Share

Chapter 2: Boss

Author: Destiny-One
last update Last Updated: 2021-07-14 10:22:11

"Good morning, Momma! Good luck on your first day!"

Kaagad gumuhit sa labi ko ang ngiti dahil sa tamis nang bungad sa akin ni Sunny. 

"Good morning too, baby." Binigyan ko siya ng mahigpit na yakap at maraming kisses sa mukha niya.

"Ang aga yatang nagising ng baby ko?" 

Alas sais pa lang ng umaga eh, may isa't kalahating oras pa siya para matulog dahil 7:30 pa naman 'yong pasok niya.

"Of course, Momma! Para po makapag-goodbye ako sa inyo," nakangiti niyang sabi.

"Aww." Pinisil ko ang pisngi niya, kagaya nang madalas kong gawin tuwing natutuwa ako sa kanya.

"Okay, basta pagkaalis ni Momma, mag-sleep ka ulit, ha?"

"Titingnan ko lang po, Momma."

Matapos naming magkulitan ay si Grace naman ang sunod kong kinausap para ibilin sa kanya kung anong oras ang pasok at labas ni Sunny sa school.

"Grace, since hindi mo pa naman alam 'yong school ni Sunny ang gawin mo ay mag tricycle na lang muna kayo. Sa Angel's Academy kamo sabihin mo sa driver ng tricycle na sasakyan n'yo," habilin ko sa kanya. 

"7:30 AM 'yong pasok niya. Pagkahatid mo sa kanya sa school, para hindi ka ma-bored at magawa mo 'yong gusto mong gawin pwede mo siyang iwanan do'n tapos balikan mo na lang siya ng 10:00 AM."

"Sige po, ate noted po lahat, " sagot niya. 

"Salamat, Grace. Ikaw na muna ang bahala sa anak ko, ha? Mag-iingat kayo."

"Opo, ate. No problem po. Ingat din po kayo. Good luck po sa first day n'yo."

"Salamat," sagot ko. 

Matapos kong ibilin ang lahat kay Grace ay kinuha ko na ang bag na dadalhin ko pagpasok.

I am wearing a corporate attire na provided ng company na papasukan ko. A color black skirt na above the knee at kapares nitong white longsleeve.

Dahil hindi ako sanay sa pagsusuot ng maiksi kaya naisipan kong magsuot ng stocking para hindi gaanong expose 'yong natural kong balat.

Itinali ko rin ang mahaba kong buhok para hindi ito maging sagabal sa aking mukha. At para maaliwalas ang mukha ko.

Lastly, I wear a black shoes na may taas na isang pulgada.

"Goodbye, baby! Magwo-work na si Momma." nakangiti kong paalam sa anak ko.

"Take care, Momma. I love you!" She gave me a kiss on my left and right cheeks.

"I love you too, baby!"

Paglabas ko ng bahay ay nakaparada na sa labas ang isang malaking kulay itim na van. Marahil ito na 'yong libreng sasakyan ng kompanya para sa mga empleyado nila. 

Nakakatuwa nga dahil halos lahat libre. Imagine, pati 'yong transportation ay sila pa 'yong nag-provide. Mukhang galante ang may-ari ng Paradise Corporation. 

Pagpasok ko sa loob ng van ay halos puno na ito. May sari-sarili din silang mundo kaya bale wala silang pakialam sa pag pasok ko. 

Matagal na siguro silang empleyado ng company kaya naman parang close na silang lahat. Sabagay, ako lang naman itong baguhan dito.

Mahigit kalahating oras din ang byahe namin bago kami tuluyang nakarating sa kumpanya.

Pagkatigil na pagkatigil ng van ay nag-unahan silang bumaba, kagaya ng eksena kanina pagsundo sa akin ay parang hindi ako nag-e-exist. Ang seryoso naman yata nila masyado? 

Parang nagsesenyasan lang sila tapos nagtatanguan, then, okay na nagkakaintindihan na sila.

