Share

Chapter 1: Success

"Good day Miss Claire Sydney Agustin! We would like to inform you that you passed your final interview in our company. We are hoping to see you working with us tomorrow or within this week. Congratulations and Good luck! Greetings from Paradise Island Corporation."

Kakabukas ko lang ng email ko at ito ang unang bumungad sa akin. Halo-halong emosyon ang naramdaman ko habang binabasa ang email na 'yon. Parang maiiyak ako na matutuwa, na hindi ko alam.

"Ah! O M G! Wah! Natanggap ako! Natanggap ako!"

Dahil sa labis na tuwa kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pagsigaw habang patalon-talon pa ako sa ibabaw ng kama ko.

"Yehey! Finally! Yes!"

Todo talon pa rin ako habang nakayakap sa cellphone ko, kung saan ko na-recieved ang email na 'yon.

Finally, after six years makakapagtrabaho na rin ako sa isang kompanya. Magagamit ko na rin ang kursong tinapos ko.

"Momma! Why are you so noisy in there? Gosh!"

Isang nakabusangot na mukha ng batang babae ang nagpatigil sa aking ginagawang  pagsasaya sa ibabaw ng kama.

"OMG, baby! Wah come to momma bilis!" 

Nagmamadali akong bumaba sa kama para lapitan ang anak ko. Nang tuluyan na akong nakalapit sa kaniya ay kaagad ko siyang niyakap nang mahigpit.

"Baby may trabaho na si Momma! Yes!"

Hindi ko pa rin maitago ang sayang nararamdaman ko.

"May pambayad na tayo ng upa natin buwan-buwan!"

"Mabibilhan ka na rin ni momma ng maraming toys!"

"Tapos kapag day-off ni momma makakapag-shopping na tayo together! For sure ang saya no'n!" excited at tuwang-tuwa kong sabi sa kanya.

"Momma, you don't have to buy me a lot of toys. I am happy and contented with barbie..." Ipinakita niya sa akin ang lumang barbie niya. Laruan niya pa ito noong one year old pa lang siya, hanggang ngayon na five years old na siya.

"You are enough for me, momma. I love you!" Naiyak ako sa mensahe ng anak ko. Muli ko siyang niyakap at ginawaran ng maraming halik sa pisngi niya.

"You're so sweet, baby. I love you, too."

After our drama ay nagpasya na akong mag-asikaso ng breakfast namin dahil may pasok pa si Sunny.

Sunny Andrea Agustin was my five years old daughter. She's now in kinder and I am happy that I raised her well.

Six years ago, matapos kong mabisto ang panloloko sa akin ni Andrew ay siya ring dahilan ng tuluyang pagpapalayas sa akin ni Tita Fely.

Sobrang hirap ng sitwasyon ko ng mga panahong iyon. Naging palaboy ako sa kalsada. Nasubukan kong mamalimos para lang may makain ako at hindi maapektuhan ang baby ko.

Hanggang sa nahanap ako ni tita Rosie, si tita Rosie ay ang kapatid na babae ni Papa. Sinama niya ako pauwi sa probinsya nila sa Masbate. Doon ko ipinanganak si Sunny, pagkatapos ko ring manganak ay pinag-aral din ako ni tita Rosie.

Sa kabila ng pang-aabanduna sa akin ng mga taong mahal ko, ay natagpuan ko rin ang totoong pagmamahal na hinahangad ko, at iyon ay sa piling ni Tita Rosie. 

Matandang dalaga si tita Rosie kaya naman hindi siya nagdalawang-isip na kupkupin ako, kahit na maaga akong nabuntis. I was only sixteen, nang maranasan ko ang iba't-ibang uri ng hirap at sakit.

At young age, nagmahal ako ng totoo, na nauwi lang sa labis na pagkawasak ng puso ko. Pero hindi ko pinagsisisihan ang panahong 'yon, na nagmahal ako at ibinigay ko ang lahat sa lalaking minahal ko...dahil dumating sa buhay ko si Sunny.

