Share

CHAPTER 39

Penulis: Anne
last update Terakhir Diperbarui: 2025-05-04 14:23:56

CHAPTER 39

Napabuga naman nga ng hangin sa kanyang bibig si Jane at saka nga siya napailing habang nakatingin kay Jillian.

“Jillian naman. Sabihin mo na muna iyang binabalak mo sa akin dahil natatakot na ako. Ayokong mangako hangga’t hindi mo sinasabi sa akin ang balak mo dahil baka kung ano pa ang mangyari sa’yo,” sagot naman ni Jane.

“Jane, magtiwala ka sa akin. Mag iingat ako at hindi ko naman hahayaan na mapahamak ako dahil gusto ko pang makasama si nanay. Sasabihin ko rin naman ito sa’yo pero hindi pa muna sa ngayon. Kaya sana ay magtiwala ka muna sa akin. At aasahan ko na itatago mo ang sikreto ko na ito,” sagot naman ni Jillian sa kanyang kaibigan at bahagya pa nga niyang pinisil ang kamay nito.

Napabuntong hininga na lamang nga talaga si Jane dahil wala rin naman nga siyang magagawa kung ayaw ngang sabihin ni Jillian kung anuman ang balak nito. Dahil kilala na nga niya ang kaibigan niyang ito dahil magpupursige talaga ito kung kinakailangan. At tiwala naman din siya rito na ma
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 135

    CHAPTER 135“Ano ba ang pinagsasabi mo riyan Louie. Mag ingat ka nga sa pananalita mo,” saway ni Shirley sa kanyang asawa.“Hindi ako nagbibiro dahil totoo lahat ng sinasabi ko na iyan. At nariyan na nga sa cellphone ko ang mga pruweba na totoo lahat ng sinabi ko na iyo,” sagot ni Louie sa kanyang asawa.Noon kasing outing ng kumpanya ni Harold ay napansin na nga ni Louie si Jillian at Harold na para bang may kakaiba sa kilos ng mga ito. At lalo pa nga siyang nagduda ng malaman niya na magkasama sa iisang kwarto ang dalawa roon. Kaya naman pinaimbestigahan nga niya si Jillian. May inutusan siyang tao na alamin ang lahat lahat ng tungkol kay Jillian at sa pamilya nito. At sa pag iimbestiga nga ng tauhan ni Louie ay nalaman nga nito ang lahat. Simula sa pagtatrabaho sa bar ni Jillian para kumita ng pera para sa ina nito na may sakit. Nalaman din niya na binili nga ito ng kanyang anak at nalaman din nga niya na si Harold ang gumastos sa pagpapaopera ng ina ng dalaga. Kaya naman hindi t

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 134

    CHAPTER 134Akmang maglalakad na sana si Harold papunta sa kubo ng bigla ngang magsalita ang kanyang ama.“Sigurado ka na ba talaga sa babae na yan, Harold? Baka binibilog lang nyan ang ulo mo,” seryosong sabi ni Louie kay Harold.Bigla naman ngang natigilan si Harold dahil sa sinabi ng kanyang ama at napakunot na lang nga ang noo niya habang nakatingin dito.“Bakit po dad? May problema po ba?” hindi na maiwasang tanong ni Harold sa kanyang ama.“Hindi ba at empleyado mo siya? Sa tingin mo ba ay mahal ka talaga niya? O baka naman ang pera mo lang ang habol niya,” sagot ni Louie.Lalo naman ngang napakunot ang noo ni Harold dahil sa sinabi ng kanyang ama.“Yes dad. Empleyada ko po si Jillian. At hindi po siya katulad ng iniisip ninyo. Mabait po si Jillian at hindi po siya mapang abuso kagaya ng iba,” sagot ni Harold. “Akala ko po ba ay ayos lang sa inyo kahit na sino ang mamahalin ko? Bakit po ngayon ay parang kinukwestyun nyo na po si Jillian?” tanong pa niya sa kanyang ama.Hindi nam