"Good morning miss, bago ka lang?" tanong sa akin ng driver. Mabuti pa si manong napansin ako.

"Ah, opo. Ako nga po pala si Sydney Agustin." Pagpapakilala ko kay manong nang tuluyan na akong makababa.

"Kuya Bert na lang," ani niya matapos makipag-shake hands sa akin.

"Sige po, kuya Bert. Salamat po sa pagsundo sa akin ah? Pasok na po ako!"

Tinanguan lang ako ni kuya Bert kaya naman ay nagmadali na akong pumasok sa office.

"Good morning mga ate, kuya!" bati ko sa dalawang lalaki at isang babaeng guard na nakabantay sa entrance ng kompanya.

"Good morning!" Bakas ang pagtataka sa mukha ng mga binati ko. 

"Bakit po?" usisa ko.

"Sa tinagal-tagal na kasi naming nagta-trabaho rito, ngayon lang kami binati ng isa sa mga empleyado ng kompanya..." hindi makapaniwalang sabi ng babaeng guwardiya.

"Ah, gano'n po ba? Hindi bale po, mula ngayon masanay na kayo dahil araw-araw ko na po kayong babatiin," masaya kong sabi na ikinatuwa nilang tatlo.

"Bago ka lang ba rito, hija?" 

"Opo. Actually, first day ko po ngayon," masaya kong sabi.

"Gano'n ba? Sige, good luck! Pasok ka na, baka mapagalitan ka pa." 

"This way, Miss Agustin." Si ate na nag-interview sa akin noong nag-apply ako rito. Nginitian ko siya pero hindi siya ngumiti pabalik.

Sinamahan niya ako sa isang hiwalay na room, base sa itsura nito sa labas ay pang lalaki ang office room na ito.

"Pasok ka. Hinihintay ka na ng Boss mo," sabi niya. Tumango ako sa kanya. Huminga muna ako nang malalim bago ako nagpasya na pihitin ang seradura ng pintuan. 

"Good morning!" Isang pamilyar na boses ang nagpanatili sa akin sa aking kinatatayuan sa pintuan ng opisina.

Dahil sa tagpong ito ay pakiramdam ko'y unti-unti na naman akong bumalik sa aking nakaraan.

Saglit kong pinakiramdaman ang sarili ko, kung kamusta ako, ang puso ko...nang wala akong maramdamang kahit ano ay taas noo akong ngumiti at binati rin siya pabalik.

"Good morning—"

"Michelle Villafuerte Claveria..." 

Talagang pinagdiinan niya 'yong last name niya. Mukhang gusto niya talagang ipamukha sa akin na kasal na sila ng dating kasintahan ko. Well, I don't f*cking care! Basta ako, kuntento na ako ngayon sa kung anong mayro'n ako. Masaya na ako sa buhay ko, kasama ang anak ko.

"Miss Michelle na lang ang itawag mo sa akin." Nginitian niya ako kaya ngumiti ako sa kanya pabalik.

"Sa kabilang lamesa ang pansamantalang table mo." Ngumiti ulit siya. Naglakad at nagtungo ako sa itinuro niyang pwesto ko.

Base sa tono ng boses niya ngayon ay totoo ang ipinapakita niya. Palangiti at mahinahon ang boses niya, hindi katulad noong una naming pagkikita sa apartment ni Andrew.

"Uhm...Sydney?" Kaagad kong ibinaling ang atensyon ko sa kanya. Nakatingin lang siya sa akin ng diretso na tila ba ay may nais siyang sabihin.

"Yes po?" tanong ko.

"Uhm, wala. Nevermind, sige, gawin mo na lang pala 'yang mga nasa table mo." Hindi ko alam kung pina-plastic niya ba ako o ano, parang masyadong ang bait-bait kasi ng pakikitungo niya.

"Okay po."

