ホーム / 全て / My Ex-Boyfriend is my Future Husband? / Chapter 1 Ang dahilan nang pagluha

共有

Chapter 1 Ang dahilan nang pagluha

作者: aacv02
last update 最終更新日: 2021-07-25 21:44:17

Alexes POV

Mag-iisang buwan na simula noong hiwalayan ko si Kenny, at gano'n din katagal na hindi ko siya nakikita.

"Kenny, na saan ka na ba. Bakit hindi ka na nagpapakita sa akin. Ano ba ang nangyari sa iyo. Miss na miss na kita nang sobra-sobra!" malungkot na saad ko sa aking sarili.

"Magpakita ka na sa akin please!" malungkot ko pa rin na sabi sa aking sarili at ipinikit ko na lamang ang aking mga mata habang nakaupo sa malaking bato na dati ay inuupuan naming dalawa ni Kenny ngunit ngayon ay ako na lamang mag-isa.

Sa mga oras na wala akong pasok sa school at wala akong magawa ay pumupunta ako sa lugar kung saan kaming dalawa lamang ni Kenny, ang nakakaalam. Ang secret garden naming dalawa Kenny.

Nandito na naman ako naghihintay at umaasa na sana babalik siya sa lugar na ito. Ngunit lumipas lang ang mga oras at papalubog na ang araw ay walang dumating.

Habang nakapikit ang aking mga mata ay hindi ko mapigilan ang umiyak. Kahit na ano ang gawin ko para palakasin at patatagin ang aking loob ay umaagos pa rin ang mga luha ko. Hindi ko mapigilan ang mapatanong sa aking sarili.

"What if ipinaglaban kita Kenny. What if kung hindi ko sinunod ang mga magulang ko. What if kung lumaban ako siguro masaya at magkasama pa sana tayo ngayon sa mga oras na ito Kenny!" malungkot na sambit ko at nanumbalik sa aking isipan ang nakaraan na mga pangyayari.

FLASHBACK

"Pak! Pak!" tunog ng sampal nito sa magkabila kong pisngi. Napasapo ako rito.

Gulat na gulat ako na habang naglalakad ako papasok ng mansion namin ay nakita ko na nag-aabang sina Mommy at Daddy sa may pintuan.

"Mommy, Daddy, mano po," sabi ko at nang abutin ko na sana ang kamay ni Mommy, para magmano ay bigla na lamang niya akong sinampal.

"Huhuhu, ang sakit no'n Mommy. Bakit po?" nagtataka ko na tanong.

Kahit kailan man ay hindi ako nisaktan at nipagbuhatan ng mga kamay nang aking mga magulang lalo na si Mommy. Ngayon pa lang.

"Mom, why may nagawa po ba ako na mali. Ano po ba ang kasalanan ko?" umiiyak pa rin na tanong ko.

"Choose Alexes Sandria Viera!" buong sambit ni Mommy, sa aking pangalan.

Alam ko na seryoso at galit ito kasi buo n'yang tinawag ang pangalan ko.

Napatingin ako kay Daddy, sinyales na humihingi ako nang tulong at pag-uunawa. Ngunit sa halip na tulungan ako ay tiningnan niya ako nang masama.

Naguguluhan ako kung bakit ganito ang salubong nila sa akin pagdating ko mula sa paaralan. Kadalasan kasi yakap at halik ko sa kanilang mga pisngi ang salubong ko matapos magmano pero ngayon dalawang sampal na hindi ko alam ang dahilan.

"Hu, ano po?" nagtataka ko pa rin na tanong.

"Just choose! Alexes, break-up that boy or else I cut all your inheritance from us and sent you to Canada!" galit na galit na sabi ni Mommy, at nanlilisik pa ang mga mata nito.

"Mom, Dad, mahal na mahal ko po siya!" umiiyak na sabi ko.

"That is not a point Sandria!" galit na sabi ni Daddy, sa second name ko.

"Lahat nang ito ay ginagawa namin para sa iyo. Ayaw namin na mapahamak ka," sabi naman ni Mommy.

