Share

Kabanata 141

Author: Anne Lars
last update Last Updated: 2025-12-22 19:57:21

Makalipas ang tatlumpung minutong biyahe, nakarating rin ako sa destinasyon ko. Pumasok ako sa Misuaris Hotel, kung saan matatagpuan ang Fourth’s Bakeshop. Isa lamang ang branch ng bakeshop na iyon dahil bagong bukas pa lang ito noong isang buwan, kaya talagang dinadayo ng mga may alam sa masasarap at high-end na pastry.

Habang naglalakad ako papasok, bigla akong natigilan.

May isang babaeng nakatayo sa may unahan.

Suot niya ang isang fitted peach sheath dress, na bumabagay sa kanyang pangangatawan. Maayos ang bagsak ng tela, simple ngunit sophisticated tingnan, at sapat para agad kong makilala kung sino siya kahit hindi pa siya humaharap. Nakasaklay sa kanyang kamay ang isang lightweight business coat.

Si Carmen.

Sandali akong natulala nang makita ko siya rito. Hindi ko inaasahan na magtatagpo kami ngayong araw. Sa isip ko, may seminar siyang dadaluhan, hindi ba? Iyon ang sinabi niya sa katulong kanina. Kaya naman, bakit naririto pa siya?

Mabilis kong inayos ang tindig ko. Bahagya ko
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • My Contract Husband: The Ultimate Prank Gone Wrong   Kabanata 141

    Makalipas ang tatlumpung minutong biyahe, nakarating rin ako sa destinasyon ko. Pumasok ako sa Misuaris Hotel, kung saan matatagpuan ang Fourth’s Bakeshop. Isa lamang ang branch ng bakeshop na iyon dahil bagong bukas pa lang ito noong isang buwan, kaya talagang dinadayo ng mga may alam sa masasarap at high-end na pastry.Habang naglalakad ako papasok, bigla akong natigilan.May isang babaeng nakatayo sa may unahan.Suot niya ang isang fitted peach sheath dress, na bumabagay sa kanyang pangangatawan. Maayos ang bagsak ng tela, simple ngunit sophisticated tingnan, at sapat para agad kong makilala kung sino siya kahit hindi pa siya humaharap. Nakasaklay sa kanyang kamay ang isang lightweight business coat.Si Carmen.Sandali akong natulala nang makita ko siya rito. Hindi ko inaasahan na magtatagpo kami ngayong araw. Sa isip ko, may seminar siyang dadaluhan, hindi ba? Iyon ang sinabi niya sa katulong kanina. Kaya naman, bakit naririto pa siya?Mabilis kong inayos ang tindig ko. Bahagya ko

  • My Contract Husband: The Ultimate Prank Gone Wrong   Kabanata 140

    **Segundo** “Congratulations, John. I am so proud of you, my son,” bati sa akin ni Mommy nang makita niya ang resulta sa notification sa phone ko na nagsasabing isa ako sa may highest Latin honors para sa paparating na graduation day. Kita ko sa mga mata niya ang matinding saya at pagmamalaki. Mahigpit niya akong niyakap, at hindi ko rin napigilang gumanti ng yakap, ramdam na ramdam ko ang init ng pagmamahal niya bilang isang ina. “Thank you, Mom,” ani ko, bahagyang nanginginig ang boses ko dahil sa emosyon. Lumapit naman ako kay Dad at nagyakapan din kami. Hindi siya madaldal pagdating sa emosyon, pero sapat na ang titig niya para malaman kong proud na proud siya sa akin. “Congrats. You made it,” sabi niya, at kitang-kita ko sa mga mata niya ang kasiyahan. Hindi rin maalis ang ngiti sa kanyang mga labi. Sunod naman akong niyakap nina Ruby at Sapphire. Pareho nilang hinigpitan ang yakap. Ramdam na ramdam ko ang suporta at pagmamalaki nila sa akin bilang kapatid. “Sobra kaming p

