LOGINHazielle Bernessa has spent her entire life being treated as the unwanted daughter of the Bernessa household. Despite building a successful career as the Executive Director of ÉLAN Media Group's Lifestyle Division, she has never received the love and respect she deserves. In her first life, she believed marrying the famous actor Kit Vale would finally give her a place to belong. Instead, his betrayal with her stepsister shattered her world. But some endings are merely the beginning of another story. Given a second chance, Hazielle vows never to be the woman who begs to be chosen. Then she crosses paths with Davian de Valtieri—a dangerously powerful billionaire and Mafia Don whose proposal is as unexpected as the man himself. A contractual marriage seems like the perfect escape from her past, but living beside a man like Davian comes with secrets, enemies, and dangers she never anticipated. As old rivalries resurface and carefully guarded truths begin to unravel, Hazielle finds herself caught in a world where loyalty is fragile and love can be just as dangerous as betrayal. Perhaps fate has brought Cinderella to the Don's doorstep for a reason. But this time, she has no intention of waiting for midnight—or anyone—to decide her happily ever after. - Mafia Fairytale Series Book 1: Cinderella is Married to the Mafia Don
View MoreHazielle’s POV
Hindi ko inakalang sa mismong araw ng aming anibersaryo ko matutuklasan ang pagtataksil ng asawa ko. Bitbit ang isang kahon ng paborito niyang triple chocolate cake at isang mamahaling relo, nakatayo ako sa harap ng penthouse namin Kit Vale. Ilang linggo ko ring pinag-ipunan ang regalo. Gusto ko kasing maging espesyal ang gabing ito, lalo na't nitong mga nakaraang buwan ay halos hindi na kami nagkakasabay ng asawa ko. Abala siya sa kaniyang mga proyekto, samantalang ako naman ay nakatuon sa trabaho ko bilang Executive Director ng Lifestyle Division ng ÉLAN Media Group. Pero kahit ganoon, sinisiguro kong nabibigyan ko siya ng oras. "Surprise," nakangiting bulong ko habang marahang itinutulak ang pintuan. Nae-excite na kasi akong makita ang reaksyon ni Kit! Hindi ko na kinailangang gumamit ng susi dahil bahagyang nakabukas iyon. "Kit?" tawag ko sa pangalan niya, ngunit walang sumagot. Inilapag ko muna ang mga dala ko sa mesa at naglakad patungo sa sala. May dalawang baso ng alak sa coffee table at nakasabit sa sofa ang paboritong jacket ng asawa ko. May bisita siya? Bago pa ako makapagtanong sa sarili, nakarinig ako ng halakhak mula sa master bedroom. Napahinto ako. Kilala ko ang boses ni Kit. Ngunit ang sumunod na halakhak ang nagpakaba sa akin. Pamilyar na pamilyar iyon ah? Dahan-dahan akong lumapit sa silid at itinulak ang p***o. Tuluyan nanigas ang katawan ko sa nakita ko kasabay ang panlalaki ng mata ko. What the fuck!? Nasa kama si Kit, kasama ang kapatid kong si Yzara. Magulo ang mga kumot at nakakalat sa sahig ang kanilang mga damit. Mabilis na bumangon ang asawa ko nang mapansin ang presensiya ko, samantalang napasapo naman sa bibig ang kapatid ko. Dali-daling hinila ni Kit ang kumot para matakpan si Yzara na walang saplot. Hindi ako makagalaw. Hindi rin ako makapagsalita. Anong ibig sabihin nito!? "Ano'ng ginagawa mo rito, Hazielle?" bungad