So sad...
AshlynNailibing na si Ashley.Tahimik ang paligid habang isa-isa nang nagsiuwian ang mga taong nakiramay. Naiwan ako sa tapat ng kanyang puntod, hawak pa rin ang maliit na puting sobre na ibinigay sa akin ng nurse ng dalhin sa morgue ang kakambal ko. Ang liham na iniwan ng kapatid ko bago niya kitlin ang sarili niyang buhay.Masakit. Masakit dahil kahit sa huli, hindi niya pa rin nagawang humingi ng tawad.Hindi para sa akin, kundi para sa sarili niya. O para man lang sa Diyos. Sana bago siya nalagutan ng hininga, naisip niyang lumapit sa Kanya. Pero wala. Ang iniwan niya sa akin ay ang parehong damdaming gusto kong burahin sa pagitan naming dalawa: galit, inggit, at poot.Pagkatapos naming dalhin ang kanyang bangkay sa morgue, saka lumapit sa akin ang nurse. May pagkailang siyang inabot ang liham, waring nag-aalangan kung ibibigay ba talaga iyon o itatago na lang habang buhay.Pagkarating namin sa bahay, agad kong naramdaman ang biglang paghigpit ng dibdib ko. Tahimik ang paligid, p
AshlynTahimik kaming nakaupo ni Marco sa gilid ng kama, mga kamay namin ay magkahawak, ngunit parehong may bigat sa dibdib. Ang buong bahay ay tila tahimik na sumasalamin sa alon ng mga emosyong hindi namin masambit agad. Ang ilaw sa lampshade ay may malamlam na liwanag, sapat lang para makita ko ang pag-aalala sa mga mata ng asawa ko.“Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi niya,” bulong ko habang pinipilit kong pigilan ang pag-angat ng luha sa aking mga mata. “Sa halip na matuwa ako na ligtas siya, na buhay pa rin siya... bakit parang mas lalo pa akong nasasaktan?”Hinagod ni Marco ang likod ng kamay ko, tila sinusubukang palakasin ang loob ko, pero ramdam ko rin ang tensyon sa kaniyang bisig."Sinabi niya ‘yon habang alam niyang ikaw ang tunay kong asawa," mahinahon ngunit mariing sabi niya. "Walang pasintabi, walang pagkilala sa tama at mali. Wala siyang pinagsisisihan."Tumango ako, bagamat mas lalong sumikip ang dibdib ko. "Akala ko, pagkatapos ng lahat ng ginawa niya… matatauh
AshlynTahimik ang paligid habang nakaupo ako sa tabi ng kama ni Ashley. Okay na ako at dalawang araw na rin ang lumipas mula ng dalhin dito si Ashley at operahan. Ang sabi ng doktor ay okay na ang kanyang kalagayan maliban sa kanyang likod dahil sa tinamong saksak nang harangin si Ismael.Si Marco ay nasa labas lang ng silid. Gusto kong makausap ng sarilinan si Ashley kaya hiniling ko na hintayin na lamang niya muna ako.Tinitigan ko ang kakambal ko. Kahit nakahiga siya, pilit pa rin niyang pinananatili ang tikas ng kanyang pagkatao. Ngunit hindi ko maikakaila ang sakit at pagod sa mga mata niya, pero ang pinaka-matindi ay ang sa kanyang likod. Lahat ‘yon ay dulot ng pagtatanggol niya kay Marco. Ito ang unang beses na magkakausap kami. “Salamat,” mahina kong sambit habang hawak ang kanyang kamay. “Kung hindi mo hinarangan si Ismael, baka… baka wala na si Marco ngayon.”"Hindi ko hahayaang may mangyaring masama kay Marco. Mahal na mahal ko siya..." tugon niya na hindi inaalis ang ting
MarcoAmoy antiseptic. Puting ilaw. Puting dingding. Puting unan. Puting kumot. Para akong nalunod sa katahimikan ng ospital habang hawak ko pa rin ang kamay ni Ashlyn. Nakaupo ako sa tabi ng kama niya, nakatingin sa payapa niyang mukha na ngayon ay bahagya nang may kulay. Salamat sa Diyos at ligtas siya. Pero hindi pa rin ako mapakali. Parang may mabigat na batong nakapatong sa dibdib ko.Hindi pa rin bumabalik sa normal ang tibok ng puso ko. Gusto kong magalit. Gusto kong umiyak. Pero nanatili akong tahimik, pinipilit maging matatag para sa kanya.Maya-maya, bumukas ang pinto. Pumasok si Sandro, seryoso ang mukha, parang may dalang mabigat na balita. Tumayo ako agad.“Kamusta?” tanong ko, agad na kinabahan.Tumango siya, mabigat ang mga mata. “Patay na si Ismael,” diretsong sabi niya.Natigilan ako at napalunok. Oo, galit ako sa kanya. Oo, muntik niya nang kitilin ang buhay ko… pero hindi ko inasahan na ganon ang magiging katapusan niya.“Dead on arrival siya pagdating dito,” dagdag
Marco“‘Wag kang lalapit!” malakas na sigaw ni Ismael habang inihampas niya ang braso sa ere, hawak pa rin ang kumikislap na kutsilyo. Bakas sa mukha niya ang kabaliwan na may halong poot, pagkadismaya, at desperasyon. Ang mga mata niya ay tila naglalagablab sa galit, at sa bawat paghinga niya’y may kasamang panginginig.Pumwesto na ang dalawang tauhan ni Sandro, pakanan at pakaliwa, kapwa handang umatake anumang saglit. Si Sandro naman ay umikot at tumigil sa likod ng sasakyan, maingat, alerto, at nakatutok ang baril kay Ismael. Ang bawat hakbang niya’y sinlakas ng pintig sa dibdib ko.Ang isa pang lalaki na nasa gilid ko ay agad dinakma ng mga pulis. Wala nang takas.“Ismael,” malalim at malamig ang boses ni Sandro, parang yelo ang bawat salitang bitaw niya. “Bitawan mo na ang kutsilyo at sumuko ka na."Napangisi si Ismael. Isang uri ng ngiting nakakakilabot, wala na siyang pakialam, parang buo na ang loob niyang sumugal. “Kung ibibigay niyo sa ‘kin si Ashlyn… aalis akong parang wala
Marco“No, I’m Ashlyn. Hindi mo ba nakikita?” mariing sabi ni Ashley habang nakatitig sa akin, kunwa’y galit at nasasaktan. Napailing na lang ako. Alam kong isa na naman itong palabas, isa na namang pagsisinungaling para makuha ang gusto niya.Hindi ako nagsalita. Wala na akong kailangang sabihin pa sa kanya. Alam ko na ang totoo, at kahit ano pang sabihin niya, hindi na niya mababago ang nalalaman ko. Sa palagay ko, kahit bigyan pa siya ng pagkakataon ng asawa ko, paulit-ulit lang siyang mananakit, manggagamit, at manlilinlang.Hindi ko na siya nakikitaan ng kahit katiting na pag-asa na magbago pa. Hindi ko na nakikita sa mga mata niya ang kagustuhang tumalikod sa dilim. At sa gitna ng lahat ng ‘yon… bigla akong nakadama ng matinding awa, hindi para kay Ashley, kundi para kay Ashlyn.Ramdam kong durog ang loob niya, kahit hindi pa siya nagsasalita. Alam kong hindi naging madali ang desisyong makipagkita siya sa kakambal niya. Alam kong bago siya pumasok sa bahay na ito, ilang beses m