Share

XII. The Sign

"They call me baepsae

yokbwatji i sedae

palli chase 'em

hwangsae deoge nae garangin taengtaeng~"

Natawa ako kay Jedd na sumasayaw at kumakanta sa harap ni Kollin na busy sa pagrereview. Malapit na kasi yung finals at busy lahat ng estudyante. Sinipa siya ni Kollin na iritang-irita na sa kakulitan niya. Nagrereview din si Chalk na tahimik at seryosong-seryoso sa hawak niyang libro. Nagrereview din kami ni Alvie samantalang si Glenn naman ay prenteng nakaupo habang busy sa paglalaro sa phone niya.

"Putahamnida 'tong mukhang nag-aagaw buhay na ipis na 'to ah. Kala mo gwapo. Peste."

Napatingin kaming lahat kay Glen. Bigla-bigla nalang kasing nagmumura.

"Bakit? Sumali ka na naman sa warzone 'no?" Alvie concluded.

"Epal kasing basher. Nakakainis." sagot naman niya. Napangiti nalang ako.

"Let them be. Nagpapapansin lang mga 'yan." sabi ko.

"Oy, kayong dalawa huh! Kailangan couple hair color? Tae, ang corny niyo." Napatingin kaming pareho ni Glenn kay Chalk.

"Inggit ka lang, urur!" sabay bato ni Glenn sa kaniya nung chips.

Natawa nalang kami ni ni Alvie nung nagrambolan na yung apat. Tumayo kami tsaka nagpunta sa kusina para kumuha ng meryenda. Wala din yung mama ni Alvie dito sa bahay nila kaya kaming anim lang ‘yung naiwan.

"Okay ka lang, Sol?" Alvie asked.

Ngumiti ako ng mapait. Nakwento ko na sa kaniya yung nangyayari sa bahay. Yung hindi na pag-uwi ni Papa, yung laging pag-iyak ni mama tsaka yung mga text ni papa.

It's been a week since that shit happened. Wala akong mapagsabihan kundi si Alvie. Ayoko namang pati si Glenn ay problemahin yung problema ko kaya ‘di ko nalang sinabi.

Laging nagtetext si papa. Nagso-sorry siya sa lahat daw ng maling desisyong ginawa niya. Tanong ako ng tanong kung ano ba talaga yung problema pero wala ni isa sa kanila ni mama yung may planong sabihin sa akin. Tinatanong ko din si kuya Zeck kung may alam siya pero lagi niyang sinasabi na ako daw yung kasama nila kaya ako dapat yung nakakaalam.

Pagkatapos naming magmeryenda, pumasok sila sa loob dahil manonood daw sila ng movies kaya nagpaiwan muna ako para magpahangin. I'm listening to EXO's Promise when someone pulled the earphone on my right ear.

Napalingon ako kay Glenn na nakaupo sa likuran ko. Pinatong nya yung ulo niya sa balikat ko tsaka inintertwine yung mga kamay niya sa akin. Para tuloy siyang nakayakap sa akin.

---

Kakatapos lang ng exam namin si Alvie kaya nagpunta kami sa food court. We still have exams in the afternoon kaya mahaba-habang review ang kelangan naming gawin. Nagrereview ako sa physics habang nanonood naman ng music video si Alvie.

"Kailan mo siya sasagutin, Sol?"

Napatingin ako kay Alvie. Kailan ko sasagutin?

"Kailan mo sasagutin yung pinsan ko. Like, hello? It's been two months. Wala ka bang balak sagutin siya?" dagdag pa nya.

"Two months na ba? Alam mo kasi Vie, nasa 'getting to know each other stage' pa lang kami ng pinsan mo. Madami pa kaming ‘di alam tungkol sa isa't isa. Gusto ko munang makilala siya. You know, I want a long-term relationship. I want it to be slow but sure."

Napag usapan naman na namin yun ni Glenn, eh. Willing din naman daw siyang maghintay. Besides, I have family issues right now. We're still young so there's no need to put everything on haste. Napukaw ng paningin ko yung apat lalake na naghahabulan sa may likod ng gym. Ano na namang kalokohan yung ginagawa ng mga yun? Wala na ba silang exam?