ni Kit habang nagmamadaling kinukuha ang kaniyang damit. Iyon ang unang sinabi niya. Hindi man lang niya sinubukang itanggi. Ang kapal ng pagmumukha! Parang kasalanan ko pang nandito ako ngayon! "Kit..." Nanginginig ang boses ko. "Ano ito?" "Huwag kang gumawa ng eksena," malamig niyang sagot habang isinusuot ang kaniyang pantalon. Napatingin ako kay Yzara. Tinatakpan niya ang katawan niya gamit ang kumot naming mag-asawa, ngunit hindi ko makita sa mukha niya ang takot na inaasahan kong maramdaman niya. "Ate, pakinggan mo muna ako," mahinang sabi ni Yzara. Napailing ako. "Anong kailangan kong pakinggan? Hindi pa ba sapat ‘tong nakita ko!?” bulalas ko sa kaniya. Nagsimulang mangilid ang luha ni Yzara dahil sa pagsigaw ko. "Hindi namin sinasadyang malaman mo nang ganito." Napatawa ako nang mapait. Siya pa talaga ang may ganang magpaawa ngayon? "Ah, ganoon ba? Paano ko ba dapat malaman? Kailangan ko bang magpaalam muna bago ko mahuli ang sarili kong asawa nakikipagtalik sa kapatid ko?" sarkastiko kong tanong sa kaniya. Isa siyang ahas! Pati ba naman asawa ng sarili niyang kapatid ay nagawa niyang ahasin!? "Hazielle, tama na," singit ni Kit. Tuluyan nang tumulo ang luha ni Yzara, ngunit hindi ako nagpalinlang. Matagal ko nang alam na mahilig siyang magpaawa at magpa-victim. Nakukuha niya lahat ng gusto niya sa pamamagitan ng pagpapaawa. ‘Yon naman kasi talaga ang gusto ng mga lalaki. May nagpapakain sa mga ego nila. Gustong may “inililigtas” para ma-validate ang fragile masculinity nila! Humarap ako kay Kit. "Gaano na katagal?" Hindi siya sumagot. "Kit, tinatanong kita. Gaano na katagal?" Nagmistulang kulog ang boses ko nang dumagundong ito sa buong silid. Nagsimula na ring mangilid ang luha sa mga mata ko. Napabuntong-hininga siya bago ako tiningnan. "Matagal na." Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa buong katawan ko. "Matagal na?" ulit ko. "Oo." "Habang kasal tayo?" pagkaklaro ko. Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng mga luha ko. "Wala nang saysay kung kailan nagsimula,” malamig niyang sagot. Kumunot ang noo niya tila naiinis na. Aba, magdusa ka. I deserve a fucking explanation! Napahawak ako sa dibdib ko. Hindi ko alam kung paano niya nagawang sabihin iyon nang ganoon kadali. "Minahal mo ba talaga ako?" tanong ko, halos pabulong. Ang boses ko ay may bahid ng gigil. Sandaling natahimik si Kit. "Of course I did." "Did?" ulit ko. Hindi siya sumagot. Napatingin ako kay Yzara. "At ikaw? Hindi mo ba naisip na kapatid mo ako?" Bumuntong-hininga siya at umayos sa pagkakaupo. "Ate, mahal ko si Kit." Tila nalaglag ang puso ko mula sa pagkakakabit nito sa dibdib ko nang marinig ‘yon. Ang kapal talaga ng mukha! "At mahal ko rin siya. Asawa ko ‘yang minamahal mo, ahas ka!" "Alam ko,” tugon niyam "Kung alam mo, bakit?" tanong ko sa kaniya. Bahagyang nagtaas ng kilay si Yzara. Napansin kong natuyo na ang mga pekeng luhang tumutulo galing sa mata niya. "Hindi mo ba naiisip na baka dahil hindi mo siya nabibigyan ng sapat na atensiyon?" Napanganga ako. "Trabaho ko ang sinisisi mo?” "Palagi kang busy! Hindi mo siya napapansin. Kaya sa akin siya tumatakbo." Napailing ako. Wala na akong masabi. Kinuha ko ang handbag ko at tumalikod. Hindi ko na kinuha ang