Chapter 4
Iirap irap nman si Bella kay Vin habang paupo sila sa kanilang sala nakasunod naman sa kanya si Vin."Mukhang tapos na ang pag eemote mo ah. Nagsisimula ka na naman kasi mang asar" sagot ni Bella."Hahaha. May iniisip lang kasi ako kanina kaya ako tahimik." Sagot din naman ni Vin."Care to share!?"Bumuntong hininga muna si Vin bago sumagot kay Bella. "Kinausap kasi ako ni mama nung nanggaling sya dito. Sabi nya hindi na ako dito sa Pilipinas mag aaral pag college na ako. Sa ibang bansa na ako mag aaral" malungkot na sagot nya."Ah. Kaya ka pala nag eemote. Okay lang yan. Para din naman yun sa iyo eh. Para sa future mo.""Hay! Yan din ang sabi sa akin ni mama. Kaya ienjoy ko na lang daw muna sa ngayon habang nandito ako.""Korak. Mag enjoy ka na muna. Wag ka ng paemote emote pa dyan. Saka isang taon pa naman eh. Matagal pa yun""Ano pa nga ba" sagot niya sabay buntong hininga."Wag mo na muna pakaisipin yan. Saka babalik ka din naman""Pero pagbalik ko hindi na ako dito sa probinsya. Malamang pahahawakin na ako kaagad ng negosyo katulad ni kuya.""Kaya nga mag enjoy ka na muna. Habang nandito ka pa. Ikaw talaga. Basta wag mo akong kakalimutan ha. Ako pa din bestfriend mo." sagot ni Bella sabay akbay kay Vin."Oo naman. Ikaw pa ba. Sa kulit mong yan hinding hindi kita kakalimutan. Hahaha"Nagkatawanan na lang silang dalawa. Nagkwentuhan pa sila hanggang sa dumating na ang nanay ni Bella."Sige na Bella dito na ako. Bye" sabi ni Vin kay Bella."Sige. Salamat sa pagsama sa kin dito" sagot naman ni Bella."Nanay Brenda uwi na po ako."sabi ni Vin sa ina ni Bella."Sige iho. Salamat sa pagsama kay Bella dito sa bahay habang hinihintay ako." Sagot naman ni Brenda kay Vin."Sige po."sagot naman ni Vin.Hindi lingid sa kaalaman ni Bella na mayaman ang pamilya nila Vin. Minsan nga ay sinasama pa sya ng magkakapatid sa Maynila pag lumuluwas ang mga ito.Kilala na din sya ng mga magulang ni Vin at hindi na din iba ang turing sa kanya ng mga ito.KINABUKASAN...Pag labas ni Vin sa kanilang bahay ay nakita na nya si Bella na naghihintay sa kanya "Himala" sabi nya kay Bella habang siya ay papalapit dito."Anong himala? Hahaha" sagot ni Bella."Hahaha. Himala na maaga ka ngayon ah. Anong nakain mo? Para sabihin ko kay nanay Brenda na lagi yun ipakain sayo. Hahaha" tatawa tawa sagot ni Vin."Hmpft. Grabe ka sa akin. Inagahan ko na nga ang gising para hindi ka na magreklamo kakaantay sa akin eh" iirap irap na sagot ni Bella kay Vin."Hahaha. Sige na tara na at baka mapikon ka na naman. Hahaha"Naglalakad lang sila palagi kapag papasok sa school para exercise na din daw nasa kabilang barangay lang naman ang school nila.Pagdating nila sa school ay nadatnan na nila ang nga kaibigan nila kaya lumapit na sila sa mga eto. Si Bella ay lumapit na sa mga kaibigan nya na mga babae habang si Vin na naman sa mga kaibigan nya na lalake."Good morning girls" ngiting bati ni Bella sa mga kaibigan nya."Wow. Maaga ka ata ngayon ah" sagot naman ni Myca."Kaya nga. Anong meron?" Sabat naman ni Colleen."Grabe kayo sa akin. Hindi ba pwedeng maaga lang ako nagising ngayong umaga" sagot naman ni Bella sa mga kaibigan nya."Pano madalas kasi late kayo ni Vin eh" sabat naman ni Kate."Eh pano kasi ang aga nag ingay ng aso namin kaya maaga akong nagising kanina kaya maaga kami nakapasok ngayon. Hahaha." Tatawa tawa nyang sagot sa mga kaibigan nya.Iiling iling at natatawa na lang ang mga kaibigan nya. Madalas kasi ay nadating sila Bella at Vin sa school ay malapit ng dumating ang teacher nila minsan nga ay nauuna pang dumating ang teacher nila kaya napapagalitan ang dalawa.Lumipas pa ang mga araw at hindi na masyado iniisip ni Vin ang sinabi