Share

Chapter 5

Author: Anne
last update Last Updated: 2024-01-28 15:04:19

Chapter 5

Naiwan naman na sila Bella at Vin sa bahay nila Bella.

Napatingin naman si Bella kay Vin "Salamat ulet Vin ha. Akala ko talaga nakalimutan mo na yung birthday ko eh" nakangiting sabi ni Bella kay Vin.

"Sus. Pwede ba naman yun. E di inaway mo ako. Hahaha." Sagot naman ni Vin

"Hahaha. Muntik na talaga kanina. Aawayin na sana kita eh. Hahaha" sagot naman ni Bella

"Hahaha. Sya nga pala regalo ko sayo oh" sabay abot ng maliit na box kay Bella.

"Naku hindi ka na sana nag abala pa. Dun pa lang sa pasurprise nyo masaya na ako eh" Sagot naman ni Bella.

"Sige na tanggapin mo na. Gusto mo ba ako naman ang magtampo sayo?."

"Hahaha. Sige na nga. Ikaw talaga. Baka magtampo ka pa eh. Salamat ha." sabay kuha sa inaabot ni Vin sa kanya na maliit na kahon.

"Sige na buksan mo na"

"Hindi ka naman atat nyan ha? Hahaha" sagot ni Bella sabay bukas sa regalo ni Vin. Nakita naman nya ang isang kwintas na may heart shape na gold pendant.

"Wow! Kwintas ang ganda. Salamat" manghang sabi ni Bella.

"Your welcome. Akina isuot ko sayo."

Inabot naman ni Bella ang kwintas kay Vin at isinuot sa kanya.

"Bagay na bagay sayo Bella" sabi ni Vin.

"Thank you Vin. Mukhang mahal eto ah"

"Ingatan mo yan ha."

"Oo naman galing to sayo eh. Thank you ulet" sabi ni Bella sabay yakap kay Vin at yinakap din naman sya ni Vin.

"Sige na. Linisin ko na muna tong mga pinagkainan natin. Umuwi ka na din muna baka hinahanap ka na ni lola" sabi ni Bella sabay kalas sa pagkakayakap kay Vin.

"Tulungan na kita"

"Naku Hindi na. Kaya ko na to. Sinurprise mo na nga ako ikaw pa ba paglilinisin ko? hahaha. Umuwi ka na muna" pagtataboy nya kay Vin.

Kakamot kamot naman sa ulo si Vin " Sige na nga. Uwi na nga muna ako. Bye" sabay dampot sa bag nya at lumabas ng bahay nila Bella.

"Dalhan mo kaya ng pansit sila lola pati na din sila Love at Viela ang dami pa neto oh. Kami lang naman nila nanay ang kakain eh" sabi pa nya kay Vin.

"Ahm... Sige paborito pa naman ni lola ang pansit."

Ipinaglagay naman muna ni Bella si Vin ng iuuwi neto na pansit para kila lola, Love at Viela.

Nang mapag isa na si Bella ay napapangiti na lang siya at hinawakan ang kwintas na bigay ni Vin.

Masaya siya na meron syang mga kaibigan na naiintindihan ang sitwasyon nya. At masaya din sya na meron syang matalik na kaibigan na si Vin.

Lumipas pa ang mga araw at naging masaya naman sila palagi ng mga kaibigan nya. Pagkatapos ng klase magkakasama palagi sila. Tambay dito tambay doon pero hindi naman nila pinapabayaan ang kanilang pag aaral.

"Girls malapit na ang prom! Excited na ako. May mga isusuot na ba kayo? "tanong ni Myca sa mga kaibigan nya.

"Wala pa eh. Kayo ba?" Sagot naman ni Kate

"Ako din wala pa. Baka sa sabado pa kami maghanap ni mama." sagot din naman ni Colleen.

"Oh.. Tahimik ka dyan Bella. Ikaw ba?" Tanong ni Myca.

"Ah. Eh. Baka hindi na lang ako pumunta sa prom." sagot naman ni Bella.

"Bakit naman? sayang naman masaya pa naman yun" Tanong naman ni Colleen.

"Wala naman akong isusuot don. Dagdag gastos pa yan. kelangan pa naman ni nanay ng pang maintenance." sagot naman ni Bella.

"Ay ganon. Sayang naman. Minsan lang naman eh" sagot naman ni Kate.

"Kaya nyo na yan. Ienjoy nyo na lang" ngiting sagot naman ni Bella.

Ang totoo nyan ay gusto talaga nyang umattend ng prom kaso wala naman silang extrang pera para ipang renta o ipambili ng susuotin na damit para sa prom. Kailangan kasi mag maintenance ng mama nya dahil sa high blood.

Napalingon naman si Vin sa gawi nila Bella. Naririnig kasi nila ng mga kaibigan nya ang pinag uusapan nila Bella at ng mga kaibigam neto.

Habang naglalakad sila pauwi ni Bella ay hindi na nya naiwasan na itanong ang narinig nya kanina. "Bella narinig ko kanina hindi ka aatend sa prom? Bakit?"