Kagaya ng inutos niya ay isa-isa kong tiningnan ang mga papers na nasa table ko. Hindi ko pa man natatapos lahat iyon ay muli na naman siyang nagsalita.

"Uhm, I just want to ask if na bo-bothered ka ba? I mean...ano kasi, hindi maganda 'yong last encounter natin...six years ago? Hope you're okay working with me? I mean from the people in your past?"

Tumayo ako nang tuwid at buong-puso kong sinagot ang mga sinabi niya o sabihin na nating ang mga tanong niya. 

"I understand your concern, Miss Michelle, but you have nothing to worry. Hindi ako 'yong tipo ng tao na dinadala sa trabaho iyong personal issues ko sa buhay. I know how to work professionally...kaya kung inaalala n'yo po na baka maapektuhan ang trabaho ko, nagkakamali po kayo."

Napayuko siya dahil sa sinabi ko. Nang makabawi siya ay nginitian niya na naman ako.

"I'm sorry. Don't worry, hindi naman talaga ako ang boss mo. I mean, temporary lang 'yong trabaho mo sa akin, for now habang hindi pa nakakauwi ng bansa si Engineer Claveria ay sa akin ka muna...ikaw muna ang sekretarya ko."

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay nagpaalam siya na lalabas muna siya.

Sandali, hindi siya 'yong Boss ko? Engineer Claveria? Don't tell me, I'm working with my Ex? What the hell!

"Sydney, I want you to send these papers to Claveria residence. Gusto kong personal mo itong iabot kay Chairman Alfred Claveria."

Hindi ko alam kung ano ang pwede kong maging reaksyon sa ipinag-uutos sa akin ni Miss Michelle. Hindi ko naman kasi alam na tungkulin ko na rin pala ang paghahatid ng mga importanteng dokumento sa mismong bahay ng mga nakatataas. 

"Okay po." magalang kong sabi bago ko inabot ang mga papeles na nakalagay sa isang puting envelope.

"Don't worry, personal kang ihahatid ni Mang Bert. Personal driver siya ng pamilya Claveria." dagdag pa niya na nagpakunot ng noo ko.

"Okay po," Yumuko ako sa harapan niya bilang respeto sa aking pansamantalang paglisan sa opisina niya.

Paglabas ko ng opisina ni Miss Michelle ay kaagad akong naglakad sa hallway para magtungo sa elevator. Mabuti na lamang at kakabukas lang ng elevator kaya hindi na ako naghintay pa ng kahit ilang minuto.

Pagbukas nito ay nasa ground floor na kaagad ako ng building, sa parking lot kung nasaan si Kuya Bert. 

"Sakay na po, Miss Sydney!" Nakahanda na pala siya sa ibaba, halatang hinihintay niya na lang ako. Siguro ay tinawagan na siya ni Miss Michelle na ihahatid ako sa mansion ng mga Claveria.

"Kuya Bert, gano'n po ba talaga sa office nila na kapag may importanteng papeles na kailangang pirmahan ay kailangan pang ihatid sa mismong bahay nila?" tanong ko. 

"Noon po hindi naman, ngayon lang 'yang ganyang set up dahil hindi na nakakapasok ng opisina si Chairman," paliwanag niya na ikinatango ko na lang.

Habang nasa byahe kami ni kuya Bert ay hindi ko maiwasan ang hindi makaramdam ng kaba. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ko ito nararamdaman.

"Ma'am Sydney, narito na po tayo." Napa kurap-kurap ako. Sa sobrang dami kong iniisip hindi ko man lang namalayan na nakarating na pala kami.

Nasa tapat kami ng malaking gate. Tatlong beses ang naging pagbusina ni kuya Bert sa labas ng gate bago ito binuksan ng dalawang guwardiya.

Namangha ako sa sobrang laki ng kanilang mansion. Gusto ko po sanang ilarawan ang kabuuan ng mansion ng mga Claveria ngunit bigla kong naalala na hindi iyon ang sadya ko rito. Naparito ako para sa papeles na kailangang pirmahan ni Chairman Alfred.

