The Moonlighting Contract

The Moonlighting Contract

last updateLast Updated : 2026-10-28
By:  Oxy GUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
7Chapters
21views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Pumasok lang ako sa trabaho bilang sekretarya ni Damian Villareal. Bago pa mag-alas otso ng umaga, nalaman kong ikakasal na pala ako sa boss ko. Ang problema? Ako ang huling taong sinabihan niya. Posisyon: Asawa Tagal ng kontrata: Isang taon Compensation: P50,000,000.00 Qualifications? Apparently, ako. Secretary by profession. Wife by contract. Same boss. Technically, parang hindi naman yata ako nag-asawa? Nadagdagan lang ako ng workload?!

View More

Chapter 1

ARC 1: Apparently, I'm getting married

01: Hindi ako nag-apply bilang asawa?!

◇◇◇◇

Nalaman kong ikakasal ako kay Damian Villareal–

Hindi mula kay Damian.

Hindi mula sa abogado niya.

At lalong hindi mula sa sarili kong bibig.

“Congratulations, Miss Castillo!” Bungad sa akin ni Shell, receptionist sa Villareal Tower.

Napahinto ako sa gitna ng lobby.

Kape sa isang kamay, tablet sa kabila, office ID, at heels na maganda lang tignan pero pinagsisisihan ko ng isuot bago pa mag-alas-otso ng umaga.

Sa labas ng glass walls ng lobby, kitang kita ang greenery ng Ayala Triangle. Sa loob naman, oh well... the polished floors, elevator chimes, at mga taong mukhang may meeting na agad kahit hindi pa naka-time in.

“Para sa’n?” Diretso kong tanong.

Ako nga pala si Elara.

Corporate girlie by choice and by necessity.

Fake it till you make it ang isa sa mga philosophy ko.

And so far so good naman. Three years committed na—

Saan pa ba?

Sa trabaho ko dito syempre.

Kailangan lang talaga nating tanggapin na ‘not everything goes our way’ ika nga.

At ito nga, narinig ko ang mahinang pagkasambit ni Shell ng—

“Ay.”

Napapikit ako.

‘Ay.’

Napakaikling salita.

Dalawang letra.

Pero sa tatlong taon kong pagtatrabaho sa Villareal Group, natutunan kong kapag may empleyadong nagsabi ng ‘AY’ sabay iwas ng tingin, may problemang naghihintay sa akin.

At kadalasan?

May pangalan ang problemang 'yon.

Damian Villareal.

“Shell.”

“Ma'am?”

“Ano'ng nangyari?” Kalmado, pero curious kong tanong. Iyong klaseng kalmadong naghahanda na bago dumating ang bagyo…

“Mas magandang kay Sir Damian n'yo na lang po siguro itanong.” Sabay ngisi.

Of course.

Wala akong magawa kundi magpakawala ng isang malalim na buntong hininga.

“Nasa’n siya?”

“Executive floor po.”

Executive floor it is…

Mas hinigpitan ko ang pagkakipkip sa tablet.

Singapore call at nine.

Legal at ten-thirty.

Development after lunch.

At somewhere between those, kailangan ko ring pilitin si Damian na kumain dahil, apparently, optional sa mga bilyonaryo ang basic human nutrition.

Tatlong taon ko nang inaayos ang schedule ng lalaking iyon. Meetings, calls, business trips, deadlines. Kaya ko ngang sabihin kung aling meeting ang puwede niyang i-move base lang sa pagkakunot ng noo niya.

His wedding, though?

Apparently, hindi kasama sa calendar.

“Ma'am!” Biglang habol ni Shell.

Napataas ang isang kilay ko. Halata ang pagdadalawang-isip niya kung itutuloy niya ang sasabihin.

Then she smiled awkwardly.

“Congratulations pa rin po.” Habol nito bago sumara ang elevator.

Lalong lumalim ang pagkakunot ng noo ko.

“What was that?” mahinang bulong ko sa sarili. Babaan ko kaya ng memo?

