Napagdesisyonan ko na sakyan lahat ng trip ni Darrel. 'Pag hindi ko na kaya, ayoko ko na. Totoo gusto ko siya pero sa pinapakita niyang ugali mas gugustuhin ko na lang maging matandang dalaga.
"Magandang buhay." Sigaw ko habang humihikab. Nag unat-unat ako bago tumayo.
Naligo ako gamit ang maligamgam na tubig sa shower, ang lamig kasi alas 5 palang ng umaga. Nasa 6:30 ang klase namin, so kailangan maghanda ng maaga. Nag ayos muna ko ng kama at mga kalat sa kwarto. Ayoko ko kasi ng makalat.
Matapos kong mag toothbrush at naglagay agad ako ng toner. Hindi ako mahilig sa make up, maputi at makinis naman ako kaya okay lang. Kinuha ko ang maganda kong uniform sa kabinet na above the knee skirt na kulay maroon. Medjas na hanggang tuhod, kulay white na long sleeve at coat na kulay maroon at may tatag na Thorn University. Nagbihis ako habang nakangiti.
"Wala akong pakialam kong ayaw mo sa'kin, Dar."
Tinali ko na ang buhok kong kulot na mahaba at nagpasyang lumabas dala ang bag kong LV. Napakamahal nito. Nahihiya nga akong magsuot.
"Ano kaya ang breakfast." Sambit ko bitbit ang bag ko. Sana naman hindi niya ako aawayin ngayon. May kasalanan pa siya kahapon sa'kin eh.
Pagdating ko ng kusina ay nakita kong nagluluto si Darrel habang walang damit pang itaas at naka slacks pang school.
Ano ba 'yan? Ang aga-aga ang laswa. Puwedi bang pakitanggal na din ng natira. Charrot.
"Ano ang breakfast natin?" tanong ko sa kaniya habang naghihila ng mauupuan. Nilagay ko muna ang bag ko sa salas baka madumihan.
"Try mo kayang tingnan diyan sa mesa! Nagluluto pa ako ng hotdog at bacon." Tumaas ang boses niya sa'kin. Kaya masama akong tumingin sakanya.
Hintayin mong madala ako, Dar. Hinding hindi ko na ipipilit ang sarili ko kahit kailan.
"Chill lang okay? Ang aga-aga highblood ka diyan." Asik ko sakanya habang nagtataray ang OA na eh. Nakakainis pakinggan, puwedi niya naman sabihin ng mahina.
"Ano ba ang pakialam mo?" suplado niyang tanong. Seriously? Napaka insensitive!
"Baka matumba ka diyan dahil sa stroke, at hayaan kitang nakahandusay hanggang mamatay." Seryoso kong sabi habang deretsong nakatingin sa mga mata niya. Tumaas ang kilay niya saka sumilay ang naglalarong ngiti sa labi niya.
"Tsssss." Ang tanging naging sagot niya.
"Well, well, well. Napaka insensitive naman kasi." Sabi ko habang nakatingin sa ibang direksyon. Nagpaparinig lang ako.
"Well, well, well. Wala kang pakialam, pangit!" sabi niya sabay lapag ng niluto niyang hotdog saka bacon.
"Pangit ka din naman." Bulong ko habang kumukuha ng hotdog sa pinggan.
"Kaya pala gustong-gusto mu'ko?" sabi niya ng hindi tumitingin sa'kin.
"Ngayon ko nga na-realize na hindi ka pala talaga kagusto-gusto." Ngumiti ako ng mapait. I feel bad for myself.
Umalingawngaw ang tunog ng tinidor niyang nahulog. Napatingin bigla ako ng kumukonot ang noo niyang pinulot at inihagis sa lababo. Bawat galaw niya ay binabantayan ko, hindi parin nawawala ang pagkunot ng noo niya habang kumukuha ng panibagong tinidor. Umiling-iling ako at 'wag siyang isipin.
Nagsimula na kaming dalawa kumain habang hindi nagpapansinan hanggang sa naisipan kong tanongin siya.
