Share

Chapter 4

C4 

Nang makarating kami sa condo unit niya ay agad niyang binuksan ang pinto at pinapasok ako. Napansin ko namang wala pa ring pagbabago ang loob katulad pa rin ito noong dinala niya ako rito.

“That’s your room.” wika niya habang tinuturo ang isang pinto. Nilingon ko naman siya at nakasalubong ang aming mga mata. Tumalim naman ang tingin ko sa kanya dahil sa kunot-noo niya akong tinitigan.

“Did you need anything?” tanong niya sa akin na ikina-iling ko, at pumunta na sa kwartong tinuro niya sa akin.

“After you. Shit! What are you doing?” tanong niya habang nakatitig sa bra na tinanggal ko sa aking dibdib, dahil ayaw ko talagang magsuot nito.

“Hindi kaba marunong kumatok SIR.” madiin kong wika sa huli kong sinabi sa kanya.

“Why would I do that? It’s my house.” wika niya na ikina-irap ko, dahil hini ko naman siya naiintindihan.

“Ano ba ang kailangan niyo sir?” tanong ko sa kanya dail nakatayo pa rin ito sa pintuan.

“I need you to clean my room.” aniya naikina-iling ko. kaya kumunot ang kanyang noo.

“Hindi kita naiintindihan. Lumabas ka muna matutulog lang ako.” ani ko.

“What?! Are you kidding?” wika niya sa mataas na boses.

“Sinabihan na nga kita hindi kita naiintindihan, dahil English ka ng English. Wala ka naman sa ibang bansa.” asik ko sa kanya. Akala niya magpapatalo ako sa kanya.

“Tsk. Ang sinabi ko linisin mo ‘yong kwarto ko.” singhal niya naman sa akin, kaya tumayo na ako para magtungo sa kanyang kwarto.

Nang makapasok na ako dito ay napakunot ang aking noo dahil ang kalat nito. Ang dami rin niyang damit na nakakalat sa sahig, kaya pinulot ko ito. Nakita ko naman ang kanyang boxer short kaya itinaas ko ito.

“Bakit mo hawak ‘yan? Pinagnanasahan mo ba ‘yan?” wika niya na ikinakunot ng aking noo, kaya itinapon ko ito sa kanyang mukha.

“Damn! Why are you do that?” kunot-noo niyang tanong sa akin.

“Bakit mo ba ako ginugulat?” singhal ko naman sa kanya.

“Paano hindi ka magulat, pinagnanasahan mo ang boxer short ko.” wika niya habang umupo siya sa sofa.

“Sir pwede po ba lumabas muna kayo. Kasi maglilinis ako.” wika ko sa kanya, dahil ginugulo niya ang paglilinis ko. panay din kasi ang paghahagis niya sa mga unan sa sahig.

“Bakit naman ako lalabas. Kwarto ko naman ‘to.” kunot-noo niyang wika sa akin.

“Paano ako makapaglinis kung ginugulo mo ako.” asik ko sa kanya.

“Tsk. I want to do this. Anong magagawa mo.” ngiting wika niya sa akin. Talagang ginagalit niya ako , kaya sa sobrang inis ko ay sinugod ko siya.

“Alam mo kung iinisin mo lang ako mas mabuti pa hindi ko na lang lilinisin ‘tong kwarto mo.” singhal ko sa kanya habang nakadagan ako sa kanya. Natumba kasi siya ng hawakan ko ang kanyang damit.

Napansin ko naman na pangiti-ngiti ito sa akin kaya kumunot ang aking noo, habang tinitigan siya. bigla namang namilog ang aking mga mata ng pinulupot niya ang kanyang mga braso sa aking beywang.

“H-hoy! A-ano ‘yang ginagawa mo?” utal kong tanong sa kanya, dahil umandar na naman ang kamanyakan niya.

“Bakit? Ikaw nga may gusto nito.” wika niya na ikina-inis ko.

