Chapter 68 – Walang Tiwala!“Ikaw talaga! Hindi ka mabiro! Lahat na lang ng sabihin ko sa iyo, siniseryoso mo!” pagtatamang sabi ni James.“Pakakasalan mo talaga ako?” tanong ko kay James.“Oo naman! Kung puwede nga ngayon na! I have never felt like this with any of my previous girlfriends. Sa iyo lang.” seryosong sabi ni James.Sa sinabing iyon ni James ay lalong sumidhi ang pagmamahal ko sa kanya. Sino ang mag-aakala na ang dalawang tao na kinasal dahil sa isang arranged marriage ay magkaka-ibigan din pala. Pero may tanong ako sa aking sarili. Ipagtatapat ko ba kay James na na-rape ako four years ago? Kapag pinagtapat ko sa kanya, mahalin pa rin kaya niya ako? O lalayuan at pandidirihan niya? Magsusugal na lang ako! Mapaglaro rin and tadhana.Kinagabihan ay dinownload ko ang uncontested divorce form na pinadala ng divorce lawyer na si Atty Anderson para mabasa at mapag-aralan ko. Kinabukasan pagkatapos ng tanghalian ay prinint ko sa opisina ang divorce form para basahin ko n
Chapter 67 – Ako na ang mag-popropose sa iyo!Sabado ng gabi, may natanggap akong email mula sa personal account ni James. Nagpasalamat ako sa Diyos at hindi na ako mahihirapang kontakin pa si James. Alam ko kasi ang email add at cellphone number ni James pero office email iyon at iba na ang cp number nito kaysa dati. Kapag doon ako tumawag o magpadala ng email ay magtataka naman yun, mabubuking ako.“Hi, wifey! Long time no hear. I've been trying to contact you several times through your email add and CP number. I want a divorce, ASAP!” sabi ni James sa kanyang email.“Hmmmm....matagal na pala niya akong kinokontak.” sabi ko sa sarili. “Well, sa kanya na nanggaling ang tungkol sa divorce so sasakyan ko na lang ang gusto niya.”Sinagot ko agad ang email ni James. “If you want a divorce, you will have to shoulder all of the cost in getting a divorce including the divorce lawyer's fee. Since you are in the Philippines and I am here in LA, I will try to get the services of a lawyer a
Chapter 66 - Love will erase bad memories.Nang mahimasmasan na ako ay hinatid na ako ni James sa aking condo. Bago ako pumasok sa loob ay hinalikan ako ni James sa labi na medyo naging torrid. Ang mga kamay ni James ay all over my body. Hindi sinasadyang may napadaan ng isang teenager at sinabihan kaming, “Hoy! Pumasok na kayo sa loob at doon nyo na ipagpatuloy yang ginagawa nyo!”Pareho kaming napahiya ni James. “I will see you on Sunday. May ka-meeting kasi ako bukas na kliyente.” paalam ni James.“Okay!” sagot ko habang magkayap pa rin kaming dalawa. “And James, salamat kanina at binalikan mo ako. I love you!”“I love you too!” sabi ni James.Gabi na pero hindi pa rin ako makatulog. Iniisip ko kasi ang relasyon namin ni James. Bakit ganun? Laging mainit ang ulo ko sa kanya? Was it because walang kasiguraduhan ang aming relasyon? Wala rin siyang ginagawa upang maging legal na ang aming relasyon? Sinasabi niya mahal niya ako pero hindi pa niya dini-divorce ang kanyang asawa.
Chapter 65 - Nag-aabang ka ba ng Customer?Nakatingin pala sa amin ni Jessie si James habang nag-uusap kami. Tingin kasi ni James ay may nakaraan kami ni Jessie dahil kung mag-usap kami ay parang intimate. Nahalata ko ito kaya iniba ko ang usapan.“So, Jessie, you plan to go to Boracay tomorrow? Which hotel do you plan to stay over there?” tanong ko kay Jessie.“We have not decided yet but once we are there, only then will we know.” sabi ni Jessie.“You can stay for five days at the Raz Palm Beach Boracay. My treat! It is a five-star hotel over there. Just show them this card at may sinulat akong note sa likod.” alok ko kay Jessie.“That's very generous of you. Thank you!” sabi ni Mylene. “Actually, that card was only given to me by a friend. I just want your stay in Boracay to be memorable.” sagot ko. “Jessie did you know that James here is the CEO of JV Groupe Philippines, an Advertising and Marketing firm which he also owns. “Is that so?” gulat na tanong ni Jessie. I gra
