Isa lang akong simpleng babae, papasok sa opisina, magtatrabaho at uuwi. Wala na sa isip ko ang mainlove simula ng lokohin ako ng una kong . Kaya naman subsob sa trabaho lang ako, kumbaga eto na ang buhay ko. Nagsimula ng magbago ang buhay ko ng mapromote bilang Executive Secretary ni Mr. Montano. Makakaya ko kayang balewalain ang charm nito lalo pa at saksakan ito ng gwapo?
Lihat lebih banyakUmaga na pala, tamad na tamad pa akong bumangon pero kailangan dahil may trabaho. Ayokong malate dahil may bawas sa sweldo. Sayang din yun, pangmilk tea.
Ako nga pala si Jenna, 27 years old at isang Bulakenya. Nagtatrabaho ako bilang Secretary sa isang office sa BGC.
Para makapasok, kailangan kong sumakay ng bus, magMRT at maglakad pa.
Nakakapagod bumiyahe araw-araw pero wala naman akong choice dahil ayaw naman ako ipagboarding house ni mama. Kaya araw-araw ay sumusuong ako sa init, alikabok at traffic. Dagdag pa ang siksikan sa bus at MRT. Bumper to bumper ika nga.
Ito ang Markip Tower, sa 15th floor ako nagtatrabaho bilang Secretary ng Marketing Manager na si Madam Ivy sa pinagtatrabahuhang kumpanya. Ang Verio Properties, isa sa pinakamalaking real estate agency sa bansa. Two years na ako sa company at ito ang aking second job. Dati akong nagtrabaho sa isang law firm bilang Receptionist pero dahil mas malaki ang sahod dito ay lumipat ako. Siyempre diba, kailangan natin ng growth and career advancement.
Ang una kong ginagawa sa umaga ay nagtitimpla ng kape sa pantry area.
"Hi, Cherry! Ang aga mo ngayon ha." Bati ko sa kaibigan, siya sa pinakaclose ko sa opisina.
"Oo nga, himala at maagang dumating ang bus." Sa Rizal naman nanggagaling si Cherry araw-araw.
Pagkatapos magkape ay kanya-kanya ng upuan sa aming mga desk. Binuksan ko ang computer at nag-umpisa na akong magcheck ng emails, mukhang isa na namang busy na araw ito.
Maya-maya ay nadinig ko na ang pamilyar na yapak ng mga sapatos. hudyat na padating na ang aming boss.
Siya si Mr. Anton Montano, ang CEO ng kumpanya. Mula ng nagkasakit ang kanyang ama ay siya na ang pumalit bilang CEO. Hindi mo aakalain na isa na itong CEO dahil bata pa lang si Sir, siguro ay nasa 30+ pa lang ito. Dahan-dahan itong naglakad at kanya-kanyang bati na ang mga nasa opisina.
Malayo ang desk ko sa dinadaanan nya kaya naman hindi na ako nagabalang bumati pa at hindi din naman niya madidinig. Well, gwapo si sir, matangkad at matipuno. Hindi ko pa ito nakausap ng harapan at sa mga meetings naman ay puro managers lang ang kaharap nito. Pero kahit ganun ay halata sa itsura nito ang pagkaseryoso at hindi man lang mangiti.
Kasunod nitong tumayo at sumunod ang Executive Secretary niyang si Mary. Maganda si Mary, artistahin ang dating, sexy at kulay papel. Malamang ay alagang glutathione ang balat nito. Hindi kami close dahil natatarayan ako sa kanya. May haka-haka pa nga na may lihim na relasyon ang mag-amo.
Tinuloy ko na ang ginagawa at halos makalimutan ko na ang paglipas ng oras. Pagtingin ko sa wall clock ay ala una na pala at lunch break na namin.
"Besh, kain na tayo." Aya ni Cherry na nasa harapan na ng desk ko at bitbit na ang kanyang baon.
Tumayo na kami at naglalakad patungong pantry ng dumaan sa harap namin si Mr. Montano kasunod ang Secretary nito. Hindi man lang kami tinapunan ng tingin ng dalawa.
