Share

CHAPTER 44:

Author: GennWrites
last update Last Updated: 2025-07-15 20:59:05

HABANG naghihintay si Felicity sa kusina na mapuno ang takure ng purified water, napabuntong-hininga siya at dumiretso muna sa sofa. Umupo siya hindi kalayuan kay Thorin, na kasalukuyang nanonood ng news sa TV, tahimik lang at parang walang pakialam sa paligid.

Walang ilang segundo pa, napansin niyang umilaw ang cellphone niya sa coffee table. May bagong message. Dinampot niya iyon agad para tingnan.

Galing kay Charlotte.

"Ate Felicity, don’t worry about me. Ako na ang bahala kay Robert. Hindi ko na dapat istorbohin ka pa. Sorry din kung minsan nakakalimutan kong tawagin kang ate, alam kong ang bastos ko sa part na 'yun. Anyway, thank you. Ingat ka :)”

Napakagat sa labi si Felicity habang binabasa ang message. Biglang bumigat ulit ang pakiramdam niya nang marinig ang pangalan ng pinsan nito.

Hindi niya alam kung bakit, pero kahit hindi siya directly involved, parang may bumabagabag sa kanya tuwing naririnig o nababanggit ang pangalan ng bayaw ng pinsan niya.

Napansin ni Thorin ang re
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Lai ALcantara
hahahaha ...... aktuhan pa talaga .. nako talaga Felicity...nakakahiya anu nlng isipin ni thorin
goodnovel comment avatar
woman🤍💗
thank you:)))) more pa sana at everyday po sana hehe.. pra dirediretso po ung story, ang ganda story, kaabang abang pano mapatawa o mainlove ang isang thorin hahaha,, nakakacuriou:))))
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • My Billionaire Husband's Hidden Identity    CHAPTER 51:

    KINABUKASAN, bitbit ni Charlotte si Chase papunta sa isang mas sosyal na mall na hindi niya madalas puntahan—'yung tipo ng lugar na may chandelier sa entrance at aircon na amoy mamahaling pabango.Hindi siya usually dito namimili. Masyadong mahal ang mga bilihin. Pero ngayong kailangan nilang mag-ayos, kailangan niyang humanap ng matinong damit para sa sarili niya at kay Chase. Lalo pa’t magkikita na sila ni Mr. Sebastian, ang fiancé ng pinsan niyang si Felicity.Habang nag-iikot-ikot sa department store, panay ang sulyap niya sa mga price tag. “Grabe naman, ‘yung isang dress, kasing presyo na ng groceries namin sa isang linggo…”Matagal siyang tumambay sa sale section, at sa wakas, nakapili rin siya ng simpleng dress na may floral pattern—‘yung tipong hindi halatang budget pero may classy vibes. Hindi man sobrang flattering, at kahit alam niyang mas maganda ‘yung brown na dress na una niyang nakita, mas pinili pa rin niya ang mura.Para kay Chase, napili niya ang isang cute na light

  • My Billionaire Husband's Hidden Identity    CHAPTER 50

    Tahimik na umupo si Charlotte sa gilid ng kama habang marahang pinipindot ang cellphone ni Robert. Nanginginig pa ang mga daliri niya habang nag-i-scroll sa chat history nito, pakiramdam niya'y para siyang gumagawa ng kasalanan kahit alam niyang may dahilan siya.Marami. Sobrang dami ng messages—pero karamihan, puro tungkol sa trabaho. May mga GC ng officemates, ilang business contacts, at mga grupo na mukhang pang-negosyo lang talaga.Dinaanan niya isa-isa ‘yung mga frequent contacts. Wala naman siyang napansin na suspicious—walang mga pangalan na bago, walang sweet emojis, walang kung ano mang tipikal sa isang lihim na relasyon.Napabuntong-hininga siya.“Siguro nga… ako lang ‘to. Masyado lang siguro akong praning.”Iaabot na sana niya pabalik ang phone sa tabi ng kama nang bigla niyang naalala ‘yung payo ng pinsan niya dati:“Kung gusto mong malaman kung may tinatago, tingnan mo ‘yung online shopping history. Minsan doon lumulusot.”Napalingon siya kay Robert. Mahimbing pa rin ang

  • My Billionaire Husband's Hidden Identity    CHAPTER 49:

    “Kung may oras ka pa, Charlotte… pakialam mo naman 'yang nanay mo. Sobra na siya.”Tahimik lang si Charlotte. Hindi siya tumingin kay Robert. Bagkus, pinayuko niya ang ulo habang marahang kinakagat ang ibabang labi, pilit pinipigil ang anumang sagot na baka makasakit lang lalo sa kanila.Wala siyang sinabi. Wala siyang maipaliwanag. Kasi kahit gaano niya gustong ipagtanggol si Lucile, alam niyang may tama si Robert. Alam niyang hindi rin perpekto ang ina niya—at minsan, mas mahirap siyang itama kaysa unawain.Nakahiga si Robert sa kama, nakapatong ang isang braso sa noo habang nakatitig sa kisame.“Hindi puwedeng ganito lagi, Charlotte,” malamig nitong sabi, walang pakialam sa tono ng boses niya. “Alam mong sugal ang hilig ng nanay mo pero binibigyan mo pa rin siya ng allowance buwan-buwan. Alam mong kulang na nga tayo sa budget, inuuna mo pa rin siya. Paano mo nagagawang mabuhay nang ganyan?”Hindi pa rin siya tumingin. Tahimik siyang nagtupi ng damit sa tabi ng aparador, isa-isang i

  • My Billionaire Husband's Hidden Identity    CHAPTER 48

    PATULOY pa rin si Lucille sa pagmamalaki sa mapapangasawa ni Felicity kahit na hindi naman nito ginagawa noon.“Ewan ko na d'yan sa nobyo ni Felicity. Ang laki ng laman ng card, pero inuupa lang ang bahay?”Matalim ang boses ng nanay ni Charlotte habang abala sa paglalaba. “Kung matalino talaga 'yang nobyo ni Felicity, bakit hindi pa bumili ng bahay? Kung ako 'yan, priority agad ang bahay.”Tahimik si Charlotte. Sa dami ng ganitong usapan, marunong na siyang hindi umimik. Pero kahit gaano na siya kasanay, may mga salitang hindi mo basta-basta kayang palabasin sa kabilang tenga.“Kabataan ngayon, ambabaw. Walang direksyon.” Napapailing ang matanda habang ipinipiga ang labadang damit.“Pero aaminin ko,” dagdag pa nito, “sa hitsura at kilos nung si Thorin Sebastian… mukhang may class. Tahimik, disente. Hindi gaya ng iba. Bihira ang gano’n ngayon.”Charlotte clenched her jaw. Alam na niya kung saan papunta ang usapan. At hindi siya nagkamali.“Pero ewan ko rin kung anong nakita ng lalakin

  • My Billionaire Husband's Hidden Identity    CHAPTER 47:

    SA ISANG lumang residential area sa Maynila, anim na tao ang nagsisiksikan sa isang bahay na halos 60 square meters lang ang laki. Mainit, masikip, at laging maingay. Pero kahit ganon, pilit na ginagawa ni Charlotte ang lahat para mapanatili ang kaunting ayos sa paligid.Kakatulog lang ni Chase. Ilang minuto rin niya itong kinantahan at kinarga bago tuluyang napapikit ang bata. Pagod pero maingat siyang lumabas ng kuwarto para sana makakain kahit konting tinapay. Tahimik pa ang bahay—hanggang sa biglang nagsalita ang nanay niya.“Bakit mo tinawagan si Felicity?” tanong nito agad, hindi na nagpakilala ng galit. “Nanghihingi ako sa kan'ya ng pambili ng red, tapos tinawagan mo naman? Natatakot ka bang gumastos siya?”Napahinto si Charlotte. Napakamot sa batok, pilit pinakakalma ang sarili.“Ma, hindi naman sa ganon…” mahina niyang sagot. “Wala lang… gusto ko lang sana siyang kausap.”Napalingon siya sandali sa kuwarto, kabadong baka magising si Chase. Mahinang bumuntong-hininga ang nanay

  • My Billionaire Husband's Hidden Identity    CHAPTER 46

    NAPAKUNOT-NOO si Thorin habang pinroseso ang sinabi ni Felicity.“EvansTech?” ulit niya, halatang naguguluhan. “Lahat ng projects ng subsidiary na ’yon ay stable for the past few years. Wala akong narinig na department na nalulugi.”Tahimik siya ng ilang sandali, pero ang mata'y parang nagre-review ng internal reports na naka-store na sa isip niya. Recent board updates, shareholder meetings, summaries ng bawat performance report—lahat 'yon ay wala namang red flag mula sa EvansTech.“Anong department siya assigned?” tanong niya, this time mas focused ang tono.“Marketing,” sagot ni Felicity, halos pabulong.Agad nagbago ang ekspresyon ni Thorin. Hindi na ito curiosity—seryosong pagsusuri na.Napansin ni Felicity ang tension sa mukha nito. Parang biglang naging stiff ang atmosphere sa pagitan nila. Napalunok siya ng hindi oras. Hindi niya alam kung dahil ba sa sinabi niya o dahil pakiramdam niya ay may nasagasaan na naman siyang hindi dapat galawin.May kung anong guilt na gumapang sa d

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status