Hindi ko alam kung ano ang nilalaman no'n  pero nasisiguro kong importante iyon...dahil hindi naman siguro ako pasusugurin dito ni Miss Michelle ng tanghaling tapat kung hindi iyon importante, diba?

"Pasok po tayo sa loob, Miss Sydney..." ani kuya Bert ng tuluyan na akong makababa ng van.

Nauna siya sa aking maglakad na tila ba sanay na sanay na siya rito. Naalala ko 'yong sinabi kanina ni Miss Michelle na family driver nga pala ng pamilya Claveria itong si Kuya Bert.

Ngunit nakakapagtaka naman na siya rin  'yong driver no'ng libreng transportation ng mga empleyado ng Paradise Corporation.

"Good afternoon po, Chairman," nahihiya kong bati sa lalaking nasa early 60's. Naka wheelchair siya at wala man lang siyang kasama rito sa sala.

"Good afternoon," seryoso nitong sabi. Nanginginig ang mga kamay kong iniabot sa kanya ang white envelope na pinapaabot ni Miss Michelle. 

"Dad, who's there?"

Kaagad akong tumalikod ng mapagtanto ko kung sino ang lalaking naglalakad patungo sa direksyon namin.

"Drew, anak, tara na?  Kumain na tayo." Nasa sala lang kami kaya hindi ko gaanong nakita ang babaeng tumawag kay Andrew, dahilan nang hindi nito pagtuloy sa kinaroroonan namin ng Dad niya. Nakakasiguro akong mom niya ang tumawag sa kanya patungong dining area nila.

"Pakisabi sa boss mo na si Andrew na ang bahalang magdala ng mga papeles na ito sa opisina bukas."

Tumango ako rito.

"—also, tell her that..."

"Hon let's eat na. Enough with that business matter, it's already twelve!"

Natawa si Chairman sa sweet na sigaw ng asawa niya kaya naman humingi ito sa akin ng paumanhin.

"Naku, ayos lang po," kabado kong sabi. 

"Sige po, aalis na po kami," pagpapaalam ko kay Chairman.

"Sandali lang hija, dito ka na kuma—"

"Hindi na po, Chairman, nakakahiya naman po!" Kinakabahan ako kaya halos tumaas na 'yong tono ng boses ko.

"Gano'n ba? Sige, at mukhang nagmamadali ka." sabi niya. 

Kaagad akong tumalikod at tinahak ang daan palabas. Nang makalabas ako ng pintuan ay doon ko sinimulang lumanghap ng sariwang hangin.

Pakiramdam ko'y naubusan ako ng hangin kanina. 

Nakita ko siya! 

Mabuti na lang at hindi niya ako nakita, God!

'Parang sira...siya 'yong boss mo, 'diba? Magkikita at magkikita rin kayo!'

Bigla kong tinampal ang noo ko dahil sa isiping iyon.

"Miss Sydney...okay lang kayo?"

Napakurap-kurap ako. "O-opo kuya Bert. Ta-tara na po," nauutal kong sabi.

Nang makapasok ako sa loob ng van ay nagsimula na namang lumipad ang utak ko.

"Accept it Sydney...kung talagang naka-move on ka na sa manlolokong 'yon, dapat hindi ka na apektado! Panindigan mo 'yong sinabi mo kay Miss Michelle na professional kang magtrabaho!"

"Hindi naman 'yon ang inaalala ko! Paano kung malaman niyang may anak kami...at—at kuhanin niya sa akin? Hindi pwede! Ayoko, hindi ako papayag!"

"Edi, mag-resign ka na lang sa trabaho mo!" 

"Hindi pwede, paano na 'yong kinabukasan ni Sunny? Baka kapag bigla akong nag-resign ay paghinalaan nila ako, hindi pwede!"

