LOGINTo call off her engagement to her scumbag fiancé, she carefully planned to drag her ex-fiancé’s uncle for a one night stand. After a hot night, she left him with a few thousand and thanked him for a wonderful night. Akala niya ay hindi siya nito tutulungang makansela ang engagement nila ng walang modo niyang ex pero laking gulat niya ng pumayag ito. Bukod pa doon ay hindi lang siya nito tinulungan kundi pinakasalan din siya nito. Ang inakalang pangit at walang kwentang babae ay naging asawa ng makapangyaring lalaki— si Zachary Montefalco na kilalang walang puso. Sino nga ba naman ang mag-aakala na pakakasalan siya nito dahil sa kanyang itsura kaya nagulat ang lahat nang makita siya lalo na ang ex niya dahil sa taglay niyang ganda na itinago niya simula pagkabata. Ang dating kasintahan na halos isuka siya, ngayon ay naghahabol na parang isang baliw sa kaniya. “Please Ruby, give me another chance...” pagmamakaawa ni Ethan ngunit malamig niya lang itong tiningnan. “Don’t call me Ruby, call me Aunt because I am now your uncle’s beloved wife.”
View MoreIsang butil ng luha ang tumulo mula sa mga mata ni Ruby nang maramdaman niya ang pagpasok ng pagkalalaki ng lalaking nasa ibabaw niya. Napakagaspang at walang kaiingat-ingat ang mga kilos nito ngunit huli na para umatras pa siya.
******
Halos mapalundag si Ruby nang tumunog ang kanyang cellphone. Kaagad niya itong inabot at pinatay ang tawag. Nang makita niya ang oras ay dali-dali siyang tumayo mula sa kama at pinulot ang kanyang mga damit na nagkalat sa sahig. Nang matapos magbihis ay aalis na sana siya ngunit halos matulos siya sa kanyang kinatatayuan ng marinig ang baritonong boses mula sa likod niya.
“Mukhang may nakakalimutan ka yata?”
Dahan-dahan siyang lumingon dito. Kitang-kita niya ang puno ng pang-uuyam na mukha nito ngunit kapansin-pansin din ang malalamig nitong mga mata na nakatitig sa kaniya.
Napalunok siya dahil parang nanuyo bigla ang lalamunan at bibig niya. Binuksan niya ang kanyang bag at naglabas ng ilang libo mula doon bago inilapag sa dulo ng kama. Isang alanganing ngiti ang ipinaskil niya sa kanyang labi. “Thank you for last night. It was wonderful.” pagkasabi ng mga salitang iyon ay dali-dali na siyang lumabas ng hindi na lumilingon pa kahit na narinig niya ang pagtawag nito mula sa likod niya.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya paglabas niya ng silid bago napakagat labi. Ramdam na ramdam niya ang pananakit ng buong katawan niya lalong-lalo na ang mga pagitan ng mga hita niya.
*****
Hindi makapaniwalang napatitig si Zach sa perang ibinaba ng babae. Hindi siya makapaniwalang inisip nito na isa siyang bayarang lalaki. Natawa siya ng pagak. “What an experience.” bulalas niya bago napahilot sa kanyang sentido.
Kababalik niya lang sa bansa pero ito ang naging salubong ng pagdating niya. Nagtungo siya sa isang club kagabi para sana mag-enjoy ngunit bigla na lang niyang nakasalubong ang babae at kinaladkad dahilan para humantong siya sa ganito.
Hindi siya yung tipong basta-basta na lang nakikipag one night stand sa kung sino-sinong babae pero kagabi, hindi niya alam ngunit sa bawat halinghing at pag-ungol nito ay para bang nagiging musika sa kanyang tenga. Bukod pa doon ay hindi siya nakakatulog kapag may katabi siyang ibang tao sa kama ngunit kamangha mangha na ang babaeng iyon ay kakaiba dahil hindi lang basta siya nakatulog kundi napakahimbing ng tulog niya.
…
Nagmamadaling bumaba si Ruby mula sa taxi na sinakyan niya patungo sa hotel kung saan magaganap ang engagement party niya. Alas tres ng hapon ang simula ng party at mag-aalauna ng hapon nang dumating siya kaya may pailan-ilan na ring bisita ang naroon.
Dumiretso siya kaagad sa dressing room kung saan ay naabutan niyang naghihintay doon ang kanyang ama na nanlilisik ang mga mata. Lumapit ito sa kaniya at akmang sasampalin siya ngunit mabilis niya itong nasangga. Ngumisi siya. “Sigurado ba kayong gusto niyong makita ako ng ibang tao na namamaga ang mukha?” malamig ang mga matang tanong niya sa lalaking nasa harap niya na walang iba kundi ang kanyang ama.