regalong dala ko. Wala na akong pakialam kung sino ang gagamit niyon. "Hazielle!" tawag ni Kit. Hindi ako lumingon. "Mag-usap tayo kapag kalmado ka na." Huminto ako sa may p***o. "Kung kailangan kong maging kalmado para lang maintindihan mong niloko mo ako, wala na tayong dapat pag-usapan." Pagkasabi niyon, tuluyan na akong lumabas. Napakawalanghiya talaga. Pagdating ko sa mansiyon ng mga Bernessa, ang pamilya ko bago ako ikasal kay Kit, agad kong nakita sina Papa Xandros at Mama Giselle, ang stepmother ko, sa sala. Naroon din si Yzara, na hindi ko alam kung paano nakauwi nang mas maaga kaysa sa akin. Nanlisik ang mata ko nang magtagpo ang mga mata namin ni Yzara. Hindi man niya pinahahalata, pero kitang-kita ko ang patago niyang pagngisi. Mukhang naunahan na nila ako kina Mama. “Anong ginagawa mo rito?” malamig kong tanong sa kaniya. “Ate naman,” panimula ni Yzara. “ Nakalimutan mo na bang nakatira tayo sa iisang bahay?” sagot niya sabay pahid sa mata niyang luhaan. Napaka-plastic niya talaga! "Hazielle, bakit namumugto ang mga mata mo?" tanong ni Mama Giselle. Lahat ng galit ko’y unti-unting naging luha. Hindi ko napigilang mapahagulhol. "Niloko ako ni Kit." Humawak ako sa dibdib ko dahil sobrang sakit na ng pagkirot ng puso ko. Ang sakit-sakit ng ginawa ni Kit sa akin at naririto ang kabit niya sa harap ko. Napatayo si Papa Xandros. "Ano'ng ibig mong sabihin?" "May relasyon sila ni Yzara,” agad kong sagot. Sandaling natahimik ang dalawa. Ngunit hindi nagtagal ang kanilang pagkabigla. "Good heavens, Hazielle!" reklamo ni Mama Giselle. "Alam mo bang kapag kumalat ang balitang iyan, madadamay ang buong pamilya?" What? Napatingin ako sa kaniya. "Ma, niloko ako ng asawa ko." "At ano ang gusto mong gawin?" tanong niya. "Ipahiya siya sa publiko? Gusto mong masira ang pangalan natin?" "Ang gusto ko lang naman ay maintindihan ninyo kung gaano kasakit—" "Pag-usapan ninyo iyan nang pribado," putol ni Papa. "Ayokong magkaroon ng iskandalo." Napayuko ako. Maging ang sarili kong pamilya, hindi man lang ako kayang ipagtanggol. Samantala, nanatiling tahimik si Yzara sa sofa. Nang magtagpo ang aming mga mata, ngumiti siya nang bahagya. "He's choosing me, Ate,” aniya. Hindi ako nakapagsalita. "Matagal na kaming nagmamahalan," dagdag niya. "Panahon na sigurong tanggapin mong hindi ikaw ang gusto niya." Tinitigan ko siya bago tuluyang umakyat sa silid. Wala na akong lakas para makipagtalo. Gabi na nang muling bumukas ang p***o ng aking silid. Napalingon ako at nakita si Yzara na may dalang baso. "Ano'ng kailangan mo?" tanong ko habang pinupunasan ang mga pisngi ko. "May dala akong inumin," sagot niya. "Mukhang kailangan mo." "Wala akong gana. Umalis ka na rito,” pagtatabuyan ko sa kaniya. “Ang kapal-kapal ng pagmumukha mo. I am your stepsister, but you had the audacity to do this to me!?” Hindi siya sumagot. Sa halip, pilit niyang iniaabot sa akin ang baso ng tubig na hawak niya. Siguro, pinakakalma niya ako. Kinuha ko na lamang iyon para tantanan na ako ng makulit na bruhang ‘to. Matapos kong inumin ang tubig, inilapag niya ang baso sa mesa at saka umupo sa tapat ko. "Alam mo, Ate, matagal ko nang gustong mangyari ito,” bulong ni Yzara. Napakunot ang noo ko. "Ang alin?" "Na mawala ka sa buhay