로그인KUMAPAL ang lamig ng hangin sa balcony habang patuloy na umaalingawngaw ang boses ng host mula sa loob ng ballroom. Ang pangalang Mr. Thorin Evans ay pabalik-balik na nagrereberberate sa mga mamahaling speakers ng Grand Hyatt, kasabay ng mabagal na pagtambol ng mga drum para sa grand entrance ng CEO.Sa ibabaw ng balustre, hindi man lang kumurap si Thorin. Ang kaniyang mga mata na kanina lang ay puno ng lambing habang nakatitig kay Felicity ay mabilis na naging kasing-malamig ng bakal.“Sir, the spotlights are shifting toward the main staircase,” maingat ngunit halatang natataranta nang bulong ni Nicolai, habang nakatitig sa kaniyang tablet na nagpapakita ng live security feed sa loob. “If you don’t show up, the board members will cause a scene. But if you walk down that stairs...”“Felicity is standing right near the stage,” putol ni Thorin. Ang kaniyang boses ay mababa, may diing pumutol sa anumang takot ng kaniyang assistant. “I am not walking down those stairs as Thorin Evans whil
MARAHANG bumukas ang malaking pintuan ng Grand Ballroom ng Grand Hyatt. Sinalubong silang dalawa ng isang napakalawak at napakarangyang bulwagan. Mula sa matataas na kisame, nakabitay ang napakalalaking crystal chandeliers na nagpapakalat ng ginintuang liwanag sa buong kwarto. Ang hangin ay mabango, may amoy ng mamahaling pabango, sariwang mga bulaklak, at mamahaling alak. Umaalingawngaw ng malamig na tugtog ng isang live string quartet ang paligid. Ang mga VIP guests, mga kilalang negosyante sa bansa, mga diplomat, matataas na opisyal, at mga sikat na kolektor ng sining ay abala sa kani-kanilang mga pormal na usapan habang hawak ang mga baso ng champagne.Dahan-dahang humigpit ang hawak ni Felicity sa braso ni Thorin. Bahagyang mabilis ang kaniyang paghinga habang inililibot ang kaniyang mga mata sa napakagandang paligid.“Thorin... grabe,” mahinang bulong ni Felicity, halos ayaw iparinig sa iba ang panginginig ng kaniyang boses. “Ang daming tao. At mukhang sobrang yayaman nilang la
DUMATING ang araw ng Sabado na parang isang mabilis na pag-ihip ng malamig na hangin. Mula sa bintana ng silid, kitang-kita ang malawak na tanawin ng BGC, mga matataas na gusaling gawa sa salamin na pinaliligiran ng maliliwanag na ilaw habang unti-unting dumidilim ang kalangitan ng Maynila.Nakatayo si Felicity sa gitna ng isang napakalawak at marangyang presidential suite sa Grand Hyatt. Nakatingin siya sa paligid nang may halong pagkamangha at panginginig ng mga kamay. Ang sahig ay nababalutan ng makapal na velvet carpet, habang ang mga bintana ay nagbibigay ng magandang view ng buong lungsod.“Thorin... sigurado ka bang galing 'to sa perks ng kompanya niyo?” tanong ni Felicity habang nakahawak sa gilid ng malambot na sofa. “Sobrang ganda naman nitong suite. Mukhang pambilyonaryo na 'to, ah. Baka naman nag-abono ka pa?”Lumabas si Thorin mula sa katabing walk-in closet, nakasuot ng simpleng itim na polo at maong habang isinasaayos ang kaniyang wristwatch. Kalmado ang kaniyang mukha,
LUMIPAS ang ilang araw na parang isang mabilis na panaginip. Ang dating malamig at halos pormal lamang na pakikitungo nina Thorin at Felicity sa isa’t isa ay unti-unting napalitan ng mga simpleng ngiti, mga hindi sinasadyang pagtatagpo ng tingin, at mga tahimik na gabi na puno ng kaunting kwentuhan sa balcony.Biyernes ng hapon. Katatapos lang maglagay ni Felicity ng huling patak ng pintura sa kaniyang canvas nang biglang tumunog ang kaniyang telepono. Isang email notification mula sa isang kilalang art gallery sa Grand Hyatt Bonifacio Global City ang lumabas sa screen.Bahagyang kumunot ang noo ni Felicity habang binabasa ang laman ng mensahe. Ngunit habang tumatagal, unti-unting nanlaki ang kaniyang mga mata at napahawak siya sa kaniyang bibig.“Oh my god...” bulong niya, halos hindi makapaniwala.Inimbitahan ang kaniyang gawa para sa isang eksklusibong Annual Charity Gala at Art Auction sa BGC, isang napakalaking kaganapan kung saan ang mga pinakamalalaking kolektor at negosyante s
SABADO ng umaga. Ang maaliwalas na sikat ng araw ay dahan-dahang gumagapang sa malaking bintana ng sala, nagbibigay ng likas na liwanag sa maliit na apartment. Wala ang ingay ng trapiko ngayong ambon lang ang naiwan sa labas, at tahimik ang buong paligid maliban sa mahinang tugtog ng acoustic playlist mula sa telepono ni Felicity.Maagang umalis si Charlotte kasama si Chase para pumunta sa parke, kaya silang dalawa lamang ni Thorin ang naiwan sa bahay.Sa gitna ng sala, nakatayo si Felicity habang nakatitig sa tatlong malalaking wooden canvases at ilang kahon ng bagong bili na heavy-duty art supplies. Medyo mabigat ang mga ito, at kanina pa niya sinusubukang ayusin ang kaniyang gagamiting workspace para sa isang bagong painting commission.“Kaya ko 'to,” bulong ni Felicity sa sarili habang sinusubukang buhatin ang dalawang magkatong na kahoy.Subalit bago pa man niya maitaas ang mga ito, isang malaking kamay ang marahang humawak sa gilid ng kahoy at mabilis na kumuha ng timbang mula
LUMAGAPAK ang tawanan sa loob ng maliit na dining area habang inilalapag ni Felicity ang mainit-init pang mangkok ng sinigang sa gitna ng mesa. Ang amoy ng patis at asim ng sabaw ay mabilis na humalo sa malamig na hangin na nanggagaling sa bahagyang nakabukas na bintana ng apartment.“Ate Fel, sobrang gutom na ako! Akala ko talaga maninigas ako roon sa orientation kanina dahil sa sobrang lamig ng aircon,” reklamo ni Charlotte habang inaayos ang upuan ng kaniyang tatlong taong gulang na anak na si Chase. “Pero grabe, panalo 'tong salo-salo natin. Parang fiesta!”“Syempre, first day mo kaya dapat masarap ang hapunan,” nakangiting sagot ni Felicity habang naglalagay ng kanin sa plato ng bata.Nakatayo naman sa tabi ng counter si Thorin, nakatupi pa rin ang sleeves ng kaniyang polo. Maingat niyang inilapag ang isang baso ng gatas sa tapat ni Chase, na agad namang nag-angat ng tingin sa kaniya at ngumiti nang malapad.“Thank you, Tito Thorin!” malambing na sabi ng bata bago hawakan ang bas







