공유

My Ex-Boyfriend is my Future Husband?
My Ex-Boyfriend is my Future Husband?
작가: aacv02

PROLOGUE

작가: aacv02
last update 최신 업데이트: 2021-07-25 17:14:12

Alexes POV

Huwag ipilit ang mga bagay na sa simula pa lang ay hindi na pwede dahil ikaw lang naman ang masasaktan sa huli.

My name is Alexes Sandria Viera. Slim body, tall, beautiful, cute and sexy. Almost perfect beauty.

Kenny Mendoza. Tall, dark and handsome. He is my boyfriend.

Nandito ako ngayon sa secret garden na palagi namin pinupuntahan ni Kenny. Actually pinangalanan namin itong secret garden dahil dito kami nagkikita nang patago sa mga magulang ko. Pinagbabawalan pa nila ako na mag-boyfriend dahil ang bata-bata ko pa raw.

I am thirteen years old and Kenny, is sixteen years old.

"Baby, I'm sorry na late ako katatapos lang kasi ng mga exam ko. Ano ba ang pag-uusapan natin?" sabi nito na nakangiti.

"Kenny, let's end this. Break na tayo!" sabi ko habang nakayuko.

Hindi ko kaya ang tumingin nang diretso sa kaniyang mga mata at baka hindi ko pa masabi ang gustong ipagawa sa akin nang mga magulang ko.

"No Alexes, hindi ako papayag. Mahal na mahal kita!" sabi nito at niyakap ako nang mahigpit.

Halos matunaw ang puso ko at nawawalan ako nang lakas nang loob na ituloy ang pakikipaghiwalay ko kay Kenny.

Naisip ko na tama ang mga magulang ko kaya lakas loob ko na itinulak ito.

"Hindi kita mahal Kenny. Kahit kailan ay hindi kita minahal. Sinagot lang kita dahil gusto ko na makisabay sa mga kaibigan ko na may mga boyfriend na. Pero hindi talaga kita mahal Kenny. Ginamit lang kita para sumikat ako sa school na ito at makilala nang lahat na ang hinahangaan nang maraming kababaihan ay boyfriend ko," sabi ko.

Nakita ko ang pagdilim ng mukha nito at ramdam na ramdam ko ang sakit at hapdi na kaniyang nararamdaman.

"Damm you Alexes, minahal kita nang sobra pero niloloko mo lang pala ako!" galit na sigaw nito.

"Ang sakit-sakit nang ginawa mong ito sa akin. Alam mo ba na ikaw lang ang babaing kauna-unahang minahal ko. Hinding-hindi ko ito makakalimutan!" sabi nito sabay tingin sa akin nang masama at umalis na ito.

Kasabay nang kaniyang pagtalikod ay ang pagbuhos ng mga luha mula sa aking mga mata na kanina ko pa pinipigilang pumatak. Halos hindi ako makahinga dahil sa pag-iyak ko nang walang tunog.

Napaupo ako sa damuhan at napayakap sa aking mga tuhod at umiyak nang umiyak na para bang gusto ko nang maglaho sa mundong ito para hindi ko na maramdaman ang sakit na nadarama ko ngayon.

"I'm so sorry Kenny, mahal na mahal kita higit pa sa buhay ko pero kailangan ko itong gawin!" sabi ng isipan ko habang tinatanaw ang kaniyang unti-unting paglayo. 

"Kenny! Mahal na mahal kita!" Paulit-ulit kong sigaw nang malakas habang patuloy sa pagpatak ang aking mga luha.

Malakas na malakas na halos namamaos na ako sa kasisigaw pero alam ko na hindi niya ito maririnig dahil wala na siya. Nakaalis na at hindi ko na natatanaw.

이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • My Ex-Boyfriend is my Future Husband?   Chapter 63 Kenjie

    Alexes POV Lumipas ang oras na puno nang kasayahan ang buong paligid ng masion. Masayang-masaya ako dahil hindi ko akalain na darating pa ang mga oras at pagkakataon na ito sa amin ni Kenny. Nakaramdam ako ng pagod kaya nagpasya akong pumasok sa loob ng mansion at puntahan ang mga anak ko. Hinanap ko ng aking paningin si Kenny. Nagpaalam kasi ito na may pupuntahan lang at kakausapin na kan'yang kamag-anak. Nakita ko itong masayang nakikipag-usap kina Zion, Xander at sa isa pang lalaki na nakatalikod sa akin. Sa tingin ko ay magkasing-edad lang sila ni Kenny. Tumingin sa akin si Kenny. Suminyas ako na papasok muna sa loob ng mansion. "Excuse me mga Bro, sasamahan ko muna ang Babyhoney ko baka inaantok na 'to!" malakas nitong sabi sa kasamahan at lumapit sa akin. "Oh bakit mo naman sila iniwan. Okay lang naman sa akin kung sasamahan mo sila. Magpapahinga lang ako sandali kaya papasok ako sa loob," sabi ko na nakak

  • My Ex-Boyfriend is my Future Husband?   Chapter 62 Ang binyag, pagpili, at pagtanggap