"Sayang ang gwapo pa naman ni Sir, masungit nga lang." Komento ni Cherry.
Nagkibit-balikat na lang ako dahil mas iniisip ko ang sikmura at nakakaramdam na ng gutom.
Halos magkandarapa ako kakatakbo, habol-habol ang bus na sasakyan ko. Tulad ng araw-araw, ito na naman ako at nagmamadali. Buti na lang ay nakaabot ako sa bus, dali-dali kong siniksik ang katawan sa gitna ng mga tao. Tayuan na naman kasi sa loob at hindi mahulugan ng karayom. Bilang na bilang sa mga daliri kung ilang beses pa lang ako nakakaupo tuwing papasok.
"Hay, bakit ba kasi lagi akong late nagigising?" Tanong ko sa sarili. Maaga naman kasi akong natutulog, alas-10 pa lang ng gabi ay plakda na ako pero ewan ko bakit tamad na tamda pa rin akong bumangon sa umaga.
Pasado alas-8 na ng makapasok ako sa opisina, buti ay hindi pa naman ako late. Alas-8 kasi ang umpisa ng aming trabaho.
"Beshy!"
"Ay pusa ka!" Pasigaw kong nasabi sa pagkagulat.
Si Cherry, nasa likuran ko dala na ang mug niya at namumula sa kakatawa.
"Ano ka ba? Aatakihin naman ako sayo!"
"Sorry naman. Alam mo ba na may nasagap akong tsismis?" Natatawa pa rin to sa kanya.
"Wow, ang aga naman nyan." Sabay upo ko para buksan na ang aking computer. Naghila naman ng upuan si Cherry at naupo sa tapat ko, mukhang mahaba haba itong nasagap na tsismis ng kaibigan.
"May nakakita daw kagabi kay Mr. Montano at Mary na sabay na pumasok sa kotse." Halos pabulong na sabi nito.
Ako naman ay nagumpisa ng magcheck ng emails. Napatingin ako kay Cherry na nagaabang ng reaksyon ko.
"Okay, oh tapos? Ano naman ang bago dun? Eh diba may relasyon naman talaga sila." Pakibit balikat ko lang na sagot. Sa totoo lang ay kalat na naman kasi ang tsismis na yun dahil halata naman sa kilos ni Mary na may gusto ito sa amo.
Isa pa ay halos buong araw silang magkasama sa loob ng opisina. Kapag naman lalabas si Mr. Montano ay kabuntot din ang Secretary nya.
"Oo, pero paglabas daw nung babae sa kotse ay umiiyak daw ito at nagtatakbo." Mas lalong humina ang boses ni Cherry dahil unti-unti ng nagdadatingan ang ibang kaofficemates namin.
"Umiiyak? Eh baka naman may LQ lang. Masyado mo naman binibigyan ng kahulugan yun. Normal lang sa relasyon yun." Wala pa rin akong pakielam at nagtuloy lang sa pagsagot sa mga emails.
Ano ba naman kasi ang bago dun, kahit sino naman siguro na makasama araw araw ang ganun kagwapong lalaki ay talagang mahuhulog. Isa pa ay maganda naman si Mary, wala naman sigurong masama.
"Hindi, beshy. Kung normal na LQ lang yun, bakit naman magtatakbo yung isa? Something is fishy, diba?" Sabay kalumbaba nito sa harap nya.
Nakakatawa lang na mukhang pinoproblema ng kaibigan ang simpleng bagay na yun.
Maya-maya ay sabay kaming napatingin sa pinto dahil dumating na pala ang aming boss.
"Speaking of the devil." Bulong pa ni Cherry sabay tayo na at nagtungo sa kanyang desk.
Tinitigan kong maigi si Mr. Montano habang naglalakad ito patungo sa kanyang opisina. Nakaslacks ito na dark blue at cream colored na long sleeves, nakafold iyon ng bahagya. Bakat ang matitipunong braso at dibdib nito. Nakabrush-up ang buhok nito at mukhang bagong shave pa. Napaseryoso ng mukha ng amo at wala kang makikita na anumang reaksyon, yung tipong hindi mo mababasa kung ano man ang nasa isip nito. Kayumanggi at matankad din ito kaya naman lalaking lalaki ang dating.