“Kapag hindi mo ako bibitawan makakatikim ka talaga sa akin.” asik ko sa kanya. Pero ang luko tumawa lang ito.

“Really magpapatikim ka sa akin.” aniya, habang tumawa. Hindi ko naman alam kong anong ikinatawa niya at bakit sinabi niyang mag patikim ako sa kanya.

“Bitawan mo na ako sir. Hindi ako nakikipag-biruan sa’yo.” madiin kong wika sa kanya.

“Paano kung ayaw ko. may magagawa ka ba?” aniya habang hinigpitan pa ang pagka kayakap sa akin. Sinubukan ko namang makawala sa kanya pero lalo lamang niyang hinigpitan ang pagkakayakap niya.

“Bitawan mo na ako sir Niall. Naiinis na ako.” asik ko sa kanya habang hinihila ko ang kanyang buhok.

“Ahh it’s hurt.” wika niya sa nasasaktan na boses. Kaya napapangiti ako sa kanya.

“Ano bibitawan mo ako? O uubusin ko ang buhok mo?” ngiting wika ko sa kanya.

“Damn. Okay bibitaw na tanggalin mo na ‘yang kamay mo.” aniya.

“Siguraduhin mo lang.” madiin kong wika sa kanya na ikinatango niya. Nang binitawan ko na ang kanyang buhok ay buhok ay unti-unti niya ring binitawan ang aking beywang. Pero bigla akong nagulat ng halikan niya ako sa aking labi at itinulak sa kama. Tumakbo naman siya ng mabilis palabas ng kanyang kwarto.

“Ahhh!!! Manyak ka talaga malalagot ka sa akin!!!” sigaw ko habang tumayo sa kama. Mabobogbog ko talaga siya kapag naabutan ko siya. at kahit amo ko pa siya ay wala akong paki-alam.

Paglabas ko ng kanyang kwarto ay hindi ko siya nakita. Hinanap ko siya sa kusina pero wala siya, siguro na-takot ang gago, at lumabas ito. Napailing na lang ako at bumalik sa kwarto niya. Kailan ko pa kasing tapusin ang paglilinis doon.

Kinagabihan ay hindi pa rin umuwi si sir Naill. Hindi ko naman maiwasang kabahan, baka dahil takot siyang mabogbog kaya hindi siya umuwi. Nasaan kaya ang manyak kong amo. Ilang minuto pa ang lumipas ng bumukas ang pintuan. Napatayo agad ako ng makita si sir na natutumba.

“Sir! Anong nangyari sa’yo?” tanong ko sa kanya habang inalalayan siya papasok.

“Hey! Who are you?” wika niya sa salitang English, kaya hindi ko na lang siya sinagot, dahil hindi ko naman siya naiintindihan. Napansin ko naman ang pagpisil niya sa aking beywang, kaya napa-angat ako ng tingin sa kanya. Pansin ko naman ang pamumugay ng kanyang mga mata.

“Tsss. Painom-inom ka ‘di mo naman pala kaya.” wika ko habang pinaupo siya sa sofa. Tatayo na sana ako ng bigla niya akong hilahin. Bigla naman akong napaupo sa kanyang kandungan.

“Sir. Ano ba ‘tong ginagawa ninyo. Pwede ba bitawan mo ako.” wika ko sa kanya. Dahil niyayakap na naman niya ako, siguro kung hindi lang ito lasing kanina ko pa ito nabugbog.

“Bakit ang laki nito?” biglang namilog ang aking mga mata ng hawakan niya ang aking dibdib, at ang nakakainis pa wala akong suot na bra.

“Bitawan mo ‘yan!” sigaw ko sa kanya ng pisilin niya ito.

“Why? What is this?” tanong niya pa habang pinipisil pa rin ang aking dibdib. Hindi ko naman na pigilan ang sarili kong suntukin siya.

“Fuck! Irene ang sakit bakit mo ako sinuntok ha?” asik niya habang tumayo. Bigla naman akong nagulat, dahil kanina lang nahihirapan siyang tumayo.