Akala ko, tuloy-tuloy na 'yong pagiging tahimik at masaya kong buhay sa probinsya, ngunit nagkamali ako. Noong graduating na ako sa college, biglang nagkasakit si tita Rosie, at hindi nagtagal ay iniwan niya na kami ni Sunny.

Ang hirap, kasi pakiramdam ko, unti-unti na namang nawasak 'yong puso ko. Doble 'yong sakit na naramdaman ko sa pagkawala ni tita Rosie, kumpara do'n sa pagpapalayas sa akin ni tita Fely at panloloko sa akin ni Andrew.

Muli na naman akong nawalan ng pamilya, pakiramdam ko, galit sa akin ang mundo dahil napakamalas ko pagdating sa magulang.

Pikit-mata kong inalala kung paano ako maagang nawalan ng magulang. Lumaki ako sa piling ng aking Lola na 'di rin naman nagtagal at ako'y iniwan din. At sa piling ni Tita Fely namuhay muli, sa panahong nasira nang husto ang aking buhay sa pagdating ni Andrew. I'm so helpless lalo na ng pinalayas ako. 

Kaya sobrang sakit lang dahil kung kailan nasa maayos na ang lahat, heto na naman ako, nangangapang muli. Pero 'di ko pinagsisihan ang pagdating ni Sunny sa buhay ko. Ang aking anak na siyang pinanghahawakan ko ngayon upang magpatuloy.

After I graduated in college, nagdesisyon akong bumalik sa Maynila. Bukod sa magsisimula nang mag-aral si Sunny, ay kailangan ko na ring makahanap ng trabaho para sa pang araw-araw naming gastusin.

Nakahanap ako ng mura at maliit lang na apartment sa Las Piñas, kung saan kami nakatira ngayon ni Sunny, ng anak ko.

Natutuwa ako dahil kahit mahirap ay napalaki ko pa ring mabuti at mabait na bata si Sunny. I am proud of myself. Masasabi ko rin na si Sunny ang greatest achievement at pinakamagandang regalo sa buhay ko. I was thankful to God that after those struggles and difficulties I had faced, still he gave me Sunny, my little angel.

"Momma I'm nervous, it's my first day!" nakasimangot na sabi ng anak ko matapos ko siyang bihisan ng uniporme niya.

"Normal lang ang kabahan baby, kaya okay lang 'yan. Basta maging behave at mabait lang ikaw sa school ha?" nakangiti kong paalala sa kaniya.

"Opo naman momma, hindi ba sabi niyo nga po na kapag mabait ang isang bata ay pinagpapala! That's why I don't wanna be bad, baka kasi parusahan ako ni Papa God e." cute niyang sabi na nagpangiti lalo sa akin.

"Ang tali-talino naman ng baby ko. Pa-kiss nga!"

"Syempre po, mana ako sa momma ko!" proud niyang saad.

After our little chit-chat, nagpasya na akong lumabas na kami ng bahay dahil baka ma-late pa siya.

Malapit lang ang school ni Sunny sa bahay kaya naman naglakad lang kami. Isa din ito sa rason kung bakit mas pinili kong dito kami mangupahan, iyon ay para malapit lang ako sa school ni Sunny.

"Baby, momma's going home na, okay? Behave ikaw and be kind to your classmates." muli kong paalala sa kaniya nang maihatid ko na siya sa classroom niya.

"Opo momma, I'll promise."

"Very good. Sige na, maupo ka na sa upuan mo." Hinalikan ko siya sa kanyang pisngi bago ako tumalikod na sa kaniya para makalabas ng classroom nila.

"Uhm, teacher kayo na po ang bahala sa anak ko ha? Thank you po." 

Gusto ko lang makasigurado sa kaligtasan ni Sunny kaya naman ibinilin ko rin siya sa teacher niya.