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 133

    CHAPTER 133“Kelan mo balak na sabihin ang tungkol dyan kay nanay Leony?” tanong pa nga ni Jane kay Jillian.“Humahanap pa ako ng tamang tyempo. Pero sa lahat ng sinabi ko sa’yo syempre hindi nya pwedeng malaman ang tungkol sa pagbili sa akin dati ni Harold,” sagot naman ni Jillian. “Pero wag kang mag alala dahil sasabihin ko rin naman kay nanay ang tungkol sa sa relasyon namin ni Harold,” dagdag pa niya.“Kung ganon ay binabati na kita Jillian dahil sa wakas ay nahanap mo na ang prince charming mo. Masayang masaya ako para sa’yo at alam ko na deserve mo naman na mahalin dahil napakabait mong tao,” nakangiti pa na sabi ni Jane.“Salamat,” sagot naman ni Jillian.“Hay naku! Ako kaya… kelan ko kaya mahahanap ang prince charming ko? Ang tagal naman yata nyang dumating sa buhay ko,” sabi pa ni Jane habang nakatanaw sa malayo at may ngiti sa kanyang labi.“Darating din yun. Malay mo nasa tabi tabi lang yun at nagmamasid,” natatawa pa na sabi ni Jillian.“Tsk. Wag naman sanang tambay lang.

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 132

    CHAPTER 132Nanatili naman nga na tahimik si Jane at naghihintay nga siya sa sasabihin ni Jillian sa kanya.Isang malalim na buntong hininga naman muna ang pinakawalan ni Jillian at saka siya humarap kay Jane.“Jane, sa atin na lang sana muna itong sasabihin ko sa’yo ha. Humahanap pa kasi ako ng tamang tyempo para sabihin kay nanay ang tungkol dito,” sabi ni Jillian.“Ano ba kasi yan? Pinapakaba mo naman ako e. Sabihin mo na kasi kaagad,” naiinip naman na sabi ni Jane dahil pinapatagal pa nga ni Jillian ang nais nitong sabihin sa kanya.“J-Jane, may b-boyfriend na ako,” pag amin na nga ni Jillian.Napaawang na lamang nga ang bibig ni Jane dahil sa pagkagulat. Hindi kasi niya iyon inaasahan dahil wala naman ngang nababanggit si Jillian sa kanya na may nanliligaw dito.“B-boyfriend? S-sino? Bakit hindi ko yata nabalitaan na may nanliligaw sa’yo,” agad na tanong ni Jane at hindi nga siya makapaniwala sa kanyang narinig.“H-hindi ko na kasi nasabi pa sa’yo noon kasi nahihiya ako. At isa p

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 131

    CHAPTER 131Nang hapon nga na iyon ay agad na nga na dumiretso si Jillian sa unit ni Harold at nadatnan na nga niya ang kanyang nobyo roon na naghihintay sa kanya.“Hi, love. Pasensya ka na kung ngayon lang ako nakarating. Masyado kasing marami ang ginawa ko kanina tapos ay sinabayan pa ng traffic,” agad na sabi ni Jillian ng makapasok na nga siya sa loob ng unit.“Ayos lang yan, love. Dinaanan kita kanina sa pwesto mo at masyado ka yatang busy dahil hindi mo man lang ako napandin kanina,” sagot ni Harold at agad na nga niyang sinalubong ang kanyang nobya. Agad nga niya itong hinalikan sa labi at saka niya ito yinakap ng mahigpit.Natawa naman nga si Jillian dahil kung makayakap nga si Harold ay para bang miss na miss nga siya at para bang antagal nilang hindi nagkita samantalang nagkita naman sila nito sa opisina kanina.“Masyado mo ba akong namiss kaagad dahil ganyan ka makayakap sa akin,” tatawa tawa pa na sabi ni Jillian at saka nga siya gumanti ng yakap kay Harold.“Oo. Sobrang n

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 130

    CHAPTER 130Kinabukasan nga ay maagang nagising si Harold at nadatnan nga niya na nag aagahan na ang kanyang pamilya.“Good morning!” bati ni Harold sa kanyang pamilya at diretso nga siyang lumapit sa kanyang ina at saka siya humalik sa pisngi nito.“Good morning din anak. Ang tagal mo yatang nawala. Saan ka ba nagpupunta?” tanong na ni Shirley dahil ilang araw nga niyang hindi nakita ang kanyang anak. Nagpaalam naman ito sa kanila pero hindi naman ito nagsabi kung saan ito pupunta.“Pasensya na po mom. Nagbakasyon lang po ako ng ilang araw. Sumagap lang po ako ng sariwang hangin dahil medyo pagod na rin po sa opisina. Nagrelax lang po lang po ako ng ilang araw,” sagot ni Harold at saka nga siya naupo sa kanyang pwesto.“Saan ka naman nagrelax at isang linggo kang nawala?” tanong naman ni Louie.“Nagpunta po ako ng Bohol dad,” sagot ni Harold.“Ikaw lang mag isa?” tanong pa bg kanyang ama.“Actually dad may kasama po ako roon at gusto ko po sana na ipakilala siya sa inyo,” sagot ni Ha

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status