Mabilis nitong binawi ang kamay at nag-aapoy pa rin ang mga matang tumingin sa kaniya. Sunod-sunod din ang ginawa nitong pagmumura. “Sa tingin mo ba ay nakakatuwa ang ginagawa mong yan Ruby? Alam mo ba kung anong araw ngayon huh?!” sigaw nito sa kaniya. “Ni hindi mo lang sinasagot ang tawag sayo. Binabalaan kita, kapag hindi natuloy ang engagement mo kay Ethan malalagot ka sa akin!” nagtatagis ang mga bagang nitong banta sa kaniya.
Ang pamilya Montefalco ay isa sa mga kilalang pamilya sa bansa dahil sa yaman ng kanilang pamilya. Hindi niya kailanman pinangarap na makasal sa pamilyang iyon ngunit dahil sa kasunduan ng pamilya nila at mga ito ay kailangan niya magpakasal sa isa sa mga Montefalco— si Ethan.
Kaya ganun ang reaksyon nito ay dahil alam din nito na dadalo sa araw na iyon ang isa sa mga mahalagang tao sa pamilya ng mga Montefalco— si Zachary Montefalco.
Tumaas ang sulok ng kanyang labi habang nakatingin sa kanyang ama. “Bakit sa akin kayo nagagalit? Si Ethan ba, dumating na?”
Nakita niyang natigilan ito nang marinig ang sinabi niya dahilan para malaman niya kaagad na hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa rin ito. Tiyak na nagkakagulo na ang pamilya nito kahahanap rito. Isang mapang uyam na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. “Sa tingin niyo ba talaga ay darating siya? Ako na ang nagsasabi, hinding-hindi siya darating.”
Nag-aapoy ang mga mata nito tinalikuran siya. “Bilisan mo na lang magbihis, ang dami mong sinasabi!” sigaw nito bago tuluyang lumabas.
Nag-aalalang sinulyapan lang siya ng makeup artist na mukhang kanina pa rin naghihintay sa kaniya. Isang buntong hininga ang pinakawalan niya. “Ako na ang bahala sa sarili ko.” sabi niya bago tumalikod para maglinis muna ng katawan niya. Wala na siyang oras pang maligo kaya kahit papano ay maglilinis na lang siya.
Habang naglalakad ay hindi niya maiwasang isipin na mukhang hindi niya magagawang tumakas para sa engagement na iyon. Isa pa, ayaw niyang may ibang tao na magmake up sa kaniya dahil matutuklasan ang isang pinakatatagong sikreto niya.
Bata pa lang siya ay sinabihan na siya ng kanyang ina na ang magandang mukha ay magdudulot lang ng problema kaya itinago niya iyon sa pamamagitan ng pagbabago ng anyo niya. Mas prefer niya ang maging pangit sa mata ng ibang tao kaysa ang makita ang tunay niyang ganda.
Nang matapos siyang maglinis ng sarili ay nag-makeup na siya sa banyo at paglabas niya ay muli siyang bumalik sa dressing room para magpalit ng damit kung saan ay rinig na rinig niya ang sigaw ng kanyang ama na minamadali siya.
…
Kahit na anong gawing pakikipag-usap ni Tobi kay Ruby ay nanatiiling mabangis ang ekspresyon nito habang nakatingin sa kaniya. Wala nga yata talaga itong naririnig. Ilang sandali pa ay lumapit sa kaniya si Zachary. “Ako na ang bahala sa kaniya. Asikasuhin mo na lang ang mga taong ito.” malamig na utos nito sa kaniya. Naging malamig naman ang ekspresyon ni Tobi nang marinig niya ang sinabi ng lalaki. “Ako lang ang tanging kilala ni Ruby sa ating dalawa at ayaw niya akong pakinggan kaya mas sigurado ako na hinding hindi ka rin niya pakikinggan.” walang ekspresyon na sagot niya rito.Napakunot naman ang noo ni Zach habang nakatingin kay Ruby. hawak nito ang kutsilyo habang dumudugo ang kamay nito. Yumuko siya at sinubukan niyang kuhanin mula dito ang kutsilyo ngunit hindi nito binitawan iyon. Mahigpit itong nakahawak sa kutsilyo. Nagtagis ang kanyang mga bagang. “Ruby, bitawan mo ang kutsilyo.” Nang marinig nito ang sinabi niya ay biglang nanginig ang buong katawan nito at nag-angat ng
