KABANATA 3.
Kinaumagahan, Maaga syang nagising at nag handa para pumasok na sa school at upang di nya makasabay sa hapag kainan ang ama at madrasta dahil sa di magandang tagpo kagabi tiyak na di pa tapos ang mga ito na kagalitan sya. Magluluto sana sya ng agahan nya dahil tatlo lamang sila sa munting bahay at alam nya naman halos lahat ng gawaing bahay dahil sa murang edad ay mulat na sya sa kahirapan at ang tanging bumubuhay lamang sakanila ay ang maliit nilang negosyo na bigasan at ang kanilang munting bahay lamang ang pag aari nila.
Ngunit di inaasahang nadatnan nyang naghahanda ng pagkain ang kanyang madrasta at tila sinadya nitong unahan sya sa kusina at may kakaibang ngiti ito sa labi. ayaw nya itong kausap o pansinin manlang sana dahil alam nya na kung ano ang patutunguhan ng makahulugang ngiti nito, naisip nyang sa labas nalang sya ng school mag aagahan tutal ay maaga pa naman.. kaya naman aalis na sana sya kahit di pa nakakapag almusal nang magsalita ang madrasta at pigilan sya.
"Ano di manlang ba kakain ang mahal na prinsesa?! sabagay dagdag palamunin kalang naman dito kaya mas maigi ay wag na nga, dapat nga di kana nag aaral e bagkus ay nag tatrabaho na lamang para makatulong ka saamin ng ama mo" saad ng madrasta. Kahit anong pagtitimpi nya ay kuhang kuha talaga nito ang inis nya, nagpantig ang tenga nya sa narinig kaya naman di nya napigilan ang sarili na sagutin ito.
"Hahaha Ah talaga ba? sino ba satin ang sampid lang dito? sino ba ang mang aagaw at kabit?!" simpleng sagot ni irish habang masama ang tingin nya sa madrasta. nang sabihin iyon ay inihanda nya na ang kanyang sarili sa posibleng mangyare dahil alam nyang gagawa nanaman ito ng eksena gaya ng nakasanayan.
"Aba't sumasagot kapa ha!! bastooos kaa!. lumapit ng mabilis at pasugod ang ginang sabay hatak sa buhok ni irish. naiiyak man sa sakit ng anit ay di sya nag patalo, natuto syang lumaban dito dahil sa paulit ulit nitong pananakit sakanya hanggang sa sya ay mag dalaga. tinulak nya ito ng malakas kaya malakas din itong lumagalpak sa sahig dahilan para mag simula na itong sumigaw at umarte..
"Allaaaaann!!!. tulungan mo ako!! Aansakit!." sigaw nito kaya agad na lumabas ng silid ang kanyang ama at nakita ang asawa na namimilipit sa sakit ng katawan. masamang pinukulan sya nito ng tingin "Anong nangyayare? ano nanaman ba to Alian?!" Alian ang nakasanayan nitong itawag sakanya dahil katunog ito ng pangalan nya, inis na sabi ng kanyang ama. susubukan nya sanang magpaliwanag pero gaya ng kadalasang mangyare ay di sya nito hinahayaang magpaliwanag.
Tinulungan ng ama na makatayo ang ginang pero agaw atensyon at todo arte parin ang madrasta dahil sa tingin nito'y di sya kakampihan ng kanyang ama. "Allan hayaan mo na ang anak mo, hindi nya talaga siguro ako matatanggap kahit na kailan. sinubukan ko lang naman sya ipaghanda ng almusal bilang pagbawi dahil sa nagawa mong pagbuhatan sya ng kamay kagabi, pero okay lang hahabaan ko pa ang pasensya ko kase parang anak na din ang turing ko sakanya".. mahabang paliwanag ni ginang marites sakanyang ama habang may namumuong luha pa sa mga mata.
Pagak na natawa na lamang sya dahil sa paulit ulit nalang na nangyayare sa loob ng mahigit 13 years na pag sasama nila sa iisang bahay ay palaging ganito ang sinaryo at sanay na sanay na sya doon, ni hindi nya na makuhang mag explain sa ama dahil alam nya namang di sya nito paniniwalaan tila bulag na bulag ito sa pagmamahal sa bruhang madrasta. Walang ekspresyong nakatitig na lamang sya sa dalawang tao sa harap nya, kahit sanay na sya ay may kirot padin kung minsan sa puso nya. kung bakit di manlang sya nito kailanman kinamusta kung ayos lang ba sya o kahit sana hayaang maglabas ng saloobin manlang.
"Umalis kana at atupagin mo nalang ang pag aaral mo ng sa ganon ay may patunguhan naman ang buhay mo!".. singhal ng ama. dahil sa narinig ay tahimik na nakangiti ang madrasta sensyales na muli nanaman itong nagtagumpay sa pag sira sakanya sa sariling ama. Hinawi nya ang buhok mula sa pag kakagulo nito at dinampot ang bag para umalis gaya ng gusto ng kanyang ama.
Padabog syang umalis kahit hindi pa kumakain. dahil sa nangyare maaga syang nakarating sa school, Ang Jose Rizal High School. isa ito sa public school sa Pasig city pero one of the biggest high school in the philippine history. Napakalawak nito at may higit 9,000 students ang kasalukuyang nag aaral dito. dito nya napiling mag aral dahil dito may magandang scholarship na handog para sa mga studyanteng may matataas na grado.
Naglalakad na sya patungo sa Room sana nya nang may mapansin syang nagkakagulo at nagkukumpulan na mga studyante, at dahil medyo chismosa sya ay naki usisa nadin sya kung ano ang pinagkakaguluhan ng mga ito.
"Tabi!..tabi padaan!.. ano meron dito?" tanong nya ng makita ang isa nyang classmate na babae. "Nako irish late ka nanaman sa balita, alam mo bang darating mamaya ang bago nating professor at di lang yon isa din sya sa mga malakihang ambag dito sa school natin, sya yung nag iisponsor saating mga scholars!" tila excited na saad ng classmate nyang si kate sabay turo sa Announcement letter na nakapaskil sa board ng campus nila.
"At at at alam mo ba kung gano ito kagwapo? kyaaaaaahhh! juicecolored sobrang hot nya din sikat na sikat sya sa mga billboard dahil maipluwensya syang negosyante at model ng mga sikat na pabango dito sa pinas, kaya ang swerte lang natin pag satin sya makakapagturo hays wish ko lang talaga irish".. kilig na kilig na mungkahi nito at may pasigaw pa na soferrr OA.
"Ah ganun ba?! Sigurado matanda na yan kase andami nya ng narating sa buhay kaya dream on kate" sabay irap nya sa classmate. "hmm tara na nga ang aga aga nag susungit ka, pamat*ay ng kaligayahan ang atake mo sis!" saad pa nito sabay sukbit ng kamay sa braso ni irish.