Stranded With The Man I Ruined

Stranded With The Man I Ruined

last updateLast Updated : 2026-10-28
By:  LiaCollargaSiyosaUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
18views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Palipad na sana papunta sa ibang bansa si Twyla para mag-guest sa isang sikat na app game event nang biglang bumagsak ang eroplanong sinasakyan niya. Sa hindi inaasahang pangyayari, masuwerte siyang nakaligtas at napadpad sa isang liblib na isla. Halos maiyak sa tuwa si Twyla nang mapagtantong buhay pa siya. Pero mas lalo siyang nagulat nang makakita ng isa pang survivor na nakahandusay sa buhangin at tila humihinga pa. Agad niya itong nilapitan at sinubukang alamin kung sino ang taong iyon, ngunit nang makita niya ang mukha nito, tila biglang huminto ang mundo ni Twyla. Si Kentaro. Sa dinami-rami ng lalaking puwede niyang makasamang ma-stranded sa islang iyon, ang lalaki pa talaga na minsan na niyang nasaktan, limang taon na ang nakalipas. Limang taon na ang lumipas, pero paano kung ang tadhanang minsan na niyang tinakasan ay siya ring magkukulong sa kanila sa iisang isla? At kung mabigyan sila ng pagkakataong harapin ang nakaraan, kaya ba nilang iligtas ang isa’t isa o muli lang nilang dudurugin ang puso ng bawat isa?

View More

Chapter 1

Prologue

Twyla POV

Halos umiikot na ang paningin ko habang paalis sa event area ng kasal ng kapatid kong si Juni at ang one year palang niyang boyfriend na si Kentaro. Ang bilis nga, isang taon palang sila pero nagpakasal na agad.

Ewan ko ba pero nawi-wirduhan talaga ako sa pinakasalan ni Juni na iyon. Pero, buhay iyon ng kapatid ko, at gustong-gusto niya ang Kentaro na iyon, kaya wala akong magagawa. Bahala sila sa buhay nila.

Kanina pa tapos ang kasal. May dalawang oras na ata ang nakakalipas. Ang iba ay umuwi na, lalo na ang mga may edad na. Sa ngayon kasi ay party, party na ang nagaganap.

Ayon nga at nagpa-party na nang malala si Juni, habang ang asawa naman niya, ewan, nasa bedroom na ata at wala raw sa mood mag-iinom ng alak ngayon. Sa loob-loob ko, hinihintay lang niya si Juni para sa honeymoon nila. Si Juni kasi, naku, talagang dati pa ay hilig sa mga event na hindi nawawalan ng inuman. Kaya maging ang kasal niya, aba, hindi rin nagpaawat sa ganoong kasiyahan.

Paakyat na ako ngayon sa hotel room namin ng boyfriend ko, kasi dito lang din naman sa five star hotel ginanap ang kasal ng kapatid ko.

Oo, umiinom din naman ako ng alak, pero bakit parang ibang alak ata ang pinainom sa akin nung mga kaibigan ni Juni kanina.

Pakiramdam ko, parang tatlong bote ng gin ang katumbas nung tatlong shot na pinainom nila sa akin. Kakaiba ang timpla, pero masarap naman. Iyon nga lang, malala ang tama pala sa akin ng masarap na alak na iyon. Kaya imbes na makisaya pa sa kanila ng matagal, heto at para pa akong naliyo lalo sa pagsakay dito sa elevator.

Mabuti na lang at nauna na sa akin sa hotel room namin si Ael, ang boyfriend ko, wala rin daw kasi siya sa mood uminom ng alak, so, nauna na ito sa hotel room namin. Ang loko, aba, kanina pa message nang message sa akin. Pinapasunod na niya agad ako sa hotel room namin. Alam ko na ang dahilan. Eh, siyemre, dahil lasing na ako at umiikot pa nang malala ang paningin, sa tingin ko ay malala ang mangyayari sa amin sa hotel room namin.

Pagbukas ng elevator at pagdating ko rito sa twenty seven floor, napahinto ako sa hallway. Napaisip kasi ako kung ano nga ba ulit ang number ng hotel room namin ni Ael.

Number sixty seven ba o sixty nine?

Nung iche-check ko na sana sa cellphone ko ang message ni Ael, kasi nabanggit niya sa akin kanina ang number ng hotel room namin sa message,  bigla namang nag-power off ang cellphone ko.

“Putek na ‘yan! Na-low battery pa talaga oh!” iritado kong sabi habang mag-isa ako sa hallway.

