Share

KABANATA 5

DINALA niya ang hawak na bote ng beer sa bibig at sunod-sunod na tungga ang ginawa. Hindi sapat ang ininom niya kanina sa loob ng bar na pinanggalingan at kailangan pa niya ng alcohol sa katawan.

He felt the alcohol filling her stomach but he felt hollow inside his chest.

Nang wala maubos ang laman ng hawak ay marahas niya iyong itinapon sa ibaba. Doon sa rumaragasang ilog na hindi niya makita mula sa kadiliman at sa malalakas na buhos ng ulan.

Kapagkuwan ay ipinatong niya maging ang mga paa sa hood ng sasakyan na kanyang tinutungtungan at sinapo ang ulo. Nalunod ang kanyang iyak sa tunog ng mga kulog at sa malalakas na buhos ng ulan na sinasabayan ng pagbuhos ng hinagpis mula sa kanyang mga mata.

"Bakit!" sigaw niya sa gitna ng kadiliman. Ikinuyom niya ang kamao at marahas na sinuntok ang hood ng sasakyan niyang kanyang tinutungtungan.

Hindi niya inaasahan noon na makakaramdam siya ng ganoong sakit kung sakali mang pumanaw ang taong nagsilang sa kanya sa mundo. He shouldn't have felt that way because her mother sold him for money. But he can't stop himself from grieving, knowing that she died.

Kaninang umaga nang mabasa niya sa pahayagan ang pagkakasagasa sa isang babae at walang nagki-claim na pamilya sa bangkay.

Agad siyang kinutuban nang mabasa ang pangalan ng namayapang babae. Hindi niya maalis ang kaba sa kanyang dibdib hanggang sa opisina kaya dinampot niya ang susi ng kanyang sasakyan at pinuntahan ang nasabing morge sa pahayagan.

Hindi siya agad nakagalaw at biglang nablangko ang kanyang isipan nang makita ang mukha ng bangkay. Hindi niya kailanman makakalimutan ang mukhang iyon.

Pagkalipas nang ilang sandaling pagkatitig sa mukha ng bangkay ay naghalo-halo ang emosyon sa kanyang dibdib. Naroon ang galit dahil kahit kailan ay hindi na niya maisusumbat dito ang ginawa nitong pag-aabandona sa kanya. Gusto niyang ipagmalaki sa babaeng nagluwal sa kanya ang mga narating niya sa buhay. Galit para sa taong nagmaneho ng sixteen wheeler truck na sumagasa rito. At kasama niyon ay ang sakit na hindi niya inaasahang mararamdaman niya dahil sa pagkawala ng kanyang totoong ina kahit na hindi naman ito nagpakaina sa kanya, kahit noong nasa poder pa lang siya nito.

Kahit na hindi niya aminin sa sarili dahil mas gusto niyang makaramdam ng galit para rito ay matagal na niya itong napatawad dahil sa mga ginawa nito sa kanya. Dahil dito ay nagkaroon siya ng bagong pamilya na nagparamdam sa kanya ng pagtanggap at pagmamahal at buhay na hindi niya kailanman inisip na matatamasa niya.

Hindi niya nagawang manumbat at makapagpasalamat at iyon ang pinakamasakit sa lahat. Hindi man lang siya nagkaroon ng pagkakataon na makita itong humihinga pa. Hindi niya nalaman kung pinagsisisihan ba nito ang ginawa o kung minahal ba siya nito bilang anak.

Walang nag-claim sa bangkay kaya siya na ang nagkusa. He cremated the body of his mother and then put her ashes in the crematorium.

Ang akala niya ay nagkaroon ito ng magandang buhay pagkatapos makatanggap ng salapi mula sa pagbebenta sa sarili nitong anak. Ngunit anong ginagawa nito sa sidewalk at nagbebenta ng kung anu-ano upang mabuhay? His mother was always been impulsive when it comes to money and he guessed that she didn't changed at all. Hindi nito nagawang palaguin ang perang natanggap na hindi niya sigurado kung naubos sa sugal o tinanggay ng kinakasama nito.

Marahas niyang nagpakawala ng hininga, pagkatapos ay tumalon mula sa pagkakaupo sa ibabaw ng hood ng sasakyan. Hindi niya ininda ang basang katawan dahil sa ulan at tinungo ang railings ng tulay na kinaroroonan.

He climbed on the elevated pavement and hold the railing with both of his hands.

Tiningnan niya ang kadiliman sa ilalim ng tulay. Sa panaka-nakang ilaw na bumabaha sa langit mula sa mga kulog ay nakikita niya ang pagkislap ng umaagos na tubig. He was sure that the water was deep and lethal.

He tilted her head on his left and saw a faint light from meters away from him. He knew that it was from a car because it was moving in wherever direction. Then a flash of lightning hit the ground and he saw a taxi on the banana plantation on the side of the river.

Sa pagkakaalam niya ay walang bahay sa bandang iyon. Dahil bukod pa sa ginagawang taniman ang bandang iyon ay tumataas din ang ilong tuwing malakas ang ulan o may bagyo.

Sinundan niya ang ilaw na mula sa taxi hanggang sa tumigil iyon at mamatay. Hindi niya alam kung gawa-gawa lang ng kanyang tainga ang narinig niyang paghingi ng tulong ng tinig ng isang babae.

Mabilis niyang inilibot ang paningin sa paligid ng tulay ngunit wala siyang naramdamang may tao roon bukod sa kanya. Nang muli niyang ibalik ang paningin sa ibaba, sa direksiyon ng planta ay siya namang pagkidlat kaya sandaling lumiwanag ang paligid.

Sa gitna ng planta, sa kadiliman ay nahagip ng kanyang mga mata ang tatlong bulto. Pumuno ang tanong sa kanyang isipan dahil sa nakita. Anong ginagawa ng mga ito sa gitna ng malakas ng ulan at doon sa planta? Delikadong pumaroon dahil maaaring umapaw ang tubig mula sa ilog.

Gulo pa rin ang isipan dahil sa mga katanungan na tumalikod siya at pumasok sa loob ng kanyang kotse. Kapagkuwan ay pinaandar niya ang sasakyan paalis sa tulay.

Bigla niyang inapakan ang preno nang makarating sa magkasanggang daan. Ang isa'y pabalik ng lungsod at ang isa, sa kaliwa niya'y patungo sa planta ng saging.

Because of curiosity and that weird feeling hunting him, he maneuvered his car on his left. Pagkalipas ng ilang sandali ay naramdaman niya ang pag-uga ng kanyang sasakyan dahil sa hindi sementadong daanan.

Nang mahagip ng kanyang headlights ang likuran ng taxi ay agad niyang itinigil ang sasakyan. Bago bumaba ay dinukwang niya ang glove compartment at inilabas mula roon ang kanyang baril. He always carry the gun with him for self-defense.

Something was telling him that there was something wrong when he saw the taxi and the three persons in the middle of the plantation and under the heavy pour of rain

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status