เข้าสู่ระบบAN: Salamat po sa mga nagbasa nito, sanay mag-enjoy at kiligin kayo sa love story nila, Duncan at Mazel. ❤❤❤
========================================= Mazel Kakatapos lang ng unang subject namin. Naglalakad ako sa mahabang pasilyo nang paaralan. Hindi ko alam kung saan ako tatambay habang naghihintay nang susunod na subject, meron kasi kaming thirty minutes na break. Si Paulo naman sa ibang lugar nagpunta ayoko naman siya istorbohin pa. Malayo ang nilalakbay ng isipan dahil noong nalaman ko na siya na nga si Duncan, gusto ko sana siyang 'yakapin at tanungin kung bakit bigla na lang siyang nawala. Ngunit hindi ko nagawa dahil ibang-iba na siya kumpara sa dating Duncan na nakilala ko, siguro nga kulang pa talaga ang ilang araw na pagkakaibigan namin upang makilala namin ng husto ang bawat isa. Sa pag-iisip ko hindi ko namalayan na may mababangga na pala ako. "Mazel right?" Napapatitig naman ako dito sa babae na nasa harap ko ngayon at masasabi kong maganda siya pero mukhang mataray ang dating. Bakit kilala niya ako? Kausap ko sa isip ko. "Did you hear me? Madali lang naman ang tanong ko sa'yo, just say yes!" Malakas ang boses na sabi niyabat naniningkit ang mata niya. Yung dalawang mga kasama niya mga nakaismid at nakataas ang kilay sa akin, ginawa ko huminga muna ako ng malalim bago sumagot. "Yes! Why?" Balik tanong ko sa kanya. "I don't need to answer! At isa pa hindi naman tayo close," nakasimangot niyang sagot. "Okey sinagot ko na ang tanong mo siguro at wala rin masamang tanungin rin kita?" Diretsong tingin ko sa mata niya at nakipaglabanan ako ng titigan sa kan'ya. "Masama, dahil hindi naman kita ka-level." nakataas pa ang kilay niya at nag-cross arm. "Kung gano'n naman pala hindi ko na pala kailangang makipag-usap pa sa inyo kaya padaanin niyo ako at magpapahangin lang ako saglit," nakangiti kong sabi sa kanila at nakakailang hakbang palang ako nang biglang may maramdaman akong binuhos na malamig mula sa likuran ko. Amoy coke dahan-dahan akong lumingon sa kanila hindi ko alam kung saan nanggaling 'yung softdrinks na hawak nila. Dahil wala naman silang hawak kanina a hindi pa sila nakuntento dahil sinabuyan pa nila akong muli atbsa mukha ko pa talaga. Titig na titig ako sa kanilang tatlo at ramdam ko na ang panlalamig ng katawan ko dahil nabasa ang dibdib pati na ang likod ko. Nanlalagkit at nilalamig na ako dahil mahangin dito at nagtawanan naman ang tatlo pati na rin ang mga napapadaan. Pigil ang emosyon ko dahil kaya kong magpigil hindi ko sila papatulan dahil alam kong sa umpisa lang 'to. "Sorry ah? Kasi mukhang kailangan mo ng maligo kasi nangangamoy ka na e," sabay tawanan nilang muli. Tiningnan ko lang sila ng masama at dahil ayoko muna silang patulan. Pagbibigyan ko muna sila kaya tinalikuran ko na sila para pumunta ako ng c.r. "Naging kayo ba ni, Duncan?" Napahinto naman ako sa paglalakad ko dahil sa tanong na 'yon. "Bakit hindi siya ang tanungin mo? At kahit pilitin mo ako hindi kita sasagutin." Mariin kong sagot at sinabayan ko ng mabilis na lalakad. Dnig na dinig ko pa ang mga sinabi nila sa akin pero hindi ko na lang pinansin dire-diretso akong naglakad at sa pangalawang pagkakataon nabunggo na naman muli ako. "Ano ka ba! Tumingin ka nga sa dinaraanan mo!" Sigaw ko sa kung sino man ito dahil asar na asar na talaga ako simula pa kanina. Natigilan naman ako dahil si Duncan pala at pati na rin ang mga kaibigan niya ang nasa harapan ko ngayon. Siya pala ang nabangga ko "What happened? Sinong gumawa niyan sa'yo?" Magkasunod