ng kanyan ina sa kanya. Ineenjoy n lang nya muna ang pananatili nya sa kanilang probinsya. Madalas pa din sila tumambay ni Bella kapag hapon. Minsan naman ay gumagala sila sa bahay ng iba nilang mga kaibigan.Kaarawan ngayon ni Bella. Maaga syang nagising upang pumasok sa school."Happy birthday anak" bati ni Brenda kay Bella."Salamat po nay" sagot ni Bella sabay halik sa pisngi ng ina."Pasensya ka na anak ha. Wala tayong pang handa eh." Malungkot na sagot ni Brenda."Okay lang po yun nay. Lilipas din yan. Madadagdagan lang ang edad ko. Hahaha." Tatawa tawang sagot ni Bella sa kanyang ina."Salamat anak ha at naiintindihan mo ang kalagayan natin" ngiting sabi ni Brenda.Sanay na si Bella na wala siyang handa kapag birthday nya. Kahit kasi nag iisa lang siyang anak ay sapat lamang ang kinikita ng kanyang ama sa pang araw araw nila at sa mga gastusin nila sa bahay. Minsan ay kumakain na lang sila sa labas kapag birthday nya kapag may extrang pera ang mga magulang nya."Sige po nay. Pasok na po ako sa school. Babye po" sagot na lamang ni Bella."Sige anak mag ingat ha"Paglabas ng bahay ni Bella ay nakita na nya si Vin na papalapit sa bahay nila."Good morning Vin" nakangiting bati ni Bella kay Vin."Good morning Bella" sagot din naman ni Vin sa kaibigan.Habang naglalakad sila papuntang school naghihintay naman si Bella na batiin siya ni Vin. Eto kasi ang laging nakaka alala ng birthday nya sa kanilang magkakaibigan."Ahm. Wala ka bang naaalala ngayong araw Vin?" hindi na napigilan na itanong ni Bella kay Vin."Wala naman. Bakit? Ano bang meron ngayon?"tanong naman ni Vin."Ah. Wala naman."parang dismayadong sagot ni Bella.Nagpatuloy na sila sa paglalakad hanggang sa makarating sa eskwelahan nila. Pagkapasok nila sa room nila ay nakita na nya ang mga kaibigan nila."Good morning friendship" bati ni Bella sa mga kaibigan nila habang nakangiti.Agad naman nagsiharap sa kanya ang mga kaibigan nila."G-good m-morning din B-bella!" Kandautal na sagot ni Myca kay Bella."Anong ginagawa nyo dyan?" sagot naman ni Bella dahil naabutan nya na magkakakumpol sa sulok ang mga kaibigan nya."W-wala eto. Tara upo na tayo andyan na si ma'm" sagot naman ni Kate sabay hila kay Bella sa papunta sa upuan neto.Nagtataka naman si Bella sa mga kaibigan nya dahil parang may tinatago ang mga eto.Ngingiti ngiti naman si Vin habang papunta sa pwesto nya. Kahapon pa kasi nila napag usapan na magkakaibigan na sosorpresahin nila si Bella ngayon na birthday neto.Pagkatapos ng kanilang klase pauwi na sana si Bella. Malungkot sya dahil hindi naalala ng mga kaibigan nya ang birthday nya ngaun. Biglang nag aya si Myca na tumambay daw muna sila."Tara muna tumambay Bella."sabi ni Myca kay Bella."Naku hindi muna. Baka hanapin ako ni nanay hindi naman ako nakapag paalam eh." sagot naman ni Bella."Hindi yan saglit lang naman tayo eh. Saka kasama mo naman si Vin" sagot pa ni Myca.Hindi naman na nakasagot pa si Bella ng hilahin na sya ni Myca. Nagtataka naman sya dahil hindi nila kasama sila Colleen at Kate maging sila Ian at Mark ay wala din."Teka asan sila Colleen at Kate?" tanong ni Bella kay Myca.Hindi na sinagot pa ni Myca ang tanong ni Bella at hinila na nya eto papunta sa tinatambayan nila nakasunod naman si Vin sa kanila.Napansin naman kaagad ni Bella na may tao sa kanilang tambayan. Agad nyang nakita si Colleen at Kate kasama si Ian at Mark. At nang makalapit na sila."Happy birthday Bella! Happy birthday Bella! Happy birthday happy birthday!! Happy birthday Bella" sabay sabay na kanta ng mga kaibigan ni Bella.May hawak pa ang mga eto na cake para sa kanya."Make a wish na Bella" sabi ni Colleen.Pumikit naman muna si Bella bago