Ilang sandali pa, nabalik ako sa reyalidad nang maramdaman ko ang sunod-sunod palang pagba-vibrate ng cellphone ko na android. Oo, android. Hindi malakas maka-corporate girlie? Eh ano naman? Dedma sa bashers.

Inayos ko ang pagkakahawak sa tablet para makuha ang cellphone ko.

14 missed calls.

7 messages.

At…

tatlong links.

Ano ‘to?

National emergency?

Nasa pinakataas ang message ng kapatid ko. Edi, for the go!

ATE ANO 'TO?!

Caps lock. Aba, with feelings?

Well, as long as hindi allowance ang hingi, good news ito.

Edi pinindot ko ang link.

Wag naman sana scam.

Hindi pa ako emotionally prepared para magpalit ng password.

Sandali pa, unti unting nag-load ang content.

“Hmm.. Ano ‘to, binyag o kasal?” Mahinang sambit ko habang hinihintay na mabuo ang content ng page.

Ilang sandali pa, unti-unting nagsasalubong ang kilay ko.

Teka...

Picture ba ‘to ni Dam-yan?

Aba— oo nga.

Napakaganda pa ng kuha ng mokong.

Naka-dark suit, seryoso, at siyempre, mukhang bilyonaryo.

Pero hindi sa mukha niya nagsimula ang problema ko…

“Damian & Elara”

In a modern & minimalist cursive font….

Napakuskos ako ng mata ko.

Then looked at it again.

Nando’n pa rin.

“Ano ‘to?”

Dahan-dahan kong binasa ang headline sa ilalim.

Billionaire Damian Villareal Set to Marry Longtime Executive Secretary Elara Castillo

Napakurap ako. Unti-unting bumagal ang tibok ng puso.

Binasa ko ulit.

Same headline.

Okay, so hindi ako namamalikmata.

Ilang sandali pa... Biglang nanlaki ang mata ko.

Teka--

“Ikakasal na ang batong yun?!”

Gulat na sambit ko. Sabay biglang balik ng tingin ko sa mukha niya.

Sa mukha ni Damian.

Sa pangalan niya.

Sa salitang marry…

Naglipat ako ng tingin sa babaeng nasa tabi ng litrato niya.

Familiar.

Mahaba ang buhok.

Naka-beige na dress.

‘Elara…’ bulong ko. ‘Elara Castillo…’

Gandang pangalan.

Singganda ng akin…

....

Huh?

....

Huh?!

Isang saglit pa, para akong nabingi…

Parang nawalan ng lakas at dahan-dahan kong naibaba ang cellphone ko kasabay ng mabilis na pagdagundong ng tibok ng puso ko.

“Teka…”

Damian Villareal.

Marry.

Elara Castillo.

Damian.

Elara.

Kasal.

...

Kami.

Biglang nagsanib-sanib ang lahat sa utak ko.

“AY!”

Ding!

“IKAKASAL KAMI?!”

Umalingawngaw ang boses ko sa buong executive floor.

Tahimik.

Literal na nakakabinging klase ng katahimikan.

Iyong klase ng katahimikan na gusto mong pindutin ulit ang elevator, bumaba sa ground floor, sabay resign sa kahihiyan

Tatlong staff ang sabay na napalingon sa akin.

May isang muntik pang mabitawan ang hawak na folder.

At sa dulo ng hallway...nakatayo ang mismong lalaking gusto kong sakalin gamit ang sarili niyang kurbata.

Damian Villareal.

Perfectly pressed dark suit.

Perfectly styled black hair.

Mukha na deserved maging model ng annual report.

“Seven forty-eight.” Bungad nito.

“Ano?”

“You’re early.”

Unbelievable. Hindi ko alam kung matutuwa ba akong napansin niyang maaga ako o ibabato sa kanya ang hawak kong tablet.

Pinili kong huwag gawin pareho.

'Te, mahal.

“Office.” Sambit ko ng malapit na ako sa kaniya.

