Home / Romance / My Deepest, Darkest Secret! / Chapter 72 - Hindi na nya ako Mahal!

Share

Chapter 72 - Hindi na nya ako Mahal!

Author: Megan Lee
last update Huling Na-update: 2025-05-16 08:36:34

Chapter 72 - Hindi na niya ako mahal.

Pagkatapos naming kumain ay nag-ikot pa kami sandali sa mall. Hindi na kami yung tulad ng dati nung mag-boyfriend pa kami ni James na laging naka-holding hands, naka-akbay sa akin si James o dili kaya ay naka-abrisiete ako kay James. Habang naglalakad kaming tatlo, nasa pagitan namin si Paul.

Nang magpaalam na ako para umuwi ay nagpumilit si James na ihatid ako sa aking apartment dahil may rental silang kotse. “Saan ba kayo tumutuloy dito sa Las Vegas?” tanong ko kay Paul.

“Sa Bellagio Hotel. One week na kami doon. One week na ring nagmumukmok at mainit ang ulo nitong bestie ko. Kulang na lang dyan umiyak!” biro ni Paul.

“Hoy! Hindi naman!” sabi ni James.

“Mahal per day ang Bellagio Hotel! Malaki ang gastos ninyo. Gusto nyo dito na lang kayo sa apartment ko tumuloy. Tutal si James naman ang nagbayad dito. Kaya lang sa sofa kayo matutulog.” mungkahi ko.

“Ako, babalik na ako ng Pilipinas bukas. Isang linggo lang kasi ang sinabi kong leave ko
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • My Deepest, Darkest Secret!   Chapter 73 - Getting to Know me Better!

    Chapter 73 – Getting to know me better.“Oo nga. Hihintayin na lang natin ang desisyon ng korte para sa ating divorce. By then, officially single na tayong pareho. Puwede ka ng manligaw at maghanap ng mapapangasawa mo.” sabi ko kay James. “Tama ka dyan. Pero bakit ako lang? Ikaw, puwede ka na ring maghanap!” sagot ni James.Nililigpit ko na ang aming pinagkainan habang nag-uusap kami ni James. “Manood ka muna ng TV habang nililigpit ko ang mga ito.” utos ko kay James na nagtungo naman sa sala. “Maganda itong napili mong apartment. Mahangin at fully-furnished pa.” sabi ni James.Nang matapos ako sa aking pagliligpit ay umupo ako sa dulo ng sofa kung saan nakaupo rin si James at nakinood ng TV. “Gusto mo bang dito na lang tumira habang hinihintay natin ang resulta ng ating divorce? Mahal ang bayad sa hotel mo!” anyaya ko kay James.“Sure ka?” tanong ng James.“Sigurado ako! Puwede kang matulog sa sofa. Malaki naman ito at may extra beddings dyan.” sagot ko.“No strings attac

  • My Deepest, Darkest Secret!   Chapter 72 - Hindi na nya ako Mahal!

    Chapter 72 - Hindi na niya ako mahal.Pagkatapos naming kumain ay nag-ikot pa kami sandali sa mall. Hindi na kami yung tulad ng dati nung mag-boyfriend pa kami ni James na laging naka-holding hands, naka-akbay sa akin si James o dili kaya ay naka-abrisiete ako kay James. Habang naglalakad kaming tatlo, nasa pagitan namin si Paul.Nang magpaalam na ako para umuwi ay nagpumilit si James na ihatid ako sa aking apartment dahil may rental silang kotse. “Saan ba kayo tumutuloy dito sa Las Vegas?” tanong ko kay Paul.“Sa Bellagio Hotel. One week na kami doon. One week na ring nagmumukmok at mainit ang ulo nitong bestie ko. Kulang na lang dyan umiyak!” biro ni Paul.“Hoy! Hindi naman!” sabi ni James.“Mahal per day ang Bellagio Hotel! Malaki ang gastos ninyo. Gusto nyo dito na lang kayo sa apartment ko tumuloy. Tutal si James naman ang nagbayad dito. Kaya lang sa sofa kayo matutulog.” mungkahi ko.“Ako, babalik na ako ng Pilipinas bukas. Isang linggo lang kasi ang sinabi kong leave ko

  • My Deepest, Darkest Secret!   Chaoter 71 - May iba ka pa bang Pangalan?

