My Billionaire Boy Best Friend

My Billionaire Boy Best Friend

last updateTerakhir Diperbarui : 2024-07-27
Oleh:  AnneTamat
Bahasa: Filipino
goodnovel18goodnovel
9.3
19 Peringkat. 19 Ulasan-ulasan
247Bab
36.0KDibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Isang masayahin at palakaibigan na dalaga si Bella. Matalik niyang kaibigan na lalaki si Vin simula pagkabata. Magkapitbahay lamang sila at madalas na magkasundo sa lahat ng bagay. Naging magkaklase sila ni Vin simula elementarya hanggang high school. Sobrang close nila sa isa't isa kaya madalas silang magkasama. Ngunit pagdating ng college ay kinailangang umalis ni Vin upang mag-aral sa ibang bansa. Hindi naman lingid sa kaalaman ni Bella na nagmula si Vin sa mayamang pamilya kaya hindi na sya nagtaka nung kinailangang umalis ni Vin upang mag-aral sa ibang bansa. Lumipas pa ang mga taon ay bumalik na si Vin sa Pilipinas at nalaman eto ni Bella. Nang magkrus ang kanilang landas ay nagtaka si Bella kung bakit parang iba ang pakikitungo ni Vin sa kanya at madalas ay iniiwasan pa nga siya. Doon na nalaman ni Bella na may nararamdaman na pala si Vin sa kanya. Higit pa sa matalik na magkaibigan. Sobra ang tuwang nadama ni Bella dahil napagtanto nyang mahal na rin nya ang binata. Ngunit isang araw ay napalitan ng lungkot ang saya na nadarama ni Bella nang makita nya si Vin na may kasamang ibang babae, si Nicole, at napag-alaman nyang ikakasal na ang mga eto. Labis na nasaktan si Bella. Akala nya kasi ay si Vin na ang nakalaan para sa kanya pero may ibang plano pala ang tadhana para sa kanila. Magagawa pa kayang ipaglaban ni Bella ang pagmamahal nya kay Vin? O hahayaan na lamang nya etong magpakasal sa ibang babae.

Lihat lebih banyak

Bab 1

Chapter 1

Chapter 1

"Bella bilisan mo na dyan. Late n naman tayo. Mapapagalitan na naman tayo ni Ma'm Ramos neto eh." Sigaw ng binatilyong si Vin sa kanyang kaibigan na si Bella habang siya ay nag iintay sa labas ng bahay neto.

Si Vin at Bella ay matalik na magkaibigan. Parehas silang 4th year High School ngaun. Elementary pa lamang sila ay palagi na silang magkasama. Sabay silang pumapasok sa school at sabay na din silang umuwi na dalawa.

Minsan tinutukso na silang dalawa ng iba pa nilang mga kaibigan na magjowa daw sila. Tinatawanan n lang nila iyon dahil nasanay na lang silang dalawa.

"Oo na. Eto na nga. Eto naman laging nagmamadali eh. Tingnan mo nga hindi pa ako nakakapagsuklay man lang." Sagot naman ni Bella habang iirap irap pa siya kay Vin.

"Hay naku! Kung inaagahan mo sana ang gising mo eh di sana kanina ka pa natapos sa ginagawa mo at nakapagsuklay ka na sana" sagot din naman ni Vin sa kaibigan nya.

Si Vin ay nagmula sa mayamang. Pangalawa siya sa apat na magkakapatid. Sinanay sila ng kanilang magulang na tumira sa probinsya malayo sa marangyang buhay na meron sila. Gusto kasi ng kanilang magulang na maranasan nila na hindi kaagad makukuha ang gusto kaya sa lola nila sa probinsya sila nakatira.

Habang si Bella naman ay hindi mayaman kumbaga nasa tama lang ang antas sa buhay. Si Bella ay nag iisang anak lamang. Ang kanyang ama ay nagtatrabaho sa construction at ang ina naman niya ay nagsideline minsan sa paglalabada.

"Bella sigurado ka ba na hindi mo boyfriend si Vin? Sobrang close nyo kasi eh." Saad ni Myca na kaibigan din niya.

"Hindi nga. Ang kulit mo. May gusto ka ba kay Vin? Siguro gusto mo sya noh? Ayiee. Hahaha." pang - aasar nya sa kaibigan nya.

"Eto naman tinatanong lang eh. Pag tinanong may gusto agad? Hindi ba pwedeng curious lang ako sa pagiging close nyo?"

" Eh bat ka namumula dyan? Hahaha. Aminin mo na kasi. Hahaha." pang aasar pa nya kay Myca.

"Hay naku! Bahala ka na nga dyan. Namumula ka dyan? Hindi kaya." nakangusong sagot nito sabay sipat sa kanyang salamin na nasa likod ng kanyang ID.

"Sige na. Hindi na kung hindi. Hahaha. Mapipikon ka na eh." biro pa nya.

Nasanay na lang si Bella na palaging may nagtatanong kung boyfriend nya ba dw si Vin. Tinatawanan na lang din nya kapag inaasar siya ng mga eto.

Madalas silang napagkakamalan na magjowa dahil sa sobrang pagiging close nila. Magkapitbahay kasi sila kaya madalas nung mga bata pa sila ay sila ang magkalaro dahil sa magkaedad lang sila at magkaklase pa sa eskwelahan.

"Hindi ka naman pikon nyan ha!?" pang aasar pa niya kay Myca ng mapansin na tumahimik eto.