    Alexes POV Abala ang lahat sa paghahanda para sa binyag ng dalawa kong anak na kambal. They are almost One month old na at naging masaya ang buong mansion dahil sa kanilang pagdating sa buhay namin. At ngayon ay ang araw ng kanilang paghahandog/binyag. Kakarating lang namin mula sa simbahan at napagpas'yahan ko na ipaakyat muna ang kambal sa kanilang nursary room. "Yaya Marie, at Yaya Lyn, iakyat n'yo muna sina Kenjie at Kurt sa taas para makapagpahinga sila ng maayos," sabi ko sa mga tagapag-alaga ng kambal. Tulog na tulog kasi ang mga ito dahil siguro sa pagod kaya nakatulog ang dalawa mula pa kanina sa simbahan. Tiningnan ko muna ang dalawang kambal at hindi ko mapigilan ang aking sarili na halikan ang mga ito sa noo. Bigla namang umiyak si Kenjie nagising ko yata sa paghalik ko ngunit si Kurt naman ay mahimbing pa rin sa pagtulog na para bang nananaginip pa ito dahil sa parang masaya itong napapangiti sa kan'yang pagtulog.

  • My Ex-Boyfriend is my Future Husband?   Chapter 61 When jealous turns into a kiss

    Alexes POV "Mommy Isabel, salamat at nahanap at nagkatagpo na tayo. Alam mo ba na nang malaman ko na ampon ako nila Mommy Ellen at Daddy Albert ay naisip ko na ayaw mo sa akin. Na ayaw sa akin ng totoo kong mga magulang dahil akala ko si Yaya Mercy ang Ina ko. Nagalit ako dahil nais akong patayin ng totoong magulang ko sa pagkaka-akala ko na siya ang totoo kong Ina," nalulungkot kong sabi. "Alisa anak, hindi ka gustong patayin ng Yaya Mercy mo. Siguro may dahilan siya kung bakit niya ginawa iyon. Pero alam ko na hindi niya iyon gagawin sa iyo. Kitang-kita ko kung gaano ka niya alagaan at mahalin bilang isang totoong kapatid o anak man. Napakabait niyang tao siguro may dahilan siya pero maniwala ka mahal na mahal ka ng Yaya Mercy mo," pagpapaliwanag ni Mommy Isabel. I nooded my head at nagpatuloy sa pagsasalita. "Opo! Siguro po! Mommy, tama po kayo. Pero ngayong alam ko na ang lahat, nagpapasalamat ako at ikaw ang naging Ina ko. Naging kayo ang totoong

  • My Ex-Boyfriend is my Future Husband?   Chapter 60 Ang pag-aalinlangan at pagtanggap

    Doc. Isabel POV Hindi ko akalain na sa silid kami ni Sandy hahantong. Ang Alexes na anak na hinahanap nila Mr. Albert ay si Sandy pala. Hindi ko alam ang gagawin ko nang mga oras na iyon. Si Sandy at Alisa ay iisa. Matagal ko na palang natagpuan ang anak kong matagal ko nang hinahanap. Kasa-kasama ko na pala siya. Kaya pala ang gaan-gaan ng loob ko sa kan'ya ay siya pala ang hinahanap kong anak na nawawala sa akin noon. Salamat at ligtas siya. Salamat at napunta siya sa mga mabubuting tao. Umiiyak ako habang nakatingin kay Alisa na niyayakap nito ang kinikilalang mga magulang. Nakita ko kung gaano nila kamahal ang anak ko. At mas lalo akong nagdamdam nang marinig ko ang sinabi nito na hindi niya kailangan pang hanapin o makita ang kanyang totoong mga magulang dahil sapat na sa kan'ya ang mga magulang na kanyang kinamulatan. Masakit iyon sa aking pandinig, ngunit tama siya. Sapat na ang kan'yang mga kinikilal

  • My Ex-Boyfriend is my Future Husband?   Chapter 59 A Legitimate Child

    Alexes POV Walang tigil sa pag-agos ang mga luha ko habang nagpapaliwanag si Kenny hanggang sa matapos nitong sabihin ang lahat-lahat sa akin. Hindi ko inakala na gano'n pala ang nangyari. Kung sana hindi ako nagpadala sa aking emosyon at hindi ako umalis ng mansion. Hindi na sana ako nahiwalay sa mga magulang ko. "I'm so sorry Kenny, nagkamali ako ng inisip at inakala. Hindi na sana umabot sa ganito ang lahat kung noong una palang ay nakinig na ako sa'yo. Noong gusto mong magpaliwanag sa akin sa loob ng kotse bago mo ako dalhin sa mansion n'yo sa Isla. Wala na sanang nasaktan at nadamay na mga tao," sabi ko habang nakayakap ako dito. "Honey, makinig ka. Wala kang kasalanan. Maraming magagandang dahilan kung bakit itinulot ito ng Dios na mangyari ang lahat ng ito at isa sa magandang dahilan na iyon ay ang tungkol sa iyong totoong mga magulang," sabi ni Kenny sa akin. "Huh! Totoo kong magulang?" nagtatakang tanong ko. "Yes! Gusto mong m