na tanong niya. Nakita ko sa mga mata ni Duncan ang pag-aalala pero wala akong balak na mag pa-care sa kaniya dahil wala ako sa mood. "Ano bang pakialam mo? Hindi tayo close noh! Kaya tumabi ka nga diyan!" singhal ko sa kanya. "Wow ah! Ang sungit naman pala ng childhood sweetheart mo, DC." Sabi ng isang kasama niya sabay tawa. Tiningnan ko nang masama 'yung nagsalita at sa tingin ko siya siguro ang pinaka makulit sa grupo nila. "Bakit? Nakatabi naman kami at napakalaki ng space para makadaan ka." Pang-aasar na sabi ni Duncan. Saka ko lang napansin na nasa gilid lang pala kami lahat at tama siya maluwag pa ang pwedeng daanan. Pero hindi ako nagpahalata kanya lumakad na ako at nilagpasan ko na sila. Narinig ko pang nagtawanan 'yung mga kasama niya at ewan ko napangiti na lang 'din ako. Medyo nakalayo na ako sa kanila ng marinig kung sumigaw si Duncan at may binigkas siya pangalan ko kaya automatic na napahinto ako. "Hoy! Mazel! After class pumunta ka ng gym." Digaw niya at tumalikod na siya at nagsimula na silang maglakad. Bakit naman kaya? Feeling niya naman susundin ko siya bahala ka sa buhay mo nagpatuloy ako sa paglalakad para makapaglinis ng katawan ko mabuti na lang may exta akong damit na dala. ----------- Tapos na akong magpalit ng damit at sinusuklay ko na ang buhok ko ni-rebond pa naman 'to tapos bubuhusan lang ng coke. Lumabas na ako at nagtungo na sunod na subject ko pero sa huling dalawang klase namin hindi ko na nakita ang grupo nila, Duncan. Nag-uunat ako dahil tapos na ang klase at sa wakas makakauwi na rin sa bahay natapos ko ang isang araw. Napalingon ako dito sa katabing upuan ko kasi alam kung dito si Duncan. Nasaan kaya 'yung siraulo na 'yon? Hindi siya pumasok nako unang araw pa lang ng klase nagloloko na. Paano siya makaka-graduate ng high school kung 'di siya pumapasok at unang araw ng klase pa. Naiiling na lang ako dahil sa Duncan na 'yon. Palabas na ako nang room ng may kumalabit sa likod ko at nakita ko si Paulo pala. Seryoso ang mukha niya at parang may gusto siyang sabihin. "Paulo ikaw pala akala ko nauna ka ng umuwi," nakangiti kong bati sa kanya at hndi naman panget si Paulo kasi nakita ko ang mata niya ng mtitigan ko ngayon 'yung buhok lang talaga niya ang nagpapanget sa ayos niya. May suot siyang makapal na salamin at ang buhok nito na akala mo 'yung bunot. Tapos may brace pa ang ngipin nya ang pantalon naman niya na medyo bitin kaya gano'n na lang siya pagtawanan at laitin. Hindi ko natapos 'yung pag-iisip dahil may sinasabi si, Paulo. "Mazel sabi ni Duncan pumunta ka 'daw ng Gym. Kapag hindi ka raw pumunta pagsisihan mo raw ito at damay rin ako," malungkot na sabi ni, Paulo. "Bakit nasali ako dito, Mazel?" Nagtataka at nalulungkot na sabi niyam Napangiti naman ako sandali kasi natawa rin talaga ako sa itsura ni Paulo natatakot ba talaga siya kay, Duncan? Ano na naman kaya ang naiisip na palabas ng Duncan na 'yon? At kailangan sa gym talaga? Kaya kahit ayoko pumunta ako dahil nag-aalala rin ako 'kay, Paulo. "Pasensiya ka na Paulo kahit ako hindi ko rin talaga alam e, hayaan mo hindi naman ako papayag na may gawin siya ulit sayong masamabo," paliwanag ko sa kaniya tumango naman siya. Magkasabay na kaming naglalakad ni Paulo patungo sa gym. Nagtataka naman ako kasi 'yung mga studyante nagmamadali sa paglalakad. May tawa nang tawa at nagtatakbuhan na akala mo may artista na dumating at papunta rin sila sa gym napapaisip na naman ako. Subukan mo lang talgaa Duncan na may gawin ka sa amiin ni Paulo dahil pagsisihan mo