"Miss Sydney, okay lang po ba talaga kayo?" Napatingin ako kay kuya Bert, ramdam kong nakatingin siya sa akin gamit ang front mirror ng sasakyan.

"O-opo...ayos lang ako,"

"Pero kanina pa kayo umiiyak..."

Napahawak ako sa pisngi ko. Basang-basa nga 'yon. Nagmamadali kong kinapa ang shoulder bag na dala ko para kuhanin ang panyo ko. Nang makita ko iyon ay kaagad kong pinahid ang mga luhang bumabasa sa aking pisngi. 

Natatakot akong kuhanin nila sa akin ang anak ko. Hindi pwede, hindi ko kakayanin, hindi ako papayag!

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
totoo kaya ang kabaitang ipinakita ni Michelle kay Sydney?
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • My Ex-Boyfriend's Comeback (FILIPINO)    Epilogue

    You and I, We Belong--"You're spoiling me, Drew!" Mahina akong tinampal ni Sydney sa aking balikat ng ipakita ko sa kanya ang regalo ko ngayong sixteenth birthday niya."No. It was just a simple gift." Nakangiti kong sagot sa kanya."Anong simple gift? Excuse me, ang laki kayang effort mo para dito. Imagine, you designed my dream house! Parang kahapon ko lang sinabi kung anong dream house ko...then look at this now! Meron ka na kaagad nito."Tuwang-tuwa niyang sabi habang pinagmamasdan ang disenyo ng bahay na ginawa ko."Balang araw, ititira kita sa dream house mo." Nakangiti kong sabi sa kanya. Nagulat na lamang ako ng bigla niya akong yakapin ng mahigpit."Thank you, Drew. I was the luckiest woman on earth kapag natupad mo 'yang promise mo na 'yan." Maluha-luha niyang sabi. Napangiti ako dahil sa labi

  • My Ex-Boyfriend's Comeback (FILIPINO)    Chapter 25: Promise of Forever

    The Promise of Forever--"For you," Nagulat ako ng abutan ako ni Drew ng tatlong pirasong plastic na bulaklak. Alam kasi niya na magbuhat pa noon ay allergic ako sa amoy ng kahit na anong bulaklak.Kaagad nasuklian ng ngiti ang aking pagkagulat habang kinukuha ko sa kamay ni Drew ang tatlong piraso ng mga bulaklak."Thank you." Nakangiti kong sabi ng tuluyan ko nang mahawakan ang bigay niya."Anything for you." Sweet niyang sagot na ikinakilig ko.Narito kami ngayon sa park, hinihintay namin sila Michelle at Sunny. Ang sabi kasi ni Michelle ay susunod na lang siya sa amin ni Drew dahil may pupuntahan raw kami.Isinama niya na si Sunny dahil magbuhat no'ng ipinakilala namin ni Drew si Sunny sa kanila ay halos hindi na siya pakawalan ni Michelle. She really loves her niece that much, to the point na minsan halos

  • My Ex-Boyfriend's Comeback (FILIPINO)     Chapter 24: One Big Happy Family

    One Big Happy Family--"Good morning Dadda!" Mabilis na tinungo ni Sunny ang kinaroroonan ng Dadda Andrew niya. Natawa na lamang ako sa ginawa niyang pagkalas sa pagkakawak ko para mapuntahan ang Dadda niya."Good morning princess!" Masiglang bati sa kanya ni Drew pabalik. Nakangiti niya ring kinarga si Sunny at hinalikan sa pisngi nito.Ang saya-saya nilang panoorin na nagkukulitan. Tila isang napakagandang tanawin ang natatanaw ko ngayon, at naghahatid ang tanawing tinatanaw ko ngayon ng hindi maipaliwanag ng kasiyahan sa aking puso."So, you're a momma now huh? Take note, napakaganda at napakabait pang bata ng anak mo. Manang-mana siya sa'yo,"Nakangiting komento ni Mama habang pinagmamasdan si Sunny at Drew na nagkukulitan."Good morning, Ma." Hinalikan ko si Mama sa pisngi pagkatapos ay binigyan siy