Sa totoo lang ay lahat ng kababaihan sa opisina ay may crush dito. Hindi na ko magpapakaplastik, noong bago ako sa kumpanya ay crush ko din naman si sir. Pero dahil siguro araw-araw ko naman nakikita ito ay umay na din ako. Kumabaga ay immune na ako sa kagwapuhan nito.
Maiitim ang mga mata nito, na parang pag tinignan mong maigi ay malulunod ka. Siguro ay kahit sinong titigan nito ay nahuhulog sa kanya.
Hindi ko namalayan na ang tagal ko na pala nakatitig kay Mr. Montano ng biglang lumingon ito kung saan ako nakaupo. Nanuyot ang lalamunan ko ng magtama ang mga mata namin.
"Dyosko po..." Nasambit ko sa sarili at saka ako biglang nagyuko ng ulo. Tumigil bigla ang oras at dinig na dinig ko ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Nagkunwari ako na nagtype sa aking computer at may ginagawa. "Nako, baka kung anong isipin nito sa akin." Sa gilid ng mata ko ay nakita ko na tuluyan na itong pumasok sa kanyang opisina.
"Hay salamat." At nakahinga ako ng maluwag.
Sa daan ay tahimik lang akong nakaupo. Wala din ako sa mood makipagkwentuhan kaya kunwari ay abala ako sa cellphone ko. Pero ang totoo ay wala akong maisip kung hindi ang mga nangyari kanina. Pakiramdam ko lang kasi ay wala akong halaga kay Anton sa mga kinilos nito kanina. Hindi nito sinabi ang mga gusto kong marinig, ni hindi ko naramdaman na may pagpapahalaga ito sa nararamadaman ko. Wala nga pala kasi kaming relasyon. Sana pala ay hindi na lang ito nagtapat sa akin at mas lalong sana ay hindi na lang ako nagtapat dito. Pag-uwi sa bahay ay hindi na ako naghapunan pa. Wala akong gana kaya naman nagdahilan na lang ako kay Mama na masama ang pakiramdam at pagod mula sa byahe. Nagkulong na lang ako sa kwarto at doon ko binuhos ang mga luha na kanina ko pa pinipigil. Tinitigan ko ang monitor ng cellphone ko habang tumutulo pa rin ang mga luha. Walang tawag o ni text mula kay Anton. Abala siguro ito sa pakikipaglambutsingan sa Faye na yun. Sabi niya ay babawi siya sa akin dahil wala si
Nagpaalam ang Mommy ni Anton para pumunta daw sa kusina. Mabait ito at napakadown to earthna tao. Ni hindi ko man lang maramdaman na ilang ito sa amin ni Kuya Den kahit tauhan lamang kami ng kumpanya nila.Ang Daddy nman ni Anton ay mukhang mabait din pero may pagkatahimik. Sa kanya siguro namana ng boss ang ugali.Patuloy lang sa pagkukwentuhan ang mga bisita nila, si Anton at ang Daddy nitosa salas. Pasimple ko namang sinulyapan si Kuya Den na abala sa cellphone nito. Kachat marahil ang pamilyaniya.Tinignan ko ang isang malaking wall clock na nakasabit sa gitna ng salas. Magaalauna na pala ng haponat hindi pa nga kami nananghalian. Dito na kaya kami kakain? Ang hirap manghula,hindi ko naman kasi makausap ang bosspara sana itanong. Masakit na kasi ang tyan ko sa gutom.“Hi!” Masayang bati ng isang pamilyar na boses.
