Parang nakalimutan ko kung nasaan ako sa mga oras na yun. Isa lang ang alam ko, na dumagundong sa pandinig ko ang mga sinabing yun ni Mary sa akin. Buntis siya at si Mr. Montano ang ama! All this time, sila pa rin pala at patuloy ang relasyon nila. Akala ko pa naman ay ng nawala sa kumpanya ang dating sekretarya ay naputol na ang kung ano mang namamagitan sa kanila.
Hindi ko na tuloy alam paano hahawakan pa ang dalang pagkain, pakiramdam ko kasi ay nanginginig ang mga kamay at buong katawan ko."C-congratulations." Bati ko habang pinipigilan ang paggaralgal ng boses."Thank you. Sana you can keep it as a secret muna. Me and Anton want to keep things private kasi.""Ha? Ah, oo naman. Walang problema.""Well, that's it. Nice to see you again." At nagpaalam na. Nakalabas na at lahat ito ay hindi ko pa rin makuhang gumalaw sa kinatatayuan.So, nasagot na ang mga tanong sa isip ko. Kalokohan lang pala talaga ang lah"Bakit naman po siya magsisinungaling?""So, you already concluded it in your head. Then, what's the use of talking to you now?"Napamulagatko sa sinabi nito at walang naisagot. Maya-maya ay bigla itong tumalikod at lumakad palayo. Para naman akong natulala at napako sa pagkakatayo."Goodnight, Jenna." Seryosong sabi nito na hindi na ako nilingon.Bakit siya pa ngayon ang galit? Hindi ba dapat na ako ang magalit? Siya itong may kasalanan! Nagtapat siya sa akin ng nararamdaman tapos ay malaman laman ko na magkakaanak na ito sa ibang babae. Hindi ba niya alam kung gaano kasakit para sa akin yun? Tapos ay ganito lang ang makukuha kong sagot.Sa sama ng loob ay dali-dali akong lumabas at bumalik na lang sa kwarto. Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin pa sa boss. Saan ba patungo ito?Nakatulugan ko na ang pagiisip at nagising sa mahinang katok na nadinig mula sa pintuan. Tumingin muna ako sa labas at nakita ang
Pagdilat ng mga mata ko ay bumungad ang magandang sikat ng araw na nagmumula sa bintana ng kwarto. May kakaibang saya sa puso ko, na parang kay gaan gaan sa pakiramdam. Yung tipong nakalutang ako sa ulap.Sa isip ko ay wala akong nakikita kung hindi ang mga mata ni Mr. Montano habang sinasabi nito na mahal niya ako."Hay, kung panaginip lang ang lahat ay wag niyo muna akong gisingin, please..." Bulong ko sa sarili kasabay ng pagyakap sa unan ng kay higpit. Kasunod nun ay ang paglanghap ko dun na parang ang bango bango nito na animo amoy ng bulaklak, parang ang buong paligid ay nagniningning eh. Parang puno ng butterflies na iba't ibang kulay ang paligid at...
Pumarada ang itim na kotse sa harap mismo ng bahay namin. Tanaw ko yun mula sa bintana ng bahay. Kanina pa naman ako nakabihis pero hindi ko pa pala naisusuot ang sandals ko. “Ma, aalis na po ako.” Paalam ko sa mama ko na kasalukuyang naghihiwa ng gulay na gagamitin nito sa ilulutong ulam. 5:30 pa lang ng hapon at nakatakda ang dinner meeting ng boss sa La Palma Hotel sa Makati ng 7:00 ng gabi. Isang kilalang investor kasi ang aming tatagpuin sa gabing iyon kasama ang fiance nito kaya naman sa isang romantikong lugar napili ng boss ganapin ang meeting. Isang malaking tao ito kaya naman gustong makuha ni Anton agad ang loob nito. Agad na tumayo si mama at tumanaw din sa bintana. Lumabas ang napakagwapo kong boss mula sa kotse at humalukipkip habang nag-aantay sa paglabas ko. “Hmm, sigurado ka bang meeting ang lakad niyo o baka naman date?” May halong panunuksong sabi nito bago bumalik sa lames
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa ginawang biglaang pagbitaw sa akin ni Anton. Hindi naman niya ako tinulak o ano man, pero parang ang lakas ng pagkakabitaw niya sa akin. O baka naman pakiramdam ko lang iyon?Sabay kaming napatingin sa lalaking ngayon ay nakatayo na pala sa harapan namin. Ang isang kamay nito ay nakahapit sa beywang ng katabing babae. Halata ang edad nito sa mukha, na nasa mahigit 40 na siguro. Kayumanggi ang balat at halos kasingtankad ko lang, in short ay maliit din ito.“Mr. Montano, I didn’t know that you were already here.” Sabi nito na direkta lamang na nakatingin sa mukha ng boss.“Mr. Villanueva, nice to see you again” Hindi nakaligtas sa akin ang mahinang pagtikhim nito bago magsalita. Mukhang nagulat din kasi si Anton sa biglang paglapit ng kameeting.Agad na inilahad ng boss ang kamay para makipagkamay sa kausap na agad naman n
