/ 모두 / My Boss and Me / Chapter 8: Lost Tablet

공유

Chapter 8: Lost Tablet

작가: itsloveren
last update 최신 업데이트: 2020-11-10 13:53:10

Pagtingin ko sa oras ay pasada alas-2 na kaya pala nakakaramdam na ako gutom.

"Sir, your meeting will start at 2:30pm." Pagpapaalala ko dito habang naglalakad kami sa paligid. Tumango ito at nagpunta na kami sa conference room ng lugar.

Sa kalagitnaan nga ng meeting ay may dumating na may dalang tray at mga inumin. Ayun naman ang pinakaaantay ko eh, dahil malapit nang magwala ang bituka ko.

Biskwit?! Yun lang ang inihain nito at juice. Para akong nanlambot ng dahil dun pero dahil kumakalam na ang sikmura ko ay pwede na sigurong pantawid gutom ito.


Magaalas-4 na at may isa pang meeting si Mr. Montano bago kami bumalik sa Maynila.

Pero mukhang hindi pa tapos ang paguusap nila. Pasimple kong inilapit ang labi sa tainga nito, "Sir, you have another meeting at 4pm." Bulong ko sa boss na siguro ay nagulat. Napapitlag ito at napatingin sa akin.

Ang mga itim nitong mga mata ay parang lalong lumalalim pag tinititigan. Agad naman akong nagbawi ng tingin dahil para kong namamagnet dito.

Hindi nga nagtagal ay natapos na ang meeting. Dinial ko ang number ng assistant ng kameeting ni Mr. Montano, na isang sikat na Architect.

"Good afternoon, Ms. Cruz. I would like inform you that Mr. Montano is now ready for the meeting." Malumanay kong sabi.

"Hi, I am sorry for a short notice, but we cannot make it today." Sagot nito sa kabilang liniya. Paakyat na daw sana sila ng Tagaytay ng biglang bumuhos ang napakalakas na ulan at dahil prone sa landslide ang lugar ay ayaw na silang padaanin ng mga traffic enforcers.

Tumingin ako sa labas at naguumpisa na din palang umambon sa lugar. Bigla akong nakaramdam ng lamig at saka kinilabutan.

"Please send our regards to Mr. Montano, we tried to call but there was no signal. Hopefully, we can get there by tomorrow morning." Dagdag pa ni Ms. Cruz.

"I will let Mr. Montano know and we will get back to you." At pinatay ko na ang phone.

Agad kong pinaliwanag sa boss ang nangyari at tipong nagisip itong sandali. Malalim na bunting hininga ang pinakawalan nito bago nagsalita.

"We can stay here for the night and please reschedule the meeting tomorrow, maximum by 10am." Utos nito habang nakatingin sa relo niya.

"Right away, sir." Agad kong sagot.

Saglit lang, stay here for the night daw? Tama ba yung nadinig ko? Ni wala akong bitbit kahit na panty. Gusto ko sanang tumutol pero siya ang boss kaya siya ang masusunod.

Naupo akong muli at agad na dinial ang number ni Ms. Cruz. Ang boss ko naman ay lumakad palayo habang may kausap sa kaniyang cellphone.

Sunod ay naghanap ako ng pinakamalapit na hotel at nagcheck ng available rooms para tuluyan namin ngayong gabi.

Unti-unting lumalakas ang ulan at mukhang walang balak tumila. Chineck ko naman ang weather bago kami magpunta at wala namang bagyo, napakaunpredictable talaga ng panahon.

Sa wakas ay may nahanap na nga akong hotel malapit sa kinaroroonan namin ngayon at nagbook ng dalawang kwarto.

Pagdating namin sa hotel ay agad akong pumasok sa aking kwarto. Patang pata kasi ang aking katawan kaya gusto ko muna mahiga sa kama, ni hindi ko na nga nagawang magtanggal ng damit.

Sa pagod ay hindi ko nga namalayang nakaidlip pala ako.

Isang malakas na kulog ang gumising sa akin. Dahan-dahan akong nagdilat ng mata at tumambad sa akin ang oras, alas-7 na pala? Pero parang kakapikit ko pa lang naman.

"Nako! Kailangan ko nga palang iadjust ang schedule ni Mr. Montano bukas." Napabangon ako ng bigla at agad kong kinuha ang aking bag.

Kailangan kong tawagang isa-isa ang mga kameeting ni sir sa Maynila na dapat ay alas-9 bukas ng umaga. At dahil nga andito pa kami sa Tagaytay hanggang bukas ay kailangan ko iyong icancel o ireschedule sa ibang araw.

Halos nabaliktad ko na ang aking bag ay hindi ko pa rin makita ang tablet. Hindi pwedeng mawala iyon dahil nandun lahat ng contact details, emails at schedule ni sir.

Nako patay! Asan na ang tablet?!


