"Lopez condominium." Pagbasa ko sa mga letrang nakalagay sa isang matirik na building sa harapan ko.
"Dito na ako titira mag mula ngayon at bonus kasama pa si Darrel." Kinilig naman ako habang iniisip 'yon. Ready na ba ako sa kasungitan niya?
"Ready'ng ready!"
Pumasok na ako dala ang kulay abo kong maleta. Hindi ko pa dala ang ibang damit at mga gamit ko. Isusunod nalang daw sabi ni Mom. Siya naman ang maghahanda no'n kaya okay lang.
Sumakay na ako sa kulay gintong elevator at pinindot ang 27th floor. Hanggang 50th floor itong condo pero pinili nila ang sa gitnang floor.
Tumunog na elevator, hudyat na nakarating na ako sa floor na bababaan ko. Lumabas na ako. Habang naglalakad parang hindi ko maramdaman ang mga paa kong tumatapak sa sa sahig dahil sa kaba. Parang ang lamig ng hangin na umiihip sa'kin dahil sa namumuo kong malamig na pawis sa noo. Nagpatuloy ako sa paghahanap ng condo unit namin, number 205. Palinga-linga ako hanggang sa makita ko ito. Pinahid ko ang namumuo kong pawis at huminga ng malalim.
"Ito na 'yun. Nakita ko na," bulong ko. Bumuntong-hininga ako at sabay swipe ng card at lagay nang password.
"458389."
Bumukas na ang kulay abong pinto at dahan-dahan akong pumasok habang hila-hila ang maleta ko. Nilibot ko ang paningin at pinagmamasdan ang buong condo namin.
Hindi naman siya gaano kalaki pero kasyang-kasya naman kami. Abo na parang makintab ang kulay. Napansin kong marami ng mga furnitures ang nakalagay.
Pinaghandaan talaga ah?
Nasa living room na ako ng makita ko ang isang malaking 42 inch na smart tv.
Mabuti pa ang tv smart:<
May tatlong kulay custard yellow na sofa sa harap nito at isang katamtamang glass coffee table.
"Tamang-tama kapag manonood ako ng tv diyan ko ilalagay ang mga pagkain." Bulong ko sa sarili. Biglang nawala ang kaba ko sa mga bagay na nakikita ko. Aw, paborito ko talaga ang living room.
"Saan kaya ang room ko?" mahina kong tanong sa sarili. Wala pa naman siguro si Darrel dito 'di ba?
Naglakad-lakad ako para tingnan at pumili ng magiging kwarto ko.
"Innie minnie..." Hanggang sa matapos ang kanta ay sa pangatlong kwarto ang daliri ko napunta.
Ngumiti ako ng matamis at tumuloy sa kwartong napili ko. Habang binabaybay ang daan ay napapatingin ako malapad na blangkong kulay puting dingding. Huminto ako at humarap dito, bahagya akong ngumiti.
"Kung magkatuluyan talaga tayo, Dar. Dito ko ilalagay lahat ng memories natin na magkakasama."
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako ay dahan-dahan kong hinawakan ang door knob at nabigla ako ng kusa itong gumalaw. Napaatras ako ng konti.
"Automatic bang bubukas 'to pag nahahawakan?" gulat kong tanong.
Bumukas ang pinto at niluwa ang nakatapis lang ng tuwalya at bagong ligong si Darrel. shcks! Nanlaki ang mata ko habang napanganga akong tumingin sakanya.
"Ahhhhhhhhhhhhh..." Sigaw ko at nagtabon ng mga mata.
"Hindi naman sinabi na magkatabi tayong matulog ‘di ba!!" sigaw niya. Habang nakatalikod ako. Napaka-aga naman yata niyang magalit.
"Hindi nga!" sigaw ko din pabalik. Akala mo ikaw lang marunong manigaw. Humarap ako sa kanya at tiningnan siya sa mukha. Naaakit ako sa abs eh.
"Hindi ko naman alam na d'yan ang kwarto mo!! Walang modo." Nagdabog akong pumunta unang kwarto. Akala mo naman talaga kagusto-gusto ang ugali eh.
"Nakakainis! Bw*st! Akala niya talaga gustong-gusto ko talaga 'to!" sabi ko habang nagdabog na ilabas lahat ng gamit ko.
"Mommyyyyyyy...nafi-frustrate ako." Napapadyak ako sa inis. Inayos ko ang sarili ko at kinausap ito.
"Okay lang 'yan, self. Kailangan mo siyang intindihin. May sakit siya sa utak. Okay? Inhale? Exhale." Pilit ini-enlighten ang sarili ko. Huminga ako ng malalim at bumuga ng malakas.