namin." Napatingin ako sa kaniya. Wala na ang kunwaring pag-aalala sa mukha niya. Sa halip, nakangiti siyang nakatitig sa akin. "Palagi kang nasa gitna," pagpapatuloy niya. "Lahat na lang kailangan mong makuha. Pati si Kit." "Si Kit ang asawa ko, Yzara,” paalala ko sa kaniya. Unti-unti na akong nakakaramdam ng kaba. "At ngayon, akin na siya,” saad niya habang may ngiting pumipinta sa mga labi niya. Nakakatakot ang ngiti niyang iyon. Nakakakilabot! Napatayo ako. "Ano'ng sinasabi mo?" Ngumiti lamang siya at tumayo rin. "Matagal na akong naghihintay para sa pagkakataong mawala ka na." Bago pa ako makapagsalita, biglang bumukas ang p***o ng kwarto ko. Iniluwal nito si Kit. "Handa na ba?" tanong niya kay Yzara. Napalunok ako. "Kit? Bakit nandito ka?" Hindi siya sumagot. Sa halip, lumapit siya kay Yzara. "Let's go," malamig niyang sabi. "Sandali," sagot ng kapatid ko habang natatawa. "Gusto ko munang makita ang mukha niya." Unti-unting nanlamig ang aking mga kamay. Ramdam kong namamawis na ako ngunit hindi ko ito inalintana. "Anong ibig sabihin nito? I demand an explanation!" bulalas ko. Natataranta na ako. Hindi ko maintindihan ang ikinikilos ng dalawang ito! Tumingin sa akin si Kit. Wala akong nakitang pagsisisi sa kaniyang mukha. "Matatapos na rin ang lahat, Hazielle." Napatingin ako sa basong nasa mesa at saka bumalik ang tingin ko kay Yzara. No… Nang makita ko ang malawak niyang ngiti, tuluyan kong naunawaan. Hindi siya dumating upang makipagbati. Masaya siya. Masayang-masaya siya sa nangyayari sa akin. "Yzara..." bulong ko. "Goodbye, Ate," nakangiting sagot niya. Hayop ka, Yzara! Unti-unting nanghina ang aking katawan. Napahawak ako sa aking leeg dahil unti-unti akong nilulunod ng hangin. Nanghihina man ay kumapit ako sa gilid ng mesa habang pilit na iniaangat ang tingin sa kanilang dalawa. Hindi ako makahinga! "Kit..." tawag ko. T-Tulong… Kahit ngayon lang, tulungan mo ako… Ngunit wala siyang ginawa. Hindi niya ako tinulungan. Hindi niya ako nilapitan. Sa halip, nanatili lamang siya sa tabi ni Yzara. Kit… Yzara… Ang huling bagay na nakita ko ay ang nakangiting mukha ng kapatid kong minahal ko at ang malamig na mukha ng lalaking minsan kong tinawag na asawa. Sila ang huli kong nakita bago tuluyang magdilim ang aking paningin. Kung magkakaroon man ako ng pagkakataong baguhin ang lahat, handa akong gawin ang lahat para lang sa pagkakataong iyon. Pagbabayarin ko kayo sa mga kasalanan niyo sa akin…!Hazielle’s POVHindi ko kailangang itanong kung sino ang pinakamakapangyarihang taong naroon.Sapat nang pagmasdan ang reaksyon ng mga bisita nang tuluyang lumapit si Davian de Valtieri sa gitna ng bulwagan. Unti-unting humina ang mga pag-uusap. May ilang nag-ayos ng kanilang postura, habang ang iba naman ay agad na nag-abot ng kamay sa kaniya.“Mr. de Valtieri,” bati ng isang lalaking nakasuot ng mamahaling tuxedo.Bahagyang tumango si Davian. “Good evening, Mr. Albrecht.”“An honor to be invited to your event.”“The pleasure is mine.”Maikli. Magalang. Walang labis na emosyon.Gayunpaman, tila sapat na ang ilang salitang iyon upang mapasaya ang lalaki.Napahigop ako ng inumin.Interesting.Sa mundong ginagalawan ko, sanay akong makakita ng mga taong nag-aagawan sa atensiyon ng mga makapangyarihan. Ngunit iba ang eksenang ito. Hindi lamang paghanga ang nakikita ko sa mga bisita.May pag-iingat. May takot.At marahil, may kaunting pagnanais na huwag mapasama sa listahan ng mga taong h