May isang lalaki ang biglang dumating at mukhang sasakay din sa elevator. Hindi pinansin ni Tobi ito lalo na at hindi niya naman kilala ito. Maya-maya pa ay biglang nagsalita ang kausap nito sa telepono. Dahil nga naka loudspeaker ang cellphone ay rinig na rinig nila kung ano ang sinabi nito. “Ayos lang kaya ang lahat Mr. Marquez? Sa totoo lang ay hindi maganda ang pakiramdam ko.” “Ano ka ba. Wala kang dapat ipag-alala. Isa pa, si Mr. Lozano ang bahala. Tyaka tama lang din iyon dahil sa ginawa ng Ruby na iyon kay Mr. Lozano. Deserve niya ang bagay na iyon.” sagot nito at pagkatapos ay napahalakhak. “Pero napakarami nilang lalaki sa loob ng silid, makakaya kaya ng Ruby na iyon silang paligayahin lahat?” muling tanong ng lalaking nasa kabilang linya.“Hindi na natin iyon problema pa. Makaya niya o hindi ay labas na tayo. Tapos na ang trabaho natin.” Samantala, nang marinig ni Tobi at Zachary ang pangalan ni Ruby ay pareho silang natigilan. Kahit na pangalan lang nito ang nabanggit at
Isang paanyaya ang natanggap ni Ruby para sa isang dinner. Gusto daw ni Mr. Marquez na maging investor sa kanyang kumpanya at gusto daw siya nitong makausap kaya inimbitahan siya nitong mag-dinner sa isang hotel. Dahil medyo desperado si Ruby para sa inumpisahan niyang kumpanya ay kaagad siyang pumayag at nagtungo sa hotel na ibinigay sa kaniya. Pagdating niya sa lugar ay naging maganda naman ang daloy ng pag-uusap nila. Bukod pa doon ay kumain sila habang nag-uusap at uminom na rin ngunit habang nasa kalagitnaan sila ng pag-uusap ay biglang bumibigat ng bumibigat ang pakiramdam niya. Medyo nahihilo siya at hindi niya mawari ang nararamdaman niya. Marahil dahil sa pagod niya kaya nitong mga nakaraang araw? Napahilot siya sa kanyang sentido.Kaagad naman na napansin ng kausap niya na tila may problema siya. “Mukhang hindi yata maganda ang pakiramdam mo Miss Ruby, bakit hindi ka na lang muna magpahinga sa isa sa mga silid dito? Ikukuha kita ng kwarto.” concern na sabi nito sa kaniya ng
Nag-check in sina Ethan at Wendy sa kanilang karaniwang silid at pagpasok pa lang nila sa loob ay kaagad ng napansin ni Wendy na tila ba lutang pa rin ang isip ng lalaki. Tila ba iniisip pa rin nito ang tungkol sa pagpunta doon ni Ruby. Kahit na noong magbihis na siya ng sexy na pantulog ay parang wala pa rin itong epekto rito. Dahil dito ay hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng pagkabalisa ng wala sa oras. Bakit ba kailangan nitong isipin pa ang babaeng iyon e siya naman ang kasama nito? Dapat ay siya lang ang isipin nito at wala ng iba pa. “Ethan…” malambing na tawag niya rito.Nagpunta siya sa harapan nito at sinubukang akitin ang lalaki. Palagi itong tumitingin sa kaniya at kaagad na napupuno ng pagnanasa ang mga mata kapag ginagawa niya ang mga bagay na iyon ngunit ng mga oras na iyon ay parang wala itong nakikita na mas lalong ikinagalit niya. Para siyang hangin sa harapan nito ng mga oras na iyon. Dahil dito ay napatanong na siya. “May problema ba?” Nagtaas naman ng tingi
Nang humapon ay muling sinubukan ni Ruby na tawagan si Mr. Lozano at nang mga oras na iyon sa wakas ay nag-ring na ang cellphone nito at sa sumunod na sandali ay sinagot na nito ang tawag. “Yes?” iyon ang kaagad na bumungad sa kaniya. “Oh, it's you Ruby. Bakit ka napatawag? Ayaw mo pa rin bang sumu
“Hindi mo na nga nagawang papirmahin si Mr. Lozano ay may gana ka pa talagang iganyan ang kapatid mo!” muling sigaw nito sa kaniya. Kung tutuusin ay wala talaga silang pinagkaiba ni Missy kaya nga magkaibigan silang dalawa e.“Wala kayong dapat alalahanin tungkol diyan. Akong bahala, papipirmahin k
Pagkatapos niyang ayusin ang sarili niya ay lumabas siya ng banyo at doon pa lang sa labas nito ay nakita na niya kaagad ang isang lalaking nakatayo doon at mukhang hinihintay siya. Ilang sandali pa ay inabot nito sa kaniya ang isang mainit na kape para daw sa hangover niya. Kaagad na napakunot an
Naging malamig ang mukha nito, kitang-kita niya rin kung paano gumalaw ang mukha nito. “Sinasadya mong akitin ako diba? At tyaka, sinadya mong tanggalin ang pagkakabuhol ng tuwalya sa beywang ko diba?” puno ng pang-uuyam na tanong nito sa kaniya.Napuno ng pagkalito ang mukha ni Ruby nang marinig a


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.