"May assignment ba tayo ngayon?" tanong ko habang ngumunguya ng pagkain. Ang sarap talaga ng bacon.
"Wala." Tipid niyang sagot. Wala na bang hahaba pa diyan? Final na talaga?
Tahimik kami ulit kumain hanggang sa nauna siyang makatapos. Nilagay niya ang pinggan sa sink at naglakad palabas ng kusina.
Lumingon siya bigla. "Bilisan mo diyan baka malate tayo." Sabi niya habang blangko ang mukha at nagpatuloy na sa paglalakad.
Binilisan ko ang pagkain pagkatapos ay nilagay ko na sa sink ang plato. Lumabas siya sa kwarto na dala ang bag at naka uniform na. Ambilis naman. Dali-dali kong kinuha ang bag sa sofa at tumingin muna sa salamin.
"Okay na 'to."
"Tara na." Sabi niya kaya sumunod na akong lumabas. Ako ang nahuling lumabas kaya ako ang nag-lock ng pinto.
Pagkalingon ko magsasara na ang elevator. Kaya nagmadali akong tumakbo dahil nasa loob siya. Bwesit talaga! Napaka hipokrito.
"Hayyss. salamat naman." Tumulo ang pawis sa noo dahil sa pagtakbo. Muntikan na ako hindi makaabot. Bakit kasi hindi niya ako hinintay? Napaka excited naman masyado. Kingina!
"Bakit kasi hindi mo ako hinintay?" asik ko sa kaniya.
"Sino ka ba sa tingin mo?" malamig niya sabi na nakapagpatigil sa'kin.
"Oo nga. Tama nga. Sino ba naman ako? Isa lang akong admirer mo." Bulong ko. Napayuko ako habang nakasimangot. Hinihintay kong kailan kami aabot sa ground floor.
Makalipas ang ilang segundo ay tumunog na ang elevator hudyat na nasa ground floor na kami. Sumunod ako sa kaniya habang naglalakad siya papunta sa sasakyan niya. Nauna siyang pumasok sa driver's seat kaya uupo din sana ako sa passenger seat ng bigla siyang magsalita kaya natigilan ako.
"Hep hep! Do'n ka sa likod." Buong lakas na sigaw niya habang sumesenyas ang kamay.
"Dito ako sanay umupo eh." Sabi ko sakaniya habang nagpapadyak. Kapag sinusundo ako ni Manong sa driver seat ako umuupo.
"Anong pakialam ko? This is my car." Matigas niyang sabi sa'kin kaya sinarado ko ng malakas ang pinto at nagdabog na umupo sa backseat.
Pagkadating namin ng school ay konti pa lang ng mga estudyante.
"'Wag ka munang lumabas, mamaya na baka may makakita sa'tin." Sabi niya habang nililibot ang tingin. Nauna siyang lumabas at umalis.
Nanlumo naman ako sa likod dahil sa sinabi niya. Nakakahiya ba talaga akong kasama? Hayys. Makalipas ng limang minuto ay lumabas nadin ako ng kotse.
Nagmadali akong naglakad at baka malate pa ako. Pagkadating sa room ay dumeretso na ako sa upuan ko. "Good morning, Yohan." Walang ganang bati ko sa kaniya. Kaya gulat siyang napatingin sa'kin.
"Good morning, Peny. May sakit kaba bakit ang tamlay mo?" Nag-aalala niyang tanong. Nilagay niya ang kanang palad niya sa noo ko.
"Hindi ka naman mainit, hindi kaba nakapag breakfast?"
"Kumain na ako, hindi lang talaga maganda ang araw ko." Sumimangot ako habang nakatingin sa labas ng bintana.
"Ikakain nalang natin 'yan mamaya." Pilit niya akong pinapasaya.
"Gusto ko ng ice cream." Masigla kong sambit. Nakakaganda ng mood ang pagkain nito. Excited akong tumingin sakanya.
"Sige mag- iice cream parlor tayo mamaya." Kumindat siya sa'kin. Yey. May karamay na ako.
