Share

XI. Match?

Nagsisimula na yung game. Kasali yung apat sa basketball. Kalaban nila yung Fidelity University. Yung isa pala ay yung nawawala kahapon na naghahanap sa faculty room.

Umupo kami ni Alvie malapit sa mga ka-teammates nina Glenn. Seryoso silang lahat.

Biglang napatingin sa pwesto namin yung lalake kahapon tsaka kumaway.

"HI SOL! PARA SAYO 'TO!" sabay ngiti niya.

Ano na nga ba kasing pangalan niya? Napatingin din sa akin yung apat, particularly, Glenn. Biglang nalukot yung mukha niya tsaka inagaw dun sa lalakeng sumigaw yung bola.

Both teams are really good. They are taking the game seriously. Glenn is guarding that I-forgot -his-name guy.

"Kilala mo yun?" Alvie asked.

"Err, hindi? oo? Yata? Diko alam. Siya yata yung lalaking nagpatulong sa akin kahapon."

"Saan naman?"

"Sa faculty. I helped him because he looks like a lost puppy."

"In fairness, he's cute."

Natapos yung third quarter kaya lumapit sa amin yung apat . Inabutan ko naman ng tubig si Glenn na nakasimangot.

"Mukha kang nalugi. Anong problema mo?"

Hindi siya nagsalita. Tumawa naman ng malakas yung tatlo kaya lalong nalukot yung mukha nya. Ano na namang problema nitong lalaking ‘to?

Pagkaupo niya sa tabi ko,  bigla namang lumapit yung lalaki kanina sa akin.

"Sol!"

Nagulat ako sa kanya. Napatayo naman si Glenn habang nakatingin sa amin yung apat.

"Err, sino ka?"

Mukha namang nadismaya yung lalake kaya bumitaw siya sa pagkakahawak sa braso ko tsaka nagkamot ng ulo.

"Ang bilis mo namang makalimot. Kyle here. Remember?"

Natatandaan ko naman yung mukha nya, pero hindi yung pangalan nya. Basta ang alam ko lang, hawig sila ni Kim Bum.

"Ah."

Bigla akong inakbayan ni Glenn kaya napatingin sa kanya si Kyle.

"Kuya  mo?" tanong ni Kyle.

Naramdaman ko namang kumuyom yung kamao ni Glenn kaya hinawakan ko.

"No."

Biglang nag whistle yung referee, meaning, start na ng fourth quarter kaya bumalik na sila sa court.

Badtrip pa din yung mukha ni Glenn. May pinag uusapan sila ni Kyle pero ‘di namin marinig. Lalong uminit yung game.

Nagsisigawan yung mga tao sa gym.Seryoso yung mukha ni Glenn.

Last 10 seconds…

Hawak ni Glenn yung bola. Mabilis siyang kumilos. Nakabantay sa kanya si Kyle. Kunwari ay ipapasa nya kay Chalk yung bola kaya nadistract si Kyle.

The buzzer buzzed. Everyone shouted, even Alvie.

3 point shot from Phoenix ended the game with 89-84 score.

We won. Si Phoenix, Kollin at yung captain yung halos gumagawa ng points. They are really good in many aspects. What else they don't know?

They shook hands with their opponent. Nilapitan kami nung apat.

"Nakita niyo yun?! Ako ang nagpanalo sa team namin!"

"Di ka nga naka-shoot kahit isang bola eh." pang aasar ni Alvie kay Jedd.

"Ang galing mo talaga Nix!"

"Siya lang?"

"Oo na Chalk, mas magaling ka na." sagot ni Alvie sa kaniya.

Tss. I look at Alvie and mouthed 'Ligawan mo na kasi' but she just rolled her eyes.

Pagkatapos ng game, hinatid na ako ni Glenn pauwi. Naglalakad lang kaming pareho.

"Tahimik mo?"

Sinilip ko pa yung mukha niya. Bigla tuloy syang nag iwas ng tingin.