"Ah. Oo eh. Wala kasi akong susuotin" sagot naman ni Bella.

"Bakit?"

" E kasi wala kaming extrang pera para sa damit na susuotin sa prom. Dagdag gastos pa yun. Kelangan kasi ni nanay mag maintenance ng gamot. Kaya ipambibili na lang namin ng gamot kesa sa susuotin ko sa prom diba." Sagot ni Bella.

"Ah." Tatango tango naman na sagot ni Vin.

Nakarating sila ng kanilang bahay na natahimik silang dalawa.

Pagdating ni Vin sa kanilang bahay ay nadatnan nya ang kanilang ina at lola na nag uusap sa kanilang sala.

"Hi ma!" masayang bati niya sa kanyang ina sabay halik sa pisngi nito

"Mano po lola" bati naman niya sa kanyang lola sabay mano dito.

"Kumusta sa school anak?" Tanong ng kanyang ina

"Okay naman po ma"

Tumango tango naman ang kanyang ina.

"Ahm.. Ma babalik po ba kayo dito next week?" Tanong niya sa kanyang ina.

"Hindi ko pa sigurado anak. Siguro makapunta naman ako dito next week hindi naman masyado busy sa Maynila. Bakit nak?"

"Ma pwede po ba humingi ng favor?"

"Ano yun nak?"

"Ma baka po pwede nyong ibili si Bella ng damit na pwede nyang pong masuot sa prom. Baka daw po kasi hindi sya umattend kasi wala daw po sila pera para sa damit na pwede nyang masuot sa prom nag memaintenance daw po kasi si nanay Brenda ngayon. Sayang naman po kung hindi makasali si Bella" mahabang salaysay niya sa kanyang ina.

Napatango tango naman si Valerie sa kanyang anak. "Sige anak ako ng bahala sa susuotin nyo ni Bella" sagot niya kay Vin.

"Salamat po ma. Asahan ko po yan." ngiting sagot ni Vin sa kanyang ina.

Hindi na bago kay Valerie na may hilingin si Vin na para kay Bella alam kasi nito na matalik na magkaibigan ang dalawa. Alam nya na malulungkot si Vin kapag hindi nakasama si Bella sa gaganaping prom.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Lv Villarino
ang sweet nman ni vin
goodnovel comment avatar
Beth Serrano
hayyy sana all sana mauwi sa pagmamahalan ang pagkakaibigan nyo Bella at Vin.thanks po author sa update ...
goodnovel comment avatar
Cristina Bernales Bayubay
ang sweet naman ni vin na bff sana all na lang..
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • My Billionaire Boy Best Friend   AUTHOR'S NOTE

    Gusto ko po na magpasalamat sa lahat ng mga nagbasa at sumuporta sa story ko na ito. Ito po ang unang story na naisulat ko kaya masayang masaya po ako dahil merong nagbasa at tumangkilik dito. Maraming maraming salamat po sa inyo. Dito ko na po tatapusin ang My Billionaire Boy Best Friend. Maraming salamat po sa mga sumubaybay sa story nila Vin at Bella hanggang sa love story nila Mark at Kate. Maraming salamat po sa mga naghintay ng update ko araw araw. Anim na buwan ko rin po na isinulat ang story na ito. Sana po ay suportahan nyo pa rin po ako sa isa ko pang story na My Sister's Lover is My Husband. At sana rin po ay suportahan nyo pa rin po ako sa mga susunod na story na isusulat ko. Muli po maraming maraming salamat po sa inyo... ^_^ My Billionaire Boy Best Friend is now signing off.....

  • My Billionaire Boy Best Friend   Chapter 245

    CHAPTER 245Sunod naman na nagsalita su Kate. Napabuntong hininga pa muna ito bago sya nagsalita dahil kagaya ni Mark ay kinakabahan din sya na magsalita."Mark i love you," unang kataga na binigkas ni Kate kaya naman napangiti na kaagad si Mark sa kanya."Hon thank you dahil hindi ka sumuko sa pagsuyo sa akin. Salamat dahil kahit na iniiwasan kita at sinusungitan kita madalas ay hindi ka pa rin sumuko at patuloy mo pa rin akong sinuyo," sabi ni Kate."Ngayon ko lang ito sasabihin ha. Alam mo ba na crush na kita noon pa. Kaso masyado ka kasing gwapo at marami ang nagkakagusto sa'yo noon kaya naman pinigilan ko na yung sarili ko na magkagusto pa sa'yo dahil alam ko naman na hindi mo ako magugustuhan at kaibigan lang ang turing mo sa akin," pagpapatuloy pa ni Kate."Nung time na umamin ka sa nararamdaman mo sa akin noon kakahiwalay ko lang sa boyfriend ko noon kaya natakot na ako na magmahal ulet. Natakot na akong masaktan kaya naman binasted na kaagad kita at simula non ay iniiwasan na

