Alexes POV
Lumipas ang anim na buwan mula noong huli naming pagkikita ni Kenny. At sa loob nang anim na buwan na iyon ay halos araw-araw pumupunta ako sa secret garden pagkatapos nang aking klase. Wala akong ibang ginagawa kundi alalahanin at gunitain ang mga araw na magkasama pa kami noon ni Kenny.
May pagkakataon pa na ginagawa ko nang mag-isa ang mga bagay na noon ay kaming dalawa ni Kenny ang gumagawa. Tulad na lamang nang pangunguha namin nang mga matataas na damo na tumutubo sa mga ligaw na bulaklak sa secret garden namin.
"Gumaganda na ang tubo nang mga ligaw na bulaklak dito," ang sambit ko sa sarili habang masaya ko na pinagmasdan ang mga ibat-ibang uri nang mga paru-paro na dumadapo sa mga bulaklak.
Ang ganda nilang pagmasdan na palipat-lipat sa mga petals nang mga bulaklak.
"Sana paru-paro na lang ako kasi ang simple lang nang mga buhay nila. Malaya silang mamili at dumapo sa mga bulaklak na gusto nila," sabi ng isipan ko.
Kasalukuyang nililinis at kinukuha ko ang mga matataas na damo tulad nang ginagawa namin ni Kenny noon nang mapaiyak ako nang maalala siya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako maka move on.
"Nandito ka pa rin sa puso at isipan ko Kenny. Kahit na tatlong buwan lang ang itinagal nang ating relasyon ay para sa akin iyon na ang pinakamahabang mga araw at buwan sa aking buhay.Sobrang mahal na mahal kita Kenny. Sana kung magkita man tayo sa huli ay mapatawad mo ako sa pagsisinungaling ko sa iyo. Nagsinungaling ako sa iyo na hindi kita mahal at nagsinungaling din ako sa iyo sa mga sinabi ko na ginamit lang kita. Sana malaman mo na ginawa ko lang na dahilan iyon para pumayag ka na hiwalayan kita!" mahabang sambit ko sa aking sarili habang pinupunasan ko ng kulay pink na panyo ang aking mga luha.
Lumipas pa ang mga araw na halos paulit-ulit lang ang mga ginagawa ko. Umiikot at natatapos ang mga oras at buong araw ko sa pagpunta at pag-alala nang mga nakaraan namin ni Kenny.
Hanggang isang araw habang nasa school cafeteria kami nang kaibigan ko na si Mitch.
Tulala ko na tinitigan ang mga pagkain na nasa harapan ko. Iniisip ko kasi na sa loob nang anim na buwan ay wala na talaga akong balita pa kay Kenny. Hindi na rin ito pumapasok at nagpapakita pa sa paaralan.
Na sa malalim ang aking iniisip nang...
"Oy, girl ano ba ang iniisip mo. Kanina pa ako rito nagsasalita hindi ka sumasagot," sabi nito sabay pitik ng mga daliri sa hangin.
"Ah eh, ano sabi mo?" nalilitong tanong ko.
"Girl, sabi ko alam ko na ang dahilan kung bakit no show na dito sa school si Kenny, your love!" excited na sabi nito.
Bukod sa aking mga magulang ay si Mitch ang nag-iisang tao ang nakakaalam tungkol sa amin ni Kenny. Pero hindi kilala nang mga magulang ko si Kenny kahit minsan ay hindi nila ito nakikita. Kay Mitch ko sinabi ang lahat at alam din nito ang dahilan kung Bakit ko hiniwalayan si Kenny.
Masaya ako sa aking narinig.
"Talaga, sa wakas makikita ko na siya. My heart is so happy!" masaya kong sabi at napatayo pa ako sa aking inuupuan.
"Saan, ano kumusta na siya, nagkita kayo?" sunod-sunod ko na tanong.
"Oo, alam ko, iwan at iwan!" sunod-sunod na sagot n'ya rin sa akin.