"Tss. Nakakainis naman kasi."

"Bakit? Ano na naman bang pinoproblema mo, Glenn?"

"Ikaw kasi! Tsk."

Napahinto ako sa paglalakad. Aba, ayos 'tong batang 'to ah. Inaano ko na naman ba siya?

"Bakit ako?"

"Nawala lang ako ng isang araw, may kaagaw na ako."

Bigla akong natawa. Ang isip-bata talaga netong abnormal na 'to.

"Bakit ka nga pala absent kahapon?"

"Sabi mo kasi gusto mo ng minion."

"Ano namang konek ng minion sa pag-absent mo?"

Bigla siyang huminto tsaka may nilabas sa bag niya. Saktong nasa tapat na kami ng gate namin.

"Oh,” sabay abot nya ng malaking minion na stuffed toy galing sa Vendo Machine sa mall, “Pinaghirapan ko yan. Mahiya ka naman sa akin. Sinakripisyo ko yung pagpasok at pag spazz ko para lang diyan. Magpasalamat ka."

Bigla akong napangiti. Seryoso? So, kaya wala sila kahapon kasi binalikan niya 'to dahil sinabi kong gusto ko?

Magsasalita palang sana ako pero biglang bumukas yung gate at niluwa si Mama.

"May bisita ka pala anak, bakit ‘di mo papasukin. Ang pangit naman na dyan kayo sa kalsada nag uusap." sabi ni Mama.

Nagmano naman sa kanya si Glenn. Pinatuloy siya ni Mama sa loob. Sabi pa ni Mama ay sumabay na siya sa amin sa pagkain ng hapunan.

"Nililigawan mo ba yung anak ko?"

Halos mabilaukan ako sa tanong ni Mama kaya inabutan agad ako ni tubig ni Glenn.

"Yun na nga po. I'm here to personally inform you that I'm courting your Sol, Madame."

Biglang napataas yung kilay ni mama. Ano bang pinagsasasabi netong baliw na 'to?

"You're informing me, not asking?"

"Yes, Madame. If I'm going to ask you, there will be a possibility that you'll turn me down. Don't worry, I will not be a distraction to her. You can punch me if she failed."

               

Biglang ngumiti si Mama.

"Drop the formality, just call me Tita."

Napanganga nalang ako sa usapan nila. Seriously? So okay lang kay mama?

"Waaah~ Gusto kong pumunta sa KCon~ Gusto kong makita si Peniel labs ko." Sabi ni Alvie habang yakap-yakap yung poster ng BTOB.

Hindi namin siya pinansin ni Glenn dahil busy kami sa panonood ng music video. Walang klase dahil may emergency meeting yung faculty kaya nasa field kaming anim. Kakagaling lang namin sa KPOP Shoppe sa harap ng University kaya dumiretso kami dito para tumambay.

Busy sa paggigitara si Jedd habang sumasayaw naman si Chalk at Kollin. Magkatabi naman kami ni Glenn habang nasa harapan namin si Alvie.

"Sold Out na yung ticket." sagot naman ni Chalk na sumasayaw pa rin. Lalo tuloy nalukot yung mukha ni Alvie.

"Paano nalang ako? Kidnapin niyo naman siya para sa akin, oh? O kaya iregalo niyo nalang sa akin si Lee Jong Suk o kaya si Nam Joo Hyuk." Hirit pa ni Alvie kaya nilapitan siya ni Chalk.

"Tara sa mall. Dance Revo nalang tayo. " aya ni Jedd kaya nagsisunuran naman kami.

Nagpunta kami sa arcade tsaka sa Noraebang (karaoke room na Korean National yung may ari.) Feel na feel ni Alvie yung pagkanta habang sumasayaw naman kami. Bigla akong napahinto nung naalala ko yung usapan nina Mama at Papa kaninang umaga.

"Bakit ba kasi hindi mo nalang aminin? Huling-huli ka na, itatanggi mo pa? Tigilan nalang natin 'to." sabi ni mama habang naglalakad ng pabalik-balik sa sala.