  • My Ex-Boyfriend is my Future Husband?   Chapter 58 The Proposal

    Alexes POV "Ano? Ano 'yong sinabi mo? Totoo ba 'yang sinasabi mo? Tama ba yong naririnig ko?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Yes! Honey, tama ang narinig mo," sabi nito at kumalas ito sa pagkakayakap sa akin. May dinukot ito sa bulsa ng pantalon n'ya. Isang maliit na box ang nakikita ko na hawak niya at hinila ako nito sa harapan ng crib ng kambal. Nagulat ako nang lumuhod ito sa aking harapan at binuksan ang box na kulay pula at nagsalita. "Architect Alexes Sandria Viera, Will you marry me," naiiyak na sabi nito. Tumambad sa akin ang isang pamilyar na singsing. Napahagulgol ako nang makita ko ito dahil hindi ako makapaniwala na nasa kan'ya ito. Ang singsing na iningatan ko sa loob nang mahigit 11 years na itinapon ko na, ay heto na ngayon ibinibigay muli sa akin ng lalaki na s'ya ring nagbigay sa akin noon. "Kenny, sambit ko sa pangalan nito kasi wala akong masabing salita sa kasiyahan na nadarama ko.

  • My Ex-Boyfriend is my Future Husband?   Chapter 57 The sweetest proposed moment

    Alexes POV "Oo nga pala Iha, bakit naging instant mommy ka? Sino ba ang ama ng mga apo kong ito?" tanong naman ni Daddy na ngayon ay nakahawak sa magkabilang kamay nito ang mga maliliit na daliri ng kambal. "Alam ko na hindi kayo makapaniwala na anak ko talaga sila. At ang kanilang ama ay si—" Tiningnan ko muna si Zion. Nakita ko ang kalungkutan nito sa mga mata n'ya ngunit nakangiti ito sa akin. "Zion," sabi ko at lumipat ang tingin ko kay Kenny. Nakita kong nalukot ang mukha ni Kenny nang sambitin ko ang pangalan ni Zion. Akala siguro nito si Zion na ang ama ng mga kambal dahil Zion ang sinambit kong pangalan. "Teka lang hindi pa ako tapos magsalita." sabi ko saka lumapit nang bahagya kay Zion. "Zion, I'm sorry. Alam ko na gusto mong maging ama sa kanila pero hindi natin mababago ang katotohanan na si Kenny ang kanilang ama," sabi ko. "Ako! Talaga, yes! Totoo ba ang narinig ko, ako ang kanilang ama

  • My Ex-Boyfriend is my Future Husband?   Chapter 56 Yakap ng mga magulang

    Alexes POV "Zion, sino ang—" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang makita kung sino ang kumakatok sa pinto ng silid ko sa hospital. "Kenny!" sambit ko kasabay ng kan'yang pag sambit ng "Babyhoney." Hindi ako makapaniwala nang baksan ni Zion ang pinto ay bumungad ang kani-kanina lang na pinag-uusapan naming si Kenny. Nagtataka ako kung papaano siya nakapunta rito at papaano niya nalaman na nandito ako. Tulala ako na nakatitig lang kay Kenny. Gusto kong tumakbo papunta sa kan'ya pero hindi ko magawa dahil iniisip ko na baka panaginip lang ang lahat. Nakita ko itong dahan-dahang lumalakad papunta sa akin. Habang papunta ito sa akin ay ang lakas-lakas nang kaba ng dibdib ko. Ang bilis nang tibok ng puso ko. "Oh em ji! Hindi na ito panaginip! Totoong nangyayari na ba ito?" tanong ko sa sarili. Naramdaman ko na lang na nakayakap na ako sa kan'ya. Nakatingin ito nang diretso sa mga ma

  • My Ex-Boyfriend is my Future Husband?   Chapter 55 When the time has comes

    Kenny POV Nandito na ako ngayon sa labas ng isang silid na sinabi ng Nurse kung saan ang silid ni Alexes. Halos hindi ko maiangat ang aking mga kamay upang kumatok sa pinto ng room 101. Ang lakas nang kabog ng dibdib ko. Ano ang gagawin ko? 'Di ko alam kung ano ang magiging reactions ko kapag nakaharap ko na si Alexes. Siguro... A. iiyak B. magmamakaawa na ako nalang ulit kahit sila na ni Zion. C. luluhod at hihingi ng tawad dahil sa mga nagawa ko. D. magagalit pero 'di ko alam ang dahilan kung bakit ako magagalit. Kung alin man dito sa mga naisip ko ay bahala na. "Tok! Tok! Tok!" katok ko sa pintuan at bumukas naman ito. Nagulantang ako nang may nag-iiyakan at may nakita akong isang babae na nakahiga sa isang strecher bed na parang wala ng buhay at may nakapalibot na kapwa umiiyak. "Yes po, sino po kayo?" tanong sa akin ng isang binatilyo. "Oppss! I'm sorry, wrong d

좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status