Nang makarating kami sa site ay namangha agad ako sa gate pa lamang ng subdivision na iyon. Bongga ang itsura at mukhang hindi talaga basta-basta. Nakapalibot pa ang iba’t ibang kulay ng mga bulaklak at berdeng mga halaman sa bungad pa lang ng lugar. Ang automatic barrier nito ay tumaas bago pa man tumapat ang kotse sa guard’s house. Nakatayo sa gilid nun ang isang security gurad na agad pang sumaludo sa aming sasakyan.Pagbaba namin ay sinalubong na kami ng tauhang nag-aantay sa aming pagdating. Isang maputing babae na nakabestidang kulay royal blue at isang lalaki na nakacoat and tie pa na kulay royal blue din. Siguro ay uniporme nila ito kaya magkakulay sila ng damit. Iginiya nila kami agad sa isang model bungalow house na moderno ang itsura.Dark gray, puti at dark brown ang kombinasyon ng kulay ng mga pader at ang mga glass windows naman ay mula ceiling hanggang sahig. Minimalist ang style ng mga usong bahay sa panahon ngayon kaya naman siguradong magi
Tulad ng inaasahan ay naging busy na naman ang mga sumunod na araw sa trabaho. Hindi ko na nga halos nakikita ang opisina dahil papasok lang ako dun para magkape at pagkatapos ay aalis na rin naman agad. Panay ang labas namin ni Anton kasama si Kuya Den sa mga meetings, eventsat site visits. Okay lang naman dahil ibig sabihinnunay maganda ang takbo ng kumpanya dahil sa maraming projectsat collaborations. Mas lalong pabor yun para sa akin dahil doon ako nagtatrabaho.Pero kung minsan ay naiisip ko din na masyado na atang napapagod si Anton at nag-aalala na din ako sa kanya. Pero sa bagay na yun ay hindi ako nakikielam sa kanya. Isa pa ay alam kong gusto niyang tutukan ang kumpanya ng pamilya niya. Naalala ko nga ang sinabi ng Mommy niya na simula raw ng magkasakit ang Daddy nito ay wala na itong ginawa kung hindi ang magfocus lang sa kumapanya.Naawa akong bigla kay Anton sa naalala kong iyon. Siguro ay ibinuhos na lan
Sa isang Filipino restaurant namin napiling kumain ni Anton. At dahil weekday naman kaya siguradong wala masyadong tao ngayon. Pagpasok pa lang ay isang waitress na nakasuot ng national dress ng Pilipinas ang agad na sumalubong sa amin. Iginiya kami nito sa isang mesa na nasa dulo. Mas maganda ang napili nitong lugar dahil parang may privacy mula sa ibang kumakain. Pero tanaw pa rin naman ang ibang mga tao mula doon. Pagkaupo pa lang namin ay iniabot na ng waitress ang menu at saka nagsabing babalik mamaya.Magkatapat ang upuan namin ni Anton kaya naman kita ko ang lalaki na parang nahihirapan sa pwesto niya. Masyado kasi atang mababa ang upuan kaya nahihirapan itong pagkasyahin ang mahahaba niyang binti sa ilalim ng lamesa. Bahagya itong umusod palayo para kumportableng makaupo. Hindi nito napansin na lihim akong natatawa sa itsura nito dahil abala sya sa paghanap ng maoorder. “What do
Natameme na lang ako kay Anton na tumingala pa sa sunroof ng kotse niya. Mula kasi doon ay kita angmaliwanag na kalangitan at mga bituin. Balak pa atang magstar gazing sa gitna ng Edsa ng lalaking ito. Hindi ko na tuloy alam kung maiinis ba ako o matatawa sa inaasal nito.Ilang minuto na itong nasa ganung pwesto kaya naman tumingin ako sa labas. Dinig ko pa rin ang walang tigil na businahan ng mga sasakyan sa paligid at ang nasa likod namin ay kanya-kanya ng diskarte para makalipat ng lane. Siguro ay naisip na lang nila na nasiraan kami sa gitna kaya nakatigil at hindi umaandar.Pero kailangan ko na talaga itong kumbinsihin na paandarin na ang kotse. Lalolangkamingnagdudulot ng traffic sa lugarna halos hindi na nga gumagalaw.Baka mamaya ay magalit na at tumawag pa ng pulis.“Anton, please umuwi na tayo. Bukas na lang tayo magusap ulit.” Pakiusap ko na niyugyog pa ang braso
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen