Share

Chapter 130

Penulis: R.Y.E.
last update Terakhir Diperbarui: 2025-07-28 16:12:09

Ashlyn

Tahimik akong nakatayo sa tapat ng dating naming bahay.

Kinakalawang na ang gate, at ang puting pintura sa mga dingding ay halos hindi na makita sa dami ng lumot, alikabok, at bitak. Ang hardin na dating pinagmamalaking taniman ni Mommy ng mga orchids ay ngayon ay puro ligaw na damo na lang ang laman.

Ganito na pala ang itsura ng tahanang minsan ay tinawag naming “buhay.”

Our old home

Alam kong alas-diyes pa dapat ang tagpuan namin ni Ashley, pero heto na ako ngayon, alas otso pa lang ng umaga. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang nakatayo ako sa tapat ng dati naming tahanan, isang bahay na punô ng alaala, ng halakhak, at ng mga luhang minsang ibinahagi namin bilang isang buo at masayang pamilya.

Bago ako umalis ng bahay, kinausap ko si Marco. Sinabihan ko siyang pupunta na ako rito, at gaya ng inaasahan, agad siyang nag-alok ng suporta.

"Sigurado ka bang kaya mo?" tanong niya habang hinahawakan ang kamay ko.

Tumango ako kahit may kaba. "Oo. Kailangan ko itong harapin. Hindi
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • My Brother in-Law, My Lover   Chapter 131

    AshlynPero bigla, isang mahinang tunog ang gumising sa malalim kong pag-iisip.Isang kaluskos sa labas. Napaangat ako ng tingin.Hindi ako gumalaw. Sa halip ay tumindig ako, nilakasan ang loob at huminga nang malalim.Bumukas ang pinto.Tahimik. Walang salita. Pero ramdam na ramdam ko ang lamig ng presensya niya.Nakatayo si Ashley sa bungad. Nakasuot siya ng itim na blouse at dark jeans, ang buhok ay buhol-buhol at tila hindi rin nakatulog. Sa loob ng ilang segundo, tiningnan lang niya ako. Walang imik. Walang emosyon sa mukha.Tila nanigas ang lahat ng ugat sa katawan ko. Pareho parin kami ng mukha. Pero ang titig niya, matalas, puno ng lamig, at may halong paghamak.“Maaga ka,” matalim niyang bungad habang pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa.“Gusto ko lang balikan ang mga alaala bago kita kausapin,” sagot ko, pinipilit manatiling kalmado kahit nanlalamig ang palad ko.Pumasok siya nang dahan-dahan, at umupo sa lumang sofa, hindi alintana ang dumi non, na para bang siya pa rin

  • My Brother in-Law, My Lover   Chapter 130

    AshlynTahimik akong nakatayo sa tapat ng dating naming bahay.Kinakalawang na ang gate, at ang puting pintura sa mga dingding ay halos hindi na makita sa dami ng lumot, alikabok, at bitak. Ang hardin na dating pinagmamalaking taniman ni Mommy ng mga orchids ay ngayon ay puro ligaw na damo na lang ang laman.Ganito na pala ang itsura ng tahanang minsan ay tinawag naming “buhay.”Our old homeAlam kong alas-diyes pa dapat ang tagpuan namin ni Ashley, pero heto na ako ngayon, alas otso pa lang ng umaga. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang nakatayo ako sa tapat ng dati naming tahanan, isang bahay na punô ng alaala, ng halakhak, at ng mga luhang minsang ibinahagi namin bilang isang buo at masayang pamilya.Bago ako umalis ng bahay, kinausap ko si Marco. Sinabihan ko siyang pupunta na ako rito, at gaya ng inaasahan, agad siyang nag-alok ng suporta."Sigurado ka bang kaya mo?" tanong niya habang hinahawakan ang kamay ko.Tumango ako kahit may kaba. "Oo. Kailangan ko itong harapin. Hindi

  • My Brother in-Law, My Lover   Chapter 129

    AshlynKinabukasanMaaga pa lang ay nagising na ako, kahit hindi pa tumutunog ang alarm clock. Tahimik ang buong paligid. Maging ang mga ibon sa labas ng bintana ay tila ayaw bumigkas ng kanilang kanta. Marahil ay nararamdaman din nila ang bigat sa dibdib ko.Pagkababa ko sa kusina, nadatnan ko si Marco na tahimik na naghahanda ng kape. Nakasuot pa siya ng gray shirt at pajama, gulo-gulo pa ang buhok niya pero nanatiling alisto ang mga mata.“Hindi ka na nakatulog?” tanong niya habang inaabot sa akin ang isang mug.Umiling ako. “Pilit kong pinapakalma ang sarili, pero alam mo na, isip dito, isip doon.”Lumapit siya’t bahagyang kinuyom ang balikat ko. “Nandito lang ako. Huwag mong sarilinin, Sweet. Kahit gaano kabigat, sabay natin bubuhatin.”Hindi ko napigilan ang mapatingin sa kanya at ngumiti, kahit may luha sa gilid ng aking mata. “Salamat. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka."Sa mga nangyayari, alam ko na siya ang pinaka-apektado sa lahat. Ang pinaka hindi mapakali. Bukod sa

  • My Brother in-Law, My Lover   Chapter 128

    AshlynAno ang pinaplano niya?Bakit niya ako kailangang makausap?Dapat ko ba siyang pagkatiwalaan, matapos ang lahat ng ginawa niya?Mabigat ang dibdib kong napahiga sa kama, mahigpit na nakahawak pa rin sa cellphone na kanina ko pa tinititigan. Napapikit ako, pilit pinapakalma ang puso kong hindi mapakali.Anong dapat kong ire-reply?Gusto ko siyang sigawan. Gusto ko siyang batuhin ng lahat ng galit na naipon ko sa mga taon ng katahimikan, ng panloloko, ng kasinungalingan. Pero sa kabila ng lahat ng iyon… isang bahagi ng puso ko ang umaasang may kapayapaang pwedeng marating, kung haharapin ko siya."Ashley, kung ano man ang masamang pinaplano mo, hinding-hindi ko hahayaan na mangyari."Mahinang usal ko sa sarili, kasabay ng biglaang pagbangon. Tumitig ako sa screen ng cellphone, pinunasan ang luha sa sulok ng mata, saka marahang nagtipa ng sagot."When and where?"Pinindot ko ang send at halos sabay noong pagtibok ng puso ko ang paglabas ng mensahe.Siguro… siguro nga'y kailangan na

  • My Brother in-Law, My Lover   Chapter 127

    AshlynIlang araw na ba ang lumipas simula nang sabihin sa akin ni Marco ang buong katotohanan tungkol sa aksidente sa pamilya namin, at higit sa lahat, ang pagkakasangkot doon ni Ashley. Ang mas masakit pa, hindi lang basta siya nadawit… siya mismo ang may pakana ng lahat.Hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang matinding kirot sa puso ko. Parang tinutusok ng libong karayom ang dibdib ko tuwing naaalala ko ang mga salitang binitawan ni Marco, mga salitang nagpabagsak sa mundo ko, mga katotohanang hindi ko inakalang maririnig ko mula sa kanya.Ngunit alam kong hindi ako pwedeng manatiling ganito. Hindi ako pwedeng magpalamon sa sakit at galit. Kailangan kong bumangon, huminga nang malalim, at harapin ang lahat. Kailangan kong turuan si Ashley ng leksyon, hindi dahil gusto kong gumanti, kundi dahil gusto kong iligtas siya sa sarili niyang pagkakalubog.Kanina, bago pumasok si Marco sa opisina, halatang nag-aalangan siya. Nakatayo lang siya sa may pinto, hawak ang door knob, at ilang beses

  • My Brother in-Law, My Lover   Chapter 126

    Ashley“Gagawan ko ng paraan na mapasaiyo si Ashlyn,” mariing sambit ko habang pinipigilan ang panginginig ng boses ko. “Pero siguraduhin mong kapag naibigay ko na siya sayo, ilalayo mo siya nang husto. Ayokong, kahit minsan, ay makita pa siya ni Marco. Hindi ko papayagang mangyari ‘yon.”Napakunot ang noo ko nang mapansin ko ang unti-unting pagsilay ng ngisi sa kanyang mga labi. Isang ngising hindi ko mabasa kung tuwa ba, pagnanasa, o pagkasabik sa gulo. Kinabahan ako, higit pa sa dati. Pero wala na itong atrasan. Wala rin akong ibang pagpipilian. Ang kasunduan naming ito ay parang demonyong hindi ko mababalikan, kaya ang tanging magagawa ko ay sumulong.Gusto niya ang taong gusto kong burahin sa mundo. Pero kahit gustuhin ko man, hindi ko magawa. Hindi dahil sa pagmamalasakit. Kundi dahil alam ko, sa huli, hindi ako patatahimikin ng lalaking ito. May mga matang nakakakita kahit nakapikit. May mga kamay na umaabot kahit wala sa tabi mo.“Ano na, Ismael?!” singhal ko. “Huwag kang ngumi

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status