Hindi siya gumalaw.

“Good morning to you too, Castillo.” Imbis na bati niya.

“Sir,” dagdag ko nang matamis ang ngiti, “maaari po ba tayong mag-usap sa opisina ninyo bago ko makalimutang kailangan ko ang trabahong ito?”

May kung anong kumislap sa mga mata niya.

Amusement?

Parang gusto kong mapamura.

Nauna siyang maglakad.

“Follow me.”

“Hindi ako aso.”

“I didn't say you were.”

“Hindi rin ako bingi.”

“I know.”

Nakakainis. Laging may sagot!

Pagpasok namin sa opisina ni Damian, isinara ko agad ang p***o.

Click.

Inilapag niya ang kape sa mesa niya at dahan dahang humarap sa akin.

Doon ko na naman napagtanto ang isa sa mga unfair na bagay tungkol kay Damian Villareal. Because, unfortunately, may physical disadvantage ako sa argument na ito.

Kahit na naka-heels na ako, mas matangkad pa rin ang lalaki ng isang pulgada. Wala man lang maipintas kahit konting bilbil!

Pero okay.

Mas maliit ako. Mas galit naman ako.

Itinaas ko ang cellphone ko sa pagitan namin.

“Ano ’to? May pa-issue ka, Sir?”

Sinulyapan niya ang screen.

“An announcement.” Simpleng sagot nito kaya napatawa ako.

One short, humorless laugh.

“Wow. Buti sinabi mo. Akala ko weather forecast.”

“Elara.”

“Bakit mukha ko ang nandiyan, Sir?” Diretsa ko na lang na tanong.

“Bakit pangalan ko ang nandiyan?”

“Grabe, Sir. Sa lahat din naman ng picture ko, iyang old school look ko pa na pinaglumaan na talaga ng panahon ang ginamit dito! Hello, 2026 na po tayo?” Walang preno kong sabi.

“At pinakamahalaga sa lahat...”

Lumapit ako sa kaniya para ilapag ang cellphone sa mesa niya.

Bad idea.

Kasi apparently, kapag ganito kalapit si Damian Villareal, may additional information pala akong nakukuha na hindi ko hinihingi.

The fact na mabango siya.

Clean, woody, subtle. Saktong-sakto sa panlasa ko.

...

Panlasa?

Napapa-internal facepalm na lang talaga ako.

Elara, pabango 'yan. Pang-amoy.

Bahagya kong iniiling ang ulo ko para mabalik sa reyalidad, sabay hakbang ng isang metro palayo.

Better. Professional distance.

“Bakit sinasabi ng buong Pilipinas na ikakasal ako sa boss ko samantalang ako mismo walang alam na may boyfriend pala ako?” Tuloy-tuloy kong bigkas.

“We're not dating.”

May sandaling paghinto sa boses niya.

"That wasn't part of the announcement." Dagdag nito.

“Iyon talaga ang pinili mong sagutin?”

Napahawak ako sa noo.

“Okay. Fine. Let's start again.”

Huminga ako ng malalim. Go Elara, kaya mo yan!

“Good morning, Sir.” Pormal na bati ko.

“Good morning.”

“Ahem. May nakita akong announcement-”

“I know.” Agad niyang putol sa sasabihin ko. Isinenyas ko ang kamay ko para patahimikin siya. Teka muna, big boss.

“Apparently, ikakasal ka.”

“Yes.”

“Congratulations!”

“Thank you.”

Tumango ako.

“Sino ang bride?”

“You."

A moment of silence. Napapirmi ako sa kinatatayuan ko.

Tinuro ko ang sarili ko.

“You mean me?”

“Me? As in me? Marrying you?!”

“Lower your voice.”

“Sir, with all due respect, don't tell me to lower my voice. Ginawa mo akong bride nang hindi man lang ako ini-interview!”

“This isn't a job application.”

Parang lalong tumaas ang BP ko.

“Exactly! Dahil hindi ako nag-apply bilang asawa!”

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
7 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status