    Chapter 71 - May iba ka pa bang pangalan?Pagkatapos naming pirmahan ni James sa harap ng clerk sa city hall ang aming divorce paper ay may inabot akong isang brown letter envelope na selyado kay James. “Pakitanggap naman ito.” sabi ko. Ang laman ng envelope ay ang engagement at wedding rings na binigay ni James noong ikasal kami dito sa Las Vegas sobrang isang taon na ang nakaraan. Kasama rin sa envelope ay isang tseke na nagkakahalaga ng ten million pesos na siyang hiningi ko noon kay James para pumayag akong pakasal sa kanya. Kinuha naman niya ang envelope at ipinasok sa bulsa ng kanyang amerikana. “Ano ito?” galit na tanong ni James na hindi ko na sinagot.Pagkatapos mai-file ang aming divorce paper ay agad umalis ng city hall si James. Hindi man lang niya ako kinausap kahit sandali. Hindi siya nagulat o nagtaka kung bakit si Gina at si George ay iisang tao. Hindi rin niya ako kinompronta o sinumbatan. Wala lang! Deadma lang siya. Ni hindi nga siya nagpakita ng kahit anong emo

  • My Deepest, Darkest Secret!   Chapter 70 - Why do you have to Divorce?

    Chapter 70 - Why do you have to divorce?“Ha? A...e...” wala akong masabi kay James. “Nagpasabi kasi ang estranged husband ko na sa Las Vegas na kami kukuha ng divorce dahil mas mabilis daw dito, kaya dito na ako dumiretso. Nandito na ako sa apartment na nirentahan ko.”“Sige, magpahinga ka na. Ang haba ng flight mo. Balitaan mo ko!” paalam ni James. “Magkikita ba kayo ng asawa mo diyan?”“Siguro, dahil sabay daw kaming pipirma sa divorce paper sa harap ng clerk sa city hall para raw mabilis aprubahan ng korte ang diborsyo namin. E ikaw, magkikita ba kayo ng dati mong asawa dito?”“Hindi ko alam. Aabisuhan na lang daw ako sa mga update dyan.” sagot ni James. “Alam mo miss na agad kita! Sige na! Magpahinga ka na!”“Bye, James! I love you!” paalam ko.Mabilis lumipas ang anim na linggo. Halos lahat yata ng museum dito sa downtown area ng Las Vegas ay naikot ko na. Gumawa na ng Affidavit of Resident Witness ang lawyer ko na si Atty. Anderson. Dalawang witness ang kinuha niya. Ang u

  • My Deepest, Darkest Secret!   Chapter 69 - May Diperensya ba yang Batutoy mo?

    Chapter 69 - May Diperensya ba yang Batutoy mo?“Do you want us to stop?” tanong ni James na mukhang nag-iinit pa rin sa naganap naming halikan.“May tanong ako James, bakit tuwing foreplay natin sa lovemaking, hindi tayo lumalagpas sa next level? Ayaw mo ba sa akin?” frustrated kong tanong kay James. “O ayaw ng tumayo yang iyo!”“Awwww.... sweetheart! Hindi ibig sabihin nun ay ayaw ko sa iyo. You are so hot and yet you don't know a thing about lovemaking. It's as if virgin ka pa! Kaya naman hindi natutuloy sa consummation ang ating lovemaking ay dahil lagi tayong naiistorbo. Isa pa, talagang pinipigilan ko ang aking sarili. Ang gusto ko, ikasal muna tayo, then I can do anything and everything with you to make you happy and satisfied.” bulong ni James. Naiisip rin ni James ang nangyari sa Shangrila Hotel four years ago ng may nadehado siyang virgin na babae. Ang tanging naaalala niya sa babaeng yun ay ang kulay pulang balat malapit sa dibdib nito. Kaya naman mula noon hindi na si

  • My Deepest, Darkest Secret!   Chapter 68 - Walang Tiwala!