“T-tika lang h-hindi ka lasing?” wika ko sa kanya. Napansin ko naman ang pagkagulat niya at biglang pagngiti.

“Lasing ako. Nawala lang ng sunt-.” hindi niya natapos ang sinasabi niya ng tumayo ako, dahil ang bilis niyang tumakbo.

“Bastos ka talaga sir Niall!! Napaka walang hiya mo!! Naisahan mo akong luko ka!!!” sigaw ko habang hinahabol siya. pero mabilis siyang nakapasok sa kanyang kwarto.

“Buksan mo ‘tong bastos ka!!” sigaw ko habang kinakatok siya sa loob. Pero wala akong nakuhang sagot mula sa kanya. Talagang ginagalit niya ako. Akala niya siguro hindi ko siya mapapasok sa loob.

Umalis ako sa harap ng pintuan ng kanyang kwarto at pumunta sa kusina. Kailangan kong makahanap ng pwede kong gamitin para mabuksan ang kanyang kwarto. Akala niya mapapalampas ko ang kanyang ginawa, nagkakamali siya. hindi niya kilala ang binangga niya.

Kinuha ko naman ang isang tinidor. At buong lakas kong binali ang ibang parti nito hanggang sa isang matulis na lang ang natira.

Napapangiti naman ako habang nakatingin sa dala ko. at nag-umpisa ng maglakad papunta sa kwarto ng manyak kong amo. 

“tsss, akala mo makawala ka sa akin ha.” ngiting bulong ko pa sa sarili.

Nang makarating ako sa pintuan ng kanyang kwarto ay sinubukan ko na itong ipasok sa gilid para mabuksan. Mayamaya pa ay narinig ko naman ang tunog ng lock, kaya napapangiti ako. Dahan-dahan ko namang binuksan ang pinto at nakita itong nakahiga sa kama habang hawak ang kanyang phone at may headset sa kanyang tainga.

Kaya pala hindi niya ako narinig dahil may nilagay pala siya sa kanyang tainga. At ang luko pangiti-ngiti pa ito. Agad na akong pumasok at napansin ko naman ang kanyang pagkagulat habang nakatingin sa akin. Kaya ningitian ko ito.

“Nagulat ka ba SIR.” madiin kong wika sa kanya na may kasama pang ngiti. Tinanggal niya naman ang kanyang headset.

“H-how can you get in?” takang tanong niya sa akin. Habang lumapit na ako sa kanya.

“W-wait, s-sorry okay. B-binibiro lang naman kita kanina.” aniya habang tumatayo.

“Ang galing mo namang magbiro sir. Napaniwala mo naman ako.” singhal ko sa kanya.

“I-Irene, let me explain. A-akala ko kasi-. Ahwww fuck!” sigaw niya ng tadyakan ko ang kanyang paa.

“Damn it! Why are you kicking me?!” sigaw niya pa sa akin na lalo kong ikina-inis.

“Mag Tagalog ka! At h’wag na h’wag mo akong pinag lululuko!” sigaw ko naman sa kanya.

“I’m sorry, okay.” aniya.

“Sorry! Anong sorry? Sinadya mo ngang hawakan ang dibdib ko tapos sorry lang ang sasabihin mo.” asik ko naman sa kanya.

“Paano ko hindi hawakan ‘yon e, hindi ka naman nagsuot ng bra.” wika niya na lalo kong ikinagalit. Dahil ang manyak pinagpapantasyahan na pala nito ang aking dibdib.

“Luko ka talaga ha.” wika ko sabay suntok ulit sa kanya.

“Fuck stop it! Kung hindi ka hihinto isusumbong kita kay mommy!” banta pa niya sa akin.

“At akala mo natatakot ako ha!” sigaw ko habang hinulog siya sa kama.

“Ahw!! Fuck!! Stop it your crazy!” sigaw niya habang nakahawak sa kanyang puwet. Tss. Buti nga sa’yo.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status