  • My Ex-Boyfriend's Comeback (FILIPINO)    Chapter 23: God's Will

    "Ano naman kaya ang iniisip ng mahal ko?"Napalingon ako sa pinanggalingan ng baritonong boses mula sa likuran ko. Pagkatapos ng tagpo kanina, naisipan kong dumito na lang muna sa terrace para mag-isip. Kakatulog lang din ni Sunny kaya mag-isa akong nagtungo rito. Hindi ko naman akalain na susundan ako ni Drew. Ang daming gumugulo sa isipan ko. Ang dami kong gustong itanong sa mga magulang ko, kung paano sila nakaligtas, at kung bakit ngayon lang sila nagpakita sa akin. At kung bakit kilala sila ni Drew. Ngunit wala akong lakas ng loob para itanong iyon sa kanila. Hindi ko alam. Huminga muna ako ng malalim bago tinugon ang tanong niya. "Wala naman. Masaya lang ako." Nakangiti kong sagot sa kanya. Yumakap siya mula sa likuran ko pagkatapos ay sininghot-singhot niya ang buhok ko. "You still smell so sweet darling." He said sexily. Natawa ako sa sinabi niyang 'yon. "Kahit kailan talaga, napaka bolero mo ano?" Naniningkit ang mga matang sabi ko. I heard him chuckled because of what

  • My Ex-Boyfriend's Comeback (FILIPINO)    Chapter 22: All Those Years

    "Sydney please? H'wag mo namang ipakulong si mommy. I need her,"Pagmamakaawa ni Belle sa akin. Gustuhin ko mang i-urong ang kaso ay hindi ko ginawa. Ayokong hayaan lang si tita Fely sa mga pagkakasala niya. It's unfair, lalo na't ilang taon akong nawalay sa parents ko dahil sa kagagawan niya."I wanted to Belle, but I'm sorry...hindi ko kayang ibigay ang hinihingi mo. Gusto kong matoto si tita sa mga pagkakamali niya."Pagmamatigas ko kay Belle. Kita ko sa mga mata ni Belle na naiintindihan niya ako. Ngunit gano'n pa man ay naaawa ako kay Belle. Dahil mag-isa na lang siya sa buhay. She's only twenty, at naniniwala akong mabuting tao pa rin si Belle sa kabila ng mga ginawa niya rin akin."I'm sorry Sydney...I'm sorry for all the troubles and pain that I've caused you." She seriously said. I smiled at her. Kinuha ko ang kamay

  • My Ex-Boyfriend's Comeback (FILIPINO)    Chapter 21: Miracle

    "M-mama...P-papa?" Ulit kong tawag sa kanila. Nakatingin lang sila sa akin at paunti-unti ay ang pagguhit ng ngiti sa mga labi nila."S-Sunny?" Gano'n din ang ginawa ng anak ko, nangungusap ang mga mata niya habang nakangiti sa akin.Halos patakbo kong hinakbang ang kinaroroonan nila para bigyan sila ng mahigpit na yakap. Ngunit bago ko pa man sila mapuntahan ay isang makisig na bisig ang pumigil sa akin.Nang lingunin ko ito ay nagsusumamong mga mata ni Drew ang nakita ko. He's stopping me from reaching my parents' and daughter. Tila ba ayaw niya akong lumapit sa kanila."Sydney, I'm here." Pabulong ang pagkakasabi no'n ni Drew. Muli kong ibinalik ang tuon ko sa kinaroroonan nila mama at papa, maging ng anak ko.Ngunit nang lumingon ako kung nasaan sila kanina ay gano'n na lamang ang pagkagulat ko...dahil isang delikadong lugar iyon na k

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status