Share

Kabanata 85.2

Penulis: Rhea mae
last update Terakhir Diperbarui: 2025-04-30 23:43:54

“Damn it!” inis niyang saad nang maipit siya sa traffic. Gusto niya nang makarating sa hospital para alamin ang kalagayan ni Czarina pero wala siyang magawa dahil sa tindi ng traffic. Sunod-sunod siyang nagbusina, wala na siyang pakialam kahit na magalit sa kaniya ang mga nasa harapan niya.

“Sir buksan mo yung bintana mo.” Saad ng isang police enforcer dahil sa pagbubusina ni Tyrone. Ibinaba naman kaagad ni Tyrone ang bintana niya at bago pa man magsalita ang enforcer ay inunahan na siya ni Tyrone.

“Sir pasensya na pero nagmamadali lang ako. Naaksidente ang asawa ko at idinala siya ngayon sa hospital. Wala siyang ibang kasama dun kaya nagmamadali akong makarating.” Pagpapaliwanag niya.

“Ganun po ba sir, sige po sir pero mag-iingat po kayo.” Anas naman ng pulis saka ito umalis. Nang lumuwag naman na ang traffic ay mabilis na pinatakbo ni Tyrone ang sasakyan niya hanggang sa makarating siya sa hospital kung saan dinala si Czarina.

“Miss, saan idinala si Czarina Fuentes, she’s my wife.”
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • My Contract Marriage   Kabanata 108.2

    “Salubungin mo kaagad si Kalix kapag nilabas na siya ha? Ikaw na muna ang bahala sa kaniya kung sakaling siya ang maunang ilabas ng OR.” Ani ni Czarina.“Bumalik ka sa akin, okay? Galingan mo sa loob ng OR. Hihintayin ko kayo ni Kalix.” Tipid na lang na ngumiti si Czarina saka siya tumango.Hindi naman na mapakali si Melanie simula nang umalis si Tyrone. Sinusubukan niyang tawagan ang mga cellphone nila pero walang sumasagot sa kanila. Nakagat ni Melanie ang kuko niya habang pabalik-balik siyang naglalakad.“Ano bang problema mo? Kanina ka pa dyan lakad nang lakad.” Wika ni Chairman na kakababa ng kwarto niya. Nang makita niya si Melanie kanina ay pabalik-balik pa rin itong naglalakad hanggang ngayon.“Check-up day lang sana ni Czarina, Pa, pero bumalik si Tyrone kanina at kinuha ang mga gamit ni Czarina sa panganganak. Hindi ko alam kung ano ng nangyayari sa kanila. Tinatawagan ko silang dalawa pero hindi sila sumasagot. Nag-aalala lang ako lalo na at kulang pa ng isang buwan si Czar

  • My Contract Marriage   Kabanata 108.1

    Dahil absent si Tyrone ngayon ay mag-isa ni Owen na dumalo sa pakikipagkita sa mga client nila. Pagdating ni Owen sa meeting place ay nakita niya si Marcus na nakikipag-usap na sa mga ito. Nang mapansin naman ng mga client si Owen ay natuon sa kaniya ang atensyon ng mga ito.“Ang sabi mo hindi makakarating si Mr. Fuentes, he’s here.” Wika ng isang lalaki. Napatayo naman ng diretso si Marcus saka niya nilingon si Owen. Napapaikot na lang ang mga mata ni Marcus, hindi niya akalain na mas maaga pa sa inaasahan niya si Owen hindi katulad ni Tyrone na palagi itong on time pumunta.“What are you doing?” blangko at seryosong tanong ni Owen kay Marcus.“Nothing,” akma na sanang aalis si Marcus nang hawakan siya ni Owen sa braso para pigilan.“Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo, Marcus? Gusto mo ulit agawin ang mga client? Hindi ka pa rin ba nakakamove on hanggang ngayon? May bagong CEO na at ako yun. Umaasa ka pa rin bang may magbabago? Gusto mong magreklamo sa naging resulta ng botohan?” Ma