Hapun na ng matapos ang klase namin kaya dumeretso agad kami ni Yohan sa "Jenny Ice Cream Parlor"
.
"Wow, ba't ang laki naman yata nito?" gulat na gulat ako habang nakatingin sa isang malaking bowl na puno ng ice cream.
"Para sulit, Double cheesy banana split special charrannnn..." Buong lakas at masigla niyang sabi habang tumatawa. Tumawa nadin ako sa pinagagawa niya.
Kumain na kami hanggang sa maubos. "Salamat dito, Yohan." Ngumiti ako ng kay tamis tamis.
"Wala 'yun sa susunod uli." Sabi niya na ikinatuwa ko.
Binalik niya ako sa school at umalis. Sinabi ko kasi sakanya na naghihintay ang driver ko do'n.
Hinanap ko ang sasakyan ni Darrel kung saan ito naka-park. Laking gulat ko ng makita kong nakahilig siya sa kotse niya habang nakakunot ang noo. Patay! Galit na naman yata.
Bakit naman ako matatakot? Si Darrel lang 'yan.
"Great! Alam mo ba na kanina pa ako nag hihintay dito? tapos nag lalandi kalang pala?!"
"Ano?! Hindi ako naglalandi, kaibigan ko siya! Hindi ko nga alam kong saan ka nagpunta eh tapos ako 'yung pagagalitan mo?!!" tumaas ang boses ko sa kaniya. Malapit ng sumabong ang kilay ko. Pumasok na ako ng sasakyan at isinarado ito ng malakas. Pumasok nadin siya at ini-start ang engine. Ng makarating kami sa ground floor ay nauna siyang umalis.
Bahala ka sa buhay mo!
Hanggang sa Dinner ay hindi kami magkasamang dalawa. Nauna siyang kumain sa'kin. Ganun siya ka galit? Pakialam ko?
Darrel's POVWhile listening to the two old man in front of me and drinking some liquor, I suddenly look at Peny's father."'Yung---anak kong 'yun, si Peny. Mahal na mahal ko 'yun." He pointed his finger to me. I was shock. "Kaya ikaw---- 'wag mo siyang sasaktan!" Hindi ako lasing kaya natulala ako habang sinasabi ni Tito sa'kin 'yun. Lalo na't sapol na sapol ako sa sinabi niya, dahil minsan ng umiyak si Peny nang dahil sa'kin at dahil sa nga kagagawan ko. Good thing my Dad defend me. Hindi ako masyadong makapagsalita dahil sa guilt na nararamdaman ko. Lasing na lasing na silang dalawa kaya siguro ganyan ang lumalabas sa mga bibig nila. Napatingin ako babaeng pumasok na nakasuot ng kulay itim na pajama, yeah! She's Peny. Ang ganda niya but i can't say that to her. Inalalayan niya si Tito para tumayo.