talaga ito. Isip ko habang pabilis nang pabilis ang paglalakad ko napalingon ako kay Paulo nanginginig ang katawan niya. Talagang na-trauma na siya sa ginawa ng gagong Duncan na 'yon. Kawawa naman itong si Paulo nanahimik tapos pinaglalaruan ng mga siraulo na 'yon. Bigla akong kinabahan dahil may naririnig kami na sigawan parang may palaro sa loob nang gym dahil sa nagkakasayahan siguro. Pagpasok na namin bumulaga sa amin ang napakadaming studyante at sa gitna may tatlong babae na nakaluhod at gulo-gulo ang kanilang mga buhok. Nagtaka naman ako dahil sla 'yung mga nambuhos ng softdrinks sa akin kanina. Napansin ko ri na nandito si Duncan kasama mga kaibigan niya nakatingin silang lahat sa amin ngayon kaya naman parang ayaw humakbang ng mga paa ko. Lalong umingay dito sa loob at halos hindi ko na maintindihan ang mga sinasabi nila at sinisigaw nila. "What the- Anong ibig sabihin nito? Bakit nandito 'yang babae na 'yan!?" Narinig kong sabi ng babae na nasa pinakagitna. "Pilengera talaga! Mahilig talaga siyang magpapansin 'kay Duncan," sabi naman no'ng isa. Lumapit ako sa kanila nakasunod lang sa likod ko si Paulo at ngayon palang kumukulo na ang dugo ko sa kanya lalo na sa mga binabalak niya. "Anong balak mo na naman ha! At talagang pinapunta mo pa kami dito para lang ipakita sa akin 'yang mga kasamaan ng ugali mo!?" Galit na sabi ko ng makalapit na ako sa kanila. "Hindi naman para sa akin 'to! Ginagawa ko ito para sa sa'yo hindi ka ba magpapasalamat?" Nakangisi na sagot niya. Natawa na lang ako ng pauyam at talagang para pala sa akin itong kagaguhan na pinagagawa niya. "Igagaya mo pa ako sa inyo? Sa mga maling pinaggagawa niyo!" Malakas na sabi ko. Hindi naman ako pinansin ni Duncan sa halip sumigaw siya at may inutos. "Buksan niyo na 'yan!" Sigaw at utos niya. Napatingin ako banda doon sa may malaking nakatakip na puting tela. Ano kaya ang nasa loob no'n? Tanong ko sa isipan ko. "Woah! DC, seryoso ka ba dito? Napakarami naman nito pero mukhang exciting dahil nandito si sweetheart mo," nakatawang sabi nitong makulit na kaibigan niya. "Para saan naman 'yan?" Tanong ko sa kanya at ngumiti lang siya sa akin ng nakakaloko. Tatlong malalaking cooler ang nandito at puno ito ng... Ano ang nasa loob ng mga plastik ng yelo? Kulay itim pero may bula. Softdrinks? Bakit nakalagay sa mga lagayan ng plastik nang yelo? Naguguluhan ako sa mga nakita ko at sa napakaraming nakabalot na coke. "Uuwi na kami huwag mo na kaming idamay pa dito," mahina ang boses na sabi ko. Hindi sumagot si Duncan pero tiningnan niya si Paulo ng masama kaya kinabahan tuloy ako sa klase ng tingin niya. "Halika na dito at nang masimulan na natin 'to, masyado ng tumatagal ang oras. Madali lang ang gagawin mo ibabato mo 'yan isa-isa doon sa mga babaeng gumawa rin sa'yo kanina." Turo niya doon sa mga babae na nasa gitna. "Ano!? Hindi ko 'yan gagawin!" Sigaw ko sa kanya at nagsalubong ang kilay niya. "Gagawin mo dahil ito na ang oras para makaganti ka sa kanila." seryoso na sabi niya. Napapailing ako sa mga sinasabi nya. Anong palagay niya sa akin? "Gusto mo na gumanti ako sa paraan na gusto mo? Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo, Duncan?" Sinabayan ko ng talikod dahil sumusobra na siya. Hahawakan ko na sana si Paulo ng pagtingin ko wala na si Paulo at pagharap ko ulit laking gulat ko na si Paulo ay hawak na ng dalawang kaibigan ni, Duncan. Lalong umingay ngayon dito sa loob ng gym akala mo nasa sa isang sabungan kami na may labanan na magaganap. "Ano ka ba? Nababaliw ka na! Bakit pati si Paulo dinadamay mo dito?" nanginginig na ang buong katawan ko dahil sa galit sa kanya. "Just Do it, rr else..." Sabay hawak niya sa mukha ni Paulo at nilabas niya mula sa bulsa ng pantalon niya ang maliit na kutsilyo. "Ang sasama niyo!" Sigaw ko sa kanilang lahat. "Gawin mo na! Kung hindi sisirain ko ang pagmumukha ng panget na 'to." Sigaw ni Duncan. Nataranta naman ako sa sinabi ni Duncan kaya napalingon ako doon sa tatlong babae na halos hindi na maipinta ang mukha dahil sa nagkalat na ang make-up nila sa mukha dahil sa walang tigil na pag-iyak. Ayokong gawin 'to dahil lang sa demonyong Duncan na ito alam kong mali ito pero baka anong gawin niya 'kay Paulo. Hindi ko lubos maisip na kaya niya itong gawin. Napapiki ako at naglakad papunta sa mga cooler dumapot ako ng isa kapag binato ko ito alam kong masakit at puputok ito sa katawan nila. Matapos kong kumuha ng isa tumingin ako ng diretso sa pwesto nang tatlong babae na ang sama ng tingin sa akin.AN: Last part na po ito babyebye na sa kanila pero masaya ako dahil sa wakas au complete na ito. At sa mga nagbabasa at nag-aabang, tiyak na hindi na kayo mabibitin dahil sa isang bagsakan na 'to. =========================================DUNCANMatapos ang masayang graduation namin nandito na kami ngayon sa isang sikat na bar. Hindi ko na pinasama si Kath at joyce, this is the celebration for the boys only."P're congrats sating lahat at sa wakas naka-alis na din tayo sa high school," natatawang umpisang salita ni, Jex.Sabay-sabay naming pinagdikit ang hawak naming mga baso na may laman na alak. Masaya kaming nag-uusap ng mapansin kung may nakatingin sa akin. Lumingon ako at nagsalubong ang aming mga mata ng isang lalaki na kilalang-kilala ko. Si Kaido Santi, ang isa sa mga mortal ko kaaway, seryoso siyang nakatingin sa akin hindi ko alam pero wala akong nababakas na pagbabanta sa kaniya ngayon."P're, may problema ba?" Napapitlag naman ako sa kalabit ni Allen sa akin. "Wala
AN: Masaya ako at matatapos ko na rin ito at talaga namang nagpapasalamat ako sa mga nag-aabang po diyan. ==========================================MazelMatapos ang masayang birthday ni Duncan, ito balik school na naman kami. At nakakapanibago talaga ang lahat dahil lahat sila 'ay nag-aaral na ng husto kaya sobrang saya ko. Kasalukayan kaming nakikinig sa dini-discuss ng teacher namin sa filipino. Nang may inabot si Duncan sa akin na kapirasong papel. I love you, Mazel Montero Patterson ❤Napangiti naman ako kaya sumulat din ako at saka ko pa-simpleng inabot sa kaniya.I love you too.. ❤ mamaya na lang tayo mag-usap baka makita tayo ni ma'am.Matapos ko ibalik ang papel sa kaniya binalik ko na ang atensyon ko sa harapan. Muli inabot na naman niya sa akin ang papel, binasa ko naman agad ito.Hayaan mo siya, nakaka-boring siya magturo.Luko talaga to! Gusto ba niyang hindi siya makagraduate? Iniripan ko siya at saka nag-sulat ulit. Ayaw mo bang grumaduate? Sige ka hindi ako papaka
AN: Konti na lang at matatapos na ito sanay nag-enjoy kayo sa bawat chapter ng story nila. Maraming-maraming salamat sa inyong lahat.. =======================================MAZELAhh... grabe parang isang taon akong hindi natulog, isang linggo na ang lumipas simula ang hindi inaasahang mga pangyayari. Ngayon 'ay ok naman na ang lahat at ako, sobrang nag-alala si sila mama at papa sa akin dahil sa biglang pagkawala ko, pero ngayon back to normal ulit.Nalaman ko na namatay na si Paulo, mali pala Paulino Pong Trinidad ang totoo niyang name. Siya ang may kagagawan ng lahat at hindi ko talaga lubos maisip na napakasama niya, as in demonyong baliw siya. Kinaibigan ko pa naman siya 'yon pala naka-plano na ang lahat sa kaniya ito. Pero ang mas inalala ko at hinanap ko sa paggising ko ay walang iba kung hindi si, Duncan. Akala ko mamatay na siya sobrang nag-iiyak ako sa nalaman kong tinamaan siya sa tagiliran. Mabuti nga at ok rin siya, isang beses ko lang siyang nakita no'ng lalabas na a
