The Ruthless Zillionaire Contract Wife

The Ruthless Zillionaire Contract Wife

last updateLast Updated : 2025-10-02
By:  SHADEOFIMOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
5 ratings. 5 reviews
8Chapters
241views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Nang mamatay ang ama ni Maureen, halos gumuho ang mundo niya. Naiwan siyang mag-isa, at kasabay nito ay ang milyong-milyong utang na hindi kayang bayaran ng kanilang bahay o negosyo. Ang madrasta niyang ubod ng sama, na tila kamag-anak ni Lucifer, ay sinisi siya sa lahat ng kamalasan. Pinagbantaan pa siya nito na kung hindi makakapangasawa ng mayaman ay papalayasin siya nito, na ikinatakot niya, dahil wala na siyang ibang matatakbuhan. Parang pinagsakluban siya ng langit ng matanggal pa siya sa trabaho. Pero biglang nagbago ang lahat nang ipatawag siya ng boss niyang ubod ng lamig. Inalok siya ng kasal. “Marry me, I'll pay your debt and I'll introduce you to my family to be able to receive my heritage from them. Just contract marriage, no feelings involved, let's call it business.” Dalawa lang ang pagpipilian ni Maureen: maging palaboy o tanggapin ang alok. “Deal,” sagot niya. Kahit tatlong taon siyang magtitiis sa pagiging asawa ng boss niyang cold-hearted. Sa unang buwan ng pagiging mag‑asawa nila sa papel ay naging madali kay Maureen. Naging sekretarya siya ng boss niya at magkasama sila sa iisang bahay. Wala silang pakialaman pagdating sa trabaho; madali lang para sa kanya magpanggap bilang asawa. Ngunit habang patagal nang patagal ang relasyon nila, nagsimula nang magbago ang nararamdaman nila sa isa't-isa. Nagsimula na ring mag‑alala ang lalaki kay Maureen. Si Maureen ang naging dahilan kung bakit nagbago at lumambot ang naninigas nitong puso. Dumating na nga sa punto na matatapos na ang kontrata, ngunit hindi ang pagmamahal ni Maureen para sa boss niya. Nagdadalawang‑isip pa siya kung tatanggapin na ba niya sa kanyang sarili na ang boss niyang nyebe ay mahal niya na o tatapusin niya na lang ang kontrata at magsisimulang mamuhay muli na walang boss na nyebe sa kanyang buhay.

View More

Chapter 1

Chapter 1

“Good afternoon, I am Harvey, a resident nurse at Clark Hospital, where Mr. Dominador Torres is bedridden and lifeless; he was involved in a car accident. If you are Ma'am Maureen Isabelle Torres, could you please come to the hospital right away so your father's requirements can be processed? 

”Sandali pa akong napahinto ng mabasa ko ang text message gamit ang number ni Dad. I can't move my feet, and my hands are starting to tremble slowly. Ayaw mag-sink in sa utak ko ang text message na nabasa ko. 

“S-Scam ba to? ” I asked myself as if I could answer my own question

I start to dial my stepmom's number.

“Where are you? Bakit wala ka pa rito sa bahay, na babae ka? Alam mo bang naaksidente ang daddy mo and he's in Clark Hospital? He's dead, Maureen! ” sigaw sa akin ni Genovia. Ang pangalawang asawa ng tatay ko.

"I-I'm on my way," sagot ko at agad na pumara ng taxi, hindi ko pa rin magawang umiyak. 

Hindi ko rin alam kung bakit? Pero mabigat ang dibdib ko at tila isang piitan ng mga nararamdaman, na nais nang makawala ngunit pinipigilan ko lang. 

Hindi kasi ako mahilig mag-drama. I can endure all the pain I have, but this one isn't good to endure; masarap itong iiyak. 

Nang makarating ako sa hospital, agad akong pumunta sa morgue, and I saw my stepmom glaring at me while my stepsister gave me a disgusting stare. Great.

Maybe she's started to judge my outfit this time. Knowing her witch personality.

“At saan ka naman nanggaling? Patay na nga lahat-lahat si Daddy, tapos ang hirap mo pang mahagilap! ” Nanlilisik ang mga mata niya habang sinasabi ‘yon. 

“I have work, Chantelle,” walang gana kong sagot at itinuon na lamang ang tingin ko kay Dad at doon nagsimulang kumawala ang mga luha ko.

“D-Dad,” Yun lang ang nasabe ng aking bibig ngunit sapat na ang bigat sa dibdib ko para maiparamdam ko sa kanya kung gaano ako ka lugmok.

Kasabay ng pagbagsak ng mga luha ko ang pagbagsak ng mga pangarap ko para sa kanya. Ni minsan hindi ko nasabing mahal ko siya, ni minsan hindi ko na iparamdam sa kanya na kahit wala na si mommy I'm still here, nandito pa rin ako at handa siyang damayan. 

“Kasalanan mo lahat ng to, Maureen. Kung hindi ka lang nag-inarte kagabi, buhay pa sana ang asawa ko! ” Hinablot ni Genovia ang buhok ko at bahagya akong inilayo kay Daddy. Sinubukan kong mag pumiglas ngunit biglang lumapit sa 'kin si Chantel para gawaran ako ng malakas na sampal. “Talagang matigas ang ulo mo, ano? You're nothing, Maureen. Ngayon na wala na ang taong inaasahan mong magtatanggol sa iyo, wala ka nang pag-asa. Magagawa na namin lahat ng gusto naming gawin sayo,” muli akong ginawaran ng malakas na sampal ni Chantel pero hindi ko magawang lumaban.

Nanginginig ang mga tuhod ko at unti-unting napaluhod sa harap nila.