"Anak mo? Akala ko kapatid mo lang," Nginitian ko na lang si teacher, gets niya na 'yon. Kahit si Tita Rosie, parang magkapatid lang daw kami ni Sunny. 

"Momma!" Kaagad ako sinalubong ng yakap ni Sunny pagkakita niya pa lang sa akin sa labas ng classroom nila.

Hanggang 10:00 AM lang 'yong pasok nila, kaya naman narito ako para sunduin na siya.

"Kanina ka pa ba naghihintay kay momma?" nakangiti kong tanong sa kaniya. Umiling siya bilang tugon kaya naman hinalikan ko siya sa cheeks niya.

"Kakalabas lang po namin, momma," sabi niya.

Kinapa ko ang likod niya para tingnan kung basa na ba 'yong nilagay kong towel do'n.

"Hindi ka ba nakipaglaro sa mga classmates mo?" tanong ko sa kaniya. Hindi kasi nabasa 'yong towel na nilagay ko sa likod niya.

"Nakipaglaro po! Pero hindi po kami naghabulan. Instead, nagbasa po kami ng alphabet toys ni teacher momma!" tuwang-tuwa niyang pagku-kwento.

"Very good naman ang baby ko." Marahan kong pinisil ang cute niyang pisngi.

"You know what, momma? Ako po 'yong teacher nila kunwari!"

"Aww, ang baby ko talaga." Kinuha ko ang bag niya at ako na ang nagbitbit no'n.

"My first day is awesome, momma! Bigla pong nawala 'yong kaba ko ko after namin mag introduce ng self namin. Tsaka momma, ako lang po 'yong hindi umiyak kanina sa classroom!" proud na proud niyang sabi na nagdulot ng labis-labis na tuwa sa akin. I can't imagine myself without her. She's my everything since I gave birth to her. She's my life.

"Dahil very good ang baby ko...sa labas tayo magla-lunch!"

"Wow! Really mommy?"

"Yes!"

Saglit kaming natigil sa paglalakad nang bigla siyang sumimangot.

"What's wrong?" usisa ko sa dahilan ng pagsimangot niya.

"Momma, you don't have to spend money just because I am very good in school. Hindi na po natin kailangang kumain sa labas para lang i-treat ako...tsaka sayang po 'yong money niyo kasi mamahalin 'yong foods sa labas."

Na-touched ako sa sinabi niya. Kung magsalita siya parang hindi siya bata. Ang matured na ng isip niya. 

Lumuhod ako para magpantay kami. Isinabit ko muna ang bag niya sa left shoulder ko para makausap ko siya ng maayos.

Hinawakan ko ang mukha niya at sinimulan ko siyang paliwanagan ng maayos. 

"Baby...kahit kailan hindi masasayang 'yong money ni momma lalong-lalo na kung para sa 'yo. Ikaw 'yong dahilan kung bakit nagsisikap si momma magtrabaho."

Taimtim siyang nakikinig sa akin. It feels like I am talking to someone older than her. Pakiramdam ko hindi bata itong kausap ko ngayon. How lucky I am for having her.

" Lahat ng 'to ginagawa ni momma for you. So, huwag kang mag-isip ng gan'yan...na masasayang 'yong money ni momma, kasi kahit kailan hinding-hindi manghihinayang si momma pagdating sa 'yo. Besides, mag i-start na akong mag work tomorrow, meaning to say, makakapag ipon pa tayo, okay?"

Mahaba kong paliwanag sa kaniya. Tumango-tango naman siya na para bang naiintindihan niya lahat ng sinabi ko.

"Okay po, momma. I'm just worried at you lang naman po e,"

"Ang baby ko talaga oh! Okay, let's go na."

Dinala ko ang anak ko sa paborito niyang kainan, sa jollibee. Ever since, paborito niya na ang jollibee kaya naman tuwing lalabas kami ay dito kami pumupunta. She loves fried chicken and potato fries a lot. 