  • My Contract Husband: The Ultimate Prank Gone Wrong   Kabanata 139

    Bigla kong naalala si Segundo kaya napasilip ako pabalik sa kama niya, baka nagising siya dahil sa boses ni Shaun kanina, ngunit hindi. Mahimbing pa rin siyang natutulog, tila walang kahit anong makakagambala sa kanya. Humakbang na ako at tuluyang pumasok sa loob ng kwarto. At doon, tila tuluyan akong nawalan ng hininga. Hindi ko akalain na ganito karaming silid ang mayroon sa mansiyong ito. Ngunit mas nakakagulat kaysa sa laki nito ay ang laman ng kwarto. Hindi ito ordinaryong kwarto. Isa itong silid na punong-puno ng mga litrato ko. Mapa-landscape man o portrait, maging close-up o kuha mula sa malayo, naroon ang bawat anggulo at bawat emosyon ko. Para akong pumasok sa isang dimensiyon kung saan ako lamang ang subject at ako rin ang sentro ng lahat. Tila ginawa niya ang buong kuwartong ito na parang isang photo album na ako ang laman. Mula pagkabata ko ay may mga litrato rin siya. Noong baby pa lang ako, mukhang kakapanganak pa lang sa akin sa litratong nakita ko, pero nagawa

  • My Contract Husband: The Ultimate Prank Gone Wrong   Kabanata 138

    Pagkarating namin sa San Miguel Mansion, agad kaming sinalubong ng isang katulong at magalang na sinamahan patungo sa kwartong kinaroroonan ni Segundo. Sinabi ko naman agad sa kanya na alam ko kung nasaan ang kwarto ni Segundo dahil ilang beses na rin akong nakapunta roon noon. Ngunit magalang niya akong itinama at sinabing hindi raw sa dating kwarto nagpapahinga si Segundo ngayon, kundi sa isang silid na mas malayo at mas tahimik na bahagi ng mansiyon. Dahil doon, hinayaan ko na lamang na pangunahan niya kami. At tama nga siya. Habang naglalakad kami sa mahahabang pasilyo ng mansiyon, napansin kong hindi pa ako kailanman nakakarating sa bahaging ito. Mas tahimik dito, mas pribado, at mas ramdam ang bigat ng katahimikan. Maingat na binuksan ng katulong ang pinto at bahagyang yumuko bago kami anyayahang pumasok. Pagpasok ko pa lang ay agad kong nailibot ang paningin ko sa malawak na silid. Hindi ito mukhang ordinaryong kwarto. Para itong isang maliit na living room na may mamahaling

  • My Contract Husband: The Ultimate Prank Gone Wrong   Kabanata 137

    **Carmen** “Mommy, hindi pa po darating si Daddy?” muling pangungulit sa akin ni Flynn. Labinlimang minuto na kaming naghihintay sa harap ng main entrance ng Ocean Park, pero hanggang ngayon ay wala pa ring bakas ni Segundo. Kanina pa siya panay sulyap sa paligid, para bang umaasang bigla na lang susulpot ang ama niya mula sa kung saan. Nangako pa naman si Segundo sa bata na darating siya at sasamahan kami ngayon. “Baka na-traffic lang,” mahinahon kong sagot habang pilit kong itinatago ang kaba. “Hintay lang tayo saglit, anak.” Habang sinasabi ko iyon, agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Segundo. Nagri-ring lang ang linya, pero walang sumasagot. Inulit ko pa, pero ganoon pa rin. Napansin ko ang bahagyang pagkunot ng noo ni Flynn, kaya pinilit kong ngumiti upang hindi niya mahalata ang aking pag-aalala. Nang muli akong tumawag, sa wakas ay may sumagot. “Hello, Carmen,” ani ng pamilyar na boses sa kabilang linya. Si Ruby. “Ako muna ang sumagot sa tawag mo. Naiwan n

  • My Contract Husband: The Ultimate Prank Gone Wrong   Kabanata 136

    Tagaktak ang pawis sa noo niya. May nakasaklay na puting tuwalya sa kanyang balikat at wala siyang suot na damit pang-itaas. Kita ang bahagyang pag-angat-baba ng dibdib niya, parang kagagaling lang sa pag-eehersisyo o baka... katatapos lang makipag-sex. “Bakit ka napatawag?” tanong niya sa seryosong boses, diretso ang tingin sa screen. “Flynn wanted to talk to you,” sagot ko, pilit pinatatatag ang boses ko. “Gusto ka rin niyang makita.” Dahan-dahan kong inilapit ang phone kay Flynn. “Hello, Daddy!” masiglang bati ng bata, sabay kaway at malapad na napangiti. Hinayaan ko siya ang humawak sa phone para silang dalawa na ang mag-usap. “Hello, good evening,” sagot niya agad, lumambot ang tono ng boses. “Bakit hindi ka pa natutulog?” Tahimik lang akong nakatayo sa tabi ng anak ko. Mas pinili kong hindi magpakita sa camera, parang ayokong malaman niya na nandoon pa rin ako, nakikinig sa bawat salita niya. “Gusto ko pang maglaro,” sagot ni Flynn habang ipinapakita ang bitbit niyang r

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status