It's only 3 am in the morning and maybe they think that I'm still asleep. Pupunta sana ako sa kusina para kumuha ng tubig. Kakatapos ko lang tapusin yung Descendants of the Sun kaya gising pa ako. Papa is sitting on the edge of the couch with his elbows resting on his knees, supporting his forehead.

"Let me explain. Hindi ko sinasadya." Papa said, grabbing Mama's wrist.

"Pagod na pagod na ako. Lahat naman ginagawa ko para sa pamilyang 'to pero bakit ganito pa rin yung nangyare?" she cried in pain.

Di ko kinaya yung nakita ko kaya bumalik ako sa kwarto.

Hindi naman magbibitiw ng ganung salita si mama kung simpleng away mag asawa lang yun ‘diba? Ni hindi nga sila nag aaway dati kasi sobrang mahal nila yung isa't-isa pero ‘yung away nila ngayon, sobrang tagal na.

"You okay?" Glenn asked.

Nginitian ko siya tsaka tumango. Bakit ko ba pinoproblema yung mga bagay na hindi naman dapat pinoproblema?

Pagkatapos naming magconcert, kinaladkad naman ako ni Glenn sa kung saan, habang bumalik ng arcade yung apat.

"Saan na naman tayo pupunta? Di ka pa ba pagod?" I asked while letting myself get dragged by him. Hindi naman nya hilig mangaladkad ‘no?

"Basta. Dali." sagot nya. Naiinis na talaga ako sa taong ‘to.  Hindi ko talaga makausap ng matino.

Pumasok kami sa isang salon. Napakunot naman yung noo ko. So, balak pala niyang pumunta dito tapos kinaladkad pa ako? Wow. Ano ako, alalay?

Nagulat ako nung kinaladkad ako nung babae sa harap ng salamin. Umupo naman si Glenn sa tabi ko. Nakangiti siya ng napakalad. May binulong sya dun sa babae tsaka ako kinindatan. Tusukin ko kaya ng gunting yung mata niya?

Nakikipagdaldalan siya dun sa babaeng nanggugupit ng buhok nya. He's totally ignoring me. Naiinis naman ako sa babaeng nangingialam ng buhok ko. Naunang natapos si Glenn kaya nakipagkwentuhan muna siya sa mga staff samantalang ako ay nagtitiis mag isa.

"Tadaaa! Perfect!" sabi nung babae na nag ayos ng buhok ko.

Wagas naman makangiti si Glenn. Tsaka ko lang narealized na pareho pala kami ng kulay ng buhok. Ginupitan nila yung buhok ko ng bob cut with bangs tsaka kinulayan ng ash gray ombre. Ganun din yung kulay ng buhok nya tsaka nya pinaayos yung buhok nya na parang kay Luhan nung Growl era.

Kinaladkad nya ulit ako tsaka nagtingin ng contact lenses. Tawa siya ng tawa nung umiiyak ako habang tinatry yung lens na pinili nya. Sorry naman diba? Wala kasing ganito sa bundok!

"Okay lang ‘yan. Masasanay ka rin." He said then gave me a reassuring smile.

Di namin napansin yung oras. 8 pm na nung nakarating kami sa bahay. Pinatuloy siya ni mama sa loob. Wala si papa, baka nasa business trip na naman. Nagkwekwentuhan sila ni mama habang ako yung inutusan ni mama na magprepare ng dinner naming dalawa.

Nagpaalam si mama na may tatapusin sa kwarto niya kaya naiwan naman kami ni Glenn sa kusina. Di kami nag uusap habang kumakain. Tanging ingay lang ng mga kubyertos yung naririnig. Napansin yata niya yung awkward silence kaya bigla syang nagsalita.

"Ang cool ng mama mo." kumento nya.

Napangiti naman ako. Yes, she really is. Sobrang swerte ko sa parents ko kahit di ko sila madalas na makasama.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status