    Chapter 68 – Walang Tiwala!“Ikaw talaga! Hindi ka mabiro! Lahat na lang ng sabihin ko sa iyo, siniseryoso mo!” pagtatamang sabi ni James.“Pakakasalan mo talaga ako?” tanong ko kay James.“Oo naman! Kung puwede nga ngayon na! I have never felt like this with any of my previous girlfriends. Sa iyo lang.” seryosong sabi ni James.Sa sinabing iyon ni James ay lalong sumidhi ang pagmamahal ko sa kanya. Sino ang mag-aakala na ang dalawang tao na kinasal dahil sa isang arranged marriage ay magkaka-ibigan din pala. Pero may tanong ako sa aking sarili. Ipagtatapat ko ba kay James na na-rape ako four years ago? Kapag pinagtapat ko sa kanya, mahalin pa rin kaya niya ako? O lalayuan at pandidirihan niya? Magsusugal na lang ako! Mapaglaro rin and tadhana.Kinagabihan ay dinownload ko ang uncontested divorce form na pinadala ng divorce lawyer na si Atty Anderson para mabasa at mapag-aralan ko. Kinabukasan pagkatapos ng tanghalian ay prinint ko sa opisina ang divorce form para basahin ko n

  • My Deepest, Darkest Secret!   Chapter 67 - Ako na ang Mag-popropose sa Iyo!

    Chapter 67 – Ako na ang mag-popropose sa iyo!Sabado ng gabi, may natanggap akong email mula sa personal account ni James. Nagpasalamat ako sa Diyos at hindi na ako mahihirapang kontakin pa si James. Alam ko kasi ang email add at cellphone number ni James pero office email iyon at iba na ang cp number nito kaysa dati. Kapag doon ako tumawag o magpadala ng email ay magtataka naman yun, mabubuking ako.“Hi, wifey! Long time no hear. I've been trying to contact you several times through your email add and CP number. I want a divorce, ASAP!” sabi ni James sa kanyang email.“Hmmmm....matagal na pala niya akong kinokontak.” sabi ko sa sarili. “Well, sa kanya na nanggaling ang tungkol sa divorce so sasakyan ko na lang ang gusto niya.”Sinagot ko agad ang email ni James. “If you want a divorce, you will have to shoulder all of the cost in getting a divorce including the divorce lawyer's fee. Since you are in the Philippines and I am here in LA, I will try to get the services of a lawyer a

  • My Deepest, Darkest Secret!   Chapter 66 - Love will Erase Bad Memories.

    Chapter 66 - Love will erase bad memories.Nang mahimasmasan na ako ay hinatid na ako ni James sa aking condo. Bago ako pumasok sa loob ay hinalikan ako ni James sa labi na medyo naging torrid. Ang mga kamay ni James ay all over my body. Hindi sinasadyang may napadaan ng isang teenager at sinabihan kaming, “Hoy! Pumasok na kayo sa loob at doon nyo na ipagpatuloy yang ginagawa nyo!”Pareho kaming napahiya ni James. “I will see you on Sunday. May ka-meeting kasi ako bukas na kliyente.” paalam ni James.“Okay!” sagot ko habang magkayap pa rin kaming dalawa. “And James, salamat kanina at binalikan mo ako. I love you!”“I love you too!” sabi ni James.Gabi na pero hindi pa rin ako makatulog. Iniisip ko kasi ang relasyon namin ni James. Bakit ganun? Laging mainit ang ulo ko sa kanya? Was it because walang kasiguraduhan ang aming relasyon? Wala rin siyang ginagawa upang maging legal na ang aming relasyon? Sinasabi niya mahal niya ako pero hindi pa niya dini-divorce ang kanyang asawa.

  • My Deepest, Darkest Secret!   Chapter 65 - Nag-aabang ka ba ng Customer?

    Chapter 65 - Nag-aabang ka ba ng Customer?Nakatingin pala sa amin ni Jessie si James habang nag-uusap kami. Tingin kasi ni James ay may nakaraan kami ni Jessie dahil kung mag-usap kami ay parang intimate. Nahalata ko ito kaya iniba ko ang usapan.“So, Jessie, you plan to go to Boracay tomorrow? Which hotel do you plan to stay over there?” tanong ko kay Jessie.“We have not decided yet but once we are there, only then will we know.” sabi ni Jessie.“You can stay for five days at the Raz Palm Beach Boracay. My treat! It is a five-star hotel over there. Just show them this card at may sinulat akong note sa likod.” alok ko kay Jessie.“That's very generous of you. Thank you!” sabi ni Mylene. “Actually, that card was only given to me by a friend. I just want your stay in Boracay to be memorable.” sagot ko. “Jessie did you know that James here is the CEO of JV Groupe Philippines, an Advertising and Marketing firm which he also owns. “Is that so?” gulat na tanong ni Jessie. I gra

Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status