Chapter 64 - You Look Hot! “James! Di ba may Board meeting ka? Bakit ka nandito?” nagtataka kong tanong.Agad namang tumayo sa kanyang pagkakaupo sa sofa si James, at agad akong niyakap at hinalikan sa labi.Niyakap ko rin si James ng mahigpit dahil miss na miss ko na siya. “I missed you!” bulong ko sa kanya.“Ikaw, matitiis mo pala ako!” may himig pagtatampong sabi ni James habang paupo kami sa sofa.“Matitiis talaga kita! Pero sobra naman kitang na miss kahit na maraming guwapo sa Paris at New York.” sabi ko na pabiro.“Ano yang dala mo?” tanong ni James.“McDo! Fried Chicken, dinner namin ni Inday! Ito na lang ang binili ko dyan sa kanto para pagkakain, matutulog na ako. Lagi kasi akong puyat!” sagot ko.“Okay kung magdinner tayo sa labas ngayon?” tanong ulit ni James. “Para kasing sumobra ang payat mo!”“Sige! Magpapalit lang ako ng damit. Nakakahiya namang naka-maong ako tapos ikaw naka-formal na long sleeves.”sabi ko. “Ms. Granny lang naman ang susuotin ko!”Mabilisan
Chapter 63 - Kung ayaw ni James, e di huwag.Alas nuwebe ng umaga sa Paris, alas tres ng hapon na sa Pilipinas ng makarating ako sa Paris, France after 18 hours na flight. May dalawang oras pa kasing layover ang Cathay sa Hongkong Airport. Nakakapagod din kapag ganito kahaba ang flight lalo na at economy ang ticket ko. Sinundo ako ng L'Oreal Headquarters sa Charles de Gaule Airport sa Paris patungo sa aking hotel. Ang tickets, hotel accommodation at iba pang amenities bukod sa model's fee ay sagot lahat ng L'Oreal.Mabuti na lang at bukas pa ang rehearsal sa fashion runway kaya puwede pa akong magpahinga at matulog sa hotel. Dahil sa pagod at jet lag, tuloy-tuloy ang tulog ko magmula ng dumating ako dito sa Paris kaninang umaga. Hatinggabi ay nag ring ang cellphone ko. Groge pa ako sa antok ng sagutin ko ito. Hindi ko na nakita kung sino ang tumatawag.“Hhhellooo?” inaantok kong sagot. “Gina!” sabi ni James. “Mukhang inaantok ka pa!”“James, inaantok pa talaga ako. Alas dose na
Chapter 62 - Ipa-bless natin ang ating mga singsing!Gabi na. As usual bago ako matulog ay tatawag sa akin si James. Wala naman kaming masyadong pinag-uusapan. “Salamat sa regalo mo sa akin. Ngayon lang nangyari na ang girlfriend ko ang nagbigay sa akin ng ganitong regalo.” sabi ni James.“Bakit, hindi ka ba binibigyan ng token of love ng mga naging girlfriends mo?” biro ko kay James.“Ha? Ah, e....ibang klase kasi ang regalo nila sa akin. Sarili nila ang binibigay nila sa akin.” pagmamalaki ni James.“So, proud ka pa ng lagay na yan?” sarkastiko kong sabi. “Ang guwapo mo kuya!”“Well, guwapo nga ako sa kanilang paningin! Kung hindi ba, bakit nila ibibigay ang sarili nila sa akin!” proud na sabi ni James.“Manyakis ka talaga!” inis kong sabi. “Pero puwedeng magrequest? Sa Linggo, pagsimba natin, puwedeng ipa-bless natin ang ating mga singsing?”“Ano yun? Parang ikakasal?” nang-iinis na tanong ni James.“Ayaw mo? Di huwag!” inis ko ring sabi.“Hindi naman sa ayaw ko! Kaya
Chapter 61 – Infinity RingsKinabukasan sa office, kalat na ang pag-resign ko. Sa creative department ko, tanong ng tanong ang mga kasamahan ko kung bakit ako nag-resign.“Paano yan, wala ka ng trabaho. Paano mo bubuhayin ang sarili mo?” tanong ng isa.“May lilipatan ka na bang ibang kumpanya? Wag ka ng umalis dito! Dehado ka sa paghahanap ng trabaho ngayon dahil undergraduate ka lang!” sabi naman ng isa.“Bakit wala na ba kayo ni Boss James? Kaya ka aalis?” tanong ng babaeng taga-copywrite.“Hay, naku! Kaya ako nag-resign dahil ayaw kong magpapromote. Baka maging issue pa yan kay Boss James. Na-promote ako dahil boyfriend ko siya? No way! Ayaw ko ng ganun. Isa pa burnt out na ako sa trabaho ko dito. Hindi naman siguro ako magugutom kung isang taon akong walang trabaho.” paliwanag ko sa kanila.“Dyan ako bilib sa iyo, Gina. Hindi mo pinangagalandakan na boyfriend mo si Boss. Hanggang ngayon Boss James pa rin ang tawag mo sa kanya!” sabi ng lalaking taga-creative.“Nirerespeto
Chapter 60 - Ako? Kamukha ni Love?Makalipas ang isang linggo, sa opisina, laking gulat ko ng ibigay sa akin ng HR ang promotion paper ko. Pinapapirmahan sa akin ang papel bilang patunay na tinatanggap ko ang promotion at payag ako sa mg kundisyong nakapaloob dito.“Paki-iwan na lang ang papel at pag-iisipan ko kung tatanggapin ko ang promotion.” sabi ko sa HR personnel. “Ibabalik ko na lang mamaya sa HR. Salamat!”Pinuntahan ko si Ms. Jenny, ang aming Advertising Manager. “Good morning po, Mam!” bati ko sa kanya.“O, Gina! May kailangan ka?” tanong ni Ms. Jenny.“Opo. Tungkol po sa promotions ko?” sagot ko. “Akala ko po ay nag-usap na kayo ni Boss James tungkol dito? Ayaw ko po ng promotion dahil baka maakusahan ako ng nepotism. Na kaya ako na-promote ay dahil girlfriend ako ni Boss. Ayaw ko po ng ganun.”“Gina, kaya ka mapopromote ay dahil sa iyong kakayahan! Hindi dahil girlfriend ka ni Boss!” paliwanag ni Ms. Jenny. “Ako ang nag-insist na ipromote ka! Walang kinalaman si Bo