Nang mahimasmasan ay inayos ko na ang mga damit ko sa kahoy na kabinet na nakalaan para sa'kin. Nilagay ko ang mga sapatos sa shoe rack at uniform at pambahay sa loob ng kabinet.
Nagbihis ako ng pajama at oversize shirt. Mabuti nalang aircon ang buong bahay. Lumabas ng kwarto para maghanap ng makakain. Medyo nagutom ako.
Nang makalabas ako nakita ko si Darrel na naglalakad papunta ding kusina. Sumunod ako sa kaniya. Bigla nalang siyang tumingin sa'kin ng masama.
"Susundan mo pa talaga ako?!" sigaw niya gamit ang malaking boses. Grabi 'to. Lahat nalang sinusulsol sa'kin.
"Ano bang problema mo?! Kukuha lang ako ng makakain. Ang feeling mo din nuh?, ang sama ng ugali!!!" mataray kong sigaw pabalik sakanya kaya natahimik siya sa sinabi ko. Mabuti nga sa'yo. Ang sama ng ugali.
Kumuha ako ng butter, bread saka milk ,pumunta agad ako sa living room . Balak kong manood ng tv habang kumakain. Dinala ko lahat ng nilagyan ko ng laman at umupo sa living room dala-dala ang isang basong gatas.
Habang nanonood ng cartoons ay napapasabay ako sa kanta nila. Ang cute kasi. Lahat ng episode nila pinapanood ko noon. Madami pa nga akong tape na collection.
"Anong kailangan?
Mag tulungan.
Anong kailangan?
Magtulungan
Goooooo. Wonder pets Yey."
Kanta ko ng bigla nalang namatay ang tv. Kaya hinanap ko ang remote para sana paandarin ito uli. Nakita kong nasa kamay ito ni Darrel habang nakatayo sa kabilang sofa.
"Ako ka sa tingin mo bata? Hindi lang ikaw ang tao dito! ‘Wag ka namang maingay. Nakakarindi!!"
Naiinis akong tumingin sa kaniya. Lahat ng bagay pinapakikialaman.
"Hindi naman kalakasan 'yun ah?!" sigaw ko habang nakakunot ang noo.
"Hindi mo ba alam na ang sakit sa tenga 'yang boses mo?" lumapit siya sa'kin at bahagyang tinulak ang ulo ko.
"Sumosobra ka na ah? Akala mo nasasayahan akong kasama ka? Hello, Darrel. Nakakainis 'yang ugali mo. Hindi na kita gusto magmula ngayon!" parang maiiyak kong sigaw sa kaniya.
Nag iwas lang siya ng tingin sa'kin, "Ayaw ko na sa'yo. Tandaan mo 'yan." Mahinahon kong sabi habang nakayuko.
Naglakad siya palabas na siya ng bahay na hindi nagsasalita. Hanggang sa sumigaw siya habang nagbukas ng pinto
"Bahala ka sa buhay mo!"
"Bahala kadin sa buhay mo! Ang pangit-pangit ng ugali. Walang magkakagusto sa'yo!"
Sobrang inis na inis ako. Naturn off yata ako ng tinulak niya ang ulo ko kanina. Ganyan ba ako ka tanga sa kaniya?
'Pag ganito ang magiging buhay ko? Mas pipiliin ko na lang na sirain ang napagksunduan nila. Hindi ako papayag na ganitohin niya.
Malungkot akong nagpatuloy na nanood ng Tv.
Darrel's POVWhile listening to the two old man in front of me and drinking some liquor, I suddenly look at Peny's father."'Yung---anak kong 'yun, si Peny. Mahal na mahal ko 'yun." He pointed his finger to me. I was shock. "Kaya ikaw---- 'wag mo siyang sasaktan!" Hindi ako lasing kaya natulala ako habang sinasabi ni Tito sa'kin 'yun. Lalo na't sapol na sapol ako sa sinabi niya, dahil minsan ng umiyak si Peny nang dahil sa'kin at dahil sa nga kagagawan ko. Good thing my Dad defend me. Hindi ako masyadong makapagsalita dahil sa guilt na nararamdaman ko. Lasing na lasing na silang dalawa kaya siguro ganyan ang lumalabas sa mga bibig nila. Napatingin ako babaeng pumasok na nakasuot ng kulay itim na pajama, yeah! She's Peny. Ang ganda niya but i can't say that to her. Inalalayan niya si Tito para tumayo.
