Share

Chapter 2

Diyos ko huwag niyo pababayaan ang anak ko. Sabi naman ni Aling Agnes na labis ang pag alala dahil dalawang araw na ang lumipas subalit wala paring balita.

Bigla naman tumunog ang cellphone ni Mang Leandro. At agad naman niya sinagot habang naninigarilyo ito sa labas nang kanilang bahay.

At agad naman siyang nabigla ng malamang nasa maynila si Zara.

“Ate, noong tumawag ako sainyo, sinabi niyo na wala si Zara diyan, at ngayon sasabihin niyong nandyan siya.?” Galit na sabi ni Mang Leandro sa kanyang ate lucia.

“Leandro. Makinig ka"!Ayaw nang anak mong malaman ninyo na nandito siya.” Paliwanag naman ni Tita Lucia sa kanya.

“Bakit? Anu bang dahilan? tanong naman niya ulit at labis din nagtaka.

Bigla naman dumungaw sa may bintana si Aling Agnes nang bigla niyang marinig ang pangalan ni Zara.

“Leandro si Zara ba yan?” Tanong naman niya sa asawa. Subalit parang walang narinig si Leandro at naka fucos siya sa usapan nila ng kanyang Ate Lucia.

At labis naman siyang nabigla at agad nag iba ang kanyang mood. Dahil sa narinig sa kapatid na niloko lang ni Mateo ang Anak. At ang isa pang masakit na katotohanan ay kaibigan pang matalik ng kanyang anak.

At nakiusap naman si Tita Lucia na huminahon ito. At huwag munang padalos dalos.

Agad naman kinuha ni Aling Agnes ang cellphone ng asawa ng bigla niyang makita ang asawa na nagpipigil ng galit.

“Ate, anu bang nangyari bakit galit na galit si Leandro.” Nag alalang sabi naman ni Aling Agnes sa kausap.

“Agnes pigilan mo ang asawa mo baka susugurin ang manugang mo at baka mapatay pa niya” Hiyaw naman ni Tita Lucia sa kabilang linya.

“Bakit Ate?” Naguguluhang sabi ng ginang.

“Si Mateo may relasyon sila ni Elane, si Zara mismo ang naka saksi sa mga ito. Kaya siya biglang napaluwas? Dogtung pa niya. Hindi nga nagkamali si Tita Lucia at agad na umalis si Mang Leandro at sinugod nga ang manugang.

Dali daling hinabol ni Aling Agnes ang Asawa.

“Hayop na lalaki na iyan” Wala siyang karapatang saktan ang anak ko"! Sabi ni Mang Leandro at nagtihim ang mga bagang at galit na galit ito.

“Leandro"! Tawag naman ni Aling Agnes sa Asawa pero parang walang narinig ang matanda at patoloy parin siyang humakbang patungo sa bahay nina Mateo.

Tamang tama naman sa pagdating ni Mang Leandro nasa labas si Mateo at Elane. At nagkunwaring dinadamayan niya ang asawa ng kaibigan. Para ipakita sa Ina nito ang pagdamay sa pamilya nila.

Nabigla sila ng biglang suntokin ni Mang Leandro si Mateo at sa panga ito tinamaan. At agad naman sila inawat ng dalawang babae. At agad din dumating si Aling Agnes.

At inulit pang sapakin ni Mang Leandro ang lalaki hanggang sa may dugo ng lumabas sa kanyang bibig.

“Hayop ka Mateo"! Sigaw ni Mang Leandro.

“Bakit mong nagawang lukuhin ang anak ko. Sigaw pa niya ulit dito at biglang nagulat si Veronica at Elane sa narinig.

“Teka lang"Leandro di kita maunawaan Bakit muna man nasabi iyan sa anak ko?” Anung niluko.” Agad -agad naman sabi ni Veronica sa kaharap habang nasa likod niya ang kanyang anak.

“Iyang magaling mong anak at iyang malanding kaibigan ng anak ko nahuli ng anak kung may relasyon sila Sabi naman agad ni Aling Agnes kay Veron habang tinuturo si Elane na nasa likod din niya na naka alalay kay Mateo.