Nagpaalam ako kay Alvie para pumunta sa washroom. We still have 20 minutes before our next exam at hindi ko naman mahihila si Alvie dito dahil sinumpong siya ng katamaran nya.

"Excuse me, miss. May I ask where is the Dean's office?" napalingon ako sa babaeng nagsalita. She has her American with a bit of Korean accent.

Naalala ko tuloy si Nix. Natatawa lang ako kapag naalala ko yung kalokohan na pinag-gagawa niya.

Nagpunta siya sa bahay nung gabi na nagtampo ako dahil sa pagiging abnormal nya. Kasama niya yung tatlong alipores niya. It's already 10 pm at saktong kadarating lang ng bahay ni papa. Nasa labas sila ng bahay habang may hawak-hawak na gitara at rose.

Nasa sala kami ni papa habang nanonood ng TV nung may marinig kaming nagtatalo sa labas. Sumilip si papa sa may bintana tsaka biglang napataas yung kilay.

"Sino yung mga ungas na yun?" tanong ni papa kaya sumilip na din ako. There I saw the four weirdos hitting each other's head.

"Di ko po sila kilala." I denied. Like, what on Earth are they doing at this time?

Bigla silang nagstrum kaya natahimik kami ni papa. Nagsimula silang kumanta. Napapangiti naman si papa. Naaamazed din siguro sa ganda ng blending ng boses nila.

"Yung nasa gitna yung manliligaw mo diba?" tanong ni papa.

Bago pa ako makasagot, lumabas na siya ng bahay kaya napasunod nalang ako. Todo ngiti si papa. For sure bilib na biib na yan kay Lawin.

"Ganyan din ako sa mama mo dati." Bulong niya.

Bigla naman akong kinabahan nung mapatingin ako sa apat. Sinenyasan ko silang itigil na ang pagkanta pero di nila ako pinansin.

"...let's just kiss 'til we're naked baby, Versace on the floor~"

Nanlaki yung mata ni papa nung narinig niya yung lyrics.

"Tarantado kayo!" sigaw nya sabay hugot sa belt nya. Kanya-kanyang takbo naman yung apat.

"Miss?"

I snap back to reality when I heard her voice. Ang layo na pala ng narating ng utak ko.

"Ah, just head to the right-wing of the building. First door from the right." I answered.

She smiled at me before leaving. She looks familiar. Saan ko ba siya nakita?

--

Maaga kaming natapos ni Alvie kaya dumiretso na kami sa arcade. Sinabihan nalang niya yung apat na sumunod pagkatapos ng exam nila. Nasa food court kami nung lapitan kami nina Kyle.

"Sol!" tawag niya. Sabay kaming napatingin ni Alvie sa kanya. Kasama niya yung teammates niya.

"Hi," bati ko pero di sila pinansin ni Alvie. Di ko nga alam kung bakit mainit yung dugo niya kay Kyle, wala namang ginagawa yung tao sa kanya.  

Umalis din sila nung mapansin nilang hindi sila welcome kay Alvie. Naglakad-lakad muna kami after naming kumain. Bigla akong hinila ni Alvie kaya napahinto ako.

"Ano na naman?!" inis kong singhal sa kanya. Kamuntik na akong magslide dahil sa lakas ng pagkakahila nya.

Bigla syang ngumiti ng nakakaloko tsaka kumapit sa braso ko na daig pa ang koala.

"Di ba naguguluhan ka pa kung sasagutin mo ba yung pinsan ko? Why not ask for signs?" she suggested with her wide smile. Pinitik ko nga sa noo. Daming kalokohan eh.

"Ano ka, bata? Kinain ng sistema ng ng pinapanoos at binabasa mo? Gumising ka nga!" sigaw ko sa kanya.

Sinamaan naman niya ako ng tingin tsaka hinampas sa braso. Pinagtitinginan na tuloy kami ng mga tao.

"Arte mo bes. Wala namang mawawala sayo." 

Boring Banana

The song I used here is BTS' Silver Spoon. You can listen to it on Spotify, Youtube, or Apple Music.

| Like

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status