KABANATA 4.
Ilang subjects na ang nakalipas ng mag ring ang bell hudyat ito para sa isang break time. Agad na tinungo ni irish at dalawa pa nyang classmate ang canteen para kumain ng snacks dahil mabilis lamang ang break time nila.
"Mga siswangs nabalitaan nyo na ba na after break time e ipapakilala na ang bagong professor at ang nasa likod ng donation nating mga nasa scholar na academic achiever?! saad ni Alexis, isa sa mga chismosang palaka na kaibigan nya sa school. dalawa lamang ang kaibigan nya mula elementary hanggang senior high at maituturing silang matatalik na mag kakaibigan. sila kaseng tatlo yung tipong galgal mag salita pero matatalino at top students kaya nga napunta sa scholar e it means karapat dapat ang grading average nila para pumasa sa sponsorship program.
"Oo na pajulet julets?! nakakarindi kayo!, sabi ni irish. sabay natawa ang dalawa dahil sa inakto nito. "sus! baka pag nakita mo yun gawin mo biglang sugar dzaddzy!! hahahaha," sabi ni kate na nagpahagalpak ng tawa sa kanilang tatlo. "nako pustahan pa tayo tanders na yun at wala ng appeal saating mga gen Z!" natatawang sabi ni irish habang naka krus pa ang mga braso. osyaa sige pustahan tayong tatlo ano? pag pogi at medyo bata pa sya panalo kami ni kate at mag papamilktea ka saming dalawa mamayang uwian, at pag matanda naman at walang dating ay dederetso tayong orange house sagot ko isang bucket! DEAL?? puno ng kumpyansang sabi ni alexis. "OK FINE! DEAL!!" Sagot ni irish na mabilis na na-excite sa pagkakarinig ng alak. "He! mga lassengera!!' si kate iyon.
Muling nag ring ang bell hudyat na tapos na ang 30 mins breaktime nila. mabilis nilang niligpit ang pinagkainan dahil self service ang canteen. Chismisan padin sila habang nag lalakad patungo sa classroom nila na tila walang kasawaan sa pambubruska sa isa't-isa. Hanggang makarating na sila sa classroom at nag siupuan na para antayin ang susunod na subject, ito ay math subject ang pinaka ayaw nyang subject sa lahat. kaya naman nya ito pero inaantok sya dahil sa prof nilang walang kabuhay buhay kung mag turo.
May ilang minuto pa ay nagulat ang lahat ng dumating ang kanilang principal sa kanilang room kaya naman mabilis silang umayos ng upo at masiglang bumati sa punong guro na si mrs. Macawile. Nag tataka man kung bakit personal itong nag pakita sa kanilang mga scholar ay masigla nila itong binati. "Good afternoon mrs. macawile.. welcome to section star!." sabay sabay nilang banggit.
"Good afternoon my fellow scholars, Di nako mag papaligoy-ligoy pa nandito ako para sabihin ang napakaimportanteng announcement na ito, nabasa nyo naman siguro ang letter sa board ng campus kanina. I would like to introduce to each and everyone of you your new math professor" pagkabanggit noon ay nagkatinginan agad ang dalawa nyang kaibigang aswang at nakanguso nyang sinimangutan lang ang mga ito.
Okay students, Wag nyo akong ipapahiya dahil ang taong ito ay ang nasa likod ng scholarship program ninyo sya ang sponsor nyo kaya kayo nandito at kapag napanatili nyo ang matataas na grades ay sya mismo ang magiging sponsor nyo para sa college at kung suswertehin ay maaaring ipasok kayo sa kumpanya nya kapag kayo ay tapos na sa kolehiyo".. mahabang paliwanag ng punong guro. marami ang na-excite sa pagdating ng panauhing pandangal na ito isa na sya doon dahil kapag di sya naalis sa scholarship ay makaka pag-aral pa sya sa college at madaling makakapasok sa isa sa mga napakasikat at kilalang kumpanya sa bansa, ang isiping darating ang araw na makaalis sya sa puder ng ama at madrasta ay nagbibigay ng kakaibang saya sakanya.
Nag karoon ng mahihinang bulong bulungan ang mga studyante kaya medyo umingay ang classroom. Muling nag salita ang Principal ng bumukas ang Pinto at pumasok ang isang magandang pigura na anyo ng tao. Matangkad, Maputi na parang nakakakatakot hawakan, Matangos ang ilong, mamula mulang labi, kulay abong mga mata at may kahabaan ngunit alon along kulay itim nitong buhok. dagdag pa ang tindig nito na tila isang modelo sa ganda ng pangangatawan. "Shackkkss mermeck! ngongo-ngongoang sabi ni alexis. "paksh*et! nakakawet!" Sabi ng manyak na si kate. kung di ko lang kilalang lubos ang mga to siguradong iisipin kong may karanasan na sila sa s*x kase kung ano ano lumalabas sa mouthlablelable! kausap nya sa sarili.
Natigilan ang lahat ng ngumiti ang principal habang binabati ito at kinamayan. seryoso ang mukha ng lalaki ngunit bahagya din itong ngumiti sa punong guro. Tumayo ang lahat at bumati sa Bagong dating na Lalaki. May mga mahihinang impit na tili ang madidinig sa room mula sa mga classmate nyang babae na sobrang kilig kabilang na doon ang dalawa nyang kerengkeng na kaibigan na sina alexis at kate.
Nagsimula na syang ipakilala ng principal, Alright students all eyes here please, I would like you to meet Mr. Terrance Ionne Padilla, your new math professor at nasabi ko na din kanina sainyo kung gaano sya kahalaga sa school natin. dagdag ko lang andito sya para makita nya kung talagang worth it ba ang pagpapa aral nya sainyo, hahalili muna si Mr. Padilla sa math prof nyo dahil may sakit ang teacher nyo na si sir tianela. Wag nyo syang biguin guys show him that you all are worth it to his program, do i made myself clear?! Maawtoridad na sabi ng punong guro. "Yes Ma'am!" Sagot pabalik ng mga studyante.
Sa pinakadulo naka upo si irish dahil letter "T" ang last name nya. Nag simula nang mag salita ang pansamantalang professor. "okay student i want you to get 1 half index card, write your full name and submit it forward, Go!" pagkasabi nito'y mabilis na kumilos ang mga studyante kabilang na silang tatlo na nag uusap gamit lamang ang mga mata at talagang nag kakaintindihan sila. Ipinamumukha ni alexis at kate kay irish na panalo sila sa pustahan dahil sobrang gwapo at bata pa ang bagong prof nila. sinenyasan nya ang mga ito ng (oo na! look) with matching Irap pa sabay iiling iling na nag sulat.