  • My Contract Marriage   Kabanata 107.2

    Inaantok pa siya nang bumaba siya ng hagdan. Pinaghain naman siya kaagad ng mga katulong ng almusal niya.“Nasan ang mga bata saka si mommy?” tanong niya dahil hindi niya nakikita ang mga ito.“Isinama po sila ni ma’am Melanie sa SM ma’am para maggrocery.” Sagot ng isang katulong. Nagpatuloy na lang sa pagkain si Czarina at nang matapos siya ay nagtungo siya ng pool area para dun magpalipas ng oras. Naalala niya naman ang paglikot ng baby niya kagabi ng halos tatlong oras. Hindi niya naramdaman kanina kung gumalaw ba ito dahil tulog pa siya. Madalas kasi niyang nararamdaman ang paggalaw ng baby niya tuwing 6am, 6pm, 11am at 11pm.Pagbabasa ng aklat ang ginawang libangan ni Czarina sa pool area. Nang maramdaman niya ang paggalaw ng baby niya ay napangiti siya. Nakahinga siya ng maluwag dahil mukhang okay naman ang baby niya dahil gumagalaw naman ito sa oras na madalas itong gumalaw. Sa bawat na lumilipas ay masaya silang lahat. Magkasundo na si Owen at Tyrone. Ibinigay na rin ni Chair

  • My Contract Marriage   Kabanata 107.1

    Maaliwalas na ang mukha ni Chairman. Tila ba biglang nawala ang mga problema niya. Masayang masaya kasi siya nangyaring dinner ng pamilya niya kagabi. Mapayapa, masaya, walang away na nangyari. Lahat ay masaya at higit sa lahat, nakita niyang nagtawanan na ang magpinsan na si Tyrone at Owen.Nang may kumatok sa pintuan niya ay pinapasok niya ito. Pumasok naman ang secretary niya.“Good morning sir,” bati ng secretary. Nilapitan niya si Chairman at nagdadalawang isip pa kung sasabihin niya ba ang nalaman niya.“Anong balita ang sasabihin mo ngayon?” tanong ni Chairman. Ramdam ng secretary na nasa magandang mood si Chairman kaya para bang nagdalawang isip siya kung sasabihin pa ba niya. Nang hindi magsalita ang secretary ay tiningnan na siya ni Chairman.“Magsasalita ka ba o hindi?” seryoso niya ng tanong. Napabuntong hininga na lang ang secretary.“Kilala ko na po kung sino ang owner ng thundertrucks motors.” Sagot nito. Sumeryoso na ang mukha ni Chairman. Matagal niya ring pinaimbesti

  • My Contract Marriage   Kabanata 106.2

    Talaga bang natakot siya ni Tyrone? Napabuga na lang ng hangin si Chairman saka siya lumabas ng office. Nakasalubong niya naman si Owen na nagtatakang nakatingin sa kaniya. Nakita kasi ni Owen na lumabas si Chairman sa office ni Tyrone.“Congrats Owen, you are the new CEO of our company now.” Pagbati niya sa apo niya. Nanatili lang namang blangko ang mukha ni Owen.“Sabihin niyo nga sa akin, si Tyrone ang gusto niyong iboto diba?” tanong niya. Kahit na masakit gustong malaman ni Owen ang totoo. Gusto niyang malaman kung sino ang sa tingin ni Chairman na karapat-dapat na maging CEO kung hindi lang sumuko si Tyrone.“Maniniwala ka ba sa akin kung sasabihin kong ikaw ang nasa listahan ko?” sagot ni Chairman. Hilaw namang natawa si Owen saka siya napayuko pero iniangat niya rin kaagad ang paningin niya.“Really?” aniya na tila hindi naniniwala. Alam niya namang natagalan si Chairman na magtaas ng kamay kanina. Kung hindi lang nagtaas ng kamay si Tyrone baka hindi rin nagtaas ng kamay si

  • My Contract Marriage   Kabanata 106.1

    Ilang oras na ang nakalipas simula nang matapos ang botohan. Nahirang na rin si Owen bilang bagong CEO at magsisimula na siya sa susunod na linggo. Salubong ang mga kilay ni Chairman habang nakatulalang nakatingin sa kawalan. Hanggang ngayon ay napapaisip pa rin siya sa ginawa ni Tyrone. Hindi niya alam kung dapat na siyang matuwa o matakot sa sarili niyang apo. Ano ba talaga ang itinatago nito?Seryoso ba talaga si Tyrone sa sinabi nito na kayang bilhin ang kompanya? Nagiging mahiwaga na kay Chairman ang sarili niyang apo. Nasa iisang bubong na sila pero tila ba wala naman siyang napapansin na kakaiba sa apo niya o ikinikilos nito na kahina-hinala.“Sino ang nagbibigay sayo ng lakas ng loob para takutin ako?” napailing si Chairman. “Impossible, impossible ang sinasabi niya. Paano niya magagawang bilhin ang kompanya ko kung isa lang siyang empleyado ko?”Napabuntong hininga na lang si Chairman. Hindi niya nga dapat minamaliit si Tyrone dahil hindi niya alam kung anong nangyari dito sa

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status