"Tatlong araw?"
"Oo, personal matters daw." Sagot ko kay Cherry.
Alas-10 pa lang ng umaga pero pakiramdam ko ay tanghali na. Napakabagal kasi ng takbo ng oras, para tuloy akong ipinaghehele sa kinauupuan.Nacancel ko na lahat ng mga dadating na meetings ni Mr. Montano hanggang ngayong araw kaya naman wala akong kailangang gawin. Napakalumbaba ako sa aki
Sa site na ako dumiretso kinaumagahan dahil marami daw gustong ifinalize ang boss. Gusto din kasi ni Mr. Montano na masubaybayan niya ang proyekto. Napakahands-on talaga nito, kung tutuusin ay pwede namang iutos na lang sa mga tauhan ng kumpanya ang mga yun.Pagpasok pa lang ay nagtataka n
"I told you, I need you to cancel this contract now!"Halos mahulog ko ang telepono na hawak sa malakas na sigaw na yun ng boss na ngayon ay nasa loob ng kanyang opisina. Ano naman kaya ang ikinagagalit nito ngayon?
Dumiretso ako sa pantry para kumuha ng tubig. Para kasing nanunuyo ang lalamunan ko sa nangyari kanina. Pakiramdam ko nga ay naiwan pa ang init nito sa katawan ko. Hindi ko pa rin maiwaksi sa isip ko ang ginawang biglaang pagyakap nito.Hindi ko pa man napipindot ang dispenser ng may tumik
Isinalansan ko ang mga bulaklak na iyon sa isang vase. Sayang din naman kasi, kahit pa sino ang nagbigay nun ay wala naman sigurong masama kung ididisplay ko.Ipinuwesto ko iyon sa tabi ng telepono, na parang nagpaaliwalas ng mesa ko. Ang ganda ganda nito dahil sa matitingkad na iba't iban
"Ginoogle ko ang address ng kumpanya niyo.""Ah, ganun ba." At tumingin ako dito na walang kangingiti at saka tumayo.
Buti sana kung andito ang pamangkin ni Mr. Montano, kahit pa halos wala na itong saplot noon ay okay lang at least ay hindi lang kaming dalawa na tulad ngayon.Bakit ba masyado akong kinakabahan? Sabi nga niya na huwag daw akong magalala dahil wala naman daw siyang gagawin sa akin. Yun na nga ang sama, paano kung ako pala ang may balak?
Sandaling tumingin ito sa akin, ngayon ay wala naman akong mabasa ni ano man sa mukha nito. Maya maya ay ngumiti at tumikhim sabay unat ng mga braso."Good." Tipid na sagot lang nito.Good? Yun lang ang reaksyon nito sa sinabi ko? Sabagay, ano bang inaasahan kong irereact nito? Syempre ay wala.Binuksan nito ang TV at inilipat sa CNN.Tumingala ako sa loft nito at mukhang iisa lang ang kwarto ng condo, malamang ay dito ako sa sofa matutulog. Para namang kumportable doon, mas malambot pa nga ata kaysa sa kama ko.Pasimple kong sinulyapan ang boss na seryosong seryoso sa panunuod. Pinilit kong ibaling ang atensyon sa anchor na nagsasalita sa TV dahil medyo naiinip ako. Wala talaga akong kainte-interes manuod ng mga balita eh. Pansin ko kasi na puro bad news lang ang meron, nakakaboring.Napabuntong hininga ako ng hindi namamalayan. Hindi naman iyon nakaligtas sa pandinig ni