“Kasalanan mo lahat kung bakit nagka de letse letse ang buhay ko, Maureen. You ruined my whole life! Dapat ikaw na lang ang namatay, hindi si Dad.” Nanginginig ang mga kamay ni Chantel habang nakahawak sa panga ko.

Naramdaman ko ang higpit ng pagkakahawak niya, pero hindi ko pa rin ipinakita na nasasaktan ako. 

I don't want to give her the pleasure she wants.

“Bakit hindi ka sumagot, Maureen? Bakit hindi mo gamitin ang pagiging mayabang mo ngayon? Bakit? Sobrang nasaktan ka ba kahapon dahil nalaman mong niloko ka ng boyfriend mo dahil sa ‘kin?” Chantel shouted to my face.

“No need, Chantel. Ayaw ko na pag-aksayahan ka pa ng oras. Bitawan mo ako bago ka pa tumilapon sa labas,” sinikap kong hindi mautal kahit nanghihina na ako.

Nakakatawang isipin na ni hindi ko man lang maramdaman ang sakit ng pananampal niya sa ‘kin; mas nangibabaw pa rin sa ‘kin ang sakit na dulot ni Dad. Looking at my dad's face is enough to make my heart break.

Nang akmang pagbubuhatan na sana ako ng kamay ni Genovia ng may pumasok na isang abogado, base sa briefcase na dala niya. Agad kaming napaayos ng tayo, at pinunasan ko ang butil ng luha ko at lumapit dito.

“Good day, I am attorney De Guzman, and I would like to discuss with you about the important matter.” Nakaramdam ako ng kakaibang kaba habang nagsasalita si Atty. De Guzman, may kakaibang bigat sa dibdib siyang dala.

“Ano yun, Attorney. Please direct to the point.” Si Chantel na ang sumagot, pabida talaga akala mo kung siya ang tunay na anak ni Daddy Ts.

 “May naiwan na sampung milyong peso na utang si Mr. Torres at kailangan itong bayaran sa lalong madaling panahon,” sagot ni attorney na ikinasinghap naming lahat.

Napaatras pa si Genovia at tila matutumba sa kinatatayuan niya matapos niyang marinig ang sinabi ng abogado ni Daddy, si Chantel halos sumabog sa galit at masamang tingin ang binaling sa ‘kin, at ako? Hindi ko alam kung ano ba ang dapat na reaction ang kailangan kong ipakita; parang ayaw tanggapin ng buong sistema ko ang mga narinig ko.

“Paano nangyari yon, attorney? ” tanong ni Genovia habang pinapaypay ang sariling kamay.

Naghihintay lang ako ng sagot galing sa abogado ng daddy ko nagbabakasakali na nagkamali lang siya ng pagkakasabe.

“Nalulugi na ang kompanya niyo, Mrs. Torres, at para isalba ang kompanya na naghihingalo na, kinailangan mangutang ng asawa niyo ng malaking halaga. Hindi sapat ang kompanya at ibang ari-arian na naiwan ni Mr. Torres para bayaran ang lahat ng utang.”

Halos mapaluhod ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko yon. Nalulugi na pala ang kompanya pero ni minsan hindi sinabi ni Daddy ang tungkol don, ni minsan hindi niya binuksan ang topic na yon. Gusto kong sumigaw dahil sa galit. Paanong hindi ko alam na may hindi na magandang nangyayari sa kompanya kung saan pinaghirapan nila ni Mommy na ipundar?

Gusto kong pagalitan ang sarili ko dahil sa sobrang taas ng pride ko! Mas pinili kong panaigin ang galit sa puso ko kesa kunsultahin si daddy kung kumusta na siya or ang kumpanya na naiwan ni mommy sa kanya.

Nang makaalis ang abogado ni Daddy, agad na humarap sa 'kin ang kamag-anak ni Lucifer at nagsalita. “Paano ba yan, Maureen? Mukhang magiging si Cinderella ka ngayon, kukunin ng bangko ang bahay ng mommy mo at sure ako na wala kang ibang mauuwian kundi kami lang,” nakangising sabi ni Chantel sa'kin habang umiikot-ikot pa, napahalakhak naman si Genovia at masamang tingin ang ipinukol sa ‘kin.

“Kung gusto mong manatili sa puder ko, humanap ka ng paraan para mabayaran ang utang na naiwan ng magaling mong ama, dahil hindi ko sasaluhin lahat ng bigat na iniwan niya, saluhin mo lahat yan tutal anak ka naman niya.” 

Nakaramdam ako ng takot; totoong wala akong ibang matatakbuhan, wala akong ibang pwedeng tuluyan, at hindi ko kilala ang mga kamag-anak ko both sides, pero mas lalong hindi ko alam kung paano at saan ako makakahanap ng ipambabayad sa sampung milyon kung ganong isang buwan na lang ang palugit sa ‘min ng bangko na pinagkakautangan ni Daddy.

Hindi sapat ang sweldo ko para makaipon ng sampung milyon! Saan ako pupulutin kung ganon?

Am I going to be homeless? Dad, bakit mo ako iniwan sa ganitong sitwasyon? Sa sitwasyong hindi ko alam kung kaya ko bang malampasan.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Aria Stavros
Ay miss mag update ka na po 🫶🏼
2025-10-07 14:59:41
3
user avatar
Love Reinn
nice story <333
2025-10-01 22:03:37
3
user avatar
Astraia Spring
Highly recommended!! Betsung ang writing style ni ante. maganda rin ang umpisa ng story! Read na mga ante ko. 🫶🏼
2025-09-30 11:56:25
3
user avatar
Aria Stavros
Ayuuuu. Highly recommended po.
2025-09-30 11:47:17
2
user avatar
Deigratiamimi
highly recommended
2025-09-27 23:40:14
1
8 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status