Hazielle’s POV"Ma'am Hazielle, may invitation po kayo."Napatingin ako kay Bianca habang inilalapag niya ang isang eleganteng itim na sobre sa ibabaw ng aking mesa."From whom?""De Valtieri Group po."Bahagya akong napataas ng kilay. Una kong napansin ang pangalan ng host.Davian de Valtieri.Nakasulat iyon sa makapal at mamahaling papel, may gintong ukit sa gilid at sagisag ng de Valtieri family sa gitna.“Executive Creative Director,” basa ni Bianca, ang personal assistant ko, habang inilalapag ang invitation sa mesa. “Mukhang hindi ordinaryong event ang pupuntahan natin.”Kinuha ko ang sobre at binasa ang detalye.Aurevayne Grand Ball. Isang pagtitipong dadaluhan ng pinakamayayamang negosyante, matataas na opisyal, kilalang personalidad, at mga kinatawan ng pinakamakapangyarihang pamilya sa bansa.“Hindi talaga ordinaryo ito,” sagot ko.Hindi kung ang host ay si Davian de Valtieri.Ang Aurevayne ay kilala bilang Country of Mafias. Isang moderno at mayamang bansa na may sariling p
Hazielle’s POVHindi ko kailangang maging asawa ni Kit Vale para magkaroon ng magandang buhay.Iyon ang una kong naisip habang nakatayo sa harap ng salaming pader ng opisina ko. Dalawang taon bago ang kamatayan ko, at marami pa akong pagkakataong baguhin ang buhay na minsan kong hinayaang kontrolin ng ibang tao.Ngayon, sisiguraduhin kong hindi na mauulit iyon."Ma'am Hazielle!" hinihingal tawag ni Bianca mula sa hallway. "Nandito na po ang client ninyo."Napatingin ako sa relo ko. "Already?""Yes, Ma'am. Nasa conference room na po sila."Tumango ako at kinuha ang tablet. "Let's not keep them waiting."Hindi ko inaasahang ang pinakamahalagang meeting ko ngayong araw ay makakasama ang isa sa pinakamakapangyarihang negosyante sa Aurevayne.Davian de Valtieri.Pagpasok ko sa conference room, agad kong napansin ang lalaking nakaupo sa pinakadulong bahagi ng mesa.Hindi ko agad napansin ang kulay ng kaniyang suit. Ang una kong napansin ay kung paano ito bumagay sa kaniya—parang hindi laman
Hazielle’s POVMadilim.Iyon ang huling naaalala ko.Ang nakangiting mukha ni Yzara. Ang malamig na tingin ni Kit. At ang pakiramdam na unti-unting nawawala ang lahat sa paligid ko.Ngunit bakit?Bakit nakahiga ako ngayon sa sarili kong kama?Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Pamilyar ang kisame, ang mga kurtinang kulay champagne, at ang mga muwebles sa paligid.Agad akong napaupo at hinawakan ang dibdib ko."Nasaan ako?" bulong ko habang kinakapa ang sarili.Wala akong nararamdamang kakaiba. Mabilis kong inabot ang cellphone sa bedside table.Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang petsa.Dalawang taon bago ang ako patayin ng dalawang taksil."Hindi maaari..." Napahawak ako sa bibig. Nababaliw na ata ako!Binuksan ko ang gallery at sunod-sunod na tiningnan ang mga larawan. Mas bata ang mukha ko. Wala pa akong singsing sa daliri. Buhay pa ako.Bumalik ako. Bumalik ako sa panahong hindi pa nangyayari ang lahat!At alam ko kung anong araw ngayon. Ito ang araw na magpo-propose s






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.