumalima ang kanyang sekretarya. Maya maya ay may kumatok na ulet sa opisina ni Leonard at ng magbukas iyon ay agad ng pumasok si Lyndon doon at dire diretsong naupo sa upuan na nasa harap ng office table ni Leonard."Mr. Sanchez napadalaw ka.