Darrel POVI was in a 7th grade when I met a very loud girl named Penelope. She always cheer me when i perform in stage. Nagsimula pa lang akong kumanta no'n at siya ang unang fan ko hanggang sa dumami sila. She's the reason why i want to sing. I want to see her beautiful smile while shouting at me."Good morning, classmate." I don't like it when she greeted other people. Gusto ko sa'kin lang. Kaya ng batiin niya ako hindi ako kumibo. I hate her being friendly sa ibang tao at mas lalo akong nagalit dahil napapalapit siya sa bestfriend ko, si Yohan."I told you already, Bro. Kung hindi ka gagalaw ngayon, uunahan na kita." Magkasama kaming tumambay sa parking lot. It was in 8th grade ng aminin niyang gusto niya si Peny. Nauna akong magkagusto saka
Pabalik-balik akong naglakad sa labas ng simbahan, bitbit ang laylayan ng aking wedding gown. Hindi ako mapakali, wala pang Darrel na dumadating. "Peny, Calm down okay? Sisipot siya." Pagpapakalma ni Mom sa'kin."Mom, magkakalahating oras na." Sabi ko na parang maluluha na."'Wag kang umiyak, masisira ang make up mo." Tumango ako."NANDITO NA SIYA! NANDITO NA ANG ANAK KO." Sigaw ni Mommy Jessel.Napaangat ako ng tingin sa paparating na sasakyan lulan si Darrel. Akala ko talaga hindi na siya dadating. Tipid akong ngumiti sa kanya. Nauna pa talaga ang bride sa groom eh.Pag
7 Months LaterPitong buwan na pala ang nakalipas. Sana gagraduate na ako ngayong buwan pero hindi na mangyayari 'yon dahil hindi na ako nagpatuloy sa pag-aaral. Wala na akong gana sa lahat. Hindi na din ako lumalabas ng kwarto. Kahit tawagin pa ako nina Mom at Dad. Matagal na 'yon pero nandito pa din ang sama ng loob ko. Nandito pa din ang galit at sakit. Mahal na mahal ko siya. Sobrang miss na miss ko na siya. Noong unang buwan naririnig ko pa ang sigaw niya pero hinayaan ko 'yon upang hindi siya masaktan.Napalingon ako sa pinto ng kwarto dahil sa isang marahan na pagkatok. "Peny,""Go away, Mom! I don't need you!" matigas at galit kong sigaw. Napakasama nila, anong gusto nila? Mamatay si Darrel sa kakabugbog."Peny, kumain kana. Hindi kana masyadong kumakain. Tingnan mo ang sarili mo, pumapayat kana." Nag-aalala niyang usal mula sa labas ng pinto."Eh, ano ngayon?! Wala naman akong pakialam." Hindi ko binubuksan ang p
Naka-uwi kagabi si Darrel na humihingal at balisa. Mahigpit niya agad akong niyakap at naghihingi ng paumanhin. Hindi ko naman siya maintindihan. Matagal siyang naligo sa banyo kay nagtaka na talaga ako.Kumatok ako at tinawag siya, "Darrel! Okay ka lang ba diyan? May problema ba?" tanong ko.Ilang segundo ang lumipas at lumabas siya na nakangiti pero kita sa mga mata niyang hindi talaga siya masaya.Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya, "May problema ba?" tanong ko habang direkta siyang tinitingnan sa kaniyang mga mata.Umiling siya, "Wala, wife. Let's sleep. May pasok pa tayo bukas." Tipid akong ngumiti saka naunang humiga sa kama. Nawalan na ako ng ganang kumain. Bakit parang may naaamoy akong kakaiba sa kaniya? Hindi naman siguro siya uminom, 'di ba?Kinaumagahan nagising ako na wala siya sa tabi ko. Hinanap agad siya ng mga mata ko. Huminga ako ng malalim saka dumeretso sa banyo para maligo. Siguro nagluluto na siya
Lumipas ang mga araw."Hubby, kung umuwi kaya tayo mamaya sa bahay? Dalawin natin sila Mom at Dad." Suhestyon ko. Naglalakad kami ngayon papasok sa school. Kagaya lang din ng nakaraang mga araw hindi pa din mawala ang masamang tingin ng ibang estudyante."Hindi ka pa nakakapunta sa bahay 'di ba? Do'n muna tayo umuwi." Oo nga pala, hindi pa ako nakakapunta do'n. Ang alam ko nakatira sila sa Villa Rama. Ang gaganda ng mga bahay do'n pero hindi pa ako nakapasok. Alam na alam ko kasi stalker ako noon."Okay, puwedi din. I-text mo muna ang Mommy't Daddy mo." Sabi ko sa kaniya."Wife, Mommy't Daddy natin." Napangisi ako at napakamot ng ulo."Oo nga, naiilang pa kasi ako eh.""Ang unfair naman tinatawag ko nga ang parents mo na Mom at Dad eh." Kinuha niya ang phone niya mula sa bulsa."Mommy at Daddy nga." Nagdial siya ng phone. Hindi ko naman naririnig."Hi, Mom. Sabihan mo si Dad na uuwi kami di