Agad akong nagpunta sa banyo para maghilamos. "Jenna, isipin mong mabuti kung saan mo nailagay!" Pilit ko sa sarili habang sinampal sampal pa ng mahina ang pisngi para magising akong tuluyan. Pero hindi ko talaga maalala. Lagi lang naman iyong nasa bag o kaya naman ay hawak ko. Impossible namang naiwan ko iyon sa venue dahil gamit ko pa iyon ng papunta na kami dito sa hotel.

Hindi kaya nalaglag iyon sa lobby or sa elevator? Pero masiyadong malaki yun, kung nalaglag ko man ay siguradong mapapansin at mapapansin ko yun. Hindi naman siguro ako ganun katanga.

Ah alam ko na, naiwan ko iyon sa kotse! Sigurado akong nandun yon dahil dun ko naalala na huling ginamit ang tablet.

Nahimasmasan ako at tumayo para sana lumabas na pero... Bigla kong naalala na wala pala akong susi ng kotse ng amo. At dumagundong sa kaba ang dibdib ko. Paaano ko makukuha ang susi sa boss at paano ko ipapaliwanag na nakalimutan ko yun?

Isa ang tablet na yun sa pinakaimportanteng parte ng trabaho ko tapos ay naiwan ko lang iyon kung saan-saan. Malamang ay iyon ang sasabihin sa akin ni Mr. Montano.

Anong gagawin ko? Hindi naman pwedeng bukas ko pa icancel ang meeting edi lalo akong nalagot.

"Magisip ka, Jenna!" Sigaw ko sa sarili.

Siguro ay tulog na ang boss at naiwan niyang bukas ang pinto? Subukan ko kayang kunin ang susi ng kotse niya habang tulog ito at ibalik ko na lang pag nakuha ko na ang tablet? Pero paano kung mahuli niya ako, lalong mas lagot ako nun.

Para na ata akong magkakasakit sa takot at kaba pero kailangan ko itong gawin. Wala akong choice kaya bahala na si batman.

Nagtanggal ako ng blazer na hindi ko pa pala nahubad simula umaga, nagsuot ng tsinelas na provided ng hotel at lumabas na.

Medyo malayo ang pagitan ng kwarto ko sa kwarto ni Mr. Montano. Habang naglalakad ako patungo doon ay para akong maiihi sa kaba. Hindi naman napakalaking kasalanan ang nagawa ko, pero dahil sa asal ng boss ay malamang ay daig pa nito ang tigre kung magalit.

Ihahanda ko na lang ang sarili ko sa galit nito...

이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
댓글 (34)
goodnovel comment avatar
Annie Sagang
tuloy2x sana ang basa
goodnovel comment avatar
Annie Sagang
unlock plz
goodnovel comment avatar
Manilyn Nebris
unlock please ...️...️...️
댓글 모두 보기

최신 챕터

  • My Boss and Me   Chapter 62: Yes

    Sa daan ay tahimik lang akong nakaupo. Wala din ako sa mood makipagkwentuhan kaya kunwari ay abala ako sa cellphone ko. Pero ang totoo ay wala akong maisip kung hindi ang mga nangyari kanina. Pakiramdam ko lang kasi ay wala akong halaga kay Anton sa mga kinilos nito kanina. Hindi nito sinabi ang mga gusto kong marinig, ni hindi ko naramdaman na may pagpapahalaga ito sa nararamadaman ko. Wala nga pala kasi kaming relasyon. Sana pala ay hindi na lang ito nagtapat sa akin at mas lalong sana ay hindi na lang ako nagtapat dito. Pag-uwi sa bahay ay hindi na ako naghapunan pa. Wala akong gana kaya naman nagdahilan na lang ako kay Mama na masama ang pakiramdam at pagod mula sa byahe. Nagkulong na lang ako sa kwarto at doon ko binuhos ang mga luha na kanina ko pa pinipigil. Tinitigan ko ang monitor ng cellphone ko habang tumutulo pa rin ang mga luha. Walang tawag o ni text mula kay Anton. Abala siguro ito sa pakikipaglambutsingan sa Faye na yun. Sabi niya ay babawi siya sa akin dahil wala si

  • My Boss and Me   Chapter 61: Job

    Nagpaalam ang Mommy ni Anton para pumunta daw sa kusina. Mabait ito at napakadown to earthna tao. Ni hindi ko man lang maramdaman na ilang ito sa amin ni Kuya Den kahit tauhan lamang kami ng kumpanya nila.Ang Daddy nman ni Anton ay mukhang mabait din pero may pagkatahimik. Sa kanya siguro namana ng boss ang ugali.Patuloy lang sa pagkukwentuhan ang mga bisita nila, si Anton at ang Daddy nitosa salas. Pasimple ko namang sinulyapan si Kuya Den na abala sa cellphone nito. Kachat marahil ang pamilyaniya.Tinignan ko ang isang malaking wall clock na nakasabit sa gitna ng salas. Magaalauna na pala ng haponat hindi pa nga kami nananghalian. Dito na kaya kami kakain? Ang hirap manghula,hindi ko naman kasi makausap ang bosspara sana itanong. Masakit na kasi ang tyan ko sa gutom.“Hi!” Masayang bati ng isang pamilyar na boses.

