Share

Chapter 54

Author: R.Y.E.
last update Last Updated: 2025-01-18 00:23:01
Ahley

Nakapamili na kami ng wedding gown ni Ashlyn at sa buong panahon na yon ay naging parang ang tahimik na ni Mommy. Tanging si Dad na lang ang siyang nakikipag-usap at nagsa-suggest ng mga bagay bagay.

Nakaramdam ako ng kaba ngunit inisang tabi ko lang iyon. Sa aming dalawa ni Ashlyn ay mas madalas na ako ang paboran ng aming ina kung magkataon na sabay kaming may kailangan.

“Mi, ano sa palagay niyo ang bagay na motif?” tanong ko.

“Ha?” natitigilan niyang tugon.

“Mi, may problema po ba kayo?” tanong ni Ashlyn. “Parang wala ho kayo sa inyong sarili eh.”

“Naku hindi naman, para kasing hindi pa ako makapaniwala na mag-aasawa ka na. Parang kailan lang ay—”

“Ano ba yan, Mi…” sabi ko sabay ngiti. Tinignan ko siyang mabuti at nagtagpo ang aming mga mata. Ramdam ko, may gumugulo sa kanya.

Inakbayan siya ni Dad kaya sumandig siya sa kanyang dibdib na madalas niyang gawin sa tuwing pakiramdam niya ay nanghihina siya. And that made me even sure na may mali.

“Ilang gabi na kasing umiiyak niton
R.Y.E.

Evil. So evil.

| 10
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Liza Paballa
ganyan nga author hnd paikot ikot istrya khit maiksi lng istrya bsta hnd paikot ikot
goodnovel comment avatar
Ma Sofia Amber Llanda
more updates po Ms. A thanks
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • My Brother in-Law, My Lover   Chapter 135

    MarcoHindi ko alam kung ano ang gagawin ko nang makita ko ang kambal na palabas ng bahay. Si Ashlyn ay patingin-tingin sa paligid na tila may hinahanap, o may iniiwasan? Napakunot ang noo ko sa kutob na bigla kong naramdaman.May mali.Agad akong bumaba ng sasakyan at mabilis na tumakbo papalapit sa kanila. Ganon na lang ang panlalaki ng mata ni Ashlyn nang makita niya ako.“What are you doing here?” gulat niyang tanong, kita ang pagkabigla sa mukha. Ngunit higit doon, halatang may pag-aalala sa boses niya na hindi ko alam kung para saan. Sa kanya ba o sa kakambal.“Anong nangyari sa kanya?” tanong ko agad, hindi na pinansin ang tanong niya. Ang mga mata ko ay nakatutok lang kay Ashley na walang malay. Nag-alala ako dahil baka mamaya kung ano na ang nangyari sa kanila sa loob.Tinignan ko ang kamay ni Ashlyn at malinis naman iyon. Walang dugo or kahit na anong sugat. Ganon din ang sa walang malay na si Ashley.“Bigla na lang siyang hinimatay,” sagot ni Ashlyn, o Ashley habang nanging

  • My Brother in-Law, My Lover   Chapter 134

    Ashlyn“Kahit na anong sabihin mo, wala nang saysay pa.” Matigas at malamig ang pagkakasabi ni Ashley. Parang yelong dumampi sa balat ang boses niyang puno ng galit at pagkamuhi. Ilang ulit na akong nagpakumbaba, halos magmakaawa na, para lang itigil niya kung anuman ang masamang binabalak niya pero tila wala siyang naririnig.“No one sees me. Palagi na lang ikaw. Ikaw. Ikaw,” aniyang halos pabulong pero matalim, parang kutsilyong ibinaon sa likod ko.Napalunok ako. Pilit kong pinanatiling matatag ang boses ko kahit pa nagsisigawan na ang damdamin ko sa loob.“At sa tingin mo,” sagot ko sa mababang tinig, “kapag nawala ako… makikita ka na nila?”Tumingin siya sa akin. Diretso. Walang takot. Walang bakas ng kapatid na minsang sinabayan ko sa ulan, kasama sa lahat at minahal.“Kapag nawala ka, ako na lang ang titignan nila. Ako na ang bagong ikaw,” mariin niyang sagot habang dahan-dahang lumalapit sa akin. Akala mo ay may pinaglalaban siyang kanya, pag-aari na gustong bawiin gayong malin