"Ang bata-bata mo pa para makipagrelasyon. Kailangan mo pa ang mga gabay namin para hindi ka maliko nang landas," sabi naman ni, Daddy.

"Buong buhay namin ay nakalaan at umiikot lang sa iyo Alexes. Mahal na mahal ka namin at wala kaming ibang hangad kundi ang magtagumpay at maabot mo ang mga pangarap mo," dagdag naman ni, Mommy.

"At hindi kami papayag na ang pagmamahal na iyan ay ito pa ang magiging sagabal sa iyong pag-abot nang mga pangarap mo." Nakapamaywang na sabi ni Daddy, na galit pa rin.

Kaya mamili ka hihiwalayan mo ang lalaking iyon o ipapadala ka namin sa Canada at doon ka na for good!" pagbabanta ni Mommy.

Dahil sa narinig ko ay natakot ako. Hindi ko kayang isipin na mapalayo ako sa taong pinakamamahal ko. Iniisip ko pa lang na hindi ko na makikita si Kenny, kahit kailan ay parang binibiyak ang puso ko.

Kaya nakabuo ako agad nang disisyon at ito ay ang hihiwalayan ko si Kenny. Masakit man at least kahit papaano ay makikita ko pa rin siya. Matatanaw ko pa rin ito kahit nasa malayo man lamang dahil iniisip ko na iisa lang ang pinapasukan naming school. Kahit hindi kami magkasama at magkausap makikita at makikita ko parin sya. Kaysa naman ipapadala ako sa Canada na doon na for good at hindi ko na ito makikita pa.

Napayuko na lamang ako habang pinupunasan ang mga luha ko.

"Mon, Dad, I'm so sorry for disappointing you," malungkot na sabi ko.

Wala akong narinig na sagot o salita man lamang mula sa kanila. Nagpapahiwatig na galit pa rin sila.

"Sige po Mommy, Daddy, aakyat na po ako sa silid ko," sabi ko at naglakad paakyat sa aking silid.

Nang makapasok na ako sa silid ko ay padapa akong sumampa sa aking kama. Tinakpan ko nang kumot ang ulo ko at kinagat ang unan saka sumigaw ng sumigaw.

Sobrang sakit ang nararamdaman ko. Iniisip ko pa lang na makikipaghiwalay ako kay Kenny, ay sobrang sakit na papaano pa kaya kapag hiniwalayan ko na siya.

Hindi ako makapag-isip nang tama. Wala ako na ibang iniisip kundi kung papaano ko sasabihin kay Kenny, na maghihiwalay na kami. Puno nang mga luha ang aking mga mata nang may kumatok sa pinto.

"Senyorita Alexes, kakain na po," sabi ni Manang Linda.

"Hindi pa po ako nagugutom, Manang. Pakisabi kina mommy, at daddy, na mamaya na lang po ako kakain," sabi ko.

"Oh sige Senyorita, sasabihin ko," sagot naman nito at narinig ko na ang mga yapak nito papalayo.

Hindi dahil sa busog pa ako kaya ayaw ko kumain. Ayaw ko lang bumaba dahil ayaw ko na makita ng aking mga magulang na namumugto at namumula na ang mga mata ko sa kakaiyak.

Bumangon ako at umupo sa aking kama. 

Napaiyak ako nang titigan ko ang sing-sing sa aking daliri. Napakaganda nito. Kumikinang ang pendant nito na brilyanting kulay pula.

Dahan-dahan ko itong hinubad sa aking daliri at inilagay sa isang kahon kasama ng mga card at litrato. Walang patid sa pagpatak ang mga luha ko habang isinasara ko ang kahon at inilagay sa ilalim ng aking kama.

"Mananatili ka na lang ba na alaala o may pagkakataon pa ba sa huli," malungkot na sambit ko habang unti-unti kong tinatago ang kahon.

Mahal na mahal kita Kenny, ngunit kailangan ko na sundin muna ang mga magulang ko. Kasi nga baka tama sila hindi ko pa kayang tumayo sa sarili kong mga paa.

"Hindi ko man maintindihan sa ngayon kung bakit kailangan kong makipaghiwalay sa iyo. Sana dumating ang araw na kapag naintindihan ko na kung bakit ay nand'yan ka pa rin Kenny. Sana mapatawad mo ako," sabi ko at patuloy sa pag-iyak hanggang sa makatulog ako.

END OF FLASHBACK

Nabalik ako sa realidad nang maramdaman ko ang pagpatak nang ulan sa aking mga braso. Isinukbit ko ang aking backpack bag sa magkabilang balikat ko at patakbo na pumunta sa waiting shade kung saan ako susunduin nang driver namin

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • My Ex-Boyfriend is my Future Husband?   Chapter 63 Kenjie

    Alexes POV Lumipas ang oras na puno nang kasayahan ang buong paligid ng masion. Masayang-masaya ako dahil hindi ko akalain na darating pa ang mga oras at pagkakataon na ito sa amin ni Kenny. Nakaramdam ako ng pagod kaya nagpasya akong pumasok sa loob ng mansion at puntahan ang mga anak ko. Hinanap ko ng aking paningin si Kenny. Nagpaalam kasi ito na may pupuntahan lang at kakausapin na kan'yang kamag-anak. Nakita ko itong masayang nakikipag-usap kina Zion, Xander at sa isa pang lalaki na nakatalikod sa akin. Sa tingin ko ay magkasing-edad lang sila ni Kenny. Tumingin sa akin si Kenny. Suminyas ako na papasok muna sa loob ng mansion. "Excuse me mga Bro, sasamahan ko muna ang Babyhoney ko baka inaantok na 'to!" malakas nitong sabi sa kasamahan at lumapit sa akin. "Oh bakit mo naman sila iniwan. Okay lang naman sa akin kung sasamahan mo sila. Magpapahinga lang ako sandali kaya papasok ako sa loob," sabi ko na nakak

  • My Ex-Boyfriend is my Future Husband?   Chapter 62 Ang binyag, pagpili, at pagtanggap

    Alexes POV Abala ang lahat sa paghahanda para sa binyag ng dalawa kong anak na kambal. They are almost One month old na at naging masaya ang buong mansion dahil sa kanilang pagdating sa buhay namin. At ngayon ay ang araw ng kanilang paghahandog/binyag. Kakarating lang namin mula sa simbahan at napagpas'yahan ko na ipaakyat muna ang kambal sa kanilang nursary room. "Yaya Marie, at Yaya Lyn, iakyat n'yo muna sina Kenjie at Kurt sa taas para makapagpahinga sila ng maayos," sabi ko sa mga tagapag-alaga ng kambal. Tulog na tulog kasi ang mga ito dahil siguro sa pagod kaya nakatulog ang dalawa mula pa kanina sa simbahan. Tiningnan ko muna ang dalawang kambal at hindi ko mapigilan ang aking sarili na halikan ang mga ito sa noo. Bigla namang umiyak si Kenjie nagising ko yata sa paghalik ko ngunit si Kurt naman ay mahimbing pa rin sa pagtulog na para bang nananaginip pa ito dahil sa parang masaya itong napapangiti sa kan'yang pagtulog.

  • My Ex-Boyfriend is my Future Husband?   Chapter 61 When jealous turns into a kiss

    Alexes POV "Mommy Isabel, salamat at nahanap at nagkatagpo na tayo. Alam mo ba na nang malaman ko na ampon ako nila Mommy Ellen at Daddy Albert ay naisip ko na ayaw mo sa akin. Na ayaw sa akin ng totoo kong mga magulang dahil akala ko si Yaya Mercy ang Ina ko. Nagalit ako dahil nais akong patayin ng totoong magulang ko sa pagkaka-akala ko na siya ang totoo kong Ina," nalulungkot kong sabi. "Alisa anak, hindi ka gustong patayin ng Yaya Mercy mo. Siguro may dahilan siya kung bakit niya ginawa iyon. Pero alam ko na hindi niya iyon gagawin sa iyo. Kitang-kita ko kung gaano ka niya alagaan at mahalin bilang isang totoong kapatid o anak man. Napakabait niyang tao siguro may dahilan siya pero maniwala ka mahal na mahal ka ng Yaya Mercy mo," pagpapaliwanag ni Mommy Isabel. I nooded my head at nagpatuloy sa pagsasalita. "Opo! Siguro po! Mommy, tama po kayo. Pero ngayong alam ko na ang lahat, nagpapasalamat ako at ikaw ang naging Ina ko. Naging kayo ang totoong

  • My Ex-Boyfriend is my Future Husband?   Chapter 60 Ang pag-aalinlangan at pagtanggap

    Doc. Isabel POV Hindi ko akalain na sa silid kami ni Sandy hahantong. Ang Alexes na anak na hinahanap nila Mr. Albert ay si Sandy pala. Hindi ko alam ang gagawin ko nang mga oras na iyon. Si Sandy at Alisa ay iisa. Matagal ko na palang natagpuan ang anak kong matagal ko nang hinahanap. Kasa-kasama ko na pala siya. Kaya pala ang gaan-gaan ng loob ko sa kan'ya ay siya pala ang hinahanap kong anak na nawawala sa akin noon. Salamat at ligtas siya. Salamat at napunta siya sa mga mabubuting tao. Umiiyak ako habang nakatingin kay Alisa na niyayakap nito ang kinikilalang mga magulang. Nakita ko kung gaano nila kamahal ang anak ko. At mas lalo akong nagdamdam nang marinig ko ang sinabi nito na hindi niya kailangan pang hanapin o makita ang kanyang totoong mga magulang dahil sapat na sa kan'ya ang mga magulang na kanyang kinamulatan. Masakit iyon sa aking pandinig, ngunit tama siya. Sapat na ang kan'yang mga kinikilal

  • My Ex-Boyfriend is my Future Husband?   Chapter 59 A Legitimate Child

    Alexes POV Walang tigil sa pag-agos ang mga luha ko habang nagpapaliwanag si Kenny hanggang sa matapos nitong sabihin ang lahat-lahat sa akin. Hindi ko inakala na gano'n pala ang nangyari. Kung sana hindi ako nagpadala sa aking emosyon at hindi ako umalis ng mansion. Hindi na sana ako nahiwalay sa mga magulang ko. "I'm so sorry Kenny, nagkamali ako ng inisip at inakala. Hindi na sana umabot sa ganito ang lahat kung noong una palang ay nakinig na ako sa'yo. Noong gusto mong magpaliwanag sa akin sa loob ng kotse bago mo ako dalhin sa mansion n'yo sa Isla. Wala na sanang nasaktan at nadamay na mga tao," sabi ko habang nakayakap ako dito. "Honey, makinig ka. Wala kang kasalanan. Maraming magagandang dahilan kung bakit itinulot ito ng Dios na mangyari ang lahat ng ito at isa sa magandang dahilan na iyon ay ang tungkol sa iyong totoong mga magulang," sabi ni Kenny sa akin. "Huh! Totoo kong magulang?" nagtatakang tanong ko. "Yes! Gusto mong m

  • My Ex-Boyfriend is my Future Husband?   Chapter 58 The Proposal

    Alexes POV "Ano? Ano 'yong sinabi mo? Totoo ba 'yang sinasabi mo? Tama ba yong naririnig ko?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Yes! Honey, tama ang narinig mo," sabi nito at kumalas ito sa pagkakayakap sa akin. May dinukot ito sa bulsa ng pantalon n'ya. Isang maliit na box ang nakikita ko na hawak niya at hinila ako nito sa harapan ng crib ng kambal. Nagulat ako nang lumuhod ito sa aking harapan at binuksan ang box na kulay pula at nagsalita. "Architect Alexes Sandria Viera, Will you marry me," naiiyak na sabi nito. Tumambad sa akin ang isang pamilyar na singsing. Napahagulgol ako nang makita ko ito dahil hindi ako makapaniwala na nasa kan'ya ito. Ang singsing na iningatan ko sa loob nang mahigit 11 years na itinapon ko na, ay heto na ngayon ibinibigay muli sa akin ng lalaki na s'ya ring nagbigay sa akin noon. "Kenny, sambit ko sa pangalan nito kasi wala akong masabing salita sa kasiyahan na nadarama ko.

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status