AN: Konti na lang po at matatapos ko na siya, nagsusulat ako habang nagkakape dahil ito ang lakas ko. =========================================DUNCANHindi ako makapaniwala sa aking nalaman dahil pagkatapos ng magandang pakikisama ko sa kanya. Siya pala ang ta-traydor sa'kin. Naikuyom ko ng sobrang higpit ang aking kamao."Ano DC? Nadismaya ka ba? Ang isa sa matalik mong kaibigan ay matindi mo pa lang kalaban?" ngising salita ni Pong."Ang dami mong kuwento simulan na natin 'to ng matapos na." pigil ang galit ko habang matalim na nakatingin kay, Vincent."Madali lang naman ang gagawin mo DC, tatayo ka lang diyan at na-namnamin mo ang lahat ng sarap. At kung iniisip mong lumaban huwag mo ng gawin dahil isang tawag ko lang tiyak pagpipiyestahan ng mga ka-grupo ko ang katawan ng mahal mo," natatawang wika nito at sinabayan nya ng tawang pang-demonyo. "Pero bago ang lahat pirmahan mo muna ito," sabay hagis niya ng ballpen at papel na naka-rolyo."Anong palagay mo sa akin tanga? Bakit
AN: Maraming-maraming salamat po sa inyong lahat dahil sa mga patuloy na suporta niyo. Lalove ko kayong lahat, sana'y wala tayong iwanan hanggang sa huli. =========================================DUNCANPinaadar ko na ang kotse ko para puntahan si Dwane, pati na rin si Jex at Vincent. hindi pa ako nakakalabas ng campus nang matanawan ko na si Jex at Dwane. Bakit hindi nila kasama si Vincent? Kinabahan 'din tuloy ako.Hininto ko agad ito at nagmadaling bumaba, sinalubong naman ako agad nila."P're alam mo na?" seryosong tanong ni, Dwane"Tinawagan 'din ba kayo?" tanong ko sa kanila"Oo," sabay na sagot nila. "P're nakita mo ba si Vincent? Ang alam lang namin si Mazel at Allen lang ang hawak nila." naguguluhang paliwanag ni, Jex."Sino kaya 'yung gago na 'yon? Ang lakas ng trip niya," galit na turan ni Dwane."Kailangan nating mag-ingat baka hawak na rin nila si, Vincent." muling wika ni, Jex.Nakatingin ako sa kanilang dalawa habang nag-iisip ng malalim."Anong unang gagawin natin,
AN: Pasensya na pala sa mga nag-aabang diyan kung natagalan, pero ito hindi na kayo mabibitin pa. 😘🙃😉Love you all guys! ❤ =================================== Kung bakit pinatay ang papa ni, Duncan... ------"Tangina mong matanda ka! Pinapatay na kita para sa akin mapunta ang lahat ng kayamanan mo, pero sa hayop na Franco Patterson, mo pa rin pala ibibigay ang lahat. Wala kang tinira kahit piso sa akin, ang utak mo talagang matanda ka!” Gigil na gigil na kausap ni Napoleon sa harap ng puntod ng kanilang boss. Na matagal na nilang pinaglingkuran ni Napoleon Trinidad at ang papa ni Duncan, na si Franco Patterson. ~~~~~ Magkaibigang matalik ‘yan ang turingan nila ngunit binago ito dahil sa kagahaman sa pera ni, Napoleon Trinidad. Tinalo nito ang pagkakaibigan nilang dalawa. Naging tauhan sila ng isang matandang mafia lord at kabilang dito ang papa ni Duncam. Higit na pinagkakatiwalaan ng matanda dahil sa angking galing sa pakikipaglaban at pagiging tapat na tauhan kaya mas lalo
![The Pendular Story [DFS #1] (Filipino/English)](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)