"Ang kulit talaga. Susko."

"Hahaha. Eh pano naman kasi hindi pa din kayo nasanay sa amin ni Vin eh elementary pa lang tayo eh ganito na talaga kami." sagot pa ni Bella.

Maya maya pa ay dumating na din ang dalawa pa nilang kaibigan si Kate at si Colleen.

"Oh nag aasaran na naman kayong dalawa dyan" saad ni Kate

"Hahaha. Lagi naman ang dalawa na yan" sabi naman ni Colleen.

Nagkatinginan na lang sila Bella at Myca at sabay silang natawa sa kanilang mga kaibigan .

"Masasanay din kayo sa amin" sabi ni Bella

"Oh sya umayos na kayo ng upo andyan na si Ma'm Ramos. Baka mapagalitan na naman tayo lagi pa naman mainit ulo non tuwing Lunes" saad ni Myca.

Bukod kay Vin na matalik na kaibigan ni Bella ay meron pa sya na iba pang mga kaibigan mga kaklase nila sila Myca, Kate at Colleen. Sila naman ang magkakasama kapag wala si Vin. Kaibigan din naman nila si Vin pero hindi kagaya ng closeness nila Vin at Bella..

"Vin tahimik ka dyan? Lalim ng iniisip ah" sabi ni Ian kay Vin ng mapansin nito ang pananahimik ng kaibigan.

"Hmm. Wala lang Ian. Gusto ko lang ngbkatahimikan" sagot niya.

"Talaga ba? Hay naku Vin kilala ka na namin pag ganyan ka may iniisip ka o kaya may problema ka" sabat naman ni Mark.

"Wala nga eto. Wag nyo na lang akong pansinin"sagot ni Vin sa mga kaibigan nya.

"Okay. Sabi mo eh" kibit balikat na sagot ni Ian.

Kagaya ni Bella meron din iba pang kaibigan si Vin sila Ian at Mark. Sa kanilang tatlo si Ian ang pinakamakulit. Si Mark ay pinsan din ni Vin.

"Hi pretty Bella" ngiting sabi ni Ian kay Bella ng makasalubong nila ang magkakaibigan. Tapos na ang kanilang klase at sila magsisipag uwian na.

"Hello Ian. Ako na naman nakita mo eh. Eto si Colleen oh ang ganda ganda" sagot naman ni Bella.

"Luh? Bat ako? Nananahimik ako dito eh" gulat na sagot ni Colleen dahil busy eto ka cecellphone.

"Hahaha. Bakit maganda ka naman talaga ah. Di ba Ian? " Pataas taas pa ang kilay na sagot ni Bella habang nakatingin kay Ian.

"Ah... Eh.. ano? O-oo oo m-maganda si ano si si Colleen" kandautal na sagot ni Ian habang kakamot kamot sa ulo kahit na hindi naman iyon makati.

"Hay naku. Ewan ko sa inyo. Sige na mauna na ako sa inyo. Bye" sagot na lang ni Colleen.

"Hahaha. Sige na. Bye. Ingat sila sa iyo este ingat ka pala" sagot din ni Bella.

"Bye Colleen" sabay na sabi ni Myca at Kate.

"Kate sabay na lang tayo. Hintayin mo lang ako saglit at may bibilhin lang ako. Sige na mauna na kayo Bella. Bye see you tomorrow" saad naman ni Myca kay Bella.

"Sige ingat kayo. Bye." Sagot naman ni Bella.

"Vin dito na din kami ni Mark ha. Bye" sabi din Ian kay Vin.

"Sige ingat kayo" sagot naman ni Vin.

As usual sabay pa din umuwi si Bella at Vin.

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

user avatar
athrunyoeishi
highly recommended
2024-10-25 09:33:30
2
user avatar
Mayfe de Ocampo
nice story,,, highly recommended
2024-09-03 22:18:28
2
user avatar
Sapphire Dyace
highly recommended 🫰🏾
2024-05-29 08:07:17
2
user avatar
SEENMORE
Congrats, bebs! More readers and followers to come!
2024-05-17 17:39:49
1
user avatar
Anne_belle
wooow ......
2024-05-12 02:10:36
1
user avatar
asheeshable
highly recommended! basa na!
2024-05-07 22:41:43
2
user avatar
Sapphire Dyace
Galing naman.. SPG please..
2024-05-01 10:00:31
1
user avatar
SEENMORE
More chapters po please🥹🫶...️
2024-04-11 22:51:04
2
user avatar
RIAN
Recommended
2024-04-03 15:05:43
2
user avatar
Ciejill
Supporrtttt bebsss..
2024-04-01 01:12:28
2
user avatar
Analyn Bermudez
parang wla nmn Sila laban takot maghirap Kya kahit Hindi mahal magpapakasal dhil ayaw nila bumagsak..hays Wawa nmn SI bella..wag kna umasa bella Kay vin
2024-03-30 20:36:48
1
user avatar
Inday Eleighpi
Highly recommended,...️...️...️...️...️
2024-03-28 23:08:47
1
user avatar
1ionhart
Highly Recommendeeeeeed storyyyyy!
2024-03-28 20:07:46
1
user avatar
Tisay Reyes
i like the story.. kakainlove... thank you
2024-03-10 04:34:49
1
user avatar
Love Reinn
uy nasa GN na siya, oh, congrats! <3
2024-02-01 21:12:48
1
  • 1
  • 2
247 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status