Nung mga oras na iyon, lalo akong naliyo. Lalo akong nalasing sa inis. Kung kailan naman kailangang-kailangan kong malaman ang number ng hotel room namin, saka pa ganito.

Bahala na nga, doon na muna ako pupunta sa hotel room number sixty seven.

Naglakad na ulit ako. Habang tumatagal, aba, lalo atang sumisipa ‘yung tama ng alak sa katawan ko. Kahit aircon ang buong hotel, nag-iinit ang buong katawan ko.

Maya maya pa ay nakarating na rin ako sa room sixty seven. Kakatok na dapat ako, pero nung hahawakan ko ang seradura ng pintö, bigla na lang bumukas iyon. Hindi siya naka-lock at tila hindi naisaradong mabuti ang pintö.

Napangiti ako kasi ganoong-ganoon si Ael sa condo ko.

Kaya naman hindi na ako nagdalawang-isip na pasukin ang hotel room na iyon.

Pagpasok ko sa hotel room, madilim din kaya lalo akong napangiti kasi alam kong hindi sanay si Ael matulog ng nakabukas ang ilaw. Kahit lampshade ay wala rin, e.

Ang ginawa ko, habang susuray-suray ako sa paglalakad dahil liyong-liyo at grabe na ang lasing, isa-isa ko nang tinanggal ang saplot ko.

Gown, sandong puti, lahat-lahat, wala akong tinira. Para pagsampa ko sa kama e, ready-to-fight na agad kami.

Ganoon na nga ang nangyari.

“Game?” tanong ko sa kaniya nung sa wakas ay makalapit na ako sa kama namin.

Hindi siya sumagot, pero nung marinig niyang sinabi kong game, kumilos na agad siya.

Bumangon siya sa kama, nagtanggal na rin ng saplot at saka umibabaw sa akin.

Napangiti na lang ako kasi mukhang kanina pa nga niya ako hinihintay.

Nagpaubaya na lang ako, nahiga, pinikit ang mga mata, habang siya, ayon, hinayaan ko na lang sa gusto niyang gawin sa akin.

Ang pinagtataka ko lang nung gabing iyon ay parang may kakaiba. Parang lumaki ata ang katawan ni Ael. Pero dahil lungayngay na ako dahil sa lakas ng tama ng alak, hindi ko na masyadong inusisa pa iyon. Wala na e, wala na akong pakelam sa nangyayari.

Pero, kakaiba talaga dahil kahit manhid na ako dahil sa alak na nainom ko, aba, nakaramdam pa rin ako ng kiliti at sarap.

Nasa mood ata si Ael ngayong gabi kasi ang galing. Kahit nilalabanan ko ang pagkalasing at pagka-antok ko, aba, napapanganga pa rin ako sa sarap.

Hindi ko na nga lang naintindihan kung ano ang naging ending nun dahil tuluyan na akong nilamon ng dilim dahil sa tindi ng tama ng alak na ininom ko. Knock out na nga sa alak, lalo pa akong na-knock out ni Ael sa kama. Kumbaga ay parang na-double kill ako.

KINABUKASAN, isang malakas na sigaw ang gumising sa akin.

Pagdilat ng mga mata ko, galit na galit na mukha ni ng kapatid kong si Juni ang sumalubong sa akin.

“Mga hayop!” sigaw niya habang pinagpapapalo na niya ang katabi ko sa kama.

“Ano ba, Juni, bakit mo sinasaktan si Ael?!” sigaw ko rin sa kaniya kasi ang alam ko nun ay si Ael na boyfriend ko ang katabi ko sa kama buong magdamag.

“Shit!” bigla namang sabi ng lalaking katabi ko, na ang buong akala ko ay si Ael, pero nung tignan ko ang mukha niya, doon na rin ako nagulantang.

Ang hotel room pala na napasok ko kagabi ay hindi ang hotel room ng boyfriend kong si Ael, kundi ang hotel room pala nila Juni at ng napangasawa niyang si Kentaro Corpuz.

Nung magkatinginan kami ni Kentaro, sabay na lang din kaming napasigaw nang malakas.

Napasapo na lang ako sa ulo ko dahil sa nangyari. Doon palang sa itsura ng kapatid kong si Juni, alam kong malaking problema itong nangyari.

Kakakasal lang nila kagabi, tapos ganito agad ang nangyari!

Ang nakalaro ko kagabi sa kama ay hindi ang boyfriend kong si Ael, kundi si Kentaro pala.

Lagöt talaga ako nito.

Napakalaking problema nito.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status