hinipan ang kandila sa cake."Thank you sa inyo. Akala ko nakalimutan nyo na ang birthday ko eh" ngiting sabi ni Bella."Pwede ba naman yun? Ikaw pa ba makalimutan namin ang birthday. Jusko baka magtampo ka pa. Hahaha" sagot naman ni Kate."Hahaha. Hindi naman. Konting tampi lang siguro" sagot naman ni Bella."Actually si Vin talaga nagplano neto eh. Kakutsaba lang kami. Haha" sagot naman ni Ian.Napatingin naman si Bella kay Vin. "Salamat Vin. Akala ko talaga nakalimutan mo na eh.""Sus. Pwede ba naman yun eh bestfriend kita diba? Para na nga tayong magkapatid eh" sagot naman ni Vin."Noh ba naman yan kikiligin na sana ako eh kaso dinugtungan pa ng parang kapatid. Hahaha" biro naman ni Myca."Sira ka talaga. Hahaha" sagot naman ni Bella.Nagkatawanan naman silang magkakaibigan."Pasensya na kayo ha. Wala naman kasi akong handa kaya hindi ko kayo maimbitahan sa bahay" saad naman ni Bella."Hay naku. Ano ka ba. Okay lang yan. Tara sa inyo dun na lang natin kainin tong mga pagkain na pinahanda ni Vin." Saad naman ni Myca."Sige tara na." Sabi ni Bella.Nakarating naman sila agad sa bahay nila Bella at dun na sila kumain ng mga dala nila. Nagkwentuhan pa sila don bago umuwi ang mga kaibigan nila."Bye Bella. Happy birthday ulet" sabi nila Kate, Colleen at Myca."Sige salamat sa inyo" nakangiting sagot naman ni Bella."Uwi na din kami Bella. Happy birthday ulet" sabi naman ni Mark."Ako din Bella uwi na din ako. Happy birthday ulet." Sabi din ni Ian."Sige ingat kayo. Salamat ulet" ngiting sagot naman ni Bella.Gusto ko po na magpasalamat sa lahat ng mga nagbasa at sumuporta sa story ko na ito. Ito po ang unang story na naisulat ko kaya masayang masaya po ako dahil merong nagbasa at tumangkilik dito. Maraming maraming salamat po sa inyo. Dito ko na po tatapusin ang My Billionaire Boy Best Friend. Maraming salamat po sa mga sumubaybay sa story nila Vin at Bella hanggang sa love story nila Mark at Kate. Maraming salamat po sa mga naghintay ng update ko araw araw. Anim na buwan ko rin po na isinulat ang story na ito. Sana po ay suportahan nyo pa rin po ako sa isa ko pang story na My Sister's Lover is My Husband. At sana rin po ay suportahan nyo pa rin po ako sa mga susunod na story na isusulat ko. Muli po maraming maraming salamat po sa inyo... ^_^ My Billionaire Boy Best Friend is now signing off.....
CHAPTER 245Sunod naman na nagsalita su Kate. Napabuntong hininga pa muna ito bago sya nagsalita dahil kagaya ni Mark ay kinakabahan din sya na magsalita."Mark i love you," unang kataga na binigkas ni Kate kaya naman napangiti na kaagad si Mark sa kanya."Hon thank you dahil hindi ka sumuko sa pagsuyo sa akin. Salamat dahil kahit na iniiwasan kita at sinusungitan kita madalas ay hindi ka pa rin sumuko at patuloy mo pa rin akong sinuyo," sabi ni Kate."Ngayon ko lang ito sasabihin ha. Alam mo ba na crush na kita noon pa. Kaso masyado ka kasing gwapo at marami ang nagkakagusto sa'yo noon kaya naman pinigilan ko na yung sarili ko na magkagusto pa sa'yo dahil alam ko naman na hindi mo ako magugustuhan at kaibigan lang ang turing mo sa akin," pagpapatuloy pa ni Kate."Nung time na umamin ka sa nararamdaman mo sa akin noon kakahiwalay ko lang sa boyfriend ko noon kaya natakot na ako na magmahal ulet. Natakot na akong masaktan kaya naman binasted na kaagad kita at simula non ay iniiwasan na