  • My Boss and Me   Chapter 60: Muli

    Nang makarating kami sa site ay namangha agad ako sa gate pa lamang ng subdivision na iyon. Bongga ang itsura at mukhang hindi talaga basta-basta. Nakapalibot pa ang iba’t ibang kulay ng mga bulaklak at berdeng mga halaman sa bungad pa lang ng lugar. Ang automatic barrier nito ay tumaas bago pa man tumapat ang kotse sa guard’s house. Nakatayo sa gilid nun ang isang security gurad na agad pang sumaludo sa aming sasakyan.Pagbaba namin ay sinalubong na kami ng tauhang nag-aantay sa aming pagdating. Isang maputing babae na nakabestidang kulay royal blue at isang lalaki na nakacoat and tie pa na kulay royal blue din. Siguro ay uniporme nila ito kaya magkakulay sila ng damit. Iginiya nila kami agad sa isang model bungalow house na moderno ang itsura.Dark gray, puti at dark brown ang kombinasyon ng kulay ng mga pader at ang mga glass windows naman ay mula ceiling hanggang sahig. Minimalist ang style ng mga usong bahay sa panahon ngayon kaya naman siguradong magi

  • My Boss and Me   Chapter 59: Ngiti

    Tulad ng inaasahan ay naging busy na naman ang mga sumunod na araw sa trabaho. Hindi ko na nga halos nakikita ang opisina dahil papasok lang ako dun para magkape at pagkatapos ay aalis na rin naman agad. Panay ang labas namin ni Anton kasama si Kuya Den sa mga meetings, eventsat site visits. Okay lang naman dahil ibig sabihinnunay maganda ang takbo ng kumpanya dahil sa maraming projectsat collaborations. Mas lalong pabor yun para sa akin dahil doon ako nagtatrabaho.Pero kung minsan ay naiisip ko din na masyado na atang napapagod si Anton at nag-aalala na din ako sa kanya. Pero sa bagay na yun ay hindi ako nakikielam sa kanya. Isa pa ay alam kong gusto niyang tutukan ang kumpanya ng pamilya niya. Naalala ko nga ang sinabi ng Mommy niya na simula raw ng magkasakit ang Daddy nito ay wala na itong ginawa kung hindi ang magfocus lang sa kumapanya.Naawa akong bigla kay Anton sa naalala kong iyon. Siguro ay ibinuhos na lan

  • My Boss and Me   Chapter 58: Leche Flan

    Sa isang Filipino restaurant namin napiling kumain ni Anton. At dahil weekday naman kaya siguradong wala masyadong tao ngayon. Pagpasok pa lang ay isang waitress na nakasuot ng national dress ng Pilipinas ang agad na sumalubong sa amin. Iginiya kami nito sa isang mesa na nasa dulo. Mas maganda ang napili nitong lugar dahil parang may privacy mula sa ibang kumakain. Pero tanaw pa rin naman ang ibang mga tao mula doon. Pagkaupo pa lang namin ay iniabot na ng waitress ang menu at saka nagsabing babalik mamaya.Magkatapat ang upuan namin ni Anton kaya naman kita ko ang lalaki na parang nahihirapan sa pwesto niya. Masyado kasi atang mababa ang upuan kaya nahihirapan itong pagkasyahin ang mahahaba niyang binti sa ilalim ng lamesa. Bahagya itong umusod palayo para kumportableng makaupo. Hindi nito napansin na lihim akong natatawa sa itsura nito dahil abala sya sa paghanap ng maoorder. “What do

  • My Boss and Me   Chapter 57: Traffic

    Natameme na lang ako kay Anton na tumingala pa sa sunroof ng kotse niya. Mula kasi doon ay kita angmaliwanag na kalangitan at mga bituin. Balak pa atang magstar gazing sa gitna ng Edsa ng lalaking ito. Hindi ko na tuloy alam kung maiinis ba ako o matatawa sa inaasal nito.Ilang minuto na itong nasa ganung pwesto kaya naman tumingin ako sa labas. Dinig ko pa rin ang walang tigil na businahan ng mga sasakyan sa paligid at ang nasa likod namin ay kanya-kanya ng diskarte para makalipat ng lane. Siguro ay naisip na lang nila na nasiraan kami sa gitna kaya nakatigil at hindi umaandar.Pero kailangan ko na talaga itong kumbinsihin na paandarin na ang kotse. Lalolangkamingnagdudulot ng traffic sa lugarna halos hindi na nga gumagalaw.Baka mamaya ay magalit na at tumawag pa ng pulis.“Anton, please umuwi na tayo. Bukas na lang tayo magusap ulit.” Pakiusap ko na niyugyog pa ang braso

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status