  • My Brother in-Law, My Lover   Chapter 133

    Marco“Marco,” sabi ni Sandro nang sagutin ko ang tawag niya. Mabilis ang tibok ng puso ko, tila ba may paparating na panganib na hindi ko pa masyadong maipaliwanag.“Nakikita mo ba ang sasakyan na nasa unahan mo? Mga tatlong bahay lang ang layo mula sa kinapupwestuhan mo ngayon.”Agad akong lumingon sa direksyong tinutukoy niya. May isang itim na SUV na naka-park sa tapat ng isang bahay, mukhang may tao doon kaya hindi siya suspicious tignan, ang sa isip ko ay taga doon ang may-ari. Madilim ang tint ng mga bintana, hindi mo makikita kung may sakay sa loob.“Yeah… nakikita ko. Bakit?” tanong ko habang pinapanatiling kalmado ang tono ko, pero ramdam ko ang kaba na unti-unting gumagapang sa dibdib ko.“Wala ‘yan d’yan kahapon,” sagot niya sa mababang tinig, para bang may sinusubaybayan din siya ngayon.Napakunot ang noo ko. “Anong ibig mong sabihin?”“Maaaring kasamahan ni Ashley ang nasa loob niyan. I contacted a friend, pinatsek ko na ang plaka. Hinihintay ko na lang ang sagot niya.”N

  • My Brother in-Law, My Lover   Chapter 132

    MarcoKinakabahan ako. Hindi lang basta kaba, kundi isang matinding kaba na unti-unting pumipiga sa dibdib ko habang patuloy ang pag-ikot ng mga malalabo at delikadong senaryo sa isipan ko.Ano na kaya ang nangyayari sa loob? Hindi ko maiwasang mapaisip habang nakatingin sa direksyon ng dating bahay nila Ashlyn. Tahimik akong nakaupo sa loob ng sasakyan, pilit na kinakalma ang mabilis na pagtibok ng puso ko. May kaba at may halong pagtataka.Napatingin ako sa pagdating ni Ashley. Tulad ni Ashlyn, maaga rin siya, hindi pa man sumasapit ang takdang oras ng kanilang pagkikita. Ang itsura niya ay parang napabayaan na ang sarili. Malayong malayo sa Ashley na kilala ko kahit noon pa mang hindi pa nangyayari ang aksidente. Parang wala siyang iniintindi, at sa tingin ko ay hindi niya ako napansin.May pinaplano kaya siya? Napalunok ako ng bahagya. May kutob akong hindi ko maipaliwanag.Maya’t-maya, tumingin na naman ako sa orasan na suot ko sa kaliwang pulsuhan. 9:22 AM. Hindi pa sila dapat na

  • My Brother in-Law, My Lover   Chapter 131

    AshlynPero bigla, isang mahinang tunog ang gumising sa malalim kong pag-iisip.Isang kaluskos sa labas. Napaangat ako ng tingin.Hindi ako gumalaw. Sa halip ay tumindig ako, nilakasan ang loob at huminga nang malalim.Bumukas ang pinto.Tahimik. Walang salita. Pero ramdam na ramdam ko ang lamig ng presensya niya.Nakatayo si Ashley sa bungad. Nakasuot siya ng itim na blouse at dark jeans, ang buhok ay buhol-buhol at tila hindi rin nakatulog. Sa loob ng ilang segundo, tiningnan lang niya ako. Walang imik. Walang emosyon sa mukha.Tila nanigas ang lahat ng ugat sa katawan ko. Pareho parin kami ng mukha. Pero ang titig niya, matalas, puno ng lamig, at may halong paghamak.“Maaga ka,” matalim niyang bungad habang pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa.“Gusto ko lang balikan ang mga alaala bago kita kausapin,” sagot ko, pinipilit manatiling kalmado kahit nanlalamig ang palad ko.Pumasok siya nang dahan-dahan, at umupo sa lumang sofa, hindi alintana ang dumi non, na para bang siya pa rin

  • My Brother in-Law, My Lover   Chapter 130

    AshlynTahimik akong nakatayo sa tapat ng dating naming bahay.Kinakalawang na ang gate, at ang puting pintura sa mga dingding ay halos hindi na makita sa dami ng lumot, alikabok, at bitak. Ang hardin na dating pinagmamalaking taniman ni Mommy ng mga orchids ay ngayon ay puro ligaw na damo na lang ang laman.Ganito na pala ang itsura ng tahanang minsan ay tinawag naming “buhay.”Our old homeAlam kong alas-diyes pa dapat ang tagpuan namin ni Ashley, pero heto na ako ngayon, alas otso pa lang ng umaga. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang nakatayo ako sa tapat ng dati naming tahanan, isang bahay na punô ng alaala, ng halakhak, at ng mga luhang minsang ibinahagi namin bilang isang buo at masayang pamilya.Bago ako umalis ng bahay, kinausap ko si Marco. Sinabihan ko siyang pupunta na ako rito, at gaya ng inaasahan, agad siyang nag-alok ng suporta."Sigurado ka bang kaya mo?" tanong niya habang hinahawakan ang kamay ko.Tumango ako kahit may kaba. "Oo. Kailangan ko itong harapin. Hindi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status