CHAPTER 244Natuloy nga ang nais nila Mark at Kate na beach wedding. Laking pasalamat nila dahil nakisama ang panahon ngayong araw dahil maganda ang panahon ngayon. Manghang mangha naman ang nga bisita nila dahil sa napakaganda ng set up ng kasal nila Mark at Kate sa tabing dagat.Marami rin silang inanyayahan na mga bisita lalo na at nasa linya ng business ang pamilya nila Mark kaya marami silang inanyayahan na mga kasosyo nila sa negosyo. Sa side naman ni Kate ay inimbitahan nya ang mga co teacher's nya.Nagsimula naman ng tumugtog ang violin sa saliw ng kantang Can't Help Falling in love with you.Una naman na naglakad sa gitna si Mark at sinundan na sya ng mga magulang nya at ng entourage ng kanilang kasal. At pinakang huli ay si Kate ang lumabas ng buksan na ang puting kurtina na naka set up sa likurang parte.Naluluha naman na tinitigan ni Mark si Kate habang dahan dahan itong naglalakad kasama ang mga magulang nito.Si Kate naman ay naluluha rin habang titig na titig sya sa gwa
CHAPTER 243Mabilis naman na lumipas ang mga araw at buwan at ngayon ay dumating na nga ang araw na pinakahihintay nila Mark at Kate. Ang araw ng kanilang kasal.Nasa loob pa ng hotel room nya si Kate dahil hindi pa sya tapos ayusan. Habang si Mark naman ay kinukuhaan na ng ilang litrato sa kanyang sariling silid. Kasama nya rin doon ang kanyang mga magulang at kapatid."Mark anak. Congratulations sa inyo ni Kate ngayon pa lang. Masayang masaya kami ng daddy mo para sa'yo. Ngayon na mag aasawa ka na pakamahalin mo ang asawa mo ha. Wag na wag mo syang sasaktan anak. Ingatan at pahalagahan mo si Kate," seryosong sabi ni Krizzia kay Mark matapos nilang kuhaan ng mga larawan."Yes mom. Mamahalin ko po ng buong puso si Kate. Thank you po pala sa inyo ni dad dahil sinuportahan nyo po ako sa mga desisyon ko sa buhay," sagot naman ni Mark."Of course son. Susuportahan namin kayo ng ate mo sa mga gusto nyo dahil mahal namin kayo," sabat na ni Louie sa pag uusap ng mag ina nya."Hep hep. Tama
CHAPTER 242"Kumusta ang pakiramdm mo?" tanong ni Vin kay Bella."Medyo okay na ako," sagot ni Bella sa kanyang asawa. Agad naman kinintalan ng magaan na halik sa labi ni Vin si Bella."Alam mo ba na kambal ang pinagbubuntis mo?" tanong ni Vin sa kanyang asawa. Ngumiti naman si Bella sa kanya saka ito tumango."Oo. Gusto sana kasi kitang isurprise e. Buti nga hindi mo napapansin na marami akong binibili na gamit ng mga bata e," sagot ni Bella."Ikaw talaga. Kaya siguro nahihirapan ka kaninang manganak yun pala dalawa ang sanggol na iluluwal mo. Next time wag mo ng uulitin yan ha," sabi ni Vin sa kanyang asawa."Vin kaaanak ko pa lang. Next time kaagad naiisip mo," sagot ni Bella sa kanyang asawa. Bahagya naman na natawa si Vin dahil sa sinabi ni Bella.Samantala naman tahimik na pinagmamasdan nila Kate at Mark ang mga anak nila Vin at Bella na mahimbing na natutulog."Ang cute naman ni baby girl at ang pogi ni baby boy ha," sabi ni Kate habang titig na titig sa kambal."Oo nga. Kahawi
CHAPTER 241Kinabukasan din noon ay nag usap usap na ang mga pamilya nila Mark at Kate para sa kanilang kasal. At napagkasunduan nila na apat na buwan mula ngayon magaganap ang kasal nila Mark at Kate."Grabe Mark hindi ka naman nagmamadali nyan ha," pang aasar ni Kendra sa kapatid."Tsk. Syempre ate. Excited na nga ako e. Kung pwede nga lang na next month na kaagad yung kasal," sagot naman ni Mark sa kapatid. Siniko naman ni Kate si Mark."Para ka naman may hinahabol nyan. Ako nga hindi ko pa naiisip na mag asawa e," sagot ni Kendra."Tsk. Ate hanapin mo muna yung mapapangasawa mo bago mo isipin na mag asawa," pang aasar naman ni Mark sa kanyang ate."Hindi pa ako sawa sa pagiging buhay dalaga ko noh. Kaya wala pa akong balak na mag asawa," sagot ni Kendra sa kapatid."Bahala ka ate. Basta ako mag aasawa na akom ayoko mapaglipasan ng panahon," pang aasar pa ni Mark."Tsk. Magpakaligaya na lang kayo at bigyan nyo ako ng maraming pamangkin," sagot ni Kendra."Psst. Tumigil na kayong da