“Anu? Sagot bigla ni Veron sa kaibigang si Agnes.

“Nagulat karin anu? ” ganoon din ako Veron. Akala ko iyang anak mo mabait Iyon pala gago siya? Sabi pa ulit ni Aling Agnes at napuno na din ng galit.

“Totoo ba ito Mateo? Baling niya sa anak.

Hindi makatingin ng deretso si Mateo sa ina. At ganoon din si Elane.

“Bakit di kayo makatingin saakin ng deretso? Totoo ba?” Sigaw ni Aling Veronica at bigla din napaiyak sa pagka disappointed niya sa anak.

“I’m sorry Inay’” Pero totoo po Agad naman sabi ni Mateo.

Na agad naman nagpainit sa dugo ni Mang Leandro. Susugurin pa sana niya si Mateo pero agad ng inawat siya ni Aling Agnes.

marami din ang mga kapit bahay nila ang nakapaligid sa kanila dahil sa hiyawan nila.

Humingi din ng dispensa si Elane sa inay ni Mateo at ganoon din kina mang Leandro at Aling Agnes.

Nang bigla naman mapansin ni Aling Agnes na pinagtitinginan na sila ng mga kapit bahay napilitan silang umuwi nalang sa kanila. Dahil sa kahihiyan.

Agad naman pina uwi ni Aling Veron si Elane. At nagalit din siya dito dahil hindi niya akalain na magagawa niya sa kanyang matalik na kaibigan ang pagtaksilan ito.

“Inay, hindi kasalanan ni Elane na pagtaksilan niya ang asawa ko” Ako po ang may kasalanan.” Pagtatanggol niya kay Elane. Habang namimilipit ito sa sakit sa panga dahil sa pagkakasuntok ni Leandro dito……….

Isang ĺinggo ang dumaan. Nakabalik na ng kanilang bahay si Tricia galing bakasyon kasama ang amo nito. Isang secretarya ng isang mayamang business man si Tricia. Maganda at sexy si Tricia. Di katulad siya ng kanyang pinsan na nerd pa at mataba. Kaya pinagpalit ng asawa. Labis siyang natutuwa dahil nakita niya si Zara na nandoon sa kanila. Dahil sobrang namis niya ang pinsan nito.

At labis din siyang nagulat sa ayos nito ng makita si Zara dahil mas lumala ang kanyang pagka badoy. Lalo na at sobrang taba pa nito.

“Pinsan! Grabe ka naman maging confident, ka sana sa sarili mo kasi kaya ka pinagpalit ng asawa mo. Kasi look at your self.” At sabay turo nito sa kanya at nakapamewang.

“Tricia? Tigilan mo na nga iyang pinsan mo” Sabad naman ni Tita Lucia sa anak.

Tahimik lang si Zara. Habang nakikinig sa dalawa.

Maya’t maya pa muli naman nagsalita si Tricia. At pinayuhan ang pinsan na mag diet at magpa ganda.

Bigla naman siya napa isip sa sinabi ni Tricia sa kanya.

“Gusto kung magtrabaho Tricia. Tulungan mo akung makapasok sa pinapasukan mo.” Agad niyang sabi sa pinsan at seryosong nakaharap ito sa kanya. Habang naka upo sila sa kanilang sala.

Kumukuha noon si Zara ng kursong business management kaya lang hindi niya lang natapos dahil maaga itong nag asawa sa idad na benti dos.

“Sige,susubukan kitang ipasok sa kompanya ng boss ko.” Turan ng pinsan habang naglalagay ng lipstik sa kanyang labi.

Pagkaraan ng isang linggo.

“What?” Sigaw ni Dave sa kausap sa telepono. Si Dave Delos Reyes ay isang mayamang business man dito sa bansa isa siyang CEO ng kanilang kompanya. Kapatid ni Ethan Delos Reyes na boss ni Tricia. Magkaiba ang kanilang ugali ni Ethan. Si Dave laging galit at hindi mo makausap dahil palaging naka sigaw. Kaya lang niloko din siya ng naging girlfriend niya. Kaya magmula noon hindi na muling umibig. Fucos lang siya sa kanyang business.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status