Natapos ang meeting na hindi man lang ako nagsasalita. Sa totoo lang ay wala naman akong papel dun kung hindi ang sumama. Minsan naiisip ko nga kung kailangan ba talagangnakabuntot ako sa bosskahit saan.Maayos na nagpaalam ang dalawa pero hindi nakaligtas sa akin ang pahabol na tingin ng Kelly Salvador na yun kay Anton. Si Anton naman ay deadma lang naman. Lagi na lang deadma ito, kahitna ngamismo ako ay dinedeadma nito madalas.Naiwan kaming dalawa sa mesa at nagkunwari na lamang akong busy sa pag-aayos ng bag ko. Nilagay ko lang ang notepad at ballpen na gamit kanina.“Have you written the important points from the meeting?” Hindi ko alam saan ito nakatingin dahil hindi ako nagabalang bigyan ito ng pansin.“Ahm. Oo.” Maikli kong sagot.Nadinig ko ang buntung-hininga nito kaya naman napatingin ako dito. Magkaharap kami kaya naman agad na nahuli nito ang mga mata ko pagkabaling ko pa lamang sa mukha
Ano nga ba kami? MU?Hindi ba ay parang panghighschool lang yun? Pero wala naman kaming kahit na anong naging usapan. Basta pagkatapos ng araw na yun ay parang kami na o assumming lang ba ako? Kaya ba kagabi ay ganun siya? Kaya hindi niya ako pinakilala kay Mr. Villanueva?“Aba, besh. Pati kayo ba naman ay makikiuso dyan sa relasyong walang label?” Hindi ko mawari ang ekspresyon ng mukha ni Cherry kung nagbibiro ba ito o seryoso. Pero wala na akong naisagot at napakamot na lang ako sa ulo.Sandali nga, kailangan ko bang tanungin si Anton kung ano kaming dalawa? Hindi ba ay sa kanya dapat manggaling yun dahil siya ang lalaki? Siya dapat ang magtanong sa akin.Hmm. Ni hindi nga ako nito inaaya man lang magdate. Kung lalabas man kami o kakain ay dahil lang sa trabaho. Ni walang paflowers , chocolates or kahit ano na ginagawa ng magkasintahan. Kailan ba nito huling sinabi na mahal niya ako? Isang beses pa lang nga ata, hindi ba?Pero iilang
Hindi ko naman gusto ang magsinungaling kaya lang ay gusto ko na din talaga kasi siyang makauwi na at magpahinga. Pero gusto ko din kasing mag-isip na muna ng dahil sa sinabi ni Cherry kanina. Naguguluhan na naman kasi ang utak ko. Ano ba naman ito?!Dapat pala ay diniretso ko na lang si Anton kanina kaysa gumawa pa ako ng dahilan at kwento. Lumabas pa tuloy na nagsisinungaling ako. Pero nagsinungaling naman talaga ako, hindi ba? Maling-mali ang ginawa ko na yun.Hindi ko din naman kasi akalain na tatawagan nito si Cherry. Malay ko ba na may number pala siya nito. Biro mo yun? Hay! Pero siya nga pala ang boss, natural na may contact siya ng lahat ng empleyado niya. Bakit ba umiral na naman ang katangahan ko at hindi ko naisip yun kanina?“Jenna, I’m talking to you.” Wala akong choice kung hindi ang mag-angat ng ulo. Ramdam ko na parang ang lapot ng laway ko dahil hirap na hirap akong lulunin yun. Kinaka
Natameme na lang ako kay Anton na tumingala pa sa sunroof ng kotse niya. Mula kasi doon ay kita angmaliwanag na kalangitan at mga bituin. Balak pa atang magstar gazing sa gitna ng Edsa ng lalaking ito. Hindi ko na tuloy alam kung maiinis ba ako o matatawa sa inaasal nito.Ilang minuto na itong nasa ganung pwesto kaya naman tumingin ako sa labas. Dinig ko pa rin ang walang tigil na businahan ng mga sasakyan sa paligid at ang nasa likod namin ay kanya-kanya ng diskarte para makalipat ng lane. Siguro ay naisip na lang nila na nasiraan kami sa gitna kaya nakatigil at hindi umaandar.Pero kailangan ko na talaga itong kumbinsihin na paandarin na ang kotse. Lalolangkamingnagdudulot ng traffic sa lugarna halos hindi na nga gumagalaw.Baka mamaya ay magalit na at tumawag pa ng pulis.“Anton, please umuwi na tayo. Bukas na lang tayo magusap ulit.” Pakiusap ko na niyugyog pa ang braso