Habang nasa balcony sila kitang kita nito ang ganda ng mga building sa ibaba. Medyo maaga pa naman kasi kaya tanaw pa nila at wala pa gaanong sikat ng araw. Nakakatawa nga date nila sa umaga hahaha. Habang pinaghihiwalay siya ni Maximo ng steak at nagsalin rin ito ng wine sa glass niya. It was a cozy and quiet romantic date in the balcony ang atake ng kanyang asawa. Super kinikilig siya pakiramdam niya para silang teenager na dalawa.. Wala sa edad talaga ang pagpapakilig kundi nasa puso at gawa ng isang tao basta gusto niya ang kanyang ginagawa. Marami pa silang napag usapan tungkol sa mga pangarap nila sa mga anak nila at syempre sa kanilang mag-asawa. Masaya lang na natapos ang date nila na nagtatawanan. Pagkatapos nito balik na sila sa loob at sabay na niligpit na nila ang kanilang mga ginamit. Sinalubong na sila ng ingay ng triplets lalo na si Liam na naging iyakin na naman. Na miss yata ang hele ng kanyang Mommy. Kinarga na niya ito at henele habang tahimik naman naglalar
"Ano po iyon daddy!? " patay malisyang kunwari ni Anastacia sa kanyang asawang si Maximo. Pero dama naman na niya kung ano ang itatanong nito sa kanya. "May gusto ka bang sabihin sa akin?" balik na tanong ni Maximo sa kanya. "Ah! E, kasi ano daddy nagkasunog kasi dito pero ok naman na napaayos ko na rin. Hindi ko pa alam kung saan nang galing iyon." pag amin niya kasi alam niya naman na siguro may alam na rin ito. "Ganon. Kamusta naman kayo? Sorry wala ako sa tabi mo ng araw na iyon. " ani ni Maximo. Hindi akalain ni Anastacia na ganon pa ang sasabihin ng kanyang asawa sa kanyan. Akala nga niya magagalit ito sa hindi niya pagtatapat. Pero kabaliktaran naman ang nangyari. "Ok naman sila kinailangan ko lang dalhin muna kay Maxine kasi nasa ospital ako para bantayan ka. " sagot niya. "Ganon ba. Hayaan mo pwede mo na rin sila kunin kapag ok na ang lahat. Salamat Mommy sa lahat lahat. " nakangiting sagot ni Maximo. Walang oras at araw na hindi inalagaan ni Anastacia ang k
Habang nasa pantry si Greg at may kausap na clients. Kanina pa tawag ng tawag si Pammy sa kanya para ibalita rito ang naging desisyon niya kaso nayayamot na siya sa kakadial kaya sa inis niya inoff niya ang kanyang cellphone. Hindi tuloy sila nakapag usap na dalawa. Samantalang ang nurse naman na tauhan ni Pammy ay patungo sa bahay nila Anastacia. Gusto niya kasing malaman kung talagang wala sa Pilipinas si Pammy at tila pakiramdam niya ay pinagtataguan siya nito. Nakasuhan siya ni Maximo dahil sa mga inutos nito sa kanya tapos pababayaan lang siya sa kaso. Gusto niyang ipaalam kay Anastacia ang lahat lahat para makapag ingat na rin ito. Habang naglalakad siya sa highway bigla na lang siyang binangga ng get a way car na walang plate number. Kitang kita sa CCTV na mabilis umibis ang color silver na sasakyan matapos banggain ito. Nabalitaan ni Anastacia ang nangyari sa dati niyang nurse. Isa ito sa nagpahirap sa kanya kaya naman nakatulong rin sa kanyang pag galing ng maka alis
One week later nadischarged na rin si Maximo sa ospital. Maayos naman lahat ng naging laboratory test result nito lalo na ang ct-scan. Magpapagaling na lang ito sa kanilang bahay. Medyo maayos naman na rin ang nasunog na part sa likod bahay nila na malapit sa room. Pakiramdam niya ay sinadya ito pero nag hahanap pa rin siya ng sagot sa mga tanong niya. Nang nasa Mansyon na sila pinaalalayan niya sa katulong ang kanyang asawa at medyo mabigat at malaking tao ito at hindi niya kakayaning alalayan ito. Nang maihiga nila ito sa kama. At nakakapag pahinga na tinawagan niya si Maxine at humingi ng dispensa. "Girl, sorry hindi pa talaga ako makakapunta dyan. Kamusta naman ang mga anak ko? Si Liam ba? Iyakin pa rin?" tanong niya at pinasama naman niya ang mga nanny nito para hindi naman nakakahiya kay Maxine at sobrang abala ang nagawa niya sa buhay nito. "Ano ka ba girl, ok lang yan. Ang mahalaga ay ok. kayong mag-asawa. Hwag mo munang alalahanin ang mga bata. Maayos naman sila at s
Matapos kumain ng dalawa sa restaurant. Naglakad na sila ng sabay patungo sa kani kanilang sasakyan. Habang nasa loob sila kanina ng restaurant pinag iisipan na rin ni Pammy ang inaalok nito sa kanya. Pero paano siya sasama kung hindi pa nagiging miserable ang buhay ng mag-asawa. Gusto niya na magkawatak watak ang mga ito. Ayaw niya ng magiging masaya ang bawat isa gayong siya heto miserable ang kanyang buhay. Nahihirapan pa siyang mag move on sa pagmamahal niya rito. Nang makarating ng condo si Pammy hindi na bumaba ng sasakyan si Greg. Umalis na siya at kanina pa tawag ng tawag sa kanya ang Mommy niya na nagpapasundo na sa airport. Matagal tagal rin kasing nangibang bansa ito ng matapos ang issue sa pagitan nilang dalawa ni Anastacia. Sobrang nasira kasi ang reputasyon ng kanilang pamilya dahil sa pag cancel ng pamilya ni Anastacia sa kasal nila. Wala kasing kaalam alam ang Mommy at Daddy niya sa nangyari sa kanila ni Anastacia basta na lang umayaw ito. Nagpapasalamat pa rin siya
Nang bumalik si Anastacia sa ospital naka alis na ang kanyang Ninang Pammy at kasalukuyang natutulog na rin ang kanyang asawa. Hindi na nga niya ito inabala dahil alam naman niyang nagpapahinga pa ito. May mga sugat kasi itong tinamo. Medyo natatakot siya sa mga nalalaman niya. Lalo nang ipaalam sa kanya ng nurse na basta na lang iniwan ang kanyang asawa sa labas ng ospital tapos kasabay naman ng pagsunog sa Mansyon. Hindi pa nga niya nasasabi ito sa kanyang asawa dahil alam naman niya na baka mag-alala lang ito at makasama lang sa kalusugan nito. Pero hindi talaga mawala wala sa isip niya na baka may gustong manabotahe o may gustong pumatay sa pamilya niya. Ngayon pa lang natatakot na siya sa posibleng mangyari kaya naman todo ang pag-iingat niya. Kaya siya umalis kanina dahil sinigurado niyang nasa safe ang mga anak niya kasama si Maxine, habang nandito pa silang mag-asawa sa ospital at kailangan pang magpagaling ng kanyang asawa. Kinakailangan ring ma ct-scan ang ulo nito dahil may