Tumingin ako kay Mitch na naguguluhan.
"Oh, di ba naguguluhan ka rin. Isa-isang tanong lang kasi friend halata ka na excited malaman ah. Siya at siya pa rin ba?" balik nitong tanong sa akin at tumawa pa.
Tumango na lamang ako tanda nang pagsang-ayon ko sa sinabi nito at umupo akong muli sa kinauupuan ko kanina upang makinig sa sasabihin nito.
"Ewan ko Mitch, kahit na saan ako pumunta siya ang nakikita ko. Kahit ano ang gagawin at isipin ko ay si Kenny pa rin ang naalala ko," sabi ko.
"Alam mo ba kung na saan si Kenny?" malungkot ko na tanong.
"Oum, na sa America na siya. Isinama ito nang kaniyang Ate na doctor at nag migrate na silang buong magpamilya sa America," sabi nito.
Nanlumo ako sa aking narinig. Pakiramdam ko para akong isang kandila na nakasindi na unti-unting natutunaw. Maraming katanungan ang pumasok sa isipan ko.
"Bakit n'ya nagawanag iwan ako nang ganoon lang kadali. Hindi man lamang niya sinabi sa akin noon na may plano pala siya na sumama sa Ate niya. Bakit Mitch, bakit? Pinili ko na masaktan ako dahil inaakala ko na makikita ko siya kahit nasa malayo lang at least alam ko na nand'yan lang siya hindi mawawala. Pero iniwan na pala niya ako. Ang sakit-sakit lang isipin na wala na pala akong halaga sa kan'ya. Hindi n'ya man lamang hiningi ang mga paliwanag ko. Hinayaan nya na sa gano'n lang matatapos ang lahat sa amin. Siguro sobra-sobra ang galit niya sa akin o hindi n'ya talaga ako minahal," sabi ko at namalayan ko na lamang na pinupunasan na nang best friend ko ang aking mga luha nang tissue paper.
"I'm sorry girl gusto kitang damayan sa pain na nararamdaman mo pero hindi ko alam kung papaano. Akala ko kasi maging masaya ka kapag malaman mo kung na saan si Kenny pero kabaliktaran ang nangyari. Sorry!" sabi nito at nag peace sign ito.
"Ano ka ba Mitch, okay lang. Huwag ka mag sorry. Alam ko naman na gusto mo lang akong mapasaya. Sobrang marupok lang siguro ako at hindi ko siya kayang kalimutan," sabi ko habang tumutulo pa rin ang mga luha ko.
Tumayo ito sa kanyang inuupuan at lumakad papunta sa akin at niyakap ako nang mahigpit saka nakiiyak na rin ito.
"Thank you at nandito ka para damayan ako, Mitch!" ang tangi kong nasabi habang humahagolgol sa pag-iyak.
"Oy, girl tama na ang pag-iyak, ang daming nakatingin sa atin," sabi ni Mitch, at inilibot ang paningin sa loob nang cafeteria.
"Ano ba naman kayo parang ngayon lang kayo nakakita at nakarinig nang umiiyak na tao. Mga chismosang kapitbahay ho ba kayo. Alam n'yo namang umiiyak 'yong tao pinagtitinginan n'yo pa. Oo brokenhearted siya kaya umiiyak alangan namang tumawa siya nang tumawa brokenhearted nga di ba. So ngayon alam n'yo na. May tanong pa kayo!" singhal ni Mitch, sa mga nagbubulungan at nakatingin sa amin.
"Mitch, hayaan mo na sila. Huwag mo nang pansinin," sabi ko.
"Oo nga, pero tumataas na ang white blood cell ko. Sumusobra na ang plasma ko. Hu! kairita naman oh. Ang sarap pa sana mag drama, baka ma discover pa tayo pero ang dami namang palaka. Tara na nga hahanap na tayo nang isang magaling na director!" naiiritang sabi nito at itinaas pa ang isang kilay.