  • My Billionaire Boy Best Friend   Chapter 244

    CHAPTER 244Natuloy nga ang nais nila Mark at Kate na beach wedding. Laking pasalamat nila dahil nakisama ang panahon ngayong araw dahil maganda ang panahon ngayon. Manghang mangha naman ang nga bisita nila dahil sa napakaganda ng set up ng kasal nila Mark at Kate sa tabing dagat.Marami rin silang inanyayahan na mga bisita lalo na at nasa linya ng business ang pamilya nila Mark kaya marami silang inanyayahan na mga kasosyo nila sa negosyo. Sa side naman ni Kate ay inimbitahan nya ang mga co teacher's nya.Nagsimula naman ng tumugtog ang violin sa saliw ng kantang Can't Help Falling in love with you.Una naman na naglakad sa gitna si Mark at sinundan na sya ng mga magulang nya at ng entourage ng kanilang kasal. At pinakang huli ay si Kate ang lumabas ng buksan na ang puting kurtina na naka set up sa likurang parte.Naluluha naman na tinitigan ni Mark si Kate habang dahan dahan itong naglalakad kasama ang mga magulang nito.Si Kate naman ay naluluha rin habang titig na titig sya sa gwa

  • My Billionaire Boy Best Friend   Chapter 243

    CHAPTER 243Mabilis naman na lumipas ang mga araw at buwan at ngayon ay dumating na nga ang araw na pinakahihintay nila Mark at Kate. Ang araw ng kanilang kasal.Nasa loob pa ng hotel room nya si Kate dahil hindi pa sya tapos ayusan. Habang si Mark naman ay kinukuhaan na ng ilang litrato sa kanyang sariling silid. Kasama nya rin doon ang kanyang mga magulang at kapatid."Mark anak. Congratulations sa inyo ni Kate ngayon pa lang. Masayang masaya kami ng daddy mo para sa'yo. Ngayon na mag aasawa ka na pakamahalin mo ang asawa mo ha. Wag na wag mo syang sasaktan anak. Ingatan at pahalagahan mo si Kate," seryosong sabi ni Krizzia kay Mark matapos nilang kuhaan ng mga larawan."Yes mom. Mamahalin ko po ng buong puso si Kate. Thank you po pala sa inyo ni dad dahil sinuportahan nyo po ako sa mga desisyon ko sa buhay," sagot naman ni Mark."Of course son. Susuportahan namin kayo ng ate mo sa mga gusto nyo dahil mahal namin kayo," sabat na ni Louie sa pag uusap ng mag ina nya."Hep hep. Tama

  • My Billionaire Boy Best Friend   Chapter 242

    CHAPTER 242"Kumusta ang pakiramdm mo?" tanong ni Vin kay Bella."Medyo okay na ako," sagot ni Bella sa kanyang asawa. Agad naman kinintalan ng magaan na halik sa labi ni Vin si Bella."Alam mo ba na kambal ang pinagbubuntis mo?" tanong ni Vin sa kanyang asawa. Ngumiti naman si Bella sa kanya saka ito tumango."Oo. Gusto sana kasi kitang isurprise e. Buti nga hindi mo napapansin na marami akong binibili na gamit ng mga bata e," sagot ni Bella."Ikaw talaga. Kaya siguro nahihirapan ka kaninang manganak yun pala dalawa ang sanggol na iluluwal mo. Next time wag mo ng uulitin yan ha," sabi ni Vin sa kanyang asawa."Vin kaaanak ko pa lang. Next time kaagad naiisip mo," sagot ni Bella sa kanyang asawa. Bahagya naman na natawa si Vin dahil sa sinabi ni Bella.Samantala naman tahimik na pinagmamasdan nila Kate at Mark ang mga anak nila Vin at Bella na mahimbing na natutulog."Ang cute naman ni baby girl at ang pogi ni baby boy ha," sabi ni Kate habang titig na titig sa kambal."Oo nga. Kahawi

  • My Billionaire Boy Best Friend   Chapter 241

    CHAPTER 241Kinabukasan din noon ay nag usap usap na ang mga pamilya nila Mark at Kate para sa kanilang kasal. At napagkasunduan nila na apat na buwan mula ngayon magaganap ang kasal nila Mark at Kate."Grabe Mark hindi ka naman nagmamadali nyan ha," pang aasar ni Kendra sa kapatid."Tsk. Syempre ate. Excited na nga ako e. Kung pwede nga lang na next month na kaagad yung kasal," sagot naman ni Mark sa kapatid. Siniko naman ni Kate si Mark."Para ka naman may hinahabol nyan. Ako nga hindi ko pa naiisip na mag asawa e," sagot ni Kendra."Tsk. Ate hanapin mo muna yung mapapangasawa mo bago mo isipin na mag asawa," pang aasar naman ni Mark sa kanyang ate."Hindi pa ako sawa sa pagiging buhay dalaga ko noh. Kaya wala pa akong balak na mag asawa," sagot ni Kendra sa kapatid."Bahala ka ate. Basta ako mag aasawa na akom ayoko mapaglipasan ng panahon," pang aasar pa ni Mark."Tsk. Magpakaligaya na lang kayo at bigyan nyo ako ng maraming pamangkin," sagot ni Kendra."Psst. Tumigil na kayong da

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status