Darrel POVI was in a 7th grade when I met a very loud girl named Penelope. She always cheer me when i perform in stage. Nagsimula pa lang akong kumanta no'n at siya ang unang fan ko hanggang sa dumami sila. She's the reason why i want to sing. I want to see her beautiful smile while shouting at me."Good morning, classmate." I don't like it when she greeted other people. Gusto ko sa'kin lang. Kaya ng batiin niya ako hindi ako kumibo. I hate her being friendly sa ibang tao at mas lalo akong nagalit dahil napapalapit siya sa bestfriend ko, si Yohan."I told you already, Bro. Kung hindi ka gagalaw ngayon, uunahan na kita." Magkasama kaming tumambay sa parking lot. It was in 8th grade ng aminin niyang gusto niya si Peny. Nauna akong magkagusto saka
Pabalik-balik akong naglakad sa labas ng simbahan, bitbit ang laylayan ng aking wedding gown. Hindi ako mapakali, wala pang Darrel na dumadating. "Peny, Calm down okay? Sisipot siya." Pagpapakalma ni Mom sa'kin."Mom, magkakalahating oras na." Sabi ko na parang maluluha na."'Wag kang umiyak, masisira ang make up mo." Tumango ako."NANDITO NA SIYA! NANDITO NA ANG ANAK KO." Sigaw ni Mommy Jessel.Napaangat ako ng tingin sa paparating na sasakyan lulan si Darrel. Akala ko talaga hindi na siya dadating. Tipid akong ngumiti sa kanya. Nauna pa talaga ang bride sa groom eh.Pag
7 Months LaterPitong buwan na pala ang nakalipas. Sana gagraduate na ako ngayong buwan pero hindi na mangyayari 'yon dahil hindi na ako nagpatuloy sa pag-aaral. Wala na akong gana sa lahat. Hindi na din ako lumalabas ng kwarto. Kahit tawagin pa ako nina Mom at Dad. Matagal na 'yon pero nandito pa din ang sama ng loob ko. Nandito pa din ang galit at sakit. Mahal na mahal ko siya. Sobrang miss na miss ko na siya. Noong unang buwan naririnig ko pa ang sigaw niya pero hinayaan ko 'yon upang hindi siya masaktan.Napalingon ako sa pinto ng kwarto dahil sa isang marahan na pagkatok. "Peny,""Go away, Mom! I don't need you!" matigas at galit kong sigaw. Napakasama nila, anong gusto nila? Mamatay si Darrel sa kakabugbog."Peny, kumain kana. Hindi kana masyadong kumakain. Tingnan mo ang sarili mo, pumapayat kana." Nag-aalala niyang usal mula sa labas ng pinto."Eh, ano ngayon?! Wala naman akong pakialam." Hindi ko binubuksan ang p
Naka-uwi kagabi si Darrel na humihingal at balisa. Mahigpit niya agad akong niyakap at naghihingi ng paumanhin. Hindi ko naman siya maintindihan. Matagal siyang naligo sa banyo kay nagtaka na talaga ako.Kumatok ako at tinawag siya, "Darrel! Okay ka lang ba diyan? May problema ba?" tanong ko.Ilang segundo ang lumipas at lumabas siya na nakangiti pero kita sa mga mata niyang hindi talaga siya masaya.Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya, "May problema ba?" tanong ko habang direkta siyang tinitingnan sa kaniyang mga mata.Umiling siya, "Wala, wife. Let's sleep. May pasok pa tayo bukas." Tipid akong ngumiti saka naunang humiga sa kama. Nawalan na ako ng ganang kumain. Bakit parang may naaamoy akong kakaiba sa kaniya? Hindi naman siguro siya uminom, 'di ba?Kinaumagahan nagising ako na wala siya sa tabi ko. Hinanap agad siya ng mga mata ko. Huminga ako ng malalim saka dumeretso sa banyo para maligo. Siguro nagluluto na siya
Lumipas ang mga araw."Hubby, kung umuwi kaya tayo mamaya sa bahay? Dalawin natin sila Mom at Dad." Suhestyon ko. Naglalakad kami ngayon papasok sa school. Kagaya lang din ng nakaraang mga araw hindi pa din mawala ang masamang tingin ng ibang estudyante."Hindi ka pa nakakapunta sa bahay 'di ba? Do'n muna tayo umuwi." Oo nga pala, hindi pa ako nakakapunta do'n. Ang alam ko nakatira sila sa Villa Rama. Ang gaganda ng mga bahay do'n pero hindi pa ako nakapasok. Alam na alam ko kasi stalker ako noon."Okay, puwedi din. I-text mo muna ang Mommy't Daddy mo." Sabi ko sa kaniya."Wife, Mommy't Daddy natin." Napangisi ako at napakamot ng ulo."Oo nga, naiilang pa kasi ako eh.""Ang unfair naman tinatawag ko nga ang parents mo na Mom at Dad eh." Kinuha niya ang phone niya mula sa bulsa."Mommy at Daddy nga." Nagdial siya ng phone. Hindi ko naman naririnig."Hi, Mom. Sabihan mo si Dad na uuwi kami di