"Momma, thank you so much for the foods! Busog na busog po ako."

"You're always welcome, baby!" 

Pinisil ko ng bahagya ang pisngi niya. She's so cute.

"Pagkatapos ni momma magbayad pupunta tayong mall. Bibili tayo ng dress natin pang simba." nakangiti kong sabi sa kaniya.

"Yehey!"

Tanging isinagot niya lang. Makita ko lang na masaya ang anak ko, dobleng kasiyahan na kaagad ang nararamdaman ko.

"Ibibili ka rin ni momma ng favorite mo..." 

"Cotton candy? Wow! Thank you momma!"

Bigla siyang bumaba sa upuan niya para lapitan ako at bigyan ng mahigpit na yakap.

"Ang sweet naman ng bata!"

"Daddy look, ang saya-saya nila. Sana gan'yan din kami paglabas ni baby." sabi ng buntis na babae sa tabi namin. Nakahawak siya sa tiyan niya, na kung hindi ako nagkakamali ay malapit na ring manganak.

"Yeah, they're sweet and cute." nangingiting saad din ng lalaki sa asawa niya.

After I paid our bills ay kaagad din kaming umalis ni Sunny sa Jollibee, at kagaya ng sinabi ko sa kaniya kanina ay nagtungo kami ng mall para bumili ng dress namin.

Isang kulay puting off-shoulder na dress ang binili ko para sa amin. Terno kami ng dress kaya naman tuwang-tuwa si Sunny, excited na raw siyang suotin iyon sa linggo.

Nang 6:00 PM na ay umuwi na rin kami. Ngayon kasi ang dating ni Grace, taga probinsya siya at siya ang nakuha kong kasama ni Sunny sa bahay, lalo na kapag nasa trabaho ako.

Kagaya nang inaasahan ko ay naabutan namin ng anak ko si Grace sa labas ng apartment.

"Ate Grace!" Pagbaba namin ng tricycle ay sinalubong kaagad ni Sunny ang ate Grace niya.

Kapitbahay lang namin si Grace sa probinsya kaya naman close na sila ni Sunny noon pa man.

"Sunny!"

Ilang buwan pa lang kami dito sa Maynila, pero kung magyakapan sila parang isang taon silang hindi nagkita. Napailing nalang ako sa closeness nilang dalawa. Kaya hindi rin ako nagdalawang isip na kuhanin si Grace bilang bantay ni Sunny. Bukod sa matagal ko na siyang kilala ay sigurado din ako na mapagkakatiwalaan ko siya pagdating sa anak ko.

May dalang isang malaking maleta at backpack si Grace, marahil mga damit niya ang laman no'n.

"Kanina ka pa ba? Sorry ha, namasyal kasi kami ng anak ko." paghingi ko ng paumanhin kay Grace.

"Naku si ate talaga, okay lang po. Kakarating ko lang din po e."

"Gano'n ba? Sige, pasok na tayo."

"Uhm, Grace, may pagkain d'yan sa lamesa. Niluto ko 'yan kaninang tanghali. Kain ka nalang d'yan ha? Huwag mo na kaming alalahanin ni Sunny, kumain na kami sa labas ng dinner. I-aakyat ko na kasi itong anak ko dahil alam kong pagod na siya, at saka may pasok pa siya bukas." mahaba kong lintanya kay Grace.

"Sure po ate, wag na po kayong mag-alala ako na po ang bahala." nakangiti niyang sabi. Nginitian ko na lang din siya.

"Bababa na lang ulit ako pagka-tulog ni Sunny, ha? Kain ka na d'yan." muli kong sabi. Bago ko tuluyang tinahak ang tatlong baitang ng hagdanan paakyat sa silid namin ni Sunny.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
John Mike Owenn Carbellido
magkikita sila nong ex nya
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ang ganda talaga nh story na to
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status