"Hahaha, ano ba ang mga pinagsasabi mo!" nakatawa ko nang sabi.
"Oh, ayan di ba tumatawa ka na. Dapat gan'yan ka palagi. Kailangan paminsan-minsan tumawa ka naman. Ako kasi ang nasasayangan sa mga luha mo girl!" masaya nitong sabi.
"I don't know kung bakit ganito ugali ko mabilis umiyak ngunit mabilis din tumawa," sabi ko.
"Kasi, girl mabait ka pero ang rupok mo Sobra!" sabi ni Mitch, habang hinahatak na ako palabas nang cafeteria.
Alexes POV Lumipas ang oras na puno nang kasayahan ang buong paligid ng masion. Masayang-masaya ako dahil hindi ko akalain na darating pa ang mga oras at pagkakataon na ito sa amin ni Kenny. Nakaramdam ako ng pagod kaya nagpasya akong pumasok sa loob ng mansion at puntahan ang mga anak ko. Hinanap ko ng aking paningin si Kenny. Nagpaalam kasi ito na may pupuntahan lang at kakausapin na kan'yang kamag-anak. Nakita ko itong masayang nakikipag-usap kina Zion, Xander at sa isa pang lalaki na nakatalikod sa akin. Sa tingin ko ay magkasing-edad lang sila ni Kenny. Tumingin sa akin si Kenny. Suminyas ako na papasok muna sa loob ng mansion. "Excuse me mga Bro, sasamahan ko muna ang Babyhoney ko baka inaantok na 'to!" malakas nitong sabi sa kasamahan at lumapit sa akin. "Oh bakit mo naman sila iniwan. Okay lang naman sa akin kung sasamahan mo sila. Magpapahinga lang ako sandali kaya papasok ako sa loob," sabi ko na nakak
Alexes POV Abala ang lahat sa paghahanda para sa binyag ng dalawa kong anak na kambal. They are almost One month old na at naging masaya ang buong mansion dahil sa kanilang pagdating sa buhay namin. At ngayon ay ang araw ng kanilang paghahandog/binyag. Kakarating lang namin mula sa simbahan at napagpas'yahan ko na ipaakyat muna ang kambal sa kanilang nursary room. "Yaya Marie, at Yaya Lyn, iakyat n'yo muna sina Kenjie at Kurt sa taas para makapagpahinga sila ng maayos," sabi ko sa mga tagapag-alaga ng kambal. Tulog na tulog kasi ang mga ito dahil siguro sa pagod kaya nakatulog ang dalawa mula pa kanina sa simbahan. Tiningnan ko muna ang dalawang kambal at hindi ko mapigilan ang aking sarili na halikan ang mga ito sa noo. Bigla namang umiyak si Kenjie nagising ko yata sa paghalik ko ngunit si Kurt naman ay mahimbing pa rin sa pagtulog na para bang nananaginip pa ito dahil sa parang masaya itong napapangiti sa kan'yang pagtulog.
Alexes POV "Mommy Isabel, salamat at nahanap at nagkatagpo na tayo. Alam mo ba na nang malaman ko na ampon ako nila Mommy Ellen at Daddy Albert ay naisip ko na ayaw mo sa akin. Na ayaw sa akin ng totoo kong mga magulang dahil akala ko si Yaya Mercy ang Ina ko. Nagalit ako dahil nais akong patayin ng totoong magulang ko sa pagkaka-akala ko na siya ang totoo kong Ina," nalulungkot kong sabi. "Alisa anak, hindi ka gustong patayin ng Yaya Mercy mo. Siguro may dahilan siya kung bakit niya ginawa iyon. Pero alam ko na hindi niya iyon gagawin sa iyo. Kitang-kita ko kung gaano ka niya alagaan at mahalin bilang isang totoong kapatid o anak man. Napakabait niyang tao siguro may dahilan siya pero maniwala ka mahal na mahal ka ng Yaya Mercy mo," pagpapaliwanag ni Mommy Isabel. I nooded my head at nagpatuloy sa pagsasalita. "Opo! Siguro po! Mommy, tama po kayo. Pero ngayong alam ko na ang lahat, nagpapasalamat ako at ikaw ang naging Ina ko. Naging kayo ang totoong
Doc. Isabel POV Hindi ko akalain na sa silid kami ni Sandy hahantong. Ang Alexes na anak na hinahanap nila Mr. Albert ay si Sandy pala. Hindi ko alam ang gagawin ko nang mga oras na iyon. Si Sandy at Alisa ay iisa. Matagal ko na palang natagpuan ang anak kong matagal ko nang hinahanap. Kasa-kasama ko na pala siya. Kaya pala ang gaan-gaan ng loob ko sa kan'ya ay siya pala ang hinahanap kong anak na nawawala sa akin noon. Salamat at ligtas siya. Salamat at napunta siya sa mga mabubuting tao. Umiiyak ako habang nakatingin kay Alisa na niyayakap nito ang kinikilalang mga magulang. Nakita ko kung gaano nila kamahal ang anak ko. At mas lalo akong nagdamdam nang marinig ko ang sinabi nito na hindi niya kailangan pang hanapin o makita ang kanyang totoong mga magulang dahil sapat na sa kan'ya ang mga magulang na kanyang kinamulatan. Masakit iyon sa aking pandinig, ngunit tama siya. Sapat na ang kan'yang mga kinikilal
Alexes POV Walang tigil sa pag-agos ang mga luha ko habang nagpapaliwanag si Kenny hanggang sa matapos nitong sabihin ang lahat-lahat sa akin. Hindi ko inakala na gano'n pala ang nangyari. Kung sana hindi ako nagpadala sa aking emosyon at hindi ako umalis ng mansion. Hindi na sana ako nahiwalay sa mga magulang ko. "I'm so sorry Kenny, nagkamali ako ng inisip at inakala. Hindi na sana umabot sa ganito ang lahat kung noong una palang ay nakinig na ako sa'yo. Noong gusto mong magpaliwanag sa akin sa loob ng kotse bago mo ako dalhin sa mansion n'yo sa Isla. Wala na sanang nasaktan at nadamay na mga tao," sabi ko habang nakayakap ako dito. "Honey, makinig ka. Wala kang kasalanan. Maraming magagandang dahilan kung bakit itinulot ito ng Dios na mangyari ang lahat ng ito at isa sa magandang dahilan na iyon ay ang tungkol sa iyong totoong mga magulang," sabi ni Kenny sa akin. "Huh! Totoo kong magulang?" nagtatakang tanong ko. "Yes! Gusto mong m
Alexes POV "Ano? Ano 'yong sinabi mo? Totoo ba 'yang sinasabi mo? Tama ba yong naririnig ko?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Yes! Honey, tama ang narinig mo," sabi nito at kumalas ito sa pagkakayakap sa akin. May dinukot ito sa bulsa ng pantalon n'ya. Isang maliit na box ang nakikita ko na hawak niya at hinila ako nito sa harapan ng crib ng kambal. Nagulat ako nang lumuhod ito sa aking harapan at binuksan ang box na kulay pula at nagsalita. "Architect Alexes Sandria Viera, Will you marry me," naiiyak na sabi nito. Tumambad sa akin ang isang pamilyar na singsing. Napahagulgol ako nang makita ko ito dahil hindi ako makapaniwala na nasa kan'ya ito. Ang singsing na iningatan ko sa loob nang mahigit 11 years na itinapon ko na, ay heto na ngayon ibinibigay muli sa akin ng lalaki na s'ya ring nagbigay sa akin noon. "Kenny, sambit ko sa pangalan